Nilagay ni Callan ang daliri niya sa pulso niya. Pagkatapos ng ilang sandali, inalis niya ang kamay niya at nagsabing, "Totoo ngang hindi balanse ang Yin at Yang sa katawan mo. Masyadong maraming Cold Energy sa katawan mo." "Guro, sana'y tanggapin mo ang respeto ko." Kaagad na lumuhod si Cynthia sa lapag at yumuko kay Callan. Diretso itong tinanggap ni Callan. Nang matapos si Cynthia sa pormalidad, ngumiti si Callan at nagsabing, "Sige, tama na yan. Dahil apprentice na kita ngayon, dapat kitang bigyan ng regalo bilang guro mo. Pero wala akong dalang kahit na ano kaya utang ko muna yun sa'yo sa ngayon. Babawi ako sa susunod." "Salamat!" Tumayo si Cynthia. Mukhang naiinggit si Quincy na nakatayo sa tabi. Tumingin siya kay James at nagsabing, "James, ihanap mo rin ako ng guro! Gusto ko ring matuto ng martial arts!" Umirap si James at nagsabing, "Ayos ka lang. Bakit biglang gusto mong matuto ng martial arts? Mahirap yun at hindi makakayanan ang paghihirap." "Hindi sa
Papunta si James sa sementeryo ng mga Caden at gusto ni Thea na sumama sa kanya. Tinignan niya ang oras. Alas-tres pa lang ng hapon at marami pang oras para umuwi bago maghapunan. Nagsabi si Thea, "Kung ganun, pumunta muna tayo sa sementeryo ng mga Caden. Tinawagan ko na ang mga magulang ko at hihintayin nila tayo para sa hapunan." Tumango si James. Umalis ang dalawa at sumakay ng taxi papunta sa sementeryo ng mga Caden. Hindi nagtagal, dumating sila sa sementeryo na dating kinatatayuan ng villa ng mga Caden. Pagkatapos ng insidente sampung taon ang nakaraan, naging sementeryo ang lugar na iyon. May ilang puntod dito. Mataas na ang mga damo sa sementeryo at halatang walang naglinis sa lugar kamakailan. Direktang naglakad si James papunta sa puntod ng tatay niya. Nangyari ang pagkamatay ng ama niya bago sinunog ang villa ng mga Caden. Noon, nilabanan ng ama niya ang lolo niya dahil kay Rowena. Sa huli, sinumbong ni Rowena ang ama niya sa mga awtoridad at inatake siya
Kaagad nakaramdam ng ginhawa si James.Tiningnan ng Blithe King si James at tinanong, “Anong nangyayari, James? Bakit walang laman ang mga libingan?”“Mahabang istorya. Masyadong komplikado. Hindi ko pa ito nalulutas. Tanging ang Lolo ko lang ang nakakaalam ng buong kwento. Subalit, mailap siya. Ilang bses ko pa lang siya nakikita at wala akong pagkakataon na tanungin sa kanya ang tungkol sa mga bagay na ito.” “Binabati kita.” Ngumiti ang Blithe King.Ngumiti ng bahagya pabalik si James. Nakahinga din ng maluwag si Thea. hinawakan niya ang kamay ni James at sinabi, “Mahal, buhay pa ang pamilya mo. pagkatapos ng lahat ng ito, mabubuo na rin muli ang ating pamilya. Hindi ko pa nakikita ang tatay mo, kaya hindi ko alam kung anong klaseng tao ba siya. Madali ba siyang pakisamahan? Isa pa, ang nanay mo…”“Hindi ko pa nakita ang nanay ko noon pa man.” May malungkot na ekspresyon si James. Wala siyang alaala ng kanyang ina. Hindi niya ito maalaala o kaya ay narinig na nabanggit ito
Ang ugali ng mga Callahan ngayon ay tuluyan nag nagbago mula noong ikinasal si James sa kanilang pamilya. Ngayon, parang diyos na ang turing nila sa kanya.Marami sa mga Callahan ang lumapit upang batiin siya.Tumango si James bilang tugon ngunit gaanong nagsalita. Hinawakan siya Thea sa may braso at pumasok sa loob ng villa.Sa loob ng sala, ilang malaking lamesa ang nakahanda.Tinuktok ni Lex ang kanyang tungkod at inutos, “Dalian niyo na at ilabas niyo na ang wine na tinago lko ng tatlumpung taon. Ngayong araw, ang lahat ay iinom hanggang sa malasing!”“Medyo pagod ako kaya hindi ko kayo masasamahan sa hapunan.”Tiningnan ni James si Lex at nagtungo sa kanyang kwarto pagkatapos magsalita.Nagulat ang mga Callahan.At nung nakaakyat na si James papunta sa kanyang kwarto saka lang sila natauhan. Lumapit si Gladys at hinila si Thea, nagtanong, “Anong nangyayari,. Thea? Mukhang hindi masaya si James.”“Baka pagod lang siya. Marami siyang ginawa at inasikasong bagay nito
Mabilis na tumayo ng kama si Quincy para buksan ang ilaw.Sa sandaling bumukas ang ilaw, nasarahan ang kanyang acupoints, at hindi na siya makagalaw.Kahit na nakabukas na ang ilaw, wala siyang makita.“Finn, hindi na masama ang babaeng ito.”“Siya ang unang nobya ni James at mukhang isa sa mga kalaguyo ni James. Maganda ang relasyon nilang dalawa.”Walang makita si Quincy pero may naririnig siyang boses sa loob ng kwarto.“Sino ka ba, at ano ba ang gusto niyo?” malamig niyang tanong.Subalit, walang sumagot sa kanya.Madilim ang kanyang paningin, at nilagay siya sa loob ng isang sako.Ang Three Wanderers ay dinukot si Quincy at pinagpatuloy ang kanilang plano.Dinukot nila sila Quincy, Cynthia, Tiara, at Scarlett, na kakabalik lang mula sa trabaho. Ang tatlo ay mga fourth-rank grandmasters, kaya madali lang para sa kanila na dukutin ang mga babae. Sa kasamaang palad, ang True Energy ni Callan ay naglaho na, at isa na lang siyang pangkaraniwang matandang lalaki. Kaya nama
Habang nag-aalala si James ang tungkol sa pisikal niyang kondisyon, biglang tumunog ang kanyang phone, na umantala sa kanyang mga iniisip. “Sino naman ang tatawag ng ganito kaaga?” bulong niya.Pagkatapos, naglakad siya papunta ng kamma at pinulot ang kanyang phone mula sa tabing lamesa. Si Callan ang tumawag.Sinagot niya ang phone at tinanong, “Anong problema?”“May problema.” Mula sa kabilang linya ng tawag, isang nag-aalalang boses ang maririnig.Kaagad na nag-alala si James at tinanong, “Anong nangyari?”“Wala na sila.”“Sinong nawawala?”“Wala silang lahat. Pumunta ka dito.”Hindi mapakali si James. Binaba niya ang tawag, lumingon, at paalis na siya sana.“Anong problema, Mahal?” Nagulat si Thea sa ingat at nagising. Umupo siya sa may kama, gamit ang kumot para takpan ang kanyang katawan at tanging ulo lang niya ang nakalitaw.Magulo ang kanyang buhok, at may ilang chikinini sa kanyang leeg.Hindi pa siya tuluyang nagigising at nakatulala lang.“Tumawag si Callan
Habang nagsasalita, lumabas sila ng villa.Ang dalawa at nagtungo sa garahe at nagtungo sa lugar ni Cynthia.Hindi nagtagal, lumitaw sila sa labas ng villa ni Cynthia. Nakaupo si Callan sa sopa sa may sala. Pumasok si James sa loob ng bahay at tanong niya, “Anong nangyari?”Seryosong sinabi ni Callan, “Nung nagising ako ng umaga, gusto ko silang tawagin para magsanay. Subalit, kumatok ako sa pinto ng mga kwarto nila, ngunit walang sumagot. Napagtanto ko na may mali at pinasok ang mga kwarto, ngunit walang mga tao sa loob. “Nawawala silang lahat?” Nagulantang si James. Tumango si Callan at sinabi, “Mhm. Sila Cynthia, Quincy, Tiara, at Scarlett, na kakauwi lang kagabi, ay naglaho na parang bula. Tiningnan ko ang mga kwarto nila at may nahanap akong mga bakas na may pumasok na mga tulisan kagabi.”“Umakyat tayo para tingnan ang lugar.”Lumingon si James at nagtungo sa itaas. Sumunod sola Callan at Thea sa likuran niya. Pumunta muna si James sa kwarto ni Quincy.Ang pintu
Nagprisinta si Thea na pumunta ng Mount Thunder Sect para hanapin si Jackson.Nag-aalala si James dahil ang kasalukuyang kondisyon ni Thea ay espesyal.Nasa loob ng katawan niya ang dugo ng Spirit Turtle at hindi pwedeng makaramdam ng matinding emosyon. Isa pa, hindi niya magamit ang kanyang True Energy at hawak pa niya ang Malevolent Sword. Subalit, ang Mount Thunder Sect ay laging nakatago mula sa mundo.Wala sa mga miyembro mula sa sekta na ito ang gumagamit ng phone. Kahit na meron silang mga phone, wala naman signal sa lokasyon ng Mount Thunder Sect.Hindi rin matawagan ni James si Jackson para hingan ito ng tulong.Ngumiti si thea at sinabi, “Huwag kang mag-alala, magiging ayos lang ako. Alam ko ang limitasyon ko. Hindi ka pa pwedeng umalis, at ako lang ang pwedeng gumawa nito para sayo.”Nag-isip ng mga ilang sandali si James at saka sinabi, “Sige. Tatawagan ko ang Blithe King para maghanda ng isang military plane para samahan ka papunta ng Mount Thunder Sect.” “Hindi