Kabanata 1283
Kaagad nakaramdam ng ginhawa si James.

Tiningnan ng Blithe King si James at tinanong, “Anong nangyayari, James? Bakit walang laman ang mga libingan?”

“Mahabang istorya. Masyadong komplikado. Hindi ko pa ito nalulutas. Tanging ang Lolo ko lang ang nakakaalam ng buong kwento. Subalit, mailap siya. Ilang bses ko pa lang siya nakikita at wala akong pagkakataon na tanungin sa kanya ang tungkol sa mga bagay na ito.”

“Binabati kita.” Ngumiti ang Blithe King.

Ngumiti ng bahagya pabalik si James.

Nakahinga din ng maluwag si Thea. hinawakan niya ang kamay ni James at sinabi, “Mahal, buhay pa ang pamilya mo. pagkatapos ng lahat ng ito, mabubuo na rin muli ang ating pamilya. Hindi ko pa nakikita ang tatay mo, kaya hindi ko alam kung anong klaseng tao ba siya. Madali ba siyang pakisamahan? Isa pa, ang nanay mo…”

“Hindi ko pa nakita ang nanay ko noon pa man.” May malungkot na ekspresyon si James.

Wala siyang alaala ng kanyang ina. Hindi niya ito maalaala o kaya ay narinig na nabanggit ito
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP