Dumating si Thea sa suburbs ng Terentville at hindi siya gaanong malayo mula sa Mount Thunder Sect. Tumingin siya sa mga sundalo ng Blithe army sa likod niya, at sinabing, "Hintayin niyo ako dito." "Masusunod." Tumango sila. Habang hawak ang Malevolent Sword, inangat ni Thea ang kanyang ulo upang tumingin sa bundok na puno ng niyebe sa malayo. Nitong nakaraang dalawang araw, nagkaroon ng matinding labanan dito, at ang buong rehiyon ay walang awang pinaulanan ng mga bomba ng mga combat aircraft. Subalit, natakpan na ng makapal na niyebe ang lahat ng bakas ng naganap na labanan. Nagsimulang maglakad si Thea patungo sa direksyon ng bundok sa malayo. Kahit na binalak niyang akyatin ang bundok noong umpisa, nagdesisyon siya na huwag na lang itong gawin pagkatapos niyang pag-isipan ang tungkol dito. Hindi niya magagawang lakbayin ang ilang kilometro kahit na abutin pa siya ng isang buong araw. Isa pa, malubha ang sitwasyon sa Cansington. Nag-aalala siya na baka tawagan ng mga
Kilala din sa pangalan na Demonic Sword Art ang Demonic Sword, na isang sword technique. Ang sword technique na ito ay ginawa ng Malevolent King noong nawala siya sa kanyang sarili habang nakakulong siya sa loob ng Snow Cavern sa loob ng halos isang siglo. Hindi alam ni Thea kung gaano kalakas ang sword technique na ito. Ang tanging alam lang niya ay nag-iwan ng isang mensahe ang Malevolent King, at iyon ay ang i-cultivate ang Demonic Sword ng may pag-iingat. Kahit na alam ni Thea na ang pagku-cultivate sa Demonic Sword ay lubhang mapanganib gawin at maaari itong magdulot ng Energy Deviation, hindi niya mapigilan ang pagnanais na makuha ito. Gaya ng mahihirap na naghahangad ng yaman at kapangyarihan, ang pagnanais na makuha ito ay nagmumula sa kaloob-looban ng kanyang kaluluwa. Nag-ikot-ikot siya sa labas ng Mount Thunder Sect sa loob ng ilang oras bago siya nakakita ng pagkakataon na pumuslit papunta sa lihim na lagusan ng Mount Thunder Sect. Pagpasok niya sa lagusan, bumi
"Boss, malapit na tayo sa Mount Morinbourg. Walang pumupunta sa gubat na 'to. Kapag nakuha na natin ang pakay natin, pupuslit tayo papunta sa Mount Morinbourg. Kahit na mahusay si James sa pangangalap ng impormasyon at sa paghahanap, hinding-hindi niya tayo mahahanap.” “Mhm.” Si Finn Leo, ang pinuno ng mga bandido, ay tumango at sinabing, “Felix, dalhin mo sila at humanap ka ng tagong lugar na pwede nating pagtaguan. Sasabihan ko si James na pumunta para sa negosasyon. Aalis tayo agad sa oras na makuha natin ang pakay natin. Kapag ligtas na ako, sasabihan ko kayo agad.""Masusunod, Boss." Hinintay ni James na dumating si Jackson sa bahay ni Newton. Sa may gate ng villa… Binuksan ni James ang gate para kay Jackson. "Mr. Cabral, sa wakas nandito ka na. Makakahinga na rin ako ng maluwag." Ang sabi ni Jackson, "Pagkatapos kong matanggap ang balita mula kay Thea, nagmadali ako agad na pumunta dito. Tinawagan kita agad noong makababa ako sa eroplano.""Oo nga pala, nasaan si
”James, sa tingin ko hindi natin dapat ibigay ang core sa kanila. Dapat maghanda tayo ng pamalit dito. Kung tutuusin, hindi alam ng kalaban natin kung ano ang itsura ng tunay na core ng Spirit Turtle," ang sabi ni Callan. Pagkatapos niyang mag-isip sandali, sinabi ni James na, "Pero, paano kung mabisto nila ang plano natin at magsimula silang kumilos?" "Hindi nila gagawin 'yun," ang sabi ni Callan. "Determinado silang makuha ang cora. Hangga't hindi nila ito nakukuha, hindi sila mangangahas na kumilos ng masama." Nagsalita din si Jackson, "Tama si Callan. Masyadong mahalaga ang core ng Spirit Turtle. Hindi mo 'yun pwedeng basta na lang ibigay sa kanila. Huwag kang mag-alala. Siguradong maililigtas natin ang mga bihag kung mahina ang mga kalaban. Kung sabagay, kung mga malakas na martial artist sila, dapat sinugod na nila tayo sa halip na gumamit sila ng ganitong taktika."Tumango si Newton at sumang-ayon. "Tama si Mr. Cabral." Pagkatapos nilang magplano, nagtungo sila sa Moun
"Nasaan sila?" Tinanong ni Jackson si Finn. "S-Sa may bundok…"Takot mamatay si Finn. Hindi siya nangahas na kumilos ng masama. "Dalhin mo ako sa kanila." "S-Sige…" Tumayo si Finn at dinala niya si Jackson papasok sa Mount Morinbourg. Samantala, bumalik ang helicopter at lumapag ito sa isang bakanteng lote. Bumaba si James mula sa helicopter. Makikita ang pag-aalala sa kanyang mukha, at sinabi niya na, "Maililigtas kaya sila ni Mr. Cabral." Pinakalma siya ni Callan, "Huwag kang mag-alala, si Jackson ang Sect Leader ng Mount Thunder Sect. Madali lang para sa kanya ang talunin ang isang grupo ng mga mahihinang nilalang." Bahagyang tumango si James at naghintay. Paglipas ng halos isang oras, dumating ang ilang tao. Nandoon sila Quincy, Cynthia, Tiara, Scarlett, at Serena. Kasunod nila ang tatlong bandido. Bugbog-sarado at sugatan sila, puno ng mga pasa ang kanilang katawan. Dahil nakatutok ang espada ni Jackson sa kanila, hindi sila nangahas na kumilos ng masama.
Bumibilis ang tibok ng puso ni Thea. "Anong problema?" Noong nakita niya ang ekspresyon ng mukha ni Thea, nagtatakang nagtanong si James. “Huh?” Nagmadaling sumagot si Thea, "W-Wala 'to. Kumain na tayo sa baba."Pagkatapos, hinawakan niya si James sa braso at nagtungo sila sa baba. Hindi naghinala si James. Sa baba, nagtipon ang lahat ng mga miyembro ng pamilya ng mga Callahan, kasama na ang mga pamilya nila Lex, Howard, at John. Marami ring mga mesa. Noong bumaba ng hagdan si James, agad siyang naging sentro ng atensyon ng lahat. Tumayo si Lex at sumigaw, "Manahimik kayong lahat. May ilang bagay lang akong sasabihin." Natahimik ang maingay na sala. Tumingin siya kay James, at sinabi ni Lex na, "Malaki ang naging papel nila James at Thea sa kung ano ang narating ng mga Callahan ngayon…"Sinubukan ni Lex na magpalapad ng papel sa kanila James at Thea. Noong narinig niya ito, bahagyang ngumiti si James. Masigla ang kanilang New Year's Eve. Subalit, kaunti
Pinaliwanag ni James ang kanyang intensyon kay Thea. Noong marinig niya ang paliwanag ni James, medyo sumama ang loob ni Thea. Subalit, hindi siya tumanggi. Sa halip, sinabi niya na, “Sige lang.”Sinabi sa kanya ni Thomas noon na tanging si Cynthia lang ang may kakayahang i-cultivate ang martial art manual na nakatago sa Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge kasama si James.Iyon ay dahil sa pinanganak siya na may Yin body. Samantala, ang pagkucultivate sa 18-meridian diagram ay nangangailangan ng pagsasama ng Yin at Yang. “Mhm.” Binaba ni James ang kanyang phone at nagtungo siya sa bahay ni Cynthia gamit ang kotse ng mga Callahan.Sa bahay ni Cynthia…Isang grupo ng mga tao ang masayang nagkukuwentuhan.“Master, cheers!” Tumayo si Cynthia habang hawak ang isang baso ng wine.Kinuha ni Callan ang baso ng wine.Noong sandaling iyon, tumunog ang doorbell.Nagtatakang nagtanong si Cynthia, “Sino kayang pupunta dito ngayong Bagong Taon?”Pinindot niya ang isang switch sa contr
Binubuo ng siyang na posisyon ang 18-meridian diagram. Ang ilan dito ay kakaiba, habang ang iba naman ay medyo mahalay. Humiga si Cynthia sa yakap ni James.Nilagay ni James ang kanyang mga kamay sa kanyang likod, habang niyakap naman siya ni Cynthia at hinawakan ang kanyang mga kamay.Sinubukang pakalmahin ni James ang kanyang isipan. Pagkatapos, sinimulan niyang gumamit ng True Energy. Pagkatapos maghalo ng kanilang Yin at Yang, sumailalim sa malaking pagbabago ang True Energy. Humina ang epekto nito at maliit lamang ang naging epekto nito sa katawan ni James. Tsaka, ang True Energy na ito ay may kakayahan na ayusin at palakasin ang mga meridian ng isang tao.Di nagtagal, natapos na ang sesyon nila. Tumigil na ang dalawa.Habang namumula si Cynthia, sinabi niya na, “N-Nararamdaman ko na naging mas malakas ang True Energy ko.”Si James, na nakakaramdam ng mainit at komportableng pakiramdam sa kanyang katawan, ay sinabi na, “Kakaiba at misteryoso ang mga posisyon na ‘to. May k