Kabanata 1296
Bumibilis ang tibok ng puso ni Thea.

"Anong problema?" Noong nakita niya ang ekspresyon ng mukha ni Thea, nagtatakang nagtanong si James.

“Huh?”

Nagmadaling sumagot si Thea, "W-Wala 'to. Kumain na tayo sa baba."

Pagkatapos, hinawakan niya si James sa braso at nagtungo sila sa baba.

Hindi naghinala si James.

Sa baba, nagtipon ang lahat ng mga miyembro ng pamilya ng mga Callahan, kasama na ang mga pamilya nila Lex, Howard, at John.

Marami ring mga mesa.

Noong bumaba ng hagdan si James, agad siyang naging sentro ng atensyon ng lahat.

Tumayo si Lex at sumigaw, "Manahimik kayong lahat. May ilang bagay lang akong sasabihin."

Natahimik ang maingay na sala.

Tumingin siya kay James, at sinabi ni Lex na, "Malaki ang naging papel nila James at Thea sa kung ano ang narating ng mga Callahan ngayon…"

Sinubukan ni Lex na magpalapad ng papel sa kanila James at Thea.

Noong narinig niya ito, bahagyang ngumiti si James.

Masigla ang kanilang New Year's Eve.

Subalit, kaunti
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP