Bumibilis ang tibok ng puso ni Thea. "Anong problema?" Noong nakita niya ang ekspresyon ng mukha ni Thea, nagtatakang nagtanong si James. “Huh?” Nagmadaling sumagot si Thea, "W-Wala 'to. Kumain na tayo sa baba."Pagkatapos, hinawakan niya si James sa braso at nagtungo sila sa baba. Hindi naghinala si James. Sa baba, nagtipon ang lahat ng mga miyembro ng pamilya ng mga Callahan, kasama na ang mga pamilya nila Lex, Howard, at John. Marami ring mga mesa. Noong bumaba ng hagdan si James, agad siyang naging sentro ng atensyon ng lahat. Tumayo si Lex at sumigaw, "Manahimik kayong lahat. May ilang bagay lang akong sasabihin." Natahimik ang maingay na sala. Tumingin siya kay James, at sinabi ni Lex na, "Malaki ang naging papel nila James at Thea sa kung ano ang narating ng mga Callahan ngayon…"Sinubukan ni Lex na magpalapad ng papel sa kanila James at Thea. Noong narinig niya ito, bahagyang ngumiti si James. Masigla ang kanilang New Year's Eve. Subalit, kaunti
Pinaliwanag ni James ang kanyang intensyon kay Thea. Noong marinig niya ang paliwanag ni James, medyo sumama ang loob ni Thea. Subalit, hindi siya tumanggi. Sa halip, sinabi niya na, “Sige lang.”Sinabi sa kanya ni Thomas noon na tanging si Cynthia lang ang may kakayahang i-cultivate ang martial art manual na nakatago sa Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge kasama si James.Iyon ay dahil sa pinanganak siya na may Yin body. Samantala, ang pagkucultivate sa 18-meridian diagram ay nangangailangan ng pagsasama ng Yin at Yang. “Mhm.” Binaba ni James ang kanyang phone at nagtungo siya sa bahay ni Cynthia gamit ang kotse ng mga Callahan.Sa bahay ni Cynthia…Isang grupo ng mga tao ang masayang nagkukuwentuhan.“Master, cheers!” Tumayo si Cynthia habang hawak ang isang baso ng wine.Kinuha ni Callan ang baso ng wine.Noong sandaling iyon, tumunog ang doorbell.Nagtatakang nagtanong si Cynthia, “Sino kayang pupunta dito ngayong Bagong Taon?”Pinindot niya ang isang switch sa contr
Binubuo ng siyang na posisyon ang 18-meridian diagram. Ang ilan dito ay kakaiba, habang ang iba naman ay medyo mahalay. Humiga si Cynthia sa yakap ni James.Nilagay ni James ang kanyang mga kamay sa kanyang likod, habang niyakap naman siya ni Cynthia at hinawakan ang kanyang mga kamay.Sinubukang pakalmahin ni James ang kanyang isipan. Pagkatapos, sinimulan niyang gumamit ng True Energy. Pagkatapos maghalo ng kanilang Yin at Yang, sumailalim sa malaking pagbabago ang True Energy. Humina ang epekto nito at maliit lamang ang naging epekto nito sa katawan ni James. Tsaka, ang True Energy na ito ay may kakayahan na ayusin at palakasin ang mga meridian ng isang tao.Di nagtagal, natapos na ang sesyon nila. Tumigil na ang dalawa.Habang namumula si Cynthia, sinabi niya na, “N-Nararamdaman ko na naging mas malakas ang True Energy ko.”Si James, na nakakaramdam ng mainit at komportableng pakiramdam sa kanyang katawan, ay sinabi na, “Kakaiba at misteryoso ang mga posisyon na ‘to. May k
Maghapong abala sila James at Cynthia sa pagkucultivate. Pagkatapos ng maghapong pagsasanay, naging pamilyar na sila sa technique. Dahil naglalabas ng init ang pag-ikot ng True Energy, basang-basa silang dalawa ng pawis. Kaya naman, hinubad ni Cynthia ang kanyang mga damit, isang manipis na pang-ilalim na lamang ang suot niya. Kahit na bata pa siya, maganda ang hubog ng katawan niya. Maganda at kaakit-akit rin ang kanyang itsura. Noong sandaling iyon, bumukas ang pinto. Pumasok sa kwarto si Thea. Noong nakita niya na magkayakap sila James at Cynthia, nanigas siya. Naramdaman ni James na may iba pang tao sa kwarto. Noong napansin niya si Thea sa pinto, nataranta siya, na naging dahilan upang maglaho ang kanyang True Energy. Natigil ang pagkucultivate nila dahil sa biglaang paglalaho ng True Energy ni James, at agad na sumuka ng dugo si Cynthia at James. "A-Anong…!" Noong nakita niya kung gaano kalapit sa isa't isa ang dalawa at ang masikip na pang-ilalim na suot ni
Maraming mga pagsusuri ng mga sinaunang lenggwahe sa internet. Hindi lang iyon, marami ring mga eksperto sa mga sinaunang lenggwahe na susubukang alamin ang ibigsabihin ng mga sinaunang lenggwahe kapag may bayad.Sa kabila ng pananaliksik niya, ilang salita lamang ang nalaman ni Thea. Pagkatapos ay humanap siya ng eksperto sa mga sinauang lenggwahe upang tulungan siya na alamin ang kahulugan ng sinaunang kasulatan na ito. Nalaman niya na mali ang ginagawa niya at ginugulo niya ang lahat.Sa tulong ng isang eksperto, mas mabilis niyang natuklasan ang kahulugan nito. Subalit, dahil nakasalalay dito ang kanyang cultivation, hindi niya kayang paniwalaan ng buong-buo ang pagsusuri ng isang eksperto lang. Kaya naman, humingi siya ng tulong sa mas marami pang eksperto.Pagkatapos, pinagkumpara niya ang mga pagsusuri nila.Noong mapagtanto niya na nagtutugma ang mga pagsusuri nila, nakahinga siya ng maluwag.Noong matapos siya sa pagsusuri sa lahat ng ito, lumipas na ang isang buong araw.
Napalakas na ng husto ang taglay na lakas ni Thea.Naniniwala siya na naibalik na ni James ang True Energy niya. Kung nasunod ang lahat ng mga plano nila, lilisanin na ni James ang Cansington at tutungo na bukas sa Capital.“Hahanapin ko si James.”Hindi na nanatili ng matagal si Thea. Tumalikod na siya para umalis at tumungo sa bahay ni Cynthia.Sa bahay ni Cynthia…Sa buong oras na lumipas, nag-cucultivate si James kasama si Cynthia. Matapos ang dalawang linggo ng cultivation, nagsimula na gumaling ang katawan niya dahil sa tulong ng lakas na nakukuha niya mula sa pinagsanib na Yin at Yang True Energy. Lumakas ang mga meridians niya, at hindi na niya kailangan matakot sa impact ng True Energy. Samantala, dahan dahan bumalik sa rurok ang lakas niya.Sa kuwarto…May ginagawang kakaibang postura ang dalawa.Dalawang magkaibang cultivation method at True Energy ang pinagsama para maging isa. Sa tulong ni James, lumakas din ng husto ang True Energy ni Cynthia. Sa loob ng maikling panahon,
Sawakas, nabawi na ni James ang lakas niya. Hindi na niya kailangan manatili sa tabi ni Cynthia.“Darling, kailan tayo pupunta sa Capital?”Tanong ni Thea habang nakangiti.Hindi niya gusto manatili sa Cansington sapagkat maraming babae dito na nagkaroon ng intimate na relasyon kay James. Gusto niyang umalis sila ni James at pumunta sa isang malayong lugar, malayo sa mga babaeng iyon.“Hindi natin kailangan magmadali.” Sumenyas si James at sinabi, “Kahit na naibalik ko na ang lakas ko, isa pa din akong seventh-rank grandmaster. Maraming eighth-rank grandmaster sa Sol ngayon. Ngayon at nakuha na nila ang core ng Spirit Turtle, lalo na silang lalakas matapos nila ito maabsorb. Hindi ako kumpiyansa na kayo ko silang talunin.”Kailangan ni James na bumalik sa Capital. Marami nga naman siya na dapat asikasuhin doon.Ang pinuno ng mga Tuckson ay nahuli at naikulong sa piitan. Nooon, sinubukan ni James na kalabanin ang mga Tuckson para mapalabas ang mga konektado sa kanila. Sa ganitong paraan
Nagpatuloy si James, “Isa lang ang paraan para maibalik ang lakas mo. Kailangan natin gumamit ng makapangyarihan na enerhiya para maibalik lakas mo. Sa oras na mabawi mo ang lakas mo, natural na gagaling ang mga bituka mo. Pagkatapos, mabubuhay muli ang True Energy sa katawan mo. Sa oras na mabuhay muli ang True Energy sa katawan mo, hindi na ito magiging mahirap para sa iyo na maibalik ang dati mong lakas.”Habang nakatingin kay James, nagtanong si Callan, “Anong naiisip mo na ideya? Iniisip mo ba na gamitin ang mga karayom mo?”Tumango si James. “Oo, magsimula na tayo.”“Sige.” Tumango si Callan.Ang Crucifier, na nakabalot sa braso ni James, ay nalaglag. Habang hawak ang Crucifier, sinimulan ni James ang acupuncture treatment.Pinadaloy ni James ang True Energy niya sa Crucifier. Pagkatapos, itinusok niya ang mga karayom sa katawan ni Callan. Pagkatusok ng unang karayom, nakaramdam ng init na bumabalot sa buong katawan si Callan. Masarap ito sa pakiramdam.Patuloy si James sa pagtus