Umalis si Quincy habang dala ang mga medical formula habang nakasunod sa likod niya si Scarlett.Si Thea, Cynthia at Tiara ang nanatili.Nagtanong si Thea, “Darling, kailan tayo babalik ng Capita?”Sumagot si James, “Stable pa ang sitwasyon sa Capital. Balak ko pumunta doon kapag na-refine ko na ang core ng Spirit Turtle. Napapaisip ako kung kaya ko umabot sa eighth rank.”“Mauna na kaya ako sa Capital para makipagkita kay Maxine? Matitignan ko na din ang sitwasyon sa ancient martial world habang nandoon ako.”Simula ng matapos ang Mount Thunder Conference, matinding pinsala ang inabot ng lahat ng mga sect sa ancient martial world. Kahit ngayon, wala pang balita na dumadating.Gusto tulungan ni Thea si James, at ang sitwasyon ng ancient martial world ang susi dito.“Magiging okay ka ba?” tinignan siya ni James habang napapaisip.Kakaiba ang sitwasyon ni Thea. Ang dugo ng Spirit Turtle na nasa katawan niya ang nagpalakas ng husto ng lakas niya. Sapat ito para maranasan niya ang Energy D
Matinding pagnanasa ang naramdaman ni James sa oras na sinimulan niya ang pag absorb at refine sa core ng Spirit Turtle. Agad siyang tumigil.Matapos ang ilang sandali, inilabas niya ang phone niya at tinawagan si Thea, na papunta na sa airport. Matapos makita na si James ang tumatawag, napabulong si Thea, “May nangyari ba?”“Ganito ang nangyari, Thea. Habang inaabsorb ko ang core ng Spirit Turtle, kumulo ang dugo ko, at matinding mga pagnanasa ang naisip ko. Naniniwala ako na kapareho ito ng dugo ng Spirit Turtle mo, kaya gusto ko ipadala mo sa akin ang cultivation method ng Ataraxia. Umaasa ako na makakatulong ito sa negatibong epekto ng pag absorb ng core ng Spirit Turtle,” paliwanag ni James.“Sige,” sagot ni Thea, “Ipapadala ko ito sa iyo sa oras na tapos na ako magorganisa.”“Okay.”Ibinaba ni James ang tawag.Samantala, matapos ang panandaliang pag-iisip, itinype ni Thea ang cultivation method ng Ataraxia at ipinadala ito kay James.Matapos matanggap ni James, sinimulan niya ang
“Oh? Kooperasyon?”Yasmine Lee, ang matriarch ng mga Lee ay tinignan si Maxine at ngumisi, “Paano mo plano makipagkooperasyon sa amin?”Sumagot si Maxine, “Technically, nakahiwalay dapat ang Ancient Four sa mundo sa labas, pero ang katotohanan ay kabilang tayong lahat sa mga business na nagaganap sa labas. Base sa nalalaman ko, ang mga business ng mga Lee ay nalulugi na kamakailan lang. Kahit na maliit lang ang tiyansa na mabankrupt kayo, malinaw pa din na kinakaharap ng business ninyo ay liquidity.”“Hmph!” ngumiti ng kaunti si Yasmine, “Hindi iniisip ng mga Lee ang business sa labas. Bukod pa dito, hindi kami nagkukulang sa pera. Malaking halaga ang naipon namin sa nakalipas na mga taon. Kahit na mabankrupt ang mga business namin, makakasurvive pa din kami sa loob ng ilang mga siglo.”Sa oras na ito, tumunog ang phone ni Maxine.“Paumanhin saglit.”Inilabas ni Maxine ang phone niya at lumakad palayo. Matapos makita na si Thea ang tumatawag, bumulong siya, “Anong problema, Thea? May n
Kinilabutan si Maxine sa mga sinambit ni Thea.Hindi niya inaasahan na may sasabihin na ganito si Thea.“Thea?” napatingin siya kay Thea habang naguguluhan.Ngumiti si Thea, “Nagbibiro lang ako. Pero Maxine, kailangan mo galingan. Maraming kalaban ang nakapaligid kay James. Mabubuhay lamang siya ng tahimik kapag naayos na ang lahat. Kung hindi, hindi magiging maayos ang buhay niya.”“Alam ko.” Hindi na masyadong inisip ni Maxine ang sinabi ni Thea. Sa halip, malungkot niyang sinabi, “Gusto kong tulungan si James. Sinubukan ko… pero masyado akong mahina. Walang willing sa mga Caden na tanggapin ako bilang family head. Tapos ito pang si Luca na dagdadg alalahanin…”Bumuntong hininga ng malalim si Maxine.Nanatiling tahimik si Thea. Kahit na hindi niya gusto si Maxine, alam niya na matalino si Maxine na babae. Sa tulong niya, makakahinga ng maluwag si James. Bukod pa doon, alam niya na may gusto si Maxine kay James. Basta masiguro ni Maxine ang posisyon niya bilang family head, magagawa n
“Luca Caden?” nanigas si Noah.“Mhm.” Tumango si Thea. “Gusto ko malaman ang lahat ng tungkol sa kanya bago lumubog ang araw. Maaari ka ng umalis.”“Masusunod.”Hindi na nanatili si Noah at umalis na.Sa oras na umalis siya sa kuwarto ng hotel, nanghina ang katawan niya. Matapos ang ilang sandali, tumayo siya habang malagim ang itsura niya. Sinusukat niya kung dapat ba niya sabihin sa Leader ang utos ni Thea sa kanya o hindi.Pero, matapos ito pag-isipan, naniniwala siya na hindi naman ito seryoso. Kaya, pinili niya na hindi ito sabihin.Pagkatapos, mabilis siyang umalis at inimbestigahan si Luca Caden.Samantala, naghintay si Thea sa hotel.Magaling si Noah. Hindi nagtagal, at nakabalik siya.“Young Mistress, ito ang lahat ng kailangan mo.”Kinuha ni Thea ang mga dokumento at sinuri ito.Si Luca Caden ay anak ni Bennett Caden at tito nina Thomas at Tobias. Matapos matalo sa pakikipagkumpitensiya kay Lorenzo para sa posisyon bilang Patriarch, nilisan niya ang Capital at kamakailan lan
Confidant ni Luca ang lahat ng mga Caden, na mga dinala niya mula sa Southern Ridge. Sinamahan nila si Luca sa Southern Ridge matapos mabigo na kunin ang posisyon bilang Patriarch noon.Ang ilan sa kanila ay mga Caden na nagmula sa Capital na pinamumunuan ni Karson Caden. Hindi sila natutuwa na si Maxine ang naging family head. Kung kaya’t sinundan nila si Luca.Halos tatlompu silang nagtipon at nagdiskusyon kung paano aasikasuhin si Maxine at papatalsikin mula sa mga Caden.Biga, may malakas na hangin na nagbukas ng pinto. Marami sa kanila ang tumingin sa pinto habang naguguluhan sila.Noong isasara na sana ng isa sa mga nakababatang Caden ang pinto…Swish!Napaatras ang nakababatang Caden na ito at natumba.“Multo!” sigaw niya.Isang tao na naka mala multong maskara ang nagpakita sa labas ng pinto. Puno ng dugo ang masakra at maninigas sa takot ang kahit na sino na makakita nito. Samantala, ang taong ito naman ay nakasuot ng itim na overcoat habang hawak ang mahabang espada sa isang
Pagkatapos, humagalpak ng tawa si Luca sa kamangmangan ng taong nasa harapan niya. Kasabay nito ang pagtawa sa sarili. Napakatagal na niyang itinago ang kanyang sarili sa mundo na kahit ang maliliit at hindi gaanon kahalagang tao ay inuutusan siyang magpasakop sa kanila. Sa isang iglap, dumilim ang mukha niya, at itinaas niya ang kamay para ituro ang daliri kay Thea. "Pahintulutan akong makita kung mayroon kang ng kinakailangan upang mapasuko ako sa iyo." Sa sandaling matapos niyang bigkasin ang mga salitang iyon, humakbang pasulong ang apat na eksperto sa ilalim ng kanyang utos. Lahat sila ay mga grandmaster sa ikaanim na ranggo. Noong pinagsama-sama nila ang mga puwersa, kasinglakas sila ng sinumang grandmaster sa ikapitong ranggo doon. Apat na alon ng enerhiya ang tumama. “Mamatay ka,” wika ni Thea sa paos na boses. Ang pagtataas ng Malevolent Sword, ang nakakatakot na Sword Energy ay sumabog. Sa isang iglap, nabasag ang mga bintana at pinalipad ang mga Caden. Samantal
Sa isang berdeng espasyo sa tabi ng isang kalsada sa mga suburb ng Capital… Isang taong nakasuot ng nakakatakot na maskara at isang itim na kapote ang biglaang tinabihan ng isang matandang lalaki. Ang matandang lalaki ay si Luca. Malakas siyang bumagsak sa lupa. Pagtingin kay Thea na nakatayo sa harapan niya, dumilim ang kanyang nangungunot na mukha. "Sino ka? Bakit mo ako dinala dito?" Si Luca ay natatakot para sa kanyang buhay. Sa harap ng mabigat na Thea, wala siyang hangaring makipaglaban dito. Hindi niya alam kung sino ang taong nasa harapan niya at kung bakit niya ito dinala rito. Naramdaman na lang niya ang paglamig ng kanyang dugo habang dumadaloy ang mga panginginig sa kanyang gulugod. Nakatitig kay Luca, nagsimulang tumahimik ang dugo ni Thea. Alam na alam niya ang kanyang ginagawa."Luca, dalawa lang ang pagpipilian mo: Mamatay o sundin ang mga utos ko." Sinadya ni Thea na magsalita sa paos na boses para lituhin si Luca. "Kahit ipaalam mo lang sa akin kung si