Kaagad nakaramdam ng ginhawa si James.Tiningnan ng Blithe King si James at tinanong, “Anong nangyayari, James? Bakit walang laman ang mga libingan?”“Mahabang istorya. Masyadong komplikado. Hindi ko pa ito nalulutas. Tanging ang Lolo ko lang ang nakakaalam ng buong kwento. Subalit, mailap siya. Ilang bses ko pa lang siya nakikita at wala akong pagkakataon na tanungin sa kanya ang tungkol sa mga bagay na ito.” “Binabati kita.” Ngumiti ang Blithe King.Ngumiti ng bahagya pabalik si James. Nakahinga din ng maluwag si Thea. hinawakan niya ang kamay ni James at sinabi, “Mahal, buhay pa ang pamilya mo. pagkatapos ng lahat ng ito, mabubuo na rin muli ang ating pamilya. Hindi ko pa nakikita ang tatay mo, kaya hindi ko alam kung anong klaseng tao ba siya. Madali ba siyang pakisamahan? Isa pa, ang nanay mo…”“Hindi ko pa nakita ang nanay ko noon pa man.” May malungkot na ekspresyon si James. Wala siyang alaala ng kanyang ina. Hindi niya ito maalaala o kaya ay narinig na nabanggit ito
Ang ugali ng mga Callahan ngayon ay tuluyan nag nagbago mula noong ikinasal si James sa kanilang pamilya. Ngayon, parang diyos na ang turing nila sa kanya.Marami sa mga Callahan ang lumapit upang batiin siya.Tumango si James bilang tugon ngunit gaanong nagsalita. Hinawakan siya Thea sa may braso at pumasok sa loob ng villa.Sa loob ng sala, ilang malaking lamesa ang nakahanda.Tinuktok ni Lex ang kanyang tungkod at inutos, “Dalian niyo na at ilabas niyo na ang wine na tinago lko ng tatlumpung taon. Ngayong araw, ang lahat ay iinom hanggang sa malasing!”“Medyo pagod ako kaya hindi ko kayo masasamahan sa hapunan.”Tiningnan ni James si Lex at nagtungo sa kanyang kwarto pagkatapos magsalita.Nagulat ang mga Callahan.At nung nakaakyat na si James papunta sa kanyang kwarto saka lang sila natauhan. Lumapit si Gladys at hinila si Thea, nagtanong, “Anong nangyayari,. Thea? Mukhang hindi masaya si James.”“Baka pagod lang siya. Marami siyang ginawa at inasikasong bagay nito
Mabilis na tumayo ng kama si Quincy para buksan ang ilaw.Sa sandaling bumukas ang ilaw, nasarahan ang kanyang acupoints, at hindi na siya makagalaw.Kahit na nakabukas na ang ilaw, wala siyang makita.“Finn, hindi na masama ang babaeng ito.”“Siya ang unang nobya ni James at mukhang isa sa mga kalaguyo ni James. Maganda ang relasyon nilang dalawa.”Walang makita si Quincy pero may naririnig siyang boses sa loob ng kwarto.“Sino ka ba, at ano ba ang gusto niyo?” malamig niyang tanong.Subalit, walang sumagot sa kanya.Madilim ang kanyang paningin, at nilagay siya sa loob ng isang sako.Ang Three Wanderers ay dinukot si Quincy at pinagpatuloy ang kanilang plano.Dinukot nila sila Quincy, Cynthia, Tiara, at Scarlett, na kakabalik lang mula sa trabaho. Ang tatlo ay mga fourth-rank grandmasters, kaya madali lang para sa kanila na dukutin ang mga babae. Sa kasamaang palad, ang True Energy ni Callan ay naglaho na, at isa na lang siyang pangkaraniwang matandang lalaki. Kaya nama
Habang nag-aalala si James ang tungkol sa pisikal niyang kondisyon, biglang tumunog ang kanyang phone, na umantala sa kanyang mga iniisip. “Sino naman ang tatawag ng ganito kaaga?” bulong niya.Pagkatapos, naglakad siya papunta ng kamma at pinulot ang kanyang phone mula sa tabing lamesa. Si Callan ang tumawag.Sinagot niya ang phone at tinanong, “Anong problema?”“May problema.” Mula sa kabilang linya ng tawag, isang nag-aalalang boses ang maririnig.Kaagad na nag-alala si James at tinanong, “Anong nangyari?”“Wala na sila.”“Sinong nawawala?”“Wala silang lahat. Pumunta ka dito.”Hindi mapakali si James. Binaba niya ang tawag, lumingon, at paalis na siya sana.“Anong problema, Mahal?” Nagulat si Thea sa ingat at nagising. Umupo siya sa may kama, gamit ang kumot para takpan ang kanyang katawan at tanging ulo lang niya ang nakalitaw.Magulo ang kanyang buhok, at may ilang chikinini sa kanyang leeg.Hindi pa siya tuluyang nagigising at nakatulala lang.“Tumawag si Callan
Habang nagsasalita, lumabas sila ng villa.Ang dalawa at nagtungo sa garahe at nagtungo sa lugar ni Cynthia.Hindi nagtagal, lumitaw sila sa labas ng villa ni Cynthia. Nakaupo si Callan sa sopa sa may sala. Pumasok si James sa loob ng bahay at tanong niya, “Anong nangyari?”Seryosong sinabi ni Callan, “Nung nagising ako ng umaga, gusto ko silang tawagin para magsanay. Subalit, kumatok ako sa pinto ng mga kwarto nila, ngunit walang sumagot. Napagtanto ko na may mali at pinasok ang mga kwarto, ngunit walang mga tao sa loob. “Nawawala silang lahat?” Nagulantang si James. Tumango si Callan at sinabi, “Mhm. Sila Cynthia, Quincy, Tiara, at Scarlett, na kakauwi lang kagabi, ay naglaho na parang bula. Tiningnan ko ang mga kwarto nila at may nahanap akong mga bakas na may pumasok na mga tulisan kagabi.”“Umakyat tayo para tingnan ang lugar.”Lumingon si James at nagtungo sa itaas. Sumunod sola Callan at Thea sa likuran niya. Pumunta muna si James sa kwarto ni Quincy.Ang pintu
Nagprisinta si Thea na pumunta ng Mount Thunder Sect para hanapin si Jackson.Nag-aalala si James dahil ang kasalukuyang kondisyon ni Thea ay espesyal.Nasa loob ng katawan niya ang dugo ng Spirit Turtle at hindi pwedeng makaramdam ng matinding emosyon. Isa pa, hindi niya magamit ang kanyang True Energy at hawak pa niya ang Malevolent Sword. Subalit, ang Mount Thunder Sect ay laging nakatago mula sa mundo.Wala sa mga miyembro mula sa sekta na ito ang gumagamit ng phone. Kahit na meron silang mga phone, wala naman signal sa lokasyon ng Mount Thunder Sect.Hindi rin matawagan ni James si Jackson para hingan ito ng tulong.Ngumiti si thea at sinabi, “Huwag kang mag-alala, magiging ayos lang ako. Alam ko ang limitasyon ko. Hindi ka pa pwedeng umalis, at ako lang ang pwedeng gumawa nito para sayo.”Nag-isip ng mga ilang sandali si James at saka sinabi, “Sige. Tatawagan ko ang Blithe King para maghanda ng isang military plane para samahan ka papunta ng Mount Thunder Sect.” “Hindi
Hindi nila malilinang ang core ng Spirit Turtle sa ngayon.Wala rin naman siyang balak na linangin ito ngayon kaagad. Ang balak niya ay gumawa ng plano pagkatapos na tuluyan gumaling mula sa kanyang mga sugat at manumbalik ng kanyang True energy.Matiyagang naghintay si James sa villa ni Cynthia. Naniniwala siya na ang taong dumukot kay Quincy at sa iba pa ay tatawag uli.Habang naghihintay, hindi siya nanatiling walang kibo.Gamit ang mga pribilehiyo na meron siya, tinawagan niya ang surveillance authorities ng villa district, ngunit hindi sila nakuha sa camera. Tanging ang surveillance lamang sa labas ng villa ang nakakuha ng imahe ng isang itim na sasakyan.Kaagad na tinawagan ni James ang Blithe King at pinakiusapan ito na hanapin ang kinaroroonan ng itim na sasakyan gamit ng mga koneksyon nito.Sa isang iglap, tanghali na.Tumawag ang Blithe King. “James. May impormasyon na ako tungkol sa sasakyan. Pagkatapos lisanin ang villa ni Cynthia, nagtungo ito sa isa pang vil
Hindi gaano maalala ni James. Noong nasa bahay siya ng mga Caden sa may Capital, nabanggit ng kanyang lolo si Xyla.Nabanggit nito na hindi dapat nila ginamit si Xyla para pagbantaan siya.At sa kung ano ang eksaktong nangyari, hindi alam ni James.Natahimik si James.Makalipas ang ilang sandali, tugon nito, “Hintayin na lang natin na siya mismo ang magsabi sayo ng buong kwento. Wala ako sa lugar para sabihin ito sayo.”Huminga ng malalim si James. Base sa tono ng pananalita ni Newton, mukhang may alam siya sa kung ano ang nangyari tatlumpung taon na ang nakakaraan.Subalit, dahil sa ayaw nitong pag-usapan ang tungkol dito, hindi na nagpumilit pa si James. “Kilala mo ba kung sino ang dumukot kay Serena?” tanong ni James.Umiling ssi Newton at sinabi, “Hindi. Nakatulog ako ng mahimbing kagabi, at nung nagising ako, jhalos tanghali na. Hindi ko nakita si Serena at akala ko ay umalis lang siya, kaya hindi ko naisip na may nangyari na pala. Kung hindi kayo pumunta para ipaalam