Kabanata 1279
Nang marinig ito, ibinalik ni Cynthia ang core kay James. "Kunin mo na'to, James. Mukhang napakahalaga nito. Baka masira ko pa to."

Kinuha ito ni James at itinabi ito.

"Siya nga pala, bagong taon na bukas. Saan mo balak magdiwang nito, James?" Binago ni Quincy ang usapan at tumingin kay James.

"Sa bahay ko, syempre." Tinignan ni Thea si Quincy at hinawakan ang kamay ni James. Mapagmataas niyang tinaas ang mukha niya na para bang inaanunsyo niyang sa kanya si James at hindi na dapat umasa pa si Quincy.

Hindi gustong bumalik ni James sa mga Callahan dahil sakim sila sa kapangyarihan.

"Hindi ako babalik sa mansyon ng mga Callahan," sabi ni James.

"Bakit?" Kaagad na hindi natuwa si Thea.

Sabi James, "Tungkol sa opisyal nating relasyon, divorced na tayo, kaya hindi nababagay para sa'kin na bumalik sa mansyon ng mga Callahan. Balak kong hanapin si Newton at magpalipas ng bagong taon kasama niya."

May balak si James na hanapin si Newton.

Ang pinaka-dahilan nito ay gusto niy
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP