Pagkatapos iligtas si Callan, bumalik si James sa Mount Thunder Sect na gumuho na. Sinalubong siya ng ingay ng matinding labanan nang makalapit siya. Ng maramdaman ang labanan, mabilis na lumapit si James. Nang makalapit siya, nadiskubre niya na isa itong matinding labanan sa pagitan ng ilang mga tao. May dalawang elders na napapalibutan at inaatake ng ilang mga indibidwal. Kilala ni James ang dalawang elder. Ang isa ay si Tobias, at ang isa naman ay si Bennett.Kabilang sa ilang mga tao na nakapalibot sa dalawa, isa lang ang nakilala ni James sa kanila. Siya si Yaakov, ang Grand Patriarch ng mga Johnston, a.k.a. Mr. Yaakov. Ang mga taong ito ay sugatan na, at ang kanilang mga True Energy ay kasalukuyang mababa, kaya hindi sila ganun kalakas.Kaagad na sumugod si James at sinigaw, “Anong ginagawa niyo? Tumigil kayong lahat!”Ang kanyang sigaw ay kasing lakas ng kulog. Ang mga tenga ng mga tao na naglalaban ay namingi, at mabilis silang umatras. Sa may sentro ng labanan…Sil
Habang umalingawngaw ang boses, hindi mabilang na mga kamao na gawa sa enerhiya ang nabuo at bumulusok papunta sa kanila ng may malakas na pwersa. “Ang Blithe Fist of Abomination?”Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni James at binunot niya ang Blade of Justice. Sa isang kisapmata, lumitaw siya sa unahan. Ang hawak niyang longsword ay naglabas ng isang nakakasilaw na Sword Energy, na humarang sa lahat ng mga nakakatakot na mga suntok. Ang taong papalapit ay walang iba kung hindi ang Grand Patriarch ng Blithe Family, na si Winston Blithe. Sugatan na siya, at ngayon naman ay tumalsik siya dahil sa Sword Energy ni James. “Haha. Magaling ang ginawa mo, James.”Tumawa ng malakas si Bennett bago mabilis na naglaho mula sa lugar kasam ni Tobias.“Bwisit,” himutok ni Winston.Gusto niyang habulin ang mga ito, pero nakaharang si James sa kanyang daraanan. Hindi rin niya kayang gumawa ng kopya niya para habulin ang mga ito.“Patay ka na ngayon, bata.” Pinanlisikan ni Winston si
”Nakakainis ang technique na ‘yun.”Sumama ang tingin ni Yaakov noong nakita niya na naging kulay tanso ang katawan ni James.Hinigpitan niya ang hawak niya sa kanyang espada, at sa isang iglap ay sumulpot siya sa harap ni James.Kasing bilis ng kidlat ang kanyang mga kilos.Hindi man lang nagkaroon ng oras si James na kumilos bago niya naramdaman na nakadiin sa dibdib niya ang espada ni Yaakov.Buti na lang ay ginamit niya ang Invincible Body Siddhi, at tumibay ng husto ang kanyang depensa. Sa kasalukuyang lagay ni Yaakov, halos hindi niya magagalusan si James.Kahit na hindi bumaon sa katawan ni James ang espada ni Yaakov, tumalbog pabalik kay Yaakov ang pwersa ng atake at nakaramdam siya ng malakas na pagyanig sa buong katawan niya. Gumewang ang katawan niya mula sa lakas ng pwersa ng sarili niyang atake.Nawasak ng pwersa nito ang malalaking bato sa lupa at bumulusok ang alikabok sa hangin.“Ano ‘to?” Gulat na gulat si Yaakov.Kahit na sugatan siya at matanda na siya, isa
Nagulat si James.Mabilis niyang itinulak ang kanyang espada papunta kay Yaakov. Binunot ni Yaakov ang kanyang espada at tumalon siya paatras upang iwasan ang atake ni James. Tumingin sa baba si James at nakita niya na tumutulo ang dugo mula sa kanyang dibdib. Tumagos ang atake ni Yaakov sa depensa niya at nagawa siyang sugatan nito. Buti na lang, hindi malubha ang tinamo niyang sugat. "'Yan lang ba ang kaya ng isang eighth-ranked grandmaster?" Alam na ngayon ni James kung gaano kalakas si Yaakov."Sige, kung ganun. Tingnan natin kung magugustuhan mo 'to!" Tumalon pataas si James at umangat ang katawan niya ng ilang metro mula sa lupa sa isang kisap-mata. Nagsimulang lumiwanag ang Blade of Justice sa kanyang mga kamay, at nagsimulang mabuo ang mga Sword Energy. Sa isang iglap, labintatlong Sword Energy ang umikot sa ere sa harap niya. Lumutang ang mga ito sa ere at kumislap ang mga talim ng mga ito na para bang kaya ng mga ito na hatiin ang langit at ang mundo. “Ang
Si Yaakov ay isang eighth-ranked grandmaster ngunit marami siyang tinamong mga sugat mula sa mga nauna niyang laban. Habang abala siya sa mga atake mula sa Thirteen Heavenly Swords ni James, sinamantala ni James ang pagkakataong ito at pumunta siya sa likod ni Yaakov. Diniin niya ang Blade of Justice sa likod ni Yaakov. Napahinto si Yaakov. Hindi siya makapaniwala na matatalo siya sa isang bata na gaya ni James. "Talo ka na, tanda." Isang boses na kasing lamig ng espadang nakadiin sa kanyang likod ang nagmula sa likuran niya. Hindi bumaon sa katawan ni Yaakov ang espada ni James ngunit madali niya itong magagawa kapag ginalaw niya ito kahit kaunti. "Natalo ako?" Napanganga si Yaakov.Tahimik na pinanood ng mga miyembro ng pamilya ng mga Lee at ng mga Sullivan ang eksenang ito. Hindi maipinta ang mga mukha nilang lahat. Si Yaakov Johnston, na kilala bilang isang walang kapantay na grandmaster sa loob ng isang daang taon, ay natalo ng isang lalaki na wala pa sa kalah
“Grand Patriarch Yaakov!!!”Agad na sumugod ang mga Johnston papunta kay Yaakov.Patuloy ang pagdurugo ng dibdib ni Yaakov at nahirapan siyang huminga.Dumanak ang dugo niya sa lupa.Dahan-dahang inalalayan ng mga miyembro ng pamilya niya si Yaakov.“Haha…”Alam ni Yaakov na mamamatay na siya ngunit masaya siya na naidispatya niya ang isang balakid sa pamilya niya bago siya mamatay.Tumawa siya ng tumawa hanggang sa huling hininga niya.“Ahh, Grand Patriarch…”Nagsimulang umiyak ang mga Johnston.Samantala, bumagsak sa lupa si James at nawalan ng malay.Whoosh!Sa mga sandaling iyon, isang tao ang mabilis na tumakbo papunta kay James.Ito ay si Simon na palihim na pinapanood ang lahat ng nangyari.Agad niyang hinawakan ang kamay ni James at pinakiramdaman niya ang kanyang pulso.Kasunod nito, sumugod din si Jackson papunta kay James at nagtanong siya, “Kamusta ang lagay niya, Lolo?”Seryosong sumagot si Simon, “Hindi maganda ang lagay niya. Nasira ang mga meridian niya,
Walang gaanong naitulong si Simon sa laban upang patayin ang Spirit Turtle. Subalit, nagawa niyang makakuha ng isang core gamit ang pambihira niyang lakas. Gayunpaman, marami siyang nagamit na True Energy sa pagpapagaling kay James at bahagya siyang napagod pagkatapos niyang gawin ito. Kahit na uminom siya ng isang elixir at nakabawi siya ng kaunting True Energy, malaking bahagi ng kanyang True Energy ang nagamit niya, at imposibleng bumalik agad ang lakas niya sa loob ng napakaikling panahon.Tahimik niyang binantayan si James. “Tsk, tsk. Simon.”Habang nakaupo si Simon at hinihintay si Jackson na mahanap ang mga Caden para makahingi ng tulong, isang nakakapangilabot na halakhak ang nagmula sa likod niya. Narinig niya ang tunog na ito at lumingon siya. Isang grupo ng mga tao ang palapit sa kanya. Higit sa dalawampung tao ang palapit, at pinangungunahan sila ni Lucjan. Ang mga tao ito ay nakasuot ng itim na balabal at may mga itim na maskara. Ang mga taong ito ay mga
Nagawa rin niyang makakuha ng isang core gamit ang kanyang lakas at sa tulong na din ng mga tauhan niya. Ngayon, balak niyang kunin ang mga core na nakuha ng ibang tao. Subalit, hindi siya sigurado kung sinu-sino ang nakakuha ng core. "Sulit talaga ang isang 'to. Pagkatapos kong gamitin 'to, malaki ang madadagdag sa lakas ko, at abot kamay ko na ang realm ng ninth rank." Ngumiti si Lucjan at agad siyang umalis upang hanapin ang ibang tao na posibleng nakakuha ng piraso ng core. Hindi na siya nag-abalang habulin sila James at Simon dahil ang mga tauhan niya ay mga malalakas na miyembro ng Gu Sect.Ang pinaka mahina sa kanila ay nasa peak ng sixth rank, at marami sa kanila ang nasa seventh rank. Si Simon, na kasalukuyang mababa ang True Energy, ay siguradong mahihirapang tumakas habang hinahabol nila siya. Pagkatapos umalis ni Jackson, nagmadali siyang hanapin sila Bennett at Tobias. Noong sandaling iyon, nakalabas na sa teritoryong sakop ng Mount Thunder Sect ang dalawa.Nil