”Tapos ka na bang basahin ang manual?” Ang tanong ni Bennett.Tinuwid ni James ang kanyang sarili at tumingin siya kay Bennett na may masayang ngiti sa kanyang mukha. Tumango siya at sinabing, “Oo, tapos na ako.”“Ngayon, sabihin mo sa’kin kung anong natutunan mo pagkatapos mo itong basahin ng isang beses.”Nag-isip sandali si James at binuka niya ang kanyang bibig. “Napakalalim ng swordsmanship technique na ito. Hindi lang ito isang simpleng technique at maaari itong hatiin sa dalawang bahagi. Ang una ay swordsmanship, at ang pangalawa ay tungkol sa paggamit ng enerhiya upang kontrolin ang espada. Ang susi dito ay ang kumilos ng napakabilis. Kailangan napakabilis ng swordsmanship ng isang tao upang madagdagan ang bilis nito. Ang espada ang nagsisilbing medium para sa True Energy upang maging Sword Energy ito. Ang Thirteen Sword Realms ang kumakatawan sa Thirteen Sword Energies.”Pinaliwanag ni James ang pagkakaintindi niya sa mga technique na nakasulat sa libro.Hindi nagawang in
Walang ibang ginawa si James kundi sanayin ang sword technique sa nakalipas na sampung araw.Ang kanyang dedikasyon ay nakaintriga kay Tobias. Palihim niyang pinanood si James ng ilang araw at napansin niya ang mabilis na pagkatuto ni James. Na-master na ni James ang First Sword Realm sa loob ng wala pang sampung araw."Walang duda na may talento sa martial arts ang batang ito. Kinailangan ko ng ilang taon para lang ma-master ang First Sword Realm, pero inabot lang siya ng sampung araw." Bahagyang nababahala si Tobias tungkol sa mabilis na pagkatuto ni James.Tahimik siyang umalis pagkatapos niyang obserbahan si James ng ilang oras.Kinailangan ni Tobias na magnilay ng mag-isa bilang paghahanda para sa nalalapit na Mount Thunder Conference.Isang pigura ang lumipad sa likod-bahay sa ilalim ng kadiliman ng gabi.Mabilis na kumilos si James habang tuluy-tuloy siyang nagsagawa ng ilang pambihirang sword technique.Matapos magsanay ng bawat galaw ng isang beses, umupo siya para magp
Sa patnubay ni Bennett, na-master ni James ang First at Second Sword Realm ng Thirteen Heavenly Swords. Sa madaling salita, opisyal na siyang nakarating ng ikaanim na rango dahil dito. Isa siya sa ilang mga tao na nagawang magkaroon ng ganitong klaseng lakas sa kanyang edad. Walang humpay na pinasalamatan ni James si Bennett.Kinaway ni Bennett ang kanyang kamay at malumanay na sinabi, “Tama na yan. Mabuti pang umalis ka na. Ang hihilingin ko lang sayo ay bisitahin mo lang ako kung may oras ka.”Wala nang sinabi pa si James. Lumingon si siya at umalis. Nananatili siya sa likod-bahay ng mansyon ng mga Caden noong nakaraang buwan at hindi man lang lumibot sa harap ng bakuran. Sa nakalipas na buwan, wala siyang ideya tungkol sa nangyari sa labas ng mundo.Nang makaalis siya sa likod-bahay at nakarating sa harapan, nakarinig siya ng mga taong nag-aaway. Tumingin siya sa direksyon kung nasaan ang away.Maraming tao ang nagkumpulan sa labas ng isang kwarto. “Maxine, alam mo ba
”Kalokohan ‘to!” Sumigaw ang elder Caden.Nakakabingi ang kanyang malakas na boses. Niyanig nito ang lahat na para bang kulog ito.Maging si Maxine ay nagulat sa sigaw niya.Tumingin si James sa elder at kalmadong sinabi na, “Anong kailangan mo?”Tumalim ang mga mata ng elder. “Ayon sa mga patakaran ng aming pamilya, ang pinakamagaang parusa para sa mga papasok sa silid-aklatan ng walang permiso ay ang pag-alis sa kanilang cultivation base at ang pagpapalayas mula sa ating pamilya. Nakasaad sa mas mabigat na parusa na ang mga lalabag ay papatayin.”“Subukan mo siyang patayin kung kaya mo.” Nagdilim ang ekspresyon ni James at binalik niya ang masamang tingin ng elder.Hinila ni Maxine si James sa isang tabi at bumulong siya, “James, hayaan mo na lang ako. Nilabag ko ang mga patakaran ng pamilya sa pagpasok ko sa silid-aklatan. Hayaan mo na lang sila na parusahan ako.”“Mabuti naman inamin mo ang mga kasalanan mo. Dahil alam nating lahat ang kasalanan mo, ako ang sisira sa cultiva
Itinayo ni James si Maxine mula sa sahig.Matapos nila maglakad ng ilang metro palayo, bigla sila nakaranig ng galit na nagsasalita. Nakaramdam si James ng malakas na puwersa na palapit sa kanya. Sa lakas ng puwersang ito, kinilabutan siya.Itinulak niya palayo si Maxine at itinaas ang mga kamay paharap sa panganib na parating.Boom!Nagpang abot ang dalawang puwersa at ang naging resulta nito ay malakas na pagsabog.May natirang puwersa mula sa pagsabog na naganap at nagdulot ng pinsala sa mga disipulo ng Cadens kung saan napaatras sila. Ang mga walang True Energy ay napahiga sa sahig at sumuka ng dugo.Naramdaman ni James ang lakas ng puwersa mula sa mga palad niya na dumaloy sa buo niyang katawan. Namanhid ang mga braso niya, at napaatras siya ng ilang metro. Dagdag pa dito, kumulo ang Blood Energy niya kung saan dumaloy ito pataas sa kanyang lalamunan. Pinilit niyang tiisin ang sakit habang nilulunok niya ang sarili niyang dugo.Nakatayo si Tobias sa sahig habang tinitignan si Jame
Nakabuntot si Maxine kay James.Matapos umalis ng dalawa, naglakad si Tobias palabas ng mansion ng mga Caden. Tumayo siya sa tabi ng gate habang pinapanood ang pigura nila James at Maxine sa malayo hanggang sa maglaho na ito.Kumulubot at nagdilim ang mukha niya bigla habang bumubulong, “Kailan bigla lumakas ang batang ito? Kahit na nabuksan na niya ang kanyang Governor Vessel, Conception Vessel, at Eight Extraordinary Meridians, imposible para sa True Energy niya na lumakas ng ganito sa loob lamang ng maiksing panahon.”Naguguluhan si Tobias habang sinusubukan niyang umisip ng dahilan para sa biglaang paglakas ni James. Lalo lang siya nabalisa at hindi mapakali.Matapos umalis nila James at Maxine mula sa mansion, naghanap sila ng tagong lugar para magpahinga. Umupo ng pa-lotus position si James at pinadaloy ang True Energy niya sa buong katawan para pakalmahin ang Blood Energy niya.Habang ginagamot ni James ang pinsala niya, nagtanong siya habang nakapikit, “May nangyari ba sa labas
“Ang mga malalakas ang nagdidikta ng mga batas, huh?”Inulit ni James ang mga salita ni Maxine sa puso niya at lalo siyang nakumbinsi habang sinasabi ito sa sarili niya.Agad siyang umiling-iling at kinalimutan ang temptasyong ito.Humarapa siya kay Maxine at nagtanong, “Kung ako ikaw, papayag ka ba na may kahati ka sa asawa mo?”“Ako?”Nabigla si Maxine sa tanong.Hindi niya inaasahan na ibabalik ng ganito ni James ang sinabi niya.Simula pa noong bata siya, lumaki na siya sa tahanan ng mga Caden kaya ang resulta, maaga siyang namulat sa batas ng ancient martial world. Nakatadhana na halos ang lahat sa buhad niya. Alam niya na kasangkapan lamang siya para ikasal at maging koneksyon ng mga pamilya. Hindi niya masyadong pinagisipan ang tungkol sa kasal noon.Ang iniisip lang niya noon ay ikakasal siya sa isang maabilidad na martial artists.Para naman sa kung anong klaseng tao siya o kung gaano karami ang mga babae niya, hindi na ito isang bagay na kaya niyang kontrolin.“Siguro, oo.”S
Ipinikit ni James ang mga mata niya at nag-isip. Hindi nagtagal at sumagot siya, “Si Thea.”Siya ang nag-iisang dahilan kung bakit siya nandito ngayon.Para mailigtas siya, nasunog ang katawan ni Thea. Naging pasakit ang sumunod na sampung taon ng buhay niya.Dahil sa sakripisyo niya, nangako siya sa sarili niya na poprotektahan niya si Thea buong buhay niya.“Ganoon ba? Paano naman ang first love mo, si Quincy? Naniniwala siya na buhay ka at sampung taon na naghintay para sa iyo.”“Para naman kay Tiara, kailangan mo maging responsable para doon. Buntis nga naman siya.”“…”Matapos ito marinig, nanigas bigla si James. Bigla siyang humarap kay Maxine at namutla. “A-Anong sinabi mo?”Tumawa si Maxine at sinabi, “Buntis si Tiara.”“Ano?!” hindi makapaniwala si James.“Buntis siya?”“Oo. Naalala mo noong nagkunwari ako na ikaw ako? Tuwang tuwa siya at sinabi niya sa akin ang lahat. Balak niya ituloy ang pagbubuntis at palakihin ito mag-isa, pero pinilit siyang ma-engage ng pamilya niya. Wa