Hindi man lang nagulat kahit kaunti si Sebastian sa reaksyon ni Sabrina.Tumalikod si Sabrina at tumingin kay Sebastian pati kay Aino, na nakahawak sa kamay ni Sebastian. Sobra siyang galit na nilagay niya ang kamay niya sa bewang niya at matapang na tumuro kay Sebastian. "Ikaw, hinihintay mo lang pala ako. Nung tatlong araw na nakalipas, nung nasa ospital ako, sinabi mo sakin na masyado akong maraming damit. Hindi yun naintindihan nung oras na yun, at ngayon ko lang ito naintindihan. Ako... Sobrang laki ng walk-in closet ko, pero nagawa mong tanggalin lahat ng damit ko?""Mommy, meron pa namang natirang konti sa kanila." Mabait na pinaalalahanan ni Aino ang nanay niya na ang mga salita niya ay dapat na nakaayos sa katotohanan. Siguro may isang dosenang klase ng damit sa loob ng damitan."Aino Scott! Ang apelyido mo ba ay Scott o Ford?" Matapang na tanong ni Sabrina."Scott man or Ford ang apelyido niya, siya pa rin ay anak ko," sabi ni Sebastian sa kalmado at mahinahong paraan.T
Si Sebastian, na nakatingin sa surveillance video, ay natigilan din.Si Kingston, na nakatayo sa likod niya at nakatingin din sa surveillance video, ay hindi na nakapagpigil at sinabi, "Si Madam ay napakaganda talaga. Ang ganda niya kahit walang make-up, at ito ang klase ng ganda na nagniningning mula sa loob palabas."Ang ganung klase ng kagandahan ay biglang nagpakaba sa puso ni Sebastian.Dati, sila Marcus, Nigel, at Zayn ay gusto si Sabrina, pati na rin ang binatilyong yun, si Ryan, na dumating kalaunan. Nagustuhan niya rin si Sabrina nung una. Hindi talaga sineseryoso ni Sebastian ang mga taong ito.Pero, si Holden Payne!Ang titig niya kapag nakatingin kay Sabrina ay masyadong mapagmahal!Sa oras na ito, tinaas ni Sebastian ang titig niya at tumingin kay Sabrina, na hindi na galit, tapos sinabi niya sa isang dominanteng tono, "Simula ngayon, papasok ka sa trabaho nang walang make-up, at hindi ka rin pwede magsuot ng magagandang damit. Kapag mas pangit ang suot mo, mas ayos
Nakita ni Sabrina ang dalawa sa kanyang magagandang katrabaho sa labas ng kumpanya nung oras din na yun."Wow! Sabrina, ang itim na one-piece dress mo ngayon ay maganda talagang tingnan! Pinasadya na naman ba ito ng asawa mo para sayo? Kita ko sa isang tingin pa lang na ganun nga. Tingnan mo kung gaano kasimple ang istilo. Ang katawan nito ay purong itim, at tanging kulay puti lang ay ang manipis na leather belt sa may bewang, na isang finishing touch sa bestida na ito. Tulad ng inaasahan sa magagandang damit, hindi nito kailangan ng sobrang detalye, dahil meron na ito simple at eleganteng ganda." Ang babaeng kasamahan ay magaling magsalita.Pero, tama rin naman ang mga sinabi niya.Ang itim na sweater ay sobrang ordinaryo nung una at pinagmukha nitong partikular na malaki si Sabrina. Ang mga taong walang alam ay pwede pang isipin na si Sabrina ay buntis. Pero, binago ng belt ni Sabrina ang itsura ng sweater na ito.Ang itim na sweater na ito ay naging top international design.Si
Saka niya tinutukan ang pagmamaneho.Biglang nagsalita si Sebastian nung nasa kalagitnaan na sila ng daan, "Imbestigahan mo kung ilang tao ang nanggaling sa Star Island para sa paglusot at anong ruta ang dinaanan nila, at kung nasaang lugar ang escape tunnel sa ilalim ng dagat.""Opo, Master Sebastian! Tatawagan ko na po agad ang mga katiwala para mag-imbestiga na ngayon." Pagkatapos niyang sabihin ito, nagsimula na si Kingston na magtawag sa telepono.Nag-utos ulit si Sebastian, "Saglit!"Sabi ni Kingston, "... Master Sebastian?"Sabi ni Sebastian nang walang ekspresyon, "Kung sakaling matunugan tayo ng kaaway. Ayos lang kung hindi na imbestigahan ang mga bagay na hindi masyadong makakasama.""Opo, Master Sebastian!" Si Kingston ay nagpatuloy na nagmaneho sa tamang bilis lang.Nung nakarating na sila sa kumpanya, medyo huli na kumpara sa kinagawian. Hindi niya na hinintay si Kingston na lumabas at buksan ang pinto para sa kanya, at lumabas na ng kotse si Sebastian. Dinala niya
Pumunta si Nigel sa Star Island. Nagulat si Sabrina, pero hindi na siya nagtaka.Ito ay dahil minsang sinabi sa kanya ni Nigel dati na tutulungan siya nito.Pero, si Sabrina ay talagang may iniisip dahil bumalik siya sa bayan niya at hinarap ang insidente ni Ruth nung oras na yun. Samakatuwid, hindi niya nakita si Nigel nang mahigit isang buwan, pero hindi niya rin naman mapapansin ang pagkakaiba.Pagkatapos ng lahat, si Nigel ay isa lang namang ordinaryong kaibigan.Normal ba para sa ordinaryong magkaibigan na hindi magkita ng isang beses sa isang taon, paano pa kaya ang isang buwan?Samakatuwid, nakalimutan na ni Sabrina ang sinabi sa kanya ni Nigel nung nakaraang buwan. Nung nakita niya na si Nigel ay tumatawag galing Star Island, napagtanto ni Sabrina na hindi nagpakita si Nigel sa kanya ng mahigit isang buwan dahil pumunta nga siya sa Star Island."Nigel Conor! Kahit pa gaano kaimportante ang bagay na sasabihin mo sakin, ayokong marinig yan. Tatanungin na lang kita, bakit ka
"Ang pang-apat na young master ng Payne family ay umaaligid na dyan sa South City. Ikaw... ikaw at ang anak mo ay dapat mag-ingat sa lahat ng oras! Narinig mo ba yun?" Bilin ni Nigel.Sabi ni Sabrina, "Oo, nakuha ko. Mag-iingat ako.""Wag kang lalabas nang mag-isa. Kapag kailangan mong lumabas, magpasama ka sa pinsan ko o kaya isama mo si Kingston. Siguro nga mukhang ordinaryong driver lang si Kingston, pero kaya niyang labanan ang dalawampung lalaki nang mag-isa! Narinig mo yun?" Nagbilin ulit si Nigel.Malakas at mahinahong sinabi ni Sabrina, "Oo, narinig ko yan!"Sa bandang huli, si Sabrina ay medyo nasakal, at sinabi niya, "Salamat, Nigel, salamat. Ako...Ngayon, Ang hiling ko na lang ay makabalik ka nang ligtas. Ang mga magulang mo, mas kailangan ka nila, naiintindihan mo ba? Talagang hindi sulit na itaya ang buhay mo para sakin. Hindi ito sulit, Nigel!"Sa bagay na yun, napangiti si Nigel at gumaan ang loob, "Alam ko. Paalam, Sabrina."Walang nasabi si Sabrina.Sa buong ara
Napayuko si Sabrina at napabuntong hininga. Tumingala siya at tumingin kay Sebastian. ”Sebastian, sorry. Hindi ko inaasahan na seseryosohin pala ito Nigel, at talagang pupuslit siya sa Star Island nang mag-isa.”Pagkatapos niya sabihin ito, napakagat labi siya at hindi na tumingin kay Sebastian ulit.Hindi rin to inakala ni Sebastian.Nung hinanap siya ng aunt at uncle niya sa company, naagulat siya.Hindi siya nashock sa ginawa ni Nigel.Nashock siya sa pagmamahal ni Nigel para kay Sabrina.Anim na taon na ang lumipas at hindi pa rin nagbabago si Nigel. Tsaka, ang pagmamahal na nasa puso ni Nigel ay hindi na possessive. Ito ay pagbibigay na walang hinihinging kapalit.Nung mga sandaling yun, nakaramdam siya ng panganib sa puso niya.May galit din siyang naramdaman.Okay lang na mawalan siya ng pera. Kahit nga na mawala sa kanya ang buong Ford family, hindi siya makakaramdam ng sorry.Pero, hindi niya kayang mamuhay ng wala si Sabrina.Nung nakaramdam si Sabrina ng sobrang
Tumawa si Sebastian. “Hindi ko sinasabing pumatay ka! Huwag kang mag-alala!”Sobrang nagalit si Sabrina na halos itaas niya ang kamay niya para sapakin ito. “Halos patayin mo ako sa takot. Pero, okay naman ang mga bagay-bagay, kaya bakit mo akong gustong dalhin sa lugar na yan?”“Para turuan ka ng self defense,” sabi ni Sebastian.“Paano pag balang araw ay maisip mo na sundan ako sa Star Island? Hindi ka ba natatakot?”“Syempre, hindi ako natatakot!” Tumingala si Sabrina at tumingin kay Sebastian ng may sobrang determinasyon sa mga mata niya. “Sa buhay na ito, kahit na gaano kahirap at kapanganib ng lugar, kahit na mapunta pa tayo sa dead end, sasama ako sayo at sa anak natin. Magsasama-sama tayo sa buhay at kamatayan bilang pamilya. Basta’t magkakasama tayo, hindi ako matatakot! Baka nga sagipin pa kita. Matapang ako, at hindi ako yung taong magtatago sa mga bisig mo para umiyak at umakto na spoiled child kapag nahihirapan ako.”Pagkakita sa tingin nito, bigla niyang naaalala nun