Saka niya tinutukan ang pagmamaneho.Biglang nagsalita si Sebastian nung nasa kalagitnaan na sila ng daan, "Imbestigahan mo kung ilang tao ang nanggaling sa Star Island para sa paglusot at anong ruta ang dinaanan nila, at kung nasaang lugar ang escape tunnel sa ilalim ng dagat.""Opo, Master Sebastian! Tatawagan ko na po agad ang mga katiwala para mag-imbestiga na ngayon." Pagkatapos niyang sabihin ito, nagsimula na si Kingston na magtawag sa telepono.Nag-utos ulit si Sebastian, "Saglit!"Sabi ni Kingston, "... Master Sebastian?"Sabi ni Sebastian nang walang ekspresyon, "Kung sakaling matunugan tayo ng kaaway. Ayos lang kung hindi na imbestigahan ang mga bagay na hindi masyadong makakasama.""Opo, Master Sebastian!" Si Kingston ay nagpatuloy na nagmaneho sa tamang bilis lang.Nung nakarating na sila sa kumpanya, medyo huli na kumpara sa kinagawian. Hindi niya na hinintay si Kingston na lumabas at buksan ang pinto para sa kanya, at lumabas na ng kotse si Sebastian. Dinala niya
Pumunta si Nigel sa Star Island. Nagulat si Sabrina, pero hindi na siya nagtaka.Ito ay dahil minsang sinabi sa kanya ni Nigel dati na tutulungan siya nito.Pero, si Sabrina ay talagang may iniisip dahil bumalik siya sa bayan niya at hinarap ang insidente ni Ruth nung oras na yun. Samakatuwid, hindi niya nakita si Nigel nang mahigit isang buwan, pero hindi niya rin naman mapapansin ang pagkakaiba.Pagkatapos ng lahat, si Nigel ay isa lang namang ordinaryong kaibigan.Normal ba para sa ordinaryong magkaibigan na hindi magkita ng isang beses sa isang taon, paano pa kaya ang isang buwan?Samakatuwid, nakalimutan na ni Sabrina ang sinabi sa kanya ni Nigel nung nakaraang buwan. Nung nakita niya na si Nigel ay tumatawag galing Star Island, napagtanto ni Sabrina na hindi nagpakita si Nigel sa kanya ng mahigit isang buwan dahil pumunta nga siya sa Star Island."Nigel Conor! Kahit pa gaano kaimportante ang bagay na sasabihin mo sakin, ayokong marinig yan. Tatanungin na lang kita, bakit ka
"Ang pang-apat na young master ng Payne family ay umaaligid na dyan sa South City. Ikaw... ikaw at ang anak mo ay dapat mag-ingat sa lahat ng oras! Narinig mo ba yun?" Bilin ni Nigel.Sabi ni Sabrina, "Oo, nakuha ko. Mag-iingat ako.""Wag kang lalabas nang mag-isa. Kapag kailangan mong lumabas, magpasama ka sa pinsan ko o kaya isama mo si Kingston. Siguro nga mukhang ordinaryong driver lang si Kingston, pero kaya niyang labanan ang dalawampung lalaki nang mag-isa! Narinig mo yun?" Nagbilin ulit si Nigel.Malakas at mahinahong sinabi ni Sabrina, "Oo, narinig ko yan!"Sa bandang huli, si Sabrina ay medyo nasakal, at sinabi niya, "Salamat, Nigel, salamat. Ako...Ngayon, Ang hiling ko na lang ay makabalik ka nang ligtas. Ang mga magulang mo, mas kailangan ka nila, naiintindihan mo ba? Talagang hindi sulit na itaya ang buhay mo para sakin. Hindi ito sulit, Nigel!"Sa bagay na yun, napangiti si Nigel at gumaan ang loob, "Alam ko. Paalam, Sabrina."Walang nasabi si Sabrina.Sa buong ara
Napayuko si Sabrina at napabuntong hininga. Tumingala siya at tumingin kay Sebastian. ”Sebastian, sorry. Hindi ko inaasahan na seseryosohin pala ito Nigel, at talagang pupuslit siya sa Star Island nang mag-isa.”Pagkatapos niya sabihin ito, napakagat labi siya at hindi na tumingin kay Sebastian ulit.Hindi rin to inakala ni Sebastian.Nung hinanap siya ng aunt at uncle niya sa company, naagulat siya.Hindi siya nashock sa ginawa ni Nigel.Nashock siya sa pagmamahal ni Nigel para kay Sabrina.Anim na taon na ang lumipas at hindi pa rin nagbabago si Nigel. Tsaka, ang pagmamahal na nasa puso ni Nigel ay hindi na possessive. Ito ay pagbibigay na walang hinihinging kapalit.Nung mga sandaling yun, nakaramdam siya ng panganib sa puso niya.May galit din siyang naramdaman.Okay lang na mawalan siya ng pera. Kahit nga na mawala sa kanya ang buong Ford family, hindi siya makakaramdam ng sorry.Pero, hindi niya kayang mamuhay ng wala si Sabrina.Nung nakaramdam si Sabrina ng sobrang
Tumawa si Sebastian. “Hindi ko sinasabing pumatay ka! Huwag kang mag-alala!”Sobrang nagalit si Sabrina na halos itaas niya ang kamay niya para sapakin ito. “Halos patayin mo ako sa takot. Pero, okay naman ang mga bagay-bagay, kaya bakit mo akong gustong dalhin sa lugar na yan?”“Para turuan ka ng self defense,” sabi ni Sebastian.“Paano pag balang araw ay maisip mo na sundan ako sa Star Island? Hindi ka ba natatakot?”“Syempre, hindi ako natatakot!” Tumingala si Sabrina at tumingin kay Sebastian ng may sobrang determinasyon sa mga mata niya. “Sa buhay na ito, kahit na gaano kahirap at kapanganib ng lugar, kahit na mapunta pa tayo sa dead end, sasama ako sayo at sa anak natin. Magsasama-sama tayo sa buhay at kamatayan bilang pamilya. Basta’t magkakasama tayo, hindi ako matatakot! Baka nga sagipin pa kita. Matapang ako, at hindi ako yung taong magtatago sa mga bisig mo para umiyak at umakto na spoiled child kapag nahihirapan ako.”Pagkakita sa tingin nito, bigla niyang naaalala nun
Kahit na isa itong lugar sa kailaliman ng bundok, sobrang ganda dito.Kasal na si Sabrina kay Sebastian ng mahigit sa kalahating taon, pero kailanman ay hindi pa niya naririnig ang tungkol sa lugar na ito dati.Ang lugar din na ito medyo lively.Nakita niya si Alex na nakasuot ng smart sportswear at kasama nito si Jane, na kakalabas lang ng kotse.“Hello, Mrs. Ford, nagkita tayo ulit,” Si Jane ang nauna na bumati.May magandang impression si Sabrina kay Jane.Parehas na tahimik sila Sabrina at Jane.Pero, hindi sila magkaparehas.Si Sabrina yung tipo na kalmado lagi, pero may pagkachildish siya sa loob. Lagi siyang kalmado at tahimik dahil sa kinalakihan niya. Pwede rin siya maging makulit at mapang-asar kapag nasa relax at safe siya na atmosphere. Pero, si Jane ay iba.Mas mukha itong mature kaysa kay Sabrina, sa isang tingin. Siya yung klase ng babae na may feminine charm. Dagdag pa dito, halos hindi nagtrabaho si Jane, kaya ang main identity niya ay girlfriend ni Alex.Pin
Ang nanay ni Marcus ay namuhay din ng sheltered na buhay. Kaya naman, naiintindihan ni Sabrina na si Jane din ay ganito, at sobrang kaunti lang ng nakakausap nito araw-araw. Ngayong kasama na niya si Sabrina, mas dumaldal ito.“Thank you, Jane, para sa pagtrato sakin bilang kaibigan. Sa totoo lang, wala akong masyadong friends. Lagi akong malungkot simula pagkabata. Kinalaunan naman, nung nagsimula ako magtrabaho, doon ko nakilala sila Yvonne at Ruth. Speaking of Ruth, halos magkaparehas kayo ng fate, Jane,” nakangiting sabi ni Sabrina.“Ganun ba?” Halatang nagniningning ang tingin ni Jane. Hinawakan niya ang kamay ni Sabrina at sinabi, “Para maging kaibigan mo siya, paniguradong mabait siya. SInabi mo na kaming dalawa ay itinadhana. Anong fate ito? Kilala ko ba siya? Sino siya?”“Siya ang girlfriend ng pamangkin ng boyfriend mo. Siya ang girlfriend ni Ryan, si Ruth Mann. Sa hinaharap, kayong dalwa ay magkikita at magkakausap sa lugar ng Poole family sa Kidon City. Maliban sa pagigi
Kaagad na tumingin si Jane kay Sabrina. “Wala lang ito, Sabrina. Okay lang ito.”Sa mga mata ni Sabrina, ang ngiti ni Jane ay isang clear spring at malalim na lake. Binibigyan niya si Sabrina ng feeling na para ba siyang isang gentle big sister. Mas gusto niya tuloy ito protektahan. Pero pagkakita niya na ayaw magsalita nito, walang choice si Sabrina kung hindi hayaan nalang ito. Ang lalaki niya ay nasa harap niya at dahil hindi naman ito umimik, wala din masabi si Sabrina.Mabuti nalang at saglit lang na may cold expression si Alex, at kaagad itong kalmado ulit. Umakbay siya kay Jane at malambing na tinanong, “Masama ba ang pakiramdam mo?”Umiling si Jane. “Hindi Alex, medyo okay na ako. Nakita ko kasi si Sabrina na nakasuot ng loose-fitting na style at gusto ko rin iro suotin. Pero, iba ako kay Sabrina, kaya baka hindi naman ako maganda tingnan sa mga ito. Maliban pa dito, lagi akong may trust sa mga taste mo. Ang style na pinili mo sakin ang pinakabagay sakin. Gusto ko ito.”Mas