Medyo nagging close si Nigel kay Marcus nito lang, at nakakagulat na si Marcus ang lumapit kay Nigel. Siguro ito ay dahil napansin niya na si Nigel ay iniimprove ang sarili niya nito lang, at mas nagiging responsable ito, kaya naman mas gusto makipagtulungan sa kanya ni Marcus lalo na sa mga projects. Pero, hindi niya dinala si Nigel sa office ngayon para makipag-usap tungkol sa work. Si Nigel ang nakiusap kay Marcus na pumunta dito para makita si Sabrina.Hinila ni Nigel ang braso ni Sabrina, at nag-aalalang tinanong siya, “Sabrina! Alam mo ba na nakatakas ang Lynn family sa Star Island?”Tumaas ang mga kilay ni Sabrina. “At?”Nag-aalala pa rin si Nigel. “Alam mo ba ang tungkol dito?”Tahimik na tumingin saglit si Sabrina kay Marcus. Kaagad namang napayuko si Marcus. “Oo… ang lolo ko ang tumulong sa kanila na makatakas doon at ang tanging magagawa ko lang ay humingi ng tawad. Hindi… hindi… ko kayang pigilan ang lolo ko. Hindi lang yun, sinubukan niyang itago ito sakin. Kung alam k
Lumingon si Sabrina at nakita si Old Master Shaw.“Lolo!” Medyo galit na tumingin si Marcus sa lolo niya. “Sumosobra ka na!”Kinilatis ni Old Master Shaw ang apo niya. “Marcus! Nagagalit ka ba sakin dahil pumunta ako sa kumpanya ng apo ko? Isang linggo ka ng di umuuwi, at ngayon hindi na ako pwedeng pumunta sa kumpanya para bisitahin ang apo ko?”Simula nung nalaman ni Marcus na si Old Master Shaw ang tumulong sa Lynn family na makatakas sa Star Island, hindi siya umuwi sa sobrang galit. Sa halip, nanatili siya sa isang hotel kung saan hindi siya mahahanap ng pamilya niya.“Pwede!” Mapagpasensyang sabi ni Marcus. “Pero bakit lagi mainit ulo mo kay Sabrina?”Cold na nagsalita ang matanda, “Lagi akong galit sa kanya? Totoo yan! Tingnan mo siya, mukha ba siyang nanggaling sa isang mayaman at sikat na pamilya? Nakikipagharutan siya sa dalawang lalaki sa public at dinudungisan ang public morals, sa tingin mo ay ang galing mo, hindi ba? Isa kang kahihiyan!”Kalmadong tumingin si Sabrin
Sa mga nagdaang taon, umaasa si Marcus na si Sabrina ay parte ng Shaw family, pero patuloy siyang sinasaktan ni Old Master Shaw. Hindi lang si Sabrina, pero ang kahit sino na nasa posisyon niya ay paniguradong maiinis din.Dagdag pa dito, sakim na babae si Sabrina.Sincere na humingi ng tawad si Marcus. “Patawad…”Hindi ito dinibdib ni Sabrina. “Okay lang, alam ko naman na gusto mo lang ang makakabuti. Itigil na natin ang tungkol sakin, kamusta naman kayo ni Yvonne?”Pagkabanggit kay Yvonne, biglang ngumiti si Marcus. “Siya ay interesting, cute at lively.”“Edi maging mabait ka sa kanya. Ang pinsan niya ang ang top bodyguard at driver ni Sebastian. Kapag may ginawa kang masama sa kanya, paniguradong pagpipira-pirasuhin ka ng pinsan niya!”Tumawa si Marcus. “Alam ko, kaya wala akong lakas ng loob na hindian siya, itatrato ko si Yvonne bilang princess.”Tumawa si Sabrina. “Yan ang mas gusto ko!”Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan, tumingin siya ulit kay Nigel. “Master NIge
Pagkarinig sa sigaw ng anak niya, nagulat si Sabrina at tumingin kay Aino, “Nasaan, baby?““Sa labas ng bintana.” May tinuro si Aino.Tumingin si Sabrina sa tinuturo ni Aino. “Nasaan? Wala akong makita.”“Mommy, malabo ang mga mata mo. Kailangan mong tumingin ng lagpas sa daan, sa likod nung puno. Tingnan mo may dalawang maliliit na black eyes doon.” Nakatingin pa rin si Aion sa lugar na yun. HIndi siya natatakot sa mga matang ito dahil may nararamdaman na warmth si Aino sa mga titig na ito. Pagkatingin niya nang maigi, nakita ni Sabrina ang dalawang mata.Sobrang nagulat si Sabrina, nanigas siya ng ilang segundo. Ang tanging nakita niya lang ay mga mata sa likod ng puno, nakasilip ito sa space sa gitna ng mga sanga.Tumingin si Sabrina pabalik sa mga mata na ito, at pagkatapos, lumabas ng kotse at dinala si Aino sa daan. “Ano, dalian mo, sundan mo ako.”Pero, pagkadating nila sa kabilang part ng daan, wala siyang nakita na kahit na ano. Ang dalawang mata ay biglang nawala.Disa
Sinabi niya sa sarili niya na meron pa siyang Sebastian at Aino. SIla ay masayang pamilya ng tatlo. Mas lalo niyang hinahanap si Sebastian, para pakalmahin ang pag-aalala niya at mga sugat. Pagkasabi niya ng mga ito, ang mga tao sa kabilang linya ay gusto magsitawanan, pero wala silang lakas ng loob na gawin ito, wala ngang silang lakas ng loob na takpan ang mga bibig nila!Mabuti nalang, alam ni Sabrina kung kailan titigil. “Hindi na ako mang-iistorbo sa trabaho mo. Umuwi ka kaagad dahil hindi ako makatulog ng wala ka. Papatayin ko na ang tawag, bye dear.”Ang walang tigil niyang sweet na tono at salita ay nakapagparefresh sa kanya. Dati, ayaw niya ng mga matatamis na mga bagay. Kahit nga ang kape niya ay halos mapait at ang pinakaconcentrated na coffee sa market ng buong mundo. Pero ngayon, hindi niya napansin na naglalagay na siya ng asukal sa kape niya. Ang bango ng kape at masarap ito kapag may kaunting tamis. Nung gabing yun, late siyang nakauwi ng bahay. Nagtip-toe siya papa
Kaagad namang, napatayo si Sebastian. “Anong aksyon?”Sa kabilang linya, kaagad namang nagreport ang tagasunod niya. “Ang leader ng Star Island, si Pancera, ay nagbibigay ng speech sa publiko. May sinasabi siya tungkol sa pag-atake ng South CIty!”Cold na tumawa si Sebastian. “Ha! Bakit ko siya aatakihin? Masyado namang mataas ang tingin niya sa sarili niya.”“Master Sebastian, ano ang dapat nating gawin ngayon?” Tanong ng tagasunod niya.Cold na tumawa si Sebastian. “Gusto niyang lumaban sa pag-atake ng South City, tama? Kumuha ka pa ng maraming soldiers para sa kanya, para maramdaman niya na sobrang lakas niya.”“Noted, sir.” Magalang na sagot ng tagasunod, “Patawad kung naistorbo ko ang pagpapahinga niyo, Sir. goodnight.”“Sige.” Pagkatapos patayin ang tawag, nakita niya na nakaupo na ng tuwid si Sabrina. Siya ay nag-aalalang nakatingin sa kanya. “Nagtagal ka sa office ngayong raw hindi dahil para habulin yung mga nadelay na trabaho, pero naghahanda ka pala para sa pag-atake s
Bigla siyang nagblush. Pagkatapos niya magalit ng damit, lumabas siya ng kwarto at pumunta sa dining room, pero, hindi pa rin niya makita si Sebastian sa kahit saan.Pagkakita sa kanya, sinabi ni Aunt Lewis, “Madam, umalis na si Sir mga isang oras na ang nakakalipas para pumunta sa office. Mukhang busy siya nitong mga nakaraang mga araw.”“Oo, okay lang ito.” Tumalikod is Sabrina at pumunta ng balcony. Ang balcony ay puno ng maraming species ng mga nakapasong mga halaman, lahat sila ay green at buhay na buhay. Dahil may sobrang oras siya bago ang breakfast, inasikaso muna ni Sabrina ang mga halaman. At dahil dito, naalala na naman niya ang nanay niya.Kahit na mahirap lang sila, ang nanay niya ay mahilig sa halaman, Dati, hindi maintindihan ni Sabrina kung bakit iba ang nanay niya sa mga babae sa village, kahit na isa siyang naghihirap na villager din?Kayang magpiano ng nanay niya at mahilig ito sa nature. Gusto din nito na paliguan ang buhok ni Sabrina gamit ang nakakababad sa tu
Si Ruth ay miserableng umiiyak sa kabilang linya ng tawag. "Sabrina, dalian mo pumunta ka na at iligtas mo na ako pakiusap.""Wag kang umiyak, Ruth. Sabihin mo sa akin ang address at pupunta na ako dyan para kunin ka," Agad na sinabi ni Sabrina."Isa itong tagong hostel sa lugar ng mga iskwater, tumira ka dito nung anim na taong nakalipas. Sinabi nila sa akin isa lang itong tagong hostel pero ang totoo, puno talaga ito ng tao na magaling sa trafficking. Sabi nila ibebenta daw nila ako sa isang matandang lalaki, at isang oras na lang andito na siya.Kumirot ang puso ni Sabrina habang nakikinig sa naghihirap na boses ng kaibigan niya. "Pupunta na ako agad dyan. Kung mas naunang dumating ang matandang yun kaysa sakin, kailangan mo siyang labanan gamit ang lahat ng meron ka. Magpalipas ka muna ng oras, naintindihan mo ba?""Sige."Binaba ni Sabrina ang tawag, kinuha ang bag niya at nagmadaling bumaba nang hindi tumitigil para magsabi sa Design Director. Pumasok siya sa kotse niya at n