Sa pag- iisip na hiniling sa kanya ng manager ng HR department na magtrabaho, kinuha ito ni Sabrina bilang pampatibay- loob. Lahat ng nangyari kahapon ay nakaraan na. Kahit na ang mga masasamang komento at tsismis tungkol sa kanya online ay hindi na ma- trace, na para bang isa lang itong bangungot. Ayaw isipin ni Sabrina ang nakaraan, nakatuon lamang sa hinaharap. Sa hinaharap, siya ay magiging isang napakatagumpay na arkitekto, pagkatapos ay babalik siya sa kanyang bayan at bibisitahin ang libingan ng kanyang ina. Baka ilipat pa niya ang puntod ng kanyang mga magulang sa South City, para madalas niyang puntahan ang mga ito.At gusto niyang maghiganti sa pamilya Lynn. Lalo na kay Lincoln Lynn. Kung tama ang kanyang hula, kung gayon ang taong pinakaayaw niya sa mundong ito ay si Lincoln Lynn.Habang papunta sa kanyang opisina, abala si Sabrina sa pag- iisip tungkol sa mga bagay na ito at hindi nakipag-usap kay Sebastian. Sa kabutihang- palad, si Sebastian ay isang tao ng ilang salita. H
Lumihis bigla ng tingin si Sebastian. Nagulat din siya sa kanya. Sobrang aga pa kasi at dalawang beses niya na agad itong nilandi.Sa hindi inaasahan, siya pala ay magaling sa ganito. Muntik na siyang hindi tumuloy sa pagpasok dahil sa mga salita nito sa kanya. At ngayon, sa harap ni Kingston, natural siyang sumandal sa kanya para ibuhol ang kurbata niya! Para bang ilang taon na silang kasal kung titingnan, at hindi niya matiis na makita siyang umalis ng bahay na magulo ang itsura at pinilit na ayusin ang damit niya. Ang mga kilos niya ay hindi kapani-paniwalang natural.Hindi alam ni Sabrina kung gaano kagulo ang isip ni Sebastian ngayong oras na 'to. Bihira siyang magkusa kapag kasama niya ito, bihira niya rin itong itrato bilang asawa. Itong biglaang pagbabago na ito ay nagpalito sa kanya. Isang malupit na mamamatay-tao, isang tao na talagang kalmado lang sa tuwing may kakaharapin siya, ay nagawa niyang mataranta!Tinawanan ni Sebastian ang sarili niya. Tama nga si Kingston. Tako
Karamihan ng mga babaeng nasa 26 na taong gulang ay hindi pa kinakasal. Sa totoo lang, si Madam ay isa pa ring babae na pwedeng kuminang kung bibigyan lang siya ng liwanag. Si Madam ay malamig at kalmado dahil masyado na siyang nakakuha ng kainitan sa mundong ito.Tama nga si Kingston. Si Sabrina talaga ay isang babae na kayang magtanim ng mga sunflower sa puso niya kung sisinagan lang siya ng araw. Halos tumalon na siya papunta sa elevator, naging kalmado lang at bumalik sa sarili niya nung nakita niyang puno yung elevator. Wala namang social anxiety si Sabrina. Sa kabaliktaran, kapag nakakilala siya ng isang tao na nakasundo niya, gusto niya din itong kaibiganin. Pero alam ni Sabrina, ngayon na iniiwasan na siya, ang tanging pwede niya na lang gawin ay manahimik. Nung makita niyang may laman ang elevator, tumungo si Sabrina tulad ng nakagawian.Pero, nung oras na nakita ng dalawang babaeng empleyado si Sabrina, agad silang yumuko sa kanya na puno ng paggalang. "Mrs...Mrs. Ford."N
Sa kabilang linya, medyo nautal naman si Yvonne. "Sab...uhm, Mrs. Ford, pa...pasensya na, hindi ko alam na ikaw si Mrs. Ford, kaya medyo naging bastos ako sayo. Pakiusap...patawarin mo ako."Sumigaw si Sabrina. "Yvonne! Bakit ka nauutal!"Hindi sumagot si Yvonne. Ito ay dahil sa natakot siya! Siya ang asawa ni Sebastian Ford pero tinago niya ang pagkatao niya. Kaawa awa ang tingin sa kanya ni Yvonne at kinaawaan niya naman ito, pero sa totoong buhay, siya pala ang pinakamataas na amo!Napabuntong hininga si Sabrina. "Yvonne, kilala na kita ng higit sa isang buwan pero kahit kailan hindi kita nakitang nautal. Kapag hindi mo sinabi sakin kung bakit ka biglang nagkaganyan, aakyat ako dyan at pupuntahan kita ngayon."Nagpanic si Yvonne at sinabi, "Wag kang aakyat! Abalang abala ako dito, paalam!"Pagkatapos, binaba na ni Yvonne ang tawag. Medyo na-guilty si Sabrina. Gusto niya talaga si Yvonne. Hindi siya katulad ng iba, magaling makipag-usap at makihalubilo. Simula nung bata pa siya,
Sadyang ayaw niya lang sa mga taong katulad niya. Ayaw niya sa kanya, kaya wala na siyang pakialam sa iisipin nito. Kahit na sobrang halay ng ekspresyon ni Lina, magaan ang pakiramdam ni Sabrina. Hinati hati niya ang mga kailangan niyang gawin at ipinasa ito kay Lina. "Ito ang mga kailangan mong gawin ngayong linggo. Kapag may bagay na hindi mo alam, pwede mong sabihin sa akin."Natulala si Lina. Tumalikod na si Sabrina at naglakad palabas ng opisina. Nung oras na nakalabas na siya ng pinto, sumabog ang kapaligiran sa loob ng opisina.Ang ekspresyon ni Lina ay malungkot at parang naguguluhan. "Si Mrs. Ford, may...meron ba siyang sama ng loob sa akin?""Hindi ganung klase ng tao si Sabrina!" Sabi ni Andrew.Tinanong ni Lina, "Eh bakit hindi niya ininom yung kapeng binigay ko sa kanya?"Ang isa pang lalaking kasamahan nila na si Xavier Johnson ay suminghal. "Bakit naman niya iinumin yung bigay mo?"Humalakhak si York Devon. "Meron bang mga bulaklak sa kape mo?"Si Andrew ang pinak
Dahil nila ito nakita ng isang linggo, si Ruth Mann ay namayat maigi at nagmukha na siyang ibang tao. Wala namang masyadong pakialam si Sabrina kay Ruth, kaya nung nakita niya itong mukhang kaawa-awa, hindi siya nakaramdam ng gulat or simpatya. Pero, si Yvonne ay nagmadaling lumapit at niyakap ang braso ni Ruth. "Ruth, anong nangyari? Hindi kita nakita ng dalawang araw, mukhang ten pounds ang nawala sayo!""Ayos lang ako," sabi ni Ruth.Nagtanong ulit si Yvonne, "Bakit ka nandito?"Kumurap si Ruth at isang patak ng tubig ang tumulo sa isang mata niya, mukhang hindi siya nakakatulog nang maayos. Pinunasan niya na lang basta ang mukha niya. "Yvonne, pwede mo ba akong pahiramin ng isang daang dolyar? Dalawang araw na akong hindi kumakain.""Huh?" Gulat na tumingin si Yvonne kay Ruth. "Ano bang nangyari? Bakit hindi ka kumain sa inyo? Nasaan ang mga magulang mo? Wala ba sila sa bahay?"Malungkot na sumagot si Ruth, "Pinalayas nila ako."Nagulat si Yvonne. "Bakit?"Kinagat ni Ruth an
Sinundan ni Ruth si Yvonne at Sabrina, ang pagpapahalaga niya sa sarili ay mas mababa kaysa dati. Gustong kumain ni Yvonne sa buffet na nagkakahalaga ng isang libong dolyar kada tao, at talaga namang pareho silang dinala doon ni Sabrina.Talagang malaki ang restaurant. Napakaraming pwedeng pagpilian at hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Ang mga pagkain ay mamahalin, meron silang truffle, caviar, at bluefin tuna. Para naman sa mga mumurahin, merong itlog ng isa, beef at iba pa. Natigilan si Yvonne at Ruth. Nanatiling kalmado si Sabrina. Wala siya masyadong alam sa pagkain, masaya na siya basta mabubusog ng mga pagkain ang tiyan niya kaya wala siya masyadong interes sa mga ganito kamahal na restaurant. Pero nung makita niyang masaya sila Ruth at Yvonne na kumukuha ng pagkain nila, natuwa siya. Kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng maraming kaibigan at hindi rin siya magaling makipagkaibigan. Pero naging sabik siya sa pagkakaibigan at palagi siyang totoo sa ibang tao. Katulad
Pinunasan ni Ruth ang maliit na metal box gamit ang kamay niya at nagpaliwanag, magalang ulit ang tono niya, "Uhm, sa tingin ko hindi naman luma at maalikabok ang metal box na ito, pero ang mga laman niya ay maganda. Isa...isa itong langis na gawa sa bubwit na daga."Nagulat si Yvonne. "Ano...huh?"Natigilan din si Sabrina.Lumunok ng isang malaking subo ng mushroom soup si Ruth, ngumunguya habang siya ay nagpapaliwanag. "Gawa ito sa bubwit na daga, yung bagong panganak pa lang at wala pang mga balahibo. Binababad sila sa langis ng ilang buwan, tapos sinasala yung langis."Nagtaka si Yvonne. "Para saan naman 'to? Say, Ruth, wag mong sabihin na kumakain ka ng ganyan ka-weird na pagkain! Karamihan ng mga tao naglalagay ng asin at paminta sa pagkain nila, tapos ikaw naglalagay ng langis na gawa sa bubwit na daga!"Kahit na sinabihan siya ni Yvonne ng mga ganung salita, hindi nagalit si Ruth. Wala rin naman siyang ganon karaming kaibigan. Ang mga sikat na sosyalin katulad ng pinsan ni