Dahil nila ito nakita ng isang linggo, si Ruth Mann ay namayat maigi at nagmukha na siyang ibang tao. Wala namang masyadong pakialam si Sabrina kay Ruth, kaya nung nakita niya itong mukhang kaawa-awa, hindi siya nakaramdam ng gulat or simpatya. Pero, si Yvonne ay nagmadaling lumapit at niyakap ang braso ni Ruth. "Ruth, anong nangyari? Hindi kita nakita ng dalawang araw, mukhang ten pounds ang nawala sayo!""Ayos lang ako," sabi ni Ruth.Nagtanong ulit si Yvonne, "Bakit ka nandito?"Kumurap si Ruth at isang patak ng tubig ang tumulo sa isang mata niya, mukhang hindi siya nakakatulog nang maayos. Pinunasan niya na lang basta ang mukha niya. "Yvonne, pwede mo ba akong pahiramin ng isang daang dolyar? Dalawang araw na akong hindi kumakain.""Huh?" Gulat na tumingin si Yvonne kay Ruth. "Ano bang nangyari? Bakit hindi ka kumain sa inyo? Nasaan ang mga magulang mo? Wala ba sila sa bahay?"Malungkot na sumagot si Ruth, "Pinalayas nila ako."Nagulat si Yvonne. "Bakit?"Kinagat ni Ruth an
Sinundan ni Ruth si Yvonne at Sabrina, ang pagpapahalaga niya sa sarili ay mas mababa kaysa dati. Gustong kumain ni Yvonne sa buffet na nagkakahalaga ng isang libong dolyar kada tao, at talaga namang pareho silang dinala doon ni Sabrina.Talagang malaki ang restaurant. Napakaraming pwedeng pagpilian at hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Ang mga pagkain ay mamahalin, meron silang truffle, caviar, at bluefin tuna. Para naman sa mga mumurahin, merong itlog ng isa, beef at iba pa. Natigilan si Yvonne at Ruth. Nanatiling kalmado si Sabrina. Wala siya masyadong alam sa pagkain, masaya na siya basta mabubusog ng mga pagkain ang tiyan niya kaya wala siya masyadong interes sa mga ganito kamahal na restaurant. Pero nung makita niyang masaya sila Ruth at Yvonne na kumukuha ng pagkain nila, natuwa siya. Kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng maraming kaibigan at hindi rin siya magaling makipagkaibigan. Pero naging sabik siya sa pagkakaibigan at palagi siyang totoo sa ibang tao. Katulad
Pinunasan ni Ruth ang maliit na metal box gamit ang kamay niya at nagpaliwanag, magalang ulit ang tono niya, "Uhm, sa tingin ko hindi naman luma at maalikabok ang metal box na ito, pero ang mga laman niya ay maganda. Isa...isa itong langis na gawa sa bubwit na daga."Nagulat si Yvonne. "Ano...huh?"Natigilan din si Sabrina.Lumunok ng isang malaking subo ng mushroom soup si Ruth, ngumunguya habang siya ay nagpapaliwanag. "Gawa ito sa bubwit na daga, yung bagong panganak pa lang at wala pang mga balahibo. Binababad sila sa langis ng ilang buwan, tapos sinasala yung langis."Nagtaka si Yvonne. "Para saan naman 'to? Say, Ruth, wag mong sabihin na kumakain ka ng ganyan ka-weird na pagkain! Karamihan ng mga tao naglalagay ng asin at paminta sa pagkain nila, tapos ikaw naglalagay ng langis na gawa sa bubwit na daga!"Kahit na sinabihan siya ni Yvonne ng mga ganung salita, hindi nagalit si Ruth. Wala rin naman siyang ganon karaming kaibigan. Ang mga sikat na sosyalin katulad ng pinsan ni
Masayang tumawa si Sabrina na ipinagmamalaki ang sarili, lumabas ang kanyang dalawang dimples sa pisngi. "Hah, ginagawa ko ang lahat ng uri ng mga bagay!"Lalong naging interesado si Yvonne. "Sabihin mo sa amin, sabihin mo sa amin, ano pa iba mong ginagawa?""Hmm..." Iniling ni Sabrina ang kanyang ulo sa gilid at nag- isip sandali, pagkatapos ay sinabi na may kasiyahan sa kanyang mukha, tulad ng isang batang babae. "Halimbawa, kapag kasama mo ang iyong kasintahan, at ang iyong mga kamay ay naging marumi mula sa pagkain na iyong kinain ngunit wala kang anumang tissue, ano ang dapat mong gawin? Ang dapat mo lang gawin ay ipasok ang iyong kamay sa bulsa ng iyong maong at punasan ang maruming daliri sa panloob na tela ng iyong bulsa. Isa pa, kapag lumabas ka upang magshopping kasama ang iyong mga kaibigan at pawis na pawis ka na, Pagkatapos ay tinawagan ka ng crush mo at sinabing andito na siya sa loob ng limang minuto, uulitin ko, wala kang dalang pampunas ng pawis mo, ano ang gagawin mo?
Hindi siya masyadong pinansin ni Ryan. “Kukuha lang ako ng ilang litrato, huwag kang mag- alala! Hindi ako natatakot kay Master Sebastian.""Hindi ka natatakot, pero ako! Si Sabrina naman! Ayokong magkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Master Sebastian sa kanya, sa wakas ay bumubuti na ang kanyang buhay! Itigil mo na, ihinto ang pagkuha ng litrato!" saway ni Marcus.Nagkibit balikat si Ryan. “Ha! Palihim na akong kumuha ng pares bago mo ako pinigilan. Marcus, masyado kang matuwid."Ngumisi si Marcus. ungol ni Ryan habang patuloy sa pagkuha ng litrato. "Lahat ng tatlong babae ay medyo maganda. Bakit hindi ko sila napansin kanina? Sa tuwing pumupunta ako dito, naiinis si Ruth sa akin. Siya’y walang kwenta lamang na babae ngunit sobrang siyang makapilit akala mo wala nang bukas. Pero tingnan mo siya ngayon! Ngayong kasama niya si Sabrina, mas maganda at mas cute siya."Napangisi si Marcus. "Iyon ay dahil hinuhusgahan mo siya bago mo pa siya kilala. Si Ruth ay hindi masyadong nag- aayos at m
Inangat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa mataas na skyscraper, ito ay isang landmark ng South City. Anim na taon na ang nakalilipas, bago matagumpay na nakontrol ni Sebastian ang gusali, sinong mag- aakalang ang isang ipinatapon na iligal na bata ay maaaring maging sanhi ng magdamag na paglipat sa kapangyarihan?Anim na taon na ang nakalilipas, ang iligal na bata na dating ipinatapon at nagdusa sa labas, ay nangunguna ngayon sa Ford Group na umakyat sa tuktok sa South City, ito ay tumaas nang maraming beses. Maaari pa nga itong tawaging pinakamataas sa buong bansa. Ngayon, mayaman na si Sebastian para makabili siya ng isang isla sa timog- silangan, na isang libong kilometro kuwadrado ang lapad. Ang isla ay hindi mahusay na binuo, na may mga primitive na katutubo, lungsod, industriya, agrikultura, at ang mga nasa kapangyarihan doon. Ngunit nadagdagan lamang nito ang pagnanais ni Sebastian na sakupin ito.Kamakailan lamang, pinaplano niya ang pagkuha na ito. At ngayon, ang dokume
Masayang nakangiti ang dalaga sa larawan, parang sunflower na namumulaklak sa tag- araw. Lumitaw ang mga dimples sa kanyang pisngi nang ngumisi siya, kitang- kita sa larawan ang kanyang mga ngiping porselana sa pagitan ng kanyang matambok na labi. Ipinanganak si Sabrina na may mga monolid at malalaking mata, kaya sa tuwing ngumingiti siya, ang manipis niyang talukap ay nagbibigay sa kanya ng impresyon ng isang inosenteng diwata. Isang beses lang nakita ni Sebastian ang ngiti niya gaya ng ginawa niya sa litrato. Anim na taon na ang nakalipas nang minsang gantimpalaan siya ni Sabrina ng kanyang matamis na ngiti sa limitadong oras na magkasama sila. Sa loob ng ilang araw, hindi niya ito naintindihan at inisip na sinusubukan nitong saktan ang Pamilya Lynn at walang awa na pinalayas siya. Simula noon, hindi na niya nakitang muli ang parehong ngiti sa mukha ni Sabrina.Tila kakain siya ng tanghalian kasama ang kanyang mga kasamahan nang makunan ang larawan, at siya ay kumikinang na parang wa
Simula noon, nakagawian na ni Sebastian na pumirma gamit ang gintong panulat para sa mga pribadong sulat sa pagitan nila. Ang gold pen ay may makinis at manipis na finish na kakaiba, kaya't mapapansin ni Alex kung ang mga top-secret na dokumento ay peke ng isang taong sumubok na gayahin ang pirma ni Sebastian.Tumalikod si Ryan pagkatapos tumakbo upang kunin ang kanyang telepono, para lamang malaman na may kinuha si Sebastian sa kanyang bulsa para sa isang gintong panulat."Uncle Sebastian... pakiusap wag mo na akong takutin ng ganyan, malapit na akong atakihin sa puso!" Ngumiti siya ng alanganin.Hindi siya nilingon ni Sebastian at nanatiling nakatutok sa pagpirma sa dokumento. "Ikaw ang madaling matakot. Kailan pa ako nakipaglaro sayo?"Nakangiting tumango si Ryan at nagtanong, "Tiyo Sebastian, pwede ko na bang kunin ang aking telepono?""Tahan na!""Um...Tito Sebastian, ako...nagloloko lang ako. Gusto ko nga si Tita Sabrina, pero bago ko pa nalaman na tita ko siya. Ngayon, hindi na