Nabulunan si Sean at halos malagutan ng hininga sa sinabi ni Sebastian. Siya ay kumuha ng ilang minute upang makarekober bago tinanong, " Kaya sinasabi mo na gusto mong gumawa ng isang pampublikong anunsyo sa buong lungsod tungkol sa iyong kasal kay Sabrina?""Nagawa ko na," sinabi n Sebastian."Tungkol sa petsa ng kasalan, bagaman ako ang pipili ng petsa para doon," dagdag ni Sebastian."Ang pagpapakasal ay napaka- importanteng bagay, balak mo bang hindi isama ang lahat ng tao dito sa lumang tirahan kasama na ang iyong mga lolo't lola, ang iyong madrasta at ako?""Hindi ba't ibinalik ko na si Sabrina sa dating tirahan kalahating buwan na ang nakakaraan at ipinaalam sa inyong lahat? Ibinigay pa ni Lola kay Sabrina ang mga Chrismatite bracelet na iyon, na dapat ay pamana ng pamilya natin. Wala ka pang setenta, Padre. nakakaranas ka na ba ng dementia?""Bakit ikaw...!" Saglit na naputol ang boses ni Sean habang nagpupumilit na manatiling kalmado. "Sige, ipinaalam mo nga sa mga malalapit
Kahit malabo ang ngiti, sapat na iyon upang magpainit sa puso ng lahat ng empleyado sa buong Ford Group, lalo na ang mga kababaihan."Hey, nakita mo ba ang post sa opisyal na Ford Group social media accounts?""Imposibleng hindi ito mapansin sa lahat ng kaguluhang binagsakan nito! Wala pang bagong post sa nakalipas na tatlong taon at ang unang post sa napakatagal na panahon ay lumabas na larawan ng ating Direktor na nagpipigil sa sarili, na hindi nakitang may kasamang babae, kasama ang kanyang asawa. Aw, sobrang sweet. Ipinakita sa akin ng Direktor na kapag ang isang di romantiko na malinis na lalaki ay nagsimulang magpakita ng kanyang pagmamahal, lahat ng mga lalaking naglalaway sa mga babae araw-araw ay talagang hindi makapagkukumpara.""Bigla kong napagtanto kung gaano ko kamahal si Director!""Anong ibig mong sabihin na 'bigla'? Hindi matagal ka nang may gusto sa Director?""Noon medyo mahina lang ang pakiramdam, pero ngayon parang nahuhulog na ako sa kanya! Hindi ko lubos akalain
Luminga- linga si Sabrina sa kanyang paligid nang matanaw niya ang lalaki, at gaya ng inaasahan niya, tahimik na nagtago o natahimik lang ang mga nagdaraan, nanlaki ang mga mata sa paghanga sa presensya nito. Para bang ang lalaking nakasandal sa kotse ng tamad ay ang devil reincarnation mismo. Maging sina Yvonne at Ruth ay natulala sa kanyang hindi ipinaalam na hitsura.Nang matapos ang unang pagkabigla, binigyan ni Yvonne si Sabrina ng mahinang pagtulak. "Um, Mrs. Ford, ikaw... mauna ka na."Galit na tumango si Ruth kay Sabrina bilang pagsang- ayon.Kinagat ni Sabrina ang kanyang labi at nagsimulang maglakad patungo kay Sebastian, ang kanyang mga daliri ay nagsalubong sa kaba."Anong meron? Galit ka?" tanong niya, bago siya pinagbuksan ng pinto ng sasakyan. Sa likod ng dalawa ay hindi mabilang na mga tao ang sumusubok na silipin ang pambihirang eksena, habang ang ilan ay nakatayo lamang sa pagkabigla.Awtomatikong umakyat ang braso ni Sebastian sa balikat ni Sabrina para hilahin siya
"Wala lang talaga yun," Ngumiti si Sabrina."Marami akong dapat na ipagpasalamat sa'yo, posible kaya na ilibre kita ng hapunan?" masigasig na tinanong ng nanay.Kahit kailan ay hindi masanay sanay si Sabrina sa tuwing pinupuri siya, kaya niyuko niya na lang ang ulo at ngumiti. Nung lumabas na si Aino sa classroom, agad siya lumapit para kunin ang kamay ni Aino at umalis na agad habang nagpapaalam sa nanay na kausap niya kanina."D'yos ko po, para sa isang babae na kasal sa isang mayaman at makapangyarihang lalaki, talagang napaka mapagkumbaba siya," sabi ng babae."Sumasang-ayon ako. Ngayon ko lang napagtanto na mas nagiging mapagkumbaba pala ang isang tao habang tumataas ang estado niya. Tingnan mo na lang si Mrs. Ford, pwede mo siyang lapitan na parang kapitbahay mo lang, samantalang yung ibang babae na bilib sa sarili nila sa mababang estado kung kumilos ay parang ang taas at tapang nila," sumagot ang isa pang nanay.Sa hindi kalayuan sa kanila, may nakatayong tatlong mayayaman
"Oh." Namula si Sabrina at bumalik sa pagiging tahimik. Sigurado siya na si Sebastian ang magkaroon ng kapangyarihan sa pagsasaayos ng ganun ka importanteng okasyon, kailangan niya na lang talagang pumunta. Ipinagmamalaki ni Sabrina ang sarili niya bilang isang tao na alam kung saan lulugar at kung anong ang kailangan niyang gawin, mananatili lang siyang tahimik katulad ng isang trophy wife na inaasahan ng lahat sa kanya.Binaba niya na ang mga kubyertos niya pagkatapos na ubusin ang pagkain niya at sinabi kay Sebastian, "Kung wala ka nang iba pang kailangan gawin, maglaan ka ng oras kay Aino. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon para makalaro ang daddy niya nang ilang araw. Nagtagumpay ka sa pakikisama sa kanya na ayaw niya nang makipaglaro sa akin. Para bang mas gusto niya nang maglaan ng oras para makipaglaro ng palaisipan sayo. May mga gagawin lang akong trabaho habang nakikipaglaro ka sa kanya. May mga ilan akong blueprint na kailangan i-drawing."Binaba na rin ni Sebastian ang m
Hanggang sa maayos niya ang lahat? Sinasabi niya ba na sasama siya sa kanya...papunta sa malayong nayon na minsan niyang tinawag na tahanan?"Hindi ba sinabi mo na may gagawin ka pang mga blueprint?" tanong niya."Oh...oo nga pala," sumagot siya nang parang wala sa sarili, bago umalis at pumunta sa kwarto niya.Nung gabing yun, sinunog niya ang midnight oil habang ginagawa ang mga blueprint hanggang sa makatulog siya. Nung buksan niya ang mga mata niya, nandun na siya sa mga bisig ni Sebastian. Nahirapan pa siyang bumangon para lang mapatigil ng malamig na boses ni Sebastian."Kung ayaw mong mapagod ang sarili mo sa gabi at gusto mo talagang magpahinga, sinasabi ko sayo wag ka nang aalis. Pag gumalaw ka ulit hindi ko masisiguradong hindi kita parurusahan katulad ng ginawa ko kahapon."Agad na humiga ulit si Sabrina, dahil alam niyang seryoso ang lalaki sa sinabi niya.Natulog siya sa mga malalakas niyang bisig nang ligtas hanggang sa mag umaga, at napansin na lang na umalis na an
"Laliman mo pa yung paghahanap!" Bumaba ang boses ni Sebastian sa isang nakakatakot na dagundong."Opo, Master Sebastian!""Gusto ko ng resulta sa lalong madaling panahon! Makakapaghintay yung ibang bagay!"Opo, Master Sebastian!"Si Sebastian ay tumayo nang malalim ang iniisip sa pinakataas na palapag matapos na ibaba ang tawag, bago siya bumaba sa kwarto at nakita na gising na si Sabrina.Sinamantala niya ang pag gising niya nang maaga at naglaan ng oras para isang mas komprehensibong skin care routine. Ang marka sa pisngi niya galing sa pananakit ni Linda ay medyo nawala na at halos hindi na ito halata. Naglagay siya ng kaunting ointment na binigay sa kanya ni Ruth, at nagulat sa kung gaano kabisa ang walang amoy na pamahid. Tapos dumiretso na siya sa paglalagay ng kaunting foundation at biglang lumiwanag ang mukha niya. Lumabas siya ng banyo at nakita si Sebastian na naka bathrobe. Kahit na manipis lang naman ang makeup niya na halos parang wala, agad napansin ni Sebastian ang
Masyado bang mahigpit? Sinabi niya ito nang hindi niya sinasadya at sa ilang saglit, nagulat siya sa kapaligiran at sa pag-uusap nila na para bang sila ay isang makalumang mag-asawa. Isang mapusyaw na kulay ang umakyat sa mga pisngi niya sa pag-iisip nito nang walang babala."Bakit ka namumula?" Tiningnan siya ni Sebastian, natigilan ito. Iniwasan niyang gumawa ng kahit ano sa kanya sa buong araw simula kahapon. Ano kayang naisip niya at bigla siyang namula ngayon?"Wa-wala!" tumanggi siya nang galit at nautal, "Wala kasi masyadong hangin sa kwarto. Hindi ako masyadong makahinga kaya a...aalis na lang muna ako ngayon."Mabilis na umalis si Sabrina pagkasabi niya ng huling salita at naiwan na si Sebastian."Kailan ba siya titigil sa pamumula dahil lang sa walang kwentang bagay?" bulong niya, "Siguro hindi pa siya nasasanay sa akin. Sino bang may alam? Baka siya ang maging pinaka kahiya hiyang tao kapag hinarap ko siya marami pang sitwasyon tulad nun." Matapos ang isang maikling se