"Oh." Namula si Sabrina at bumalik sa pagiging tahimik. Sigurado siya na si Sebastian ang magkaroon ng kapangyarihan sa pagsasaayos ng ganun ka importanteng okasyon, kailangan niya na lang talagang pumunta. Ipinagmamalaki ni Sabrina ang sarili niya bilang isang tao na alam kung saan lulugar at kung anong ang kailangan niyang gawin, mananatili lang siyang tahimik katulad ng isang trophy wife na inaasahan ng lahat sa kanya.Binaba niya na ang mga kubyertos niya pagkatapos na ubusin ang pagkain niya at sinabi kay Sebastian, "Kung wala ka nang iba pang kailangan gawin, maglaan ka ng oras kay Aino. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon para makalaro ang daddy niya nang ilang araw. Nagtagumpay ka sa pakikisama sa kanya na ayaw niya nang makipaglaro sa akin. Para bang mas gusto niya nang maglaan ng oras para makipaglaro ng palaisipan sayo. May mga gagawin lang akong trabaho habang nakikipaglaro ka sa kanya. May mga ilan akong blueprint na kailangan i-drawing."Binaba na rin ni Sebastian ang m
Hanggang sa maayos niya ang lahat? Sinasabi niya ba na sasama siya sa kanya...papunta sa malayong nayon na minsan niyang tinawag na tahanan?"Hindi ba sinabi mo na may gagawin ka pang mga blueprint?" tanong niya."Oh...oo nga pala," sumagot siya nang parang wala sa sarili, bago umalis at pumunta sa kwarto niya.Nung gabing yun, sinunog niya ang midnight oil habang ginagawa ang mga blueprint hanggang sa makatulog siya. Nung buksan niya ang mga mata niya, nandun na siya sa mga bisig ni Sebastian. Nahirapan pa siyang bumangon para lang mapatigil ng malamig na boses ni Sebastian."Kung ayaw mong mapagod ang sarili mo sa gabi at gusto mo talagang magpahinga, sinasabi ko sayo wag ka nang aalis. Pag gumalaw ka ulit hindi ko masisiguradong hindi kita parurusahan katulad ng ginawa ko kahapon."Agad na humiga ulit si Sabrina, dahil alam niyang seryoso ang lalaki sa sinabi niya.Natulog siya sa mga malalakas niyang bisig nang ligtas hanggang sa mag umaga, at napansin na lang na umalis na an
"Laliman mo pa yung paghahanap!" Bumaba ang boses ni Sebastian sa isang nakakatakot na dagundong."Opo, Master Sebastian!""Gusto ko ng resulta sa lalong madaling panahon! Makakapaghintay yung ibang bagay!"Opo, Master Sebastian!"Si Sebastian ay tumayo nang malalim ang iniisip sa pinakataas na palapag matapos na ibaba ang tawag, bago siya bumaba sa kwarto at nakita na gising na si Sabrina.Sinamantala niya ang pag gising niya nang maaga at naglaan ng oras para isang mas komprehensibong skin care routine. Ang marka sa pisngi niya galing sa pananakit ni Linda ay medyo nawala na at halos hindi na ito halata. Naglagay siya ng kaunting ointment na binigay sa kanya ni Ruth, at nagulat sa kung gaano kabisa ang walang amoy na pamahid. Tapos dumiretso na siya sa paglalagay ng kaunting foundation at biglang lumiwanag ang mukha niya. Lumabas siya ng banyo at nakita si Sebastian na naka bathrobe. Kahit na manipis lang naman ang makeup niya na halos parang wala, agad napansin ni Sebastian ang
Masyado bang mahigpit? Sinabi niya ito nang hindi niya sinasadya at sa ilang saglit, nagulat siya sa kapaligiran at sa pag-uusap nila na para bang sila ay isang makalumang mag-asawa. Isang mapusyaw na kulay ang umakyat sa mga pisngi niya sa pag-iisip nito nang walang babala."Bakit ka namumula?" Tiningnan siya ni Sebastian, natigilan ito. Iniwasan niyang gumawa ng kahit ano sa kanya sa buong araw simula kahapon. Ano kayang naisip niya at bigla siyang namula ngayon?"Wa-wala!" tumanggi siya nang galit at nautal, "Wala kasi masyadong hangin sa kwarto. Hindi ako masyadong makahinga kaya a...aalis na lang muna ako ngayon."Mabilis na umalis si Sabrina pagkasabi niya ng huling salita at naiwan na si Sebastian."Kailan ba siya titigil sa pamumula dahil lang sa walang kwentang bagay?" bulong niya, "Siguro hindi pa siya nasasanay sa akin. Sino bang may alam? Baka siya ang maging pinaka kahiya hiyang tao kapag hinarap ko siya marami pang sitwasyon tulad nun." Matapos ang isang maikling se
Nagulat si Ruth at napa abante siya. Parehong si Yvonne at Sabrina ay lumingon para makita ang isang babae na nasa fifties at tumatakbo papunta kay Ruth.Agad na nagtago si Ruth sa likod ni Yvonne, nanginginig ang boses niya at halos malapit na siyang mahimatay. "Ma, anong ginagawa mo dito? Dalawang araw na ang nakakalipas. Bakit galit ka pa rin sakin? Halos mamatay na ako sa gutom at sinalo ako ni Yvonne. Nagdesisyon ang Human Resouces na patawarin ako at sinabihan ako na bumalik na sa trabaho. Nabalik ko na ang trabaho ko at alam ko na kung gaano kalaki ang pagkakamali ko, pwede bang hayaan mo na yun?" "Ikaw inkompetenteng tanga ka!" nagmura ang babae.Nanigas si Ruth sa pagmumura na ginamit laban sa kanya. "Ano ulit yung tinawag mo sakin, ma?""Tinawag kitang inkompetenteng tanga! Isang walang hiyang tanga! Ibigay mo sakin ang mga skin-care product na yan!" Galit na galit na sigaw ng babae.Sa kabila ng pag-aalinlangan niya, inabot ni Ruth ang mga kamay niya kasama ang hawak n
Samantala, bumalik si Sabrina para tumayo sa tabi ni Ruth at dala ang skin-care products. "Ito na oh.""Salamat po, Mrs. Ford.""Pumasok na tayo. Magang maga ang mga mata mo dahil sa lahat ng pag-iyak mo. Pumunta ka sa banyo mamaya at maghilamos ka ng mukha gamit ito tapos maglagay ka rin ng produktong 'to. Makakabawas yan ng pamumula at maga," Mahinahong nagbilin si Sabrina. Hindi niya tinanong ang tungkol sa nangyari sa pagitan ni Ruth at nanay niya. Hindi naman kasi talaga madaldal si Sabrina, kaya hindi niya naisip na may karapatan siyang magtanong tungkol sa problema ng pamilya ng iba. Bawat pamilya naman talaga ay may kanya kanyang problema na kailangan harapin.Pumasok nang magkakasama ang tatlo sa loob ng elevator at nung pagkasara pa lang ng elevator, isang dosenang empleyado ang bigla na lang lumitaw. Nakarating na sila nang mas maaga, pero wala silang lakas ng loob para sumakay sa iisang elevator kasama si Sabrina kaya nagdesisyon silang magtago. Nung nakita nila sa saril
Umalingawngaw ang mga yabag sa corridor nang magsalita si Sabrina. Naguguluhan, agad niyang isinantabi ang mga gawain at lumabas sa pasukan ng opisina ng Design Department. Ang vice-director ng operasyon, ang administration manager, ang sales manager at lahat ng iba pang miyembro ng high management ay nagmamadaling nagkukumpulan sa kanila."Ano ang nangyayari?" Si Madeline, ang babaeng nagtangkang magbigay ng Green Mountain Coffee kay Sabrina bilang regalo, ay tumingin sa labas at agad na natigilan sa hitsura ng lalaking nakatayo sa may pintuan.Nakatayo na si Sabrina sa harapan ng lalaki noon. Sumilip siya sa paligid bago bumulong, "Ano...anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito sa opisina ko? Ikaw-""Ito ba ang kumpanya mo?" Kalmadong putol ni Sebastian gamit ang walang emosyong boses."...Hindi.""Kung ganoon, bakit hindi ako makakapunta dito?" tanong niya, "maraming dahilan kung bakit kailangan kong narito. Ang Ford Group ang kliyente ng architectural design firm na ito. Bilang iyo
Maraming sugat sa katawan ni Jade ang nahawahan na, at natatakpan ng makapal na patong ng ointment."Nanay!" naiiyak na sigaw ni Selene. "Ginawa ba ng tatay ko ang lahat ng ito? Paano siya naging malupit? Paano niya ito magagawa sa sarili niyang asawa?"Umiling si Jade at sinabing, "Hindi rin ako naging madali sa kanya.""Ano?! Nasaan si dad?""Nasa silid tuluganNagmamadaling tinungo ni Selene ang kwartong pambisita at nadatnan ang kanyang ama sa kama na may mga bendahe na nakabalot sa kanyang ulo."Dad...? Si mama ang gumawa nito?""Ang kasuklam-suklam na iyon ang nagtulak sa pagitan namin ng iyong ina," malisyosong sabi ni Lincoln."Sabrina, damn her! Babalatan ko siya ng buhay!" Nagmura si Selene. Bagama't nakarating sa bahay ilang minuto lang ang nakalipas, kinuha niya ang kanyang bag bago muling lumabas.Nagkamit ng kredito si Selene sa pag-aalaga sa matandang Master Shaw nitong nakaraang buwan, at sa pagpapakita sa kanya ng matandang Master Shaw sa elite na lipunan sa Kidon City