Nagulat si Sabrina.Nakatuon siya sa pagbagay sa kadiliman at napagtanto na si Sebastian ay nakaupo na mag-isa sa sopa. Mayroon siyang bagong tabakong walang sindi sa pagitan ng kanyang bibig at ang parehong mga kamay ay nakalagay sa kanyang tuhod. Bahagya siyang nakasimangot at sinusuri si Sabrina ng kanyang malalim na itim na mga mata. "Ikaw ..." tatanungin ni Sabrina si Sebastian, bakit gising pa rin siya? Gayundin, nasaan si Selene?Gayunpaman, hindi siya nagtanong.Nabigla siya sa ekspresyon ni Sebastian."Halika dito!" Ang mga salita ni Sebastian ay tulad ng isang atas ng imperyo, at hindi pinapayagan na lumaban si Sabrina.Nararamdaman ni Sabrina na siya ay isang kabit ni Sebastian na nawala ang pagmamahal, mababa at gumawa ng pagkakamali.Hiniling siya ni Sebastian na lumapit, at hindi siya naglakas-loob na sumuway.Kinagat ni Sabrina ang labi at lumapit sa tabi ni Sebastian. "Mayroon bang anumang bagay na maari akong maitulong?"Kalmado at natural ang kanyang tono.
Wala siyang kakayahang lumaban sa kanyang paligid. Tinatrato nila siya tulad ng isang laruan, langgam, at isang piraso ng damo.Wala siyang pera, walang babagsakan, at pagod na pagod.Ayaw na niyang lumaban.Kung napahiya siya ulit ngayon, tatapusin niya ang kanyang buhay. Maaaring maging isang masayang bagay na makasama ang kanyang sanggol upang muling makasama ang kanyang ina.Biglang bumangon ang lalaki pagkatingin sa masunuring si Sabrina. Ang paningin niya na tumingin pababa kay Sabrina ay higit na naiinsulto. "Walang babae, si Sebastian Ford, ang nais kong isiping ang tumututol! Ikaw naman ay hindi karapat-dapat! ” Malamig na sinabi ni Sebastian, “Pakinggan mo ako ng maayos! Habang mayroon ka pa ring relasyon sa akin bilang asawa sa buwan na ito o higit pa, mas mabuti mong panatilihin ang tungkulin ng isang asawa at huwag makipaglaro sa sinumang kalalakihan! Binibigyan lamang kita ng isang pagkakataon para sa isang babala! ”Ibinagsak siya ng lalaki at bumangon upang uma
May isa pang lalaki sa loob ng kotse ni Nigel.Umiling si Sabrina, "Salamat, Master Nigel, pero sasakay na lang siguro ako ng bus.""Hindi kami nangangagat. Ito pala ang bestfriend kong si Zayn! Sumakay ka na!" sa tono ni Nigel talagang mapipilitan ka dahil para na rin siyang nag-uutos, "Alam kong marami kang ginagawa araw-araw, pero ganyan naman sa lahat ng bagong empleyado, masasanay ka din dyan. Halika na, ihahatid na kita!"Nag-alangang kinagat ni Sabrina ang labi niya at pumayag na din ito. Yung isang lalaki sa loob ng kotse na may pangalang Zayn ay mukhang magalang at tahimik. Binati niya si Sabrina nang may pag galang, "Young Mistress Ford, marami na akong narinig tungkol sa inyo."Ngumiti nang bahagya si Sabrina at tumungo ito. Galing sa mayayamang pamilya ang dalawang lalaking katabi niya sa kotse, ganito yung mga taong hindi niya pa nakakasalamuha dati. Wala siyang alam kung paano sila pakikisamahan, lalo na kung paano siya aapela sa kanila. Kaya naisip niya na mas mabuti
Desperado siya ngayon na magkapera. Nabasa siguro ni Nigel ang nasa isip niya at hindi naman malaking bagay sa kanya ang pera kaya sinabi niya dito, "Wala pa yatang $3,000 USD yung binigay ko sayo. Bakit ka ganyan? Natatakot ka ba dahil iniisip mong sinusubukan kong bilhin ang isang gabi mo? Relax ka lang! Hindi ako interesado sayo! Naisip ko lang na parang nakakaawa ang probinsyanang katulad mo. Isipin mo na nag magandang loob lang ako. Kung hindi mo talaga matatanggap ng walang kapalit, pwede mo kong bayaran ng hulugan tuwing makukuha mo ang sahod mo.""Salamat," namula si Sabrina habang hawak niya ang pera."Nga pala! Masyadong importante ang oras ko. 'Wag mo ng sayangin. Sa susunod na sabihin ko na ihahatid na kita, pumasok ka na lang agad sa kotse," Pabirong sinabi ni Nigel habang nakatingin sa reflection ni Sabrina sa harapang salamin at namumula ang mukha nito."Okay sige," tumango si Sabrina at tumahimik ito habang kalmadong tumingin sa labas ng bintana. Pero, ang totoo niya
Tahimik na nakatingin si Sebastian nang umalis ang kotse ni Nigel at malayo na sa kanila. Nagtanong si Kingston, "Master Sebastian, yung kotseng nakita ko ngayon lang...parang kamukha ng kotse ni Master Nigel, dinalaw niya kaya si Madam?" Nakatutok lang si Kingston sa pagparada ng kotse kaya hindi niya napansin na lumabas si Sabrina sa kotse ni Nigel at nakangiti pa ito sa kanya."Hindi tinuring ni Nigel na tita niya ang nanay ko. Kaya lang niya tinatawag na tita si Mama ay dahil lang sa takot niya sa akin," sabi ni Sebastian sa mababang boses, bago ito mag-isang pumunta sa loob ng ospital. 'Mukhang malakas si Mama nitong mga nakaraang araw, at para bang hindi totoo na isang buwan na lang ang natitira sa buhay niya.' naisip ni Sebastian.Alam niya na dahil sa tuloy tuloy na pagbisita ni Sabrina kaya lalong sumaya ang nanay niya at parang mas bumuti ang pakiramdam niya sa kabila ng sakit niya ngayon. Inaamin niya na talagang magaling gumawa n
"Alam ko yan, at wala rin akong balak!" kalmadong sagot ni Sabrina. Tumalikod siya nang hindi tumitingin kay Sebastian at diretso ng pumunta pabalik sa ward.Wala siyang kahit anong utang kay Sebastian. Pinahiram man siya nito ng $50,000 USD pero mababayaran niya din yun pagtapos ng kontrata nila. Kahit na niligtas niya nung minsan ang buhay ni Sabrina sa mga kidnapper, ginawa niya lang naman yun para sa nanay niya.Hindi niya na kailangang mag sunud-sunuran pa sa harap niya, dahil alam niya na malayo naman siya sa pagkakaroon ng utang sa kanya. Ang gusto niya lang ay maging siya at gawin kung ano ang makakaya niya para maging komportable si Aunt Grace sa mga huling araw ng buhay niya.Naging malayo pa rin ang dalawa sa isa't isa pero alam nila na kailangan pa rin nilang magpanggap para kay Aunt Grace pagpasok nila sa loob ng kwarto. Inakbayan ni Sebastian si Sabrina sa may pinto, at sumandal naman si Sabrina sa kanya, na para bang mas mahal pa nila ang isa't isa ngayon.Tiningnan
Sinara ni Selene ang kamay niya nang mahigpit at ang mga kuko niya ay lumubog na rin sa balat niya dahil sa mga sinabi ni Sebastian."Darling Sebastian, nakuha mo na ang katawan ko, at simula nung oras na yun, nangako ako sa sarili ko na ikaw lang ang nag-iisang lalaki sa buhay ko. Okay lang sakin kung hindi mo ko gusto, hindi ako humihingi ng kahit ano. Gusto ko lang na makita kita araw-araw," sinabi niya ito habang nakatingin kay Sebastian nang may pananabik.Nahirapan si Sebastian na itago ang kawalan niya ng respeto sa babaeng nakatayo sa harap niya ngayon. Nawawalan na siya ng pasensya. Tinadyakan niya na siguro ito hanggang mamatay dati pa kung hindi lang siya yung taong nagsakripisyo ng sarili niya para lang iligtas siya."Darling Sebastian..." tinawag siya ulit ni Selene, pero sinakal siya ni Sebastian sa leeg ng isang kamay nito bago pa siya makapagsalita ulit."Sinabi ko na sayo na papakasalan kita! Ibig sabihin nun magpapakasal ako sayo! Ikaw ang magiging asawa ng may-ar
Samantala, hindi talaga mahanap ni Sabrina ang katahimikan sa sarili niya. Alam niyang ipit siya sa gitna ng kapahamakan sa bawat kilos na gawin niya. Lahat gagawin ng mga miyembro ng Lynn Family para siguradong mahirapan at magdusa siya.Alam niya na yung pagiging mabuti sa kanya ni Nigel ay dahil lang naaawa ito sa kanya. Sigurado din siya na para lang din sa kapakanan ng nanay niya kaya tinuloy pa rin ni Sebastian ang kontrata nila kahit nalaman nitong buntis siya.Isa na naman siyang kaawa-awang babae na walang ibang karamay sa mundong ito. Kailangan niya lang paalalahanan ang sarili niya na mag-ingat nang paulit ulit. Dumeretso na siya sa kwarto niya nang pumasok siya sa apartment ni Sebastian at hindi na siya lumabas dito, kahit para sa pagkain, kahit ang totoo niyan, nagugutom na siya.Naghintay siya hanggang mag 11 na ng gabi at lumabas na din ito na may dalang palanggana. Inakala niya na wala na ang dalawa sa sala at papunta na siya sa banyo para kumuha ng mainit na tubig p