Hindi nakapag salita si Maysun. Inis na inis siya sa amoy na kumapit sa kanya. Kung wala lang ito, sana ay napalapit na siya kay Sebastian ngayong araw na 'to. Tama si Rose. Si Sebastian ay nasa pinaka-mababang punto ng kanyang buhay at nadama niyang wala siyang silbi sa sandaling iyon. Ito ang pinaka-magandang pagkakataon para gamitin ang sitwasyon at magkaroon ng pagkakataon, pero sa kasamaang-palad, amoy siya. Kinamumuhian niya ito! Kinamumuhian niya ang d*mnadong bata, si Aino!Palaging inakala ni Maysun na gusto talaga ni Sebastian ang kanyang anak na babae. Sa sandaling iyon, bigla niyang naisip kung bakit hindi pina-apelyido ni Sebastian si Aino ng Ford, ngunit pina-take niya ang apelyido ng kanyang ina. Lumilitaw na hindi tinanggap ni Sebastian ang bata. Ha! Kung gayon, hindi na talaga magiging mabait pa si Maysun."Ikaw... lumayas ka! Hindi ko matiis... ang amoy mo! Alis!" Nagbagsak sa sahig si Sebastian.Hindi na nilapitan pa ni Maysun si Sebastian. Tumayo siya at umalis.
"Sige, Madam Ford. Mauuna na po ako. Kung mayroon kayong utos, tawagan niyo nalang po ako. Laging handa ang inyong lingkod," masunuring sabi ni Maysun. Siya ay ang munting prinsesa ng pamilya Kemp sa Kidon City, ngunit kailangan niyang magpakumbaba tulad ng isang kasambahay sa harap ni Rose. Hindi ito naging problema kay Maysun, sa kanya'y ito ay sulit na sulit. Lumabas siya sa kwarto ni Rose at tinawagan si Lily. "Lily, nasaan ka? Hinahanap kita. May magandang balita ako para sayo."Sa kabilang dulo, si Lily ay naliligo sa likuran ng Tahanan ng Ford. Paulit-ulit siyang naglinis, ngunit matindi pa rin ang masamang amoy ng kanyang katawan."Naliligo ako. Halika dito," iritadong sagot ni Lily."Sige! Pupunta na ako diyan." Binaba ni Maysun ang tawag at diretsong lumakad papuntang likod ng bahay.Sundan ni Aino si Maysun nang hindi nito alam. Itinaas ni Aino ang kanyang ulo upang tignan sina Yvonne at Ruth. "Tita Ruth, Tita Yvonne, sigurado ba kayong ito ang makakaligtas sa aking ina?
Sumandal si Aino sa balikat ng kanyang daddy at tumingala ito para tignan si Sebastian, "Daddy..."Hindi pa man din nasasabi ni Aino ang gusto niyang sabihin, naintindihan na ito kaagad ni Sebastian at buo ang loob na sumagot, “Mhm. Naniniwala ako na mahahanap natin ang Mommy mo. Sino ba satingin mo ang Mommy mo?” Habang iniisip ito, makikita ang malaking pag asa mula sa mga mata nii Sebastian. "Mukhang tahimik lang ang Mommy mo, sobrang hinhin, mahina, at hindi nakikipag away sa iba, pero sa totoo lang, sobrang hirap kalabanin ng Mommy mo. Alam mo naman kung gaano ako katapang diba? Pero sa huli, hindi ba siya ang nagpapagawa sa akin ng gusto niya? Noon, para makatakas sa akin, kinuha ka ng Mommy mat nagttago sila ng uncle mo ng anim na taon. Sa loob ng anim na taon, siya ay isang babae na hindi sumuko at hindi iniisip na mamatay. Pero ngayon?"Itinaas ni Aino ang kanyang ulo upang tingnan si Sebastian. "Daddy, mas mabuti ba ang sitwasyon ngayon kaysa anim na taon ang nakakaraan
Hindi talaga mahilig uminom si Sebastian, pero kinailangan niyang gawin ito para matakpan ng bahagya ang lungkot niya. Hindi siya lasing at nasa wisyo pa rin siya, pero para makasigurado, nagpahanda nalang din siya kay Kingston ng gamot para sa hangover. Hindi niya inaasahan na mag aalala ng ganun sakanya si Aino kaya lalo siyang nabilib sa anak. Maganda talagang may pamilya. Sa buong Ford Residence, ang kanyang lolo, lola, at ama, bagamat may malalim silang kaugnayan sa dugo, wala sa kanila ang totoong naging pamilya sa puso ni Sebastian, lalo na ang kanyang tunay na ama. Gaano man, si Aino ay itinuring ding apo ni Sean, ngunit ginamit ni Sean ang kabutihan ni Aino at Sabrina upang lokohin ang mag-ina. Bilang resulta, naging bihag si Sabrina!Sa tuwing naiisip ito ni Sebastian, lubos niyang kinamumuhian si Sean. Kinamumuhian niya ang kanyang pamilya! Kinamumuhian niya ang bawat isa sa pamilyang ito! Hindi talaga gusto ni Henry si Sebastian simula pa noong bata pa siya, at may punto
Gustong humalakhak ni Sebastian nang makita ang reaksyon ni Aino. Mukhang natural sa anak niya namaraming ideya at plano, at laging puno ng malikhaing pag-iisip para magbiro sa iba. Ang magkaroon ng ganitong kagaling na kasama sa kanyang tabi, nakadama si Sebastian ng ginhawa. Dahan-dahang sinabi niya kay Aino, "Sige, ngunit kailangan mong ipangako sa akin na hindi ka masyadong aabuso. Kung pababahuin mo ulit ang dalawang babaeng iyon, mabubulunan din ako.""Hmph! Sa susunod na pagbibiro ko sa babaeng iyon, tiyak hindi ko na gagamitin ang dating paraan, Tatay. Ngunit, hindi ako aabuso ngayon. Dahil may kasama ako na mas labis pa sa akin," sabi ni Aino. Gumawa siya ng mukha sa kanyang ama, at tumakbo palayo.Sa isang iglap, tumakbo ang maliit na batang babae papunta sa likurang bahagi ng Ford Residence. Hindi madalas pumunta si Aino sa Ford Residence. Sa loob ng dalawang taon, limang beses lamang siya napadpad doon, at hindi maganda ang karanasan tuwing siya'y bibisita. Subalit, sapa
"Ano ang dapat nating gawin? Kung magkataong mag-away ang munting prinsesa at ang babaeng 'yon, tiyak na malalagay sa alanganin ang munting prinsesa."Sa puntong iyon, naloko ng mga luha ni Aino ang dalawang babaeng kasambahay at buong pusong nabahala na hindi kayang tibagin ni Aino si Maysun. Nakalimutan nilang ang pamilyang ito ay pamilya Ford. Naroon din ang Batang Ginoo na si Sebastian na nagmamasid, kaya sino ang mangangahas na sumubok sa anak ng Batang Ginoo na si Sebastian? Tama'tama naloko ang dalawang kasambahay na ito sa awang ipinamalas ni Aino, ang maliit na sinungaling."Kailangan nating magtulungan kasama ng mga kasambahay na palaging sumusuporta sa munting prinsesa at sa Batang Ginang. Kailangan nating magtulungan para protektahan ang munting prinsesa!""Tama! Dapat natin protektahan ang munting prinsesa! Hindi alam ang kinaroroonan ng kanyang ina, at ngayon may babaeng galing sa labas pa na naglakas-loob na mang-bully sa munting prinsesa sa tahanan ng Ford. Napakaawa
Ang Malvolio Yeatman ay isang pangalan na narinig ni Aino mula sa kanyang Tito Kingston at Tito Poole sa mga nakaraang araw. Alam ni Aino na ang Malvolio Yeatman na binanggit ni Lily ay kalaban ng kanyang ama. Mukhang dahil tinulungan ng kanyang ama si Tito Poole noon kaya nagkaroon ng alitan ang kanyang ama at ang lalaking itong si Malvolio.Ginamit ni Malvolio ang amoy-baho na si Tito Holden para kuning bihag ang kanyang ina. Pagkatapos noon, gusto niyang gamitin ang kanyang ina at si Tito Holden upang kuning bihag ang kanyang ama. Gayunpaman, hindi inaasahan na itong si d*mnadong Lily Parker ay nakipagtulungan din pala kay Malvolio. Mga amoy-ipis silang lahat! Amoy-ipis!"Hmp! Abangan niyo kung paano papalipulin ng tatay ko ang mga ulo niyo isa-isa!" Mahigpit na kinalabit ni Aino ang kanyang maliliit na kamao dahil sa galit. Hindi siya natatakot sa lahat. Basta kalaban ng kanyang ama, magkakampi sila ng kanyang ama at lalabanan ang mga panlabas na pwersa!Inayos ni Aino ang kanya
Sinubukang itagao ni Lily ang kanyang inggit "Naging sa iyo na ang lahat ng kababaihan sa kwartong ito. Bakit ako lang ang pinakawalan mo?""Dahil pareho tayong galing sa isang bansa at nagsasalita ng iisang wika. Hindi ako ganoon kawala ng sarili para saktan ang isa sa mga kapwa ko. Umalis ka na!" sabi ni Malvolio.Nang marinig ito kay Malvolio, biglang naging galit si Lily. "Hindi! Gusto ko lang gawin mo ako ngayon! Bakit pinansin mo pa ang matandang babae na nagwawalis, pero ako lang ang hindi mo napansin?" Tinitigan ni Lily ang matandang babae na niyayakap ni Malvolio nang may pagkadismaya.Umayos si Malvolio. "Matandang babae? Ang apatnapu ay matanda na ba? Ang mga babaeng apatnapung taong gulang ang pinakakilala sa mga lalaki. Sila ay mature sa bawat aspeto at tamang edad kung saan sila pinakakaakit-akit. Ikaw? Ano ang meron ka? Ikaw ay walang iba kundi isang pokpok at bruha!"Pagkatapos noon, hindi na tumingin pa si Malvolio kay Lily, basta umikot at umalis."Hintay!" sumig