Biglang nagbago ang ekspresyon ni Sabrina. Naupo siya sa upuan, natigilan, at halos hindi marinig ang sariling boses. "Ikaw ... ano ang sinabi mo?"“Ang sabi ko, araw ng kasal ko ngayon. Ikakasal na ako sa pinakamakapangyarihang lalaki sa South City, si Sebastian at siya ang naging ama ng bata sa iyong tiyan, "pagbigkas ni Selene habang ngumiti ito kay Sabrina nang masama.Nang sabihin iyon ni Selene kay Sabrina, parang may kausap ito sa matalik niyang kaibigan.Nakatitig lang si Sabrina kay Selene, natigilan.Tumigas ang buong katawan niya habang nagmumukmok sa sarili, “Paano ito magiging posible? Paano ito naging posible? Paano ito naging posible? Hindi ba patay ang lalaking iyon?"Hindi ba siya patay?"Dahil sa ipinapalagay niya na ang lalaki ay namatay na, palaging iniiwasan ni Sabrina ang paksa hangga't maaari. Hindi niya ito kailanman dinala, sapagkat magsisimulang isipin niya na ang kanyang kapalaran ay masyadong malungkot sa iniisip lamang.Ang kanyang unang pagkakataon
Gusto niyang tumayo pero ang buong katawan niya ay nanghihina. Napansin ito ni Selene, ngumiti siya at sinabing, “Hoy Sabrina, sa huli ako pa rin ang ampon mong kapatid. Tumira ka sa bahay namin ng walong taon, pinakain at binihisan ka ng mga magulang ko na parang tunay nilang anak. Tinuring din kitang parang totoo kong kapatid. Ngayon ay nagsasabi ako nang totoo, sa tingin mo nagbibiro ako? Kasal ko ngayon, sa tingin mo nagbibiro ako?”Hindi nakapagsalita si Sabrina, alam niya na hindi nakikipagbiruan si Selene sakanya.Hindi kayang tanggapin ni Sabrina ang katotohanan sa sarili niya.Kinuha ni Selene ang telepono galing sa bag niya, pinakita niya ang recording kay Sabrina, “Tingnan mo ‘to.”Sumunod naman ang mga mata ni Sabrina at bigla itong nanlaki.Ang recording na ito ay noong nakaraan pang tatlong buwan sa mountainside manor kung saan siya pumunta. Ang manor ay isang luma at basura kaya naman napansin agad ito ni Sabrina. Ang camera ay mabagal na nag zoom in, pumasok ito sa
Nagtanong si Sabrina, “Pinalabas ni Lincoln na kampi siya kay Benjamin pero ang totoo nyan ay ginamit niya ako para kumampi rin kay Sebastian?”Umiling si Selene, “Hindi naman, sa mga mata ng tatay ko, wala kang silbi. Isa ka lang preso, isang preso na kailangang tapusin ang sentensya niya. Sa tatay ko naman, gusto niya talagang kampihan si Benjamin, dahil si Benjamin ang totoong tagapagmana ng Ford family. Patago niyang lang tinulungan si Sebastian para bigyan ang sarili niya ng kasiguraduhan. Paano kapag bumaliktad si Sebastian? Kailangan niyang pag-isipan ang bawat galaw niya!”Nagpatuloy siya, “Pinagkakatiwalaan ni Benjamin ang tatay ko. Noong sinabi ni Benjamin na gusto niyang patayin si Sebastian, pinagkatiwala niya ito sa tatay ko. Plinano ng tatay ko ang paghahanap ng isang prostitute at patayin ito pagkatapos nang lahat. Pero, naging metikuloso ang tatay ko. Dahil gusto niyang patayin ang babae, maghahanap nalang siya ng isang babaeng preso. Pagkatapos nang lahat, ibabalik d
Tiningnan ni Sabrina si Selene, natigilan siya. Wala siyang sinabi pero natulala siya.Tuwang tuwa si Selene at mas gusto niya pang i-provoke si Sabrina. “Nagawa mo ngang ipahiya ang Ford family sa harap ng maraming tao at ipinahiya mo rin ang asawa ko na si Sebastian. Pinatay mo ang telepono mo at sinabi sa lahat ng tao na hindi ka na babalik muli sa South City at hindi na rin magkakaroon ng relasyon kay Sebastian. Nangako ka kahapon, Sabrina. Kaya naman, kapag hinanap mo ang asawa ko ngayong araw, isipin mo nalang kung anong iisipin sa’yo ng asawa ko. Hindi pa naman mahabang ang pasensya niya, siguradong paaalisin ka niya.”Tuwing iniisip ni Selene ito, mas natutuwa siya sa mga pwedeng mangyari. Kahit na anong pag-iisp niya rito, ang pinakamatalinong tao ay ang kanyang nanay na si Jade.Sinabi ni Jade kay Selene, “Kung gusto mong mawala sa buhay niyo si Sabrina, kailangan natin ng unconventional gambit, isang nakakatakot na patibong. Kailangan nating sabihin kay Sabrina ang katoto
Walang laman ang kahon. Nagsinungaling sakanya si Sabrina.Tinapon ni Selene ang kahon sa lamesa. Isang employee ang naglakad papunta sakanya at pinagsabihan si Selene, “Miss, wag ka ngang magskandalo rito sa shop namin!”“Bibigyan nalang kita nang mas marami pang pera!” kinuha ni Selene ang 500 na dolyar sakanyang wallet at tinapon ito sa lamesa. Tapos, kinuha niya ang bag niya at umalis na.Ang employee ay nagsalita pa, “Ano naman kung may pera ka? Sa temper mo, walang lalaki ang magpapakasal sa’yo.”Biglang lumingon si Selene, tinitingnan nang masama ang employee. “Wala kang modong babae ka! Wal kang kwenta! Makinig ka, magpapakasal ako ngayong araw. Alam mo ba kung sino ang mapapangasawa ko? Pwede kang patayin ng asawa ko!”Nagulat ang employee at nanginig sa mga sinabi ni Selene. Malamig na ngumiti si Selene. “Ang mapapangasawa ko ang pinakamakapangyarihan sa South City, si Sebastian Ford! Kilala mo ba siya? Magpapakasal kami ngayong araw! Mainggit ka! Ang mga babae sa South
Si Sebastian ang lalaki noong gabi na ‘yon.Tumingin si Sabrina sa langit at tumatawa na parang tanga, “Buhay pa ang tatay ng anak ko? At si Sebastian ‘yon? Lord, paano mo nalamang gusto ko siya? Tinutulungan mo ba ko? Magkakaroon na ba ng tatay ang anak ko sa hinaharap at hindi itatakwil katulad nang nangyari sa tatay niya? Tatanggapin naman kami ni Sebastian, hindi ba?”Tumingala siya at tumakbo, tumatawa siya at umiiyak habang kinakausap niya ang sarili niya. Ang lahat nang tao ay tinuturo siya pagkadaan niya.“Tingnan mo, siya ‘yon, ang babae na gustong sumipsip sa mayaman na pamilya. Nakita niyo naman, pinaglalaruan niya ang dalawang lalaki. Sa tingin ko nabura na lahat ng videos.”“Nagawa niyang makuha ang dalawang mayaman na lalaki nang isahan lang. Bakit siya nagtitiis sa pagiging mahirap?”“Sa tingin mo ba sapat na sumispsip lang siya? Sa tingin mo ba bulag ang dalawang lalaki na mayaman na ‘yon? Ang pamilya nila ay mayaman. Hindi naman siguro sila tanga!”“Siya ang nang
Natigilan si Marcus, pero nanatiling kalmado ang tono niya, “Sabbie, anong sinabi mo?”Sumagot naman si Sabrina, “Young Master Shaw, tutulungan mo ko diba? Tulungan mo ko please. Nasira ang telepono ko kahapon at hindi ako makacontact nang kahit sino. Kailangan kong hanapin ngayon si Sebastian. Sabihin mo, saan gaganapin ang kasal niya? Kailangan ko siyang mahanap. Sabihin mo na sakin…”“Wag kang mataranta, Sabbie. Sabihin mo sakin kung anong nangyari. Bakit mo kailangang hanapin si Sebastian? Ikakasal na siya ngayong araw. Tutulungan kita pag may kailangan ka.” Sabi ni Marcus.“Wala nang ibang makatutulong sakin. Pwede mo ba sakin sabihin kung saan gaganapin ang kasal nila?” nagmamadali at malakas na ang tono ni Sabrina.Sapat na ito para marinig ni Old Master Shaw. Naghahanda ang Shaw family sa pagpunta sa kasal ni Sebastian. Maganda ang relasyon ni Old Master Shaw kay Henry at sa Ford family. Patas na tao si Old Master Shaw. Kahalating taon ang nakalipas, noong naghihirap ang Sh
Si Sebastian ang kanyang lalaki, ang nag-iisang lalaki sa buhay niya at ang tatay ng bata sa tyan niya.Hindi niya hahayaang mapunta si Sebastian sa iba. Lalo na sa Lynn family at kay Selene.Kumukulo ang dugo ni Sabrina, hindi niya pa ito naramdaman dati.Sa kabilang linya, patuloy pa ring nagsasalita si Old Master Shaw pero hindi pa rin binababa ni Sabrina ang tawag. Nakuha na ulit ni Marcus ang telepono, “Sabbie, nasaan ka? Susunduin kita.”Naging emosyonal si Sabrina at iyak anng iyak, “Young Master Shaw, kailangan mo kong sunduin. Nasa dulo ako ng eskinita sa labas ng nirentahan kong kwarto, katabi ng public toilet.”“Sige, copy!”“Kailangan mo kong puntahan, hihintayin kita!” sa hindi inaasahang sitwasyon, naramdaman bigla ni Sabrina na kailangan niya nang tulong ni Marcus.Matapos ibaba ang tawag, binitbit ni Sabrina ang mga bagahe niya at nagtago sa isang ATM machine sa kabilang kalye at sinarado ang pintuan.Sa kabilang dulo, dinala ni Marcus si Old Master Shaw sa kwar