Natigilan si Marcus, pero nanatiling kalmado ang tono niya, “Sabbie, anong sinabi mo?”Sumagot naman si Sabrina, “Young Master Shaw, tutulungan mo ko diba? Tulungan mo ko please. Nasira ang telepono ko kahapon at hindi ako makacontact nang kahit sino. Kailangan kong hanapin ngayon si Sebastian. Sabihin mo, saan gaganapin ang kasal niya? Kailangan ko siyang mahanap. Sabihin mo na sakin…”“Wag kang mataranta, Sabbie. Sabihin mo sakin kung anong nangyari. Bakit mo kailangang hanapin si Sebastian? Ikakasal na siya ngayong araw. Tutulungan kita pag may kailangan ka.” Sabi ni Marcus.“Wala nang ibang makatutulong sakin. Pwede mo ba sakin sabihin kung saan gaganapin ang kasal nila?” nagmamadali at malakas na ang tono ni Sabrina.Sapat na ito para marinig ni Old Master Shaw. Naghahanda ang Shaw family sa pagpunta sa kasal ni Sebastian. Maganda ang relasyon ni Old Master Shaw kay Henry at sa Ford family. Patas na tao si Old Master Shaw. Kahalating taon ang nakalipas, noong naghihirap ang Sh
Si Sebastian ang kanyang lalaki, ang nag-iisang lalaki sa buhay niya at ang tatay ng bata sa tyan niya.Hindi niya hahayaang mapunta si Sebastian sa iba. Lalo na sa Lynn family at kay Selene.Kumukulo ang dugo ni Sabrina, hindi niya pa ito naramdaman dati.Sa kabilang linya, patuloy pa ring nagsasalita si Old Master Shaw pero hindi pa rin binababa ni Sabrina ang tawag. Nakuha na ulit ni Marcus ang telepono, “Sabbie, nasaan ka? Susunduin kita.”Naging emosyonal si Sabrina at iyak anng iyak, “Young Master Shaw, kailangan mo kong sunduin. Nasa dulo ako ng eskinita sa labas ng nirentahan kong kwarto, katabi ng public toilet.”“Sige, copy!”“Kailangan mo kong puntahan, hihintayin kita!” sa hindi inaasahang sitwasyon, naramdaman bigla ni Sabrina na kailangan niya nang tulong ni Marcus.Matapos ibaba ang tawag, binitbit ni Sabrina ang mga bagahe niya at nagtago sa isang ATM machine sa kabilang kalye at sinarado ang pintuan.Sa kabilang dulo, dinala ni Marcus si Old Master Shaw sa kwar
“Sabihin mo sakin, bakit mo hinahanap si Sebastian? Ano bang nangyari?”Hindi pamilyar si Marcus kay Sabrina pero ramdam niya na may relasyon siya sa Tita niya noong nakita niya ito.Nararamdaman ni Marcus hanggang sa buto niya na pinsan niya si Sabrina. Sa relasyon na ‘yon, kahit na ilang beses niya palang itong nakikita, hindi niya ‘to pwedeng sukuan. Hindi maintindihan ni Marcus kung bakit ganoon ang Lolo niya. Blood is thicker than water, bakit hindi ito maramdaman ng Lolo niya? Naramdaman nang lahat na may problema ang ugali ni Sabrina, kahit na ang Lolo niya. Pero, hindi ito naramdaman ni Marcus. Parte na rito ang kutob niya, ang isang parte naman ay si Zayn.Kaya naman naniniwala si Marcus na may dahilan si Sabrina kung bakit niya kailangang makita si Sebastian. Mabilis siyang nagmaneho, pero tinatanong pa rin siya ni Sabrina, “Young Master Shaw, pwede mo pa bang bilisan ang pagmamaneho?”Sabi ni Marcus, “Sabbie, 9 palang nang umaga ngayon. 11 pa magsisimula ang kasal. Hindi
“Si Sabrina ang the one. Hindi maiimagine ng mga tao kung gaano siya katapang nang hindi nila ito nakikita mismo sa sarili nila. Sa puso ko, nag-iisa lang si Sabrina. Kailangan kong itakas si Sabrina sa lahat nang pagdudusa na ito.”Hindi maiimagine ng mga tao kung gaano siya katapang nang hindi nila ito nakikita mismo sa sarili nila.Sa sandaling ‘yon, nakita ni Marcus kung gaano katapang si Sabrina. Sa isip niya, akala niya ay hindi pa kasal si Sebastian kaya naman single pa rin ito hanggang ngayon. Magkaroon ng isa pang nagkakagusto sakanya, magkaroon ng isa pang aamin sakanya ay hindi naman masyadongg mabigat. Gusto lang tuparin ni Marcus ang hiling ni Sabrina at gusto niya rin sumuko ito sa parehong oras.Dumating ang kotse sa lugar kung saan gaganapin ang kasal. Ito ay sa remote hillside villa. Hindi naman ganoon kalaki ang villa at napakatahimik dito. Ayaw ni Sebastian ng maingay at bonggang wedding. Una, kakamatay lang ng nanay niya at ayaw niya ng isang malaking celebration
Hindi nakapagsalita si Sebastian. Sa likod nila, hindi rin nakapagsalita si Kingston.Kahit si Selene na nakahawak sa mga braso ni Sebastian ay natigilan din. Pagkatapos nang lahat, hindi naman negative ang nararamdaman ni Sebastian kay Sabrina.Hindi umiyak si Sabrina. Kalmado niyang sinasabi ang mga bagay kay Sebastian.Tumingin si Sebastian kay Sabrina, kalmado pero ang kanyang tono ay sobrang lamig, “Anong sinabi mo? Pwede mo bang ulitin yung sinabi mo?”Hinila ni Sabrina si Sebastian, “Sebastian, alam ko kung bakit mo papakasalan si Selene. Hindi mo siya mahal diba? Papaksasalan mo lang siya kasi ginamit niya ang katawan niya para iligtas ka at dala niya ang anak mo. Pero Sebastian, hindi siya ang babaeng ‘yon. Ako ‘yon, ako ang babaeng nagligtas ng buhay mo at ang anak mo ay dinadala ko. Hindi ba lagi mong tinatanong kung kanino ‘tong dinadala ko? Sasabihin ko na ngayon, ang bata sa tyan ko ay sa’yo. Sa’yo ito Sebastian. Anak mo ‘to. Ang babae noong gabing ‘yon ay ako…”“Iti
Pero, walang pakialam si Sabrina. “Sebastian, noong maulan na gabing ‘yon, naalala mo ba? Noong maulan na gabing ‘yon, nasa isang itim na bahay at tinanong mo ako kung binebenta ko ang katawan ko. Umiyak ako at sinabing hindi ko ito binebenta. Nagulat ka pa nga noong tinanong mo ko kung first time ko ba. Naaalala mo na ba? Sebastian?”Sa puntong ‘yon, namumula na ang mukha ni Sabrina. Wala na siyang pakialam sa ibang bagay, kailangan niyang masabi kay Sebastian ang katotohanan, hindi niya hahayaan na makilala ng anak niya ang kanyang tatay. Hindi niya hahayaan na may umagaw nang puwesto niya.“Sila… Ang Lynn family… hindi ka nila sinubukang iligtas, gusto ka nilang patayin. Nag-aalala sila na ang isang prostitute ay hindi kayang manahimik kapag may nakita sila, kaya nahanap ako ni Lincoln sa kulungan. Hindi inaasahan ni Lincoln na babaliktad ang nangyari. Noong napansin niya ang pag atake mo, nagpanggap ang anak niya na maging ako, sinabi nila na si Selene ang babae noong gabing ‘yon
Sa sandaling iyon, hindi nakadama ng anumang kawalang-pag-asa si Sabrina. Ang tanging nasa isip niya ay kailangan niyang gawin ang lahat para kumbinsihin si Sebastian. Doon naroon ang lahat ng kanyang pag-asa. Wala siyang pakialam kung mawawala ang kanyang buhay, talagang nahirapan siya laban sa apat na guwardiya. Medyo nasasaktan si Sabrina sa bisig ng isa sa mga bantay, at sumigaw ang bantay sa sakit, at kinalagan ang kanyang mahigpit na pagkakapit.Talagang nahirapan si Sabrina, hindi rin siya mahawakan nung huling bodyguard.Mabilis na tumakbo si Sabrina papunta kay Sebastian.“Sebastian! Hahayaan mo bang matulad sa’yo ang anak mo? Nakalimutan mo na ba kung paano nagdusa si Tita Grace para sa’yo buong buhay niya? Sebastian…” sumigaw si Sabrina.Nagalit si Sebastian sa puntong iyon. Hinawakan niya ang kamay ni Selene, lumingon at naglakad papunta kay Sabrina. Hindi matatag ang mga paa ni Sabrina, at sumandal siya sa kanyang bagahe, na nakabaluktot habang nakatingin siya kay Seba
“Tapunan niyo siya ng bulok na itlog! Imoral ‘yang babae na ‘yan!”“Wag niyo siya kaawaan, Old Master Ford, mamalasin lang kayo kapag nanatili pa ‘yang babae na ‘yan dito!”Ang mga nanonood sa kasal ay nagsalita. Tiningnan ni Henry si Sabrina, galit. Nakatingin si Sabrina kay Sebastian, umaasa ang mukha niya. Ang tono ni Sebastian ay kalmado, “Sabrina, sumusobra ka na!” Ang tono niya ay parang umabot hanggang sa buto ng mga tao.“Ako, si Sebastian, ay isang beses lang magpapakasal buong buhay ko, bakit mo sinisira ito? Noong pumirma ka ng kontrata sakin, nangako ako na bibibgay kita ng malaking pera pero anong sinabi mo? Sabi mo na tunay ang pagkakaibigan niyo ng nanay ko, na hindi mo habol ang pera. Pero ngayon, sinisira mo ang kasal ko?”Nagsalita si Sabrina, “Sebastian…”“Umalis ka na!” sumigaw si Sebastian.Sa sobrang lakas ng boses ni Sebastian, ang isang lalaki na 20 metro ang layo, habang nirerecord ang eksena gamit ang kanyang camera ay nanginig ito ay nahulog.“Umali