Binuksan ni Avery ang contacts niya para hanapin ang number ng Mommy niya. [Mommy, nagkabalikan na kami ni Elliot. Sa wakas, nagkaintindihan na rin kami. Sana hindi na talaga kami magkahiwalay ulit. Alam kong masaya ka na diyan sa langit kaya wag ka ng mag alala sa amin ng mga bata.]Pagkatapos niyang isend ang message, itinalapag ni Avery ang kanyang phone sa night table at susubukan na sana niyang matulog. Pero noong papikit na siya, bigla namang umilaw ang phone ni Elliot. Alam niya na may nareceive itong message, pero hindi niya alam kung kanino galing. Kahit kailan, hindi naman tinago tinago sakanya ni Elliot ang phone nito kaya pwede niya itong silipin kahit kailan niya gustuhin. Kung nasa kama sana ang phone nito, malamang sinilip niya na, pero dahil kakailanganin niya pang tumayo at buksan ang ilaw, hindi na siya nag abala.Tutal, panatag naman siya kay Elliot. Kinabukasan, maagang nagising si Elliot. Nang makita niyang mahimbing na natutulog sa tabi niya si Ave
“Inutusan ako ni Mr. Foster na ihatid ka sa airport,” Pagkabukas ng elevator, sumama ang bodyguard kay Avery. “Hindi mo na ako kailangang ihatid!” “Bakit ka ba galit na galit sa akin?” Hindi nagustuhan ng bodyguard ni Elliot ang pagtaas ng boses sakanya ni Avery. “Sinusunod ko lang naman ang utos ng amo ko!” Biglang huminahon si Avery nang makita niya ang itsura ng bodyguard. Bigla siyang kinutuban ng masama. “May sinabi ba siya sayo noong inutusan ka niyang ihatid ako sa airport?” “Punasan mo muna yang luha mo, naiirita akong makita kang umiiya.” Pinunasan ni Avery ang luha niya at muling nagtanong, “May nananakot ba sakanya?” “Hindi ko alam. Basta inutusan niya lang ako na dalhin ka sa airport sa lalong madaling panahon.”Hindi sumagot si Avery. “Base sa pagkakakilala ko sa boss ko, mukhang alam niyang hindi na ligtas ang lugar na ‘to para sayo at malamang sinadya niya na awayin ka para mapilitan kang umalis.”Sinabi yun ng bodyguard para kumalma si Avery at intindi
“Bakit galit si Roger Goldstein kay Elliot? Matagal na ba silang mag kaaway? Bakit pumunta pa dito si Elliot?”Hindi maintindihan ni Avery ang mga nangyayari. “Nag inuman sila kagabi.” Sobrang seryoso ng itsura ng bodyguard. “Alam mo sa mundo ng mayayaman, pwedeng magkaibigan kayo ngayon, pero magkaaway na kayo mamaya. Hindi totoo ang relasyon, pera-pera lang ang lahat. Dahil dun, sobrang nag aalalang tumingin si Avery sa taas ng bundok. Bigla niyang naalala ang message na nareceive ni Elliot kagabi. ‘May kinalaman kaya ang message na yun?’ Sa taas ng bundok, hinatid ng pamangkin ni Roger Goldstein si Elliot sa kwarto ng tito nito. “Masyado kitang na underestimate, Elliot! Kanino mo nabalitaan yan?” Kinuha ni Elliot ang kaha ng sigarilyo sa center table at kumuha ng isa. “Ang tapang mo rin naman na pasamahain ang bodyguard mo kay Avery na umalis. Hindi ka ba natatakot?” Noong nakita ni Roger kung gaano kakalmado si Elliot, lalo itong nabilib. “Nabalitaan ko na nagpas
“Okay lang ako, Avery.” Sabi ni Elliot mula sa kabilang linya. “Yung nangyari kanina—”“Mag usap nalang tayo pag nagkita tayo ulit.” Nanginginig ang boses ni Avery habang nagsasalita. “Mabuti naman at ligtas ka, tinakot mo ako ng sobra.” Nasaktan si Elliot noong narinig niyang umiiyak si Avery. “Maayos na ang lahat, papunta na ako jan.” Pagkatapos ng tawag, pinunasan ni Avery ang luha niya. Gusto sanang patahainin ng bodyguard si Avery pero naiirita niyang sinabi, “Hindi pa naman patay si Mr. Foster! Nakakainis talaga kapag umiiyak ang babae!” Tinignan ni Avery ng masama ang bodyguard at sumagot, “Bakit parang hindi ka nag alala sakanya? Parang mula kanina, sobrang kalmado mo ah.” Natawa ang bodyguard, “Sisiw lang ‘to. Sa tagal ko ng nagtatrabaho kay Mr. Foster, hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang muntik iassassinate. Marami pang mas malala dito at dahil napagdesisyunan mong makasama siya, maghanda ka na rin sa mga magiging death threats mo.” Nagulat si Avery. P
Kaya pinapunta ni Elliot si Avery sa Mount Sierra ay para makapag usap sila at maayos ang mga bagay-bagay. Ano ba namang malay niya na mapapahamak pa pala sila lalo?“Tinawagan ako ni Tammy kanina para sabihing tinext daw siya ni Avery na magpapakasal na sila ulit ni Elliot.” Kanina lang, sobrang kinabahan sio Mike sa binalita sakanya ni Chad pero matapos makumpirmang false alarm lang ang nangyari, sobrang nakahinga siya ng maluwag. “Buti nalang talaga at false alarm lang.” “Tatawagan ko si Ben para umuwi.” Kinuha ni Chad ang kanyang phone para tawagan si Ben na kasalukuyang nasa ibang bansa para sa isang business trip. Tinignan ni Mike ang oras, at sinabi, “Susunduin ko muna si Hayden. Sigurado ako na magugulat siya kapag nalaman niya ang balita kaya kailangan ko siyang bigyan ng heads up.” Hinawakan ni Chad ang kamay ni Mike. “Huy… Pilitin mo si Hayden. Sobrang dami ng poinagdaanan nina Mr. Foster at Avery… Ngayong napagdesisyunan nilang magkabalikan, sana naman hindi si Hayde
Walang pagdadalang isip, biglang bumaba ng sasakyan si Avery. Nakita niya yung kapatid ni Adrian! Nong pumunta siya sa Bridgedale, sinabi ng kapitbahay ng mga Whites na lumipat na mga ito! Sinong mag aakala na bumalik pala ang mga ito sa Aryadelle! Nagmamadaling tumakbo si Avery para habulin ang kapatid ni Adrian. “Mr. White!” Hinila ni Avery ang kamay ng lalaki at hinihingal pa siya noong nagsalita, “Bakit kayo lumipat? Dito na ba kayo sa Aryadelle nakatira? Saan? Pwede ko bang makita si Adrian?” Nang makita ni Peter White si Avery, biglang kumunot ang noo niya at sobrang nairita siya! Dahil kay Elliot, nasa ospital ngayon ang Daddy niya! Bibili lang sana siya ng makakain at sa kamalas-malasan ay nakita pa siya ni Avery. “Alam mo? Sobrang nakakairita ka na Dr. Tate? Close ka ba namin? Ano bang pakielam mo kung saan kami lumipat at bakit ba hindi mo nalang tigilan ang kapatid ko?” Hinawi ni Peter ang kamay ni Avery. “Nasa ospital ang Daddy kaya pwede ba, umalis ka na kasi
“Bakit ka natow?” Kumunot ang noo ni Elliot. “Anong nangyari? Bakit hindi mo ako tinawagan?” “Maliit na bagay lang.” Kinuha ni Avery ang baso ng tubig at uminom. “Nakasalubong ko kasi yung kapatid ng isa sa mga pasyente ko sa Bridgedale. Sobrang naintriga lang ako sa pamilya nila kasi kakaiba talaga sila. Ayaw nilang ipakontak sa akin yung pasyente ko kaya noong nakita ko yung kuya niya, hinabol ko siya para tanungin kung anong nangyari.” Nagulat si Elliot sa kwinento ni Avery, “Edi wag mo na silang pilitin. Hayaan mo na sila, Avery. Pasyente mo lang yun at hindi pamilya kaya wag ka na masyadong magsayang ng oras at lakas sakanila.” “Sinabi ko na nga ba, yan ang sasabihin mo eh.” Nakasimangot na sagot ni Avery. “Kakaiba kasi siya.” “Alam ko. Kasi parehas sila ng sakit ni Shea, diba?” Sagot ni Elliot. “Dahil nabayaran ka ng malaking halaga ng pamilya niya, ibiog sabihin, mayaman sila at kayang kaya nilang alagaan yung pasyente mo!” “Yun nga ang weird eh! Hindi naman siya inaal
“Bakit ka nakatitig sa akin, Avery?” Namula si Elliot sa sobrang lagkit ng tingin sakanya ni Avery. Kabisado niya ang titig na yun… Ganun siya tignan ni Avery kapag nag aaway sila, pero… okay naman sila diba? Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito. Pero yun din ang isa sa mga rason kung bakit baliw na baliw siya rito. “Wala lang. Parang sobrang gwapo mo ngayon.” Tumayo si Avery at lumipat sa tabi ni Elliot, pagktapos, hinawakan niya ang buhok nito. “Nagwax ka? Hindi yun maganda. Bagay naman sayo kahit wala eh.” HIndi nakapagsalita si Elliot. Hindi sanay si Elliot na ganun kalambing si Avery kaya nagulat siya. “Kumain ka na ba? Nagugutom ka ba? Gusto mo ng gatas?” Dire-diretsong tanong ni Avery at hindi pa man din nakakasagot si Elliot ay biglang tumayo si Avery at pumunta sa kusina para kumuha ng gatas. Hindi nagtagal, bumalik ito at ibinigay kay Elliot, “Inumin mo.” Kinuha ni Elliot ang baso ng gatas kay Avery at sobrang nagtataka siya sa kilos nito, “Avery…