Natahimik ang lahat nang marinig ang sinabi ni Avery. Sa podium, biglang bumilis ang tibok ng puso ni Elliot. Alam niyang galit na si Avery kaya ayaw niya na sanang palakihin ang lahat. Isa pa, hindi siya papayag na may mang away dito sa harapan niya. “Halika dito, Avery Tate.” Bumaba si Elliot at pinalipat ang lahat ng mga nasa front seat. Pinaupo niya si Avery sa harapan ng mag isa para wala na itong maka alitan. Tinignan ni Avery ng masama si Elliot at talagang lumipat siya sa harapan. Pagkatapos, walang pakielam niyang kinuha ang kanyang phone para itext ang vice president. [Bakit hindi mo sinabi na nandito pala si Elliot Foster?]Vice President: [Alam ko namang hindi ka pupunta kapag sinabi ko! Forty-five thousand kaya ang nagastos ko diyan kaya sayang naman!] Avery: [Magsesend nalang ako hg forty-five thousand sayo at uuwi na ako bukas!]Vice President: [Huh? Ayaw mo ba talaga siyang makita o baka naman pinapahirapan ka niya diyan? Sige… kung nahihirapan ka talaga
“Ako nanaman ang masama, Elliot?” Ayaw ni Avery na makipag away kay Elliot lalo na at marami silang kasama kaya ayaw niyang magpadala sa pang aasar ni Elliot. “Kung talagang tinataboy kita, edi sana hindi na kita ininvite sa birthday ng mga bata kahapon diba?” May gusto sanang sabihin si Elliot, pero hindi niya nalang tinuloy. “Ihahatid na kita sa kwarto mo para makapag pahinga ka na.” Kinuha ni Elliot ang maleta ni Avery, at naglakad dire-diretso palabas. “Alam mo rin ang room number ko?” Kumunot ang noo ni Avery habang tinitignan si Elliot na maglakad. “Talaga bang kakuntsaba mo ang vice president namin? Ano bang tumatakbo jan sa isip mo, Elliot?” Huminto si Elliot sa paglalakad at humarap kay Avery. “Alam ko kung anong iniisip mo. Lumapit sa akin ang vice president niyo kahapon para humingi ng tulong. May sakit talaga ang anak niya. Gusto niya sanang marefund ang binayad niya, pero hindi pumayag ang mga organizer kaya tinulungan ko siya. Sinabihan ko siya na ikaw ang papunta
Hindi nagtagal, biglang nagbukas ang pintuan sa sa kwarto ni Elliot at pumasok ang babae. Dahil dito, nanlaki ang mga mata ni Avery sa sobrang gulat. Hindi siya makapaniwala na kanina lang ay nakikipag landian sakanya si Elliot, tapos ngayon nagpapunta ito ng ibang babae sa kwarto nito?!Hindi maintindihan ni Avery kung anong nararamdaman niya! Magkatabing magkatabi lang ang mga kwarto nila at ang lakas naman ata ng loob ni Elliot na magpapunta ng ibang babae! ‘Akala niya soundproof ang mga kwarto dito na hindi ko maririnig kapag may ginawa sila?’ Dahil sa nangyari, biglang nawalan ng gana si Avery. Galit na galit siyang bumalik sa loob ng kwarto niya at sinarado ng malakas ang pintuan. ‘Ha! Ngayon ko lang nalaman na ganito pala siya kaduming lalaki!’Naiinis siya sa sarili niya na masyadong naging mataas ang tingin niya kay Elliot na hindi nito kayang gumawa ng mga ganung klaseng bagay!Sa sobrang galit ni Avery, namumula na ang buong mukha niya at literal na hindi siya
Tumahan na si Avery nang may biglang nag doorbell sa kwarto niya. Narinig niya pero wala siyang ganang buksan ang pintuan o alamin kung sino ang nasa labas. Pakiramdam niya ay lumulutang siya at hindi niya maintindihan kung bakit sobrang apektado niya pa rin pagdating kay Elliot. Umaasa pa rin ba siya?Ilang beses na siyang sinaktan nito, pero hindi na siya natuto-tuto. Aminin niya man o hindi, umaasa pa rin siya hanggang ngayon dahil dahilan lang naman talaga na wala siyang masasakyan dahil kung gugustuhin niya, pwede na siyang umuwi ngayon palang. Hindi huminto ang nagdodoorbell hanggang sa sumakit nalang ang ulo ni Avery kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumayo para pagbuksan ito. Hinang hina ang kanyang buong katawan habang naglalakad papunta sa pintuan. Nang sandaling buksan niya ito, bigla siyang napaatras. “Avery, mali ang iniisip mo!” Sobrang nag alala si Elliot nang makita kung gaano kamaga ang mga mata ni Avery. “Hindi pa ako bumabalik sa kwarto ko. Pagka
Binuksan ni Avery ang contacts niya para hanapin ang number ng Mommy niya. [Mommy, nagkabalikan na kami ni Elliot. Sa wakas, nagkaintindihan na rin kami. Sana hindi na talaga kami magkahiwalay ulit. Alam kong masaya ka na diyan sa langit kaya wag ka ng mag alala sa amin ng mga bata.]Pagkatapos niyang isend ang message, itinalapag ni Avery ang kanyang phone sa night table at susubukan na sana niyang matulog. Pero noong papikit na siya, bigla namang umilaw ang phone ni Elliot. Alam niya na may nareceive itong message, pero hindi niya alam kung kanino galing. Kahit kailan, hindi naman tinago tinago sakanya ni Elliot ang phone nito kaya pwede niya itong silipin kahit kailan niya gustuhin. Kung nasa kama sana ang phone nito, malamang sinilip niya na, pero dahil kakailanganin niya pang tumayo at buksan ang ilaw, hindi na siya nag abala.Tutal, panatag naman siya kay Elliot. Kinabukasan, maagang nagising si Elliot. Nang makita niyang mahimbing na natutulog sa tabi niya si Ave
“Inutusan ako ni Mr. Foster na ihatid ka sa airport,” Pagkabukas ng elevator, sumama ang bodyguard kay Avery. “Hindi mo na ako kailangang ihatid!” “Bakit ka ba galit na galit sa akin?” Hindi nagustuhan ng bodyguard ni Elliot ang pagtaas ng boses sakanya ni Avery. “Sinusunod ko lang naman ang utos ng amo ko!” Biglang huminahon si Avery nang makita niya ang itsura ng bodyguard. Bigla siyang kinutuban ng masama. “May sinabi ba siya sayo noong inutusan ka niyang ihatid ako sa airport?” “Punasan mo muna yang luha mo, naiirita akong makita kang umiiya.” Pinunasan ni Avery ang luha niya at muling nagtanong, “May nananakot ba sakanya?” “Hindi ko alam. Basta inutusan niya lang ako na dalhin ka sa airport sa lalong madaling panahon.”Hindi sumagot si Avery. “Base sa pagkakakilala ko sa boss ko, mukhang alam niyang hindi na ligtas ang lugar na ‘to para sayo at malamang sinadya niya na awayin ka para mapilitan kang umalis.”Sinabi yun ng bodyguard para kumalma si Avery at intindi
“Bakit galit si Roger Goldstein kay Elliot? Matagal na ba silang mag kaaway? Bakit pumunta pa dito si Elliot?”Hindi maintindihan ni Avery ang mga nangyayari. “Nag inuman sila kagabi.” Sobrang seryoso ng itsura ng bodyguard. “Alam mo sa mundo ng mayayaman, pwedeng magkaibigan kayo ngayon, pero magkaaway na kayo mamaya. Hindi totoo ang relasyon, pera-pera lang ang lahat. Dahil dun, sobrang nag aalalang tumingin si Avery sa taas ng bundok. Bigla niyang naalala ang message na nareceive ni Elliot kagabi. ‘May kinalaman kaya ang message na yun?’ Sa taas ng bundok, hinatid ng pamangkin ni Roger Goldstein si Elliot sa kwarto ng tito nito. “Masyado kitang na underestimate, Elliot! Kanino mo nabalitaan yan?” Kinuha ni Elliot ang kaha ng sigarilyo sa center table at kumuha ng isa. “Ang tapang mo rin naman na pasamahain ang bodyguard mo kay Avery na umalis. Hindi ka ba natatakot?” Noong nakita ni Roger kung gaano kakalmado si Elliot, lalo itong nabilib. “Nabalitaan ko na nagpas
“Okay lang ako, Avery.” Sabi ni Elliot mula sa kabilang linya. “Yung nangyari kanina—”“Mag usap nalang tayo pag nagkita tayo ulit.” Nanginginig ang boses ni Avery habang nagsasalita. “Mabuti naman at ligtas ka, tinakot mo ako ng sobra.” Nasaktan si Elliot noong narinig niyang umiiyak si Avery. “Maayos na ang lahat, papunta na ako jan.” Pagkatapos ng tawag, pinunasan ni Avery ang luha niya. Gusto sanang patahainin ng bodyguard si Avery pero naiirita niyang sinabi, “Hindi pa naman patay si Mr. Foster! Nakakainis talaga kapag umiiyak ang babae!” Tinignan ni Avery ng masama ang bodyguard at sumagot, “Bakit parang hindi ka nag alala sakanya? Parang mula kanina, sobrang kalmado mo ah.” Natawa ang bodyguard, “Sisiw lang ‘to. Sa tagal ko ng nagtatrabaho kay Mr. Foster, hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang muntik iassassinate. Marami pang mas malala dito at dahil napagdesisyunan mong makasama siya, maghanda ka na rin sa mga magiging death threats mo.” Nagulat si Avery. P