“Talaga? Grabe namang coincidence yan! Parehas ba kayo ng pupuntahan?” Asar ni Tammy. Walang ideya si Avery dahil hindi niya naman tinanong kay Elliot kahapon kung saan ito pupunta. Gusto niya sanang itanong kanina pero hindi ginawa. At ano namang problema kung sa parehong lugar sila magpunta? Pagkatapos maligo ni Avery, nakapasok na ang kambal sa school, natutulog naman si Robert sa crib nito habang si Mrs. Cooper ay abalang nagluluto sa kusina.“Mrs. Cooper, aalis pala ako at next week na ako makaka uwi.” Nagulat si Mrs. Cooper. “Bakit parang biglaan naman ata yan? Sigurado ako na namimiss ka nanaman ng mga bata.” “May kailangan kasi akong attenan na training course at nakapangako na ako na aattend ako.” “Ahh. Sigurado naman ako na maiintindihan ka ng mga bata. May makakasama ka ba o mag isa ka lang?” Nag aalalang tanong ni Mrs. Cooper. “Mag isa lang ako.” Umupo si Avery sa dining table at nagpatuloy, “Wag kang mag alala, wala namang mangyayari sa akin kasi sobrang s
Naintindihan ni Mike ang ibig sabihin ni Avery. “Alam mo, imposibleng pumunta yun sa Sierra University. Ang isang Elliot Foster, isheshare ang sikreto ng ktagumpay niya? Imposible! Base sa mga nabasa ko sa internet, hindi siya umaattend ng mga interview, diyan pa kaya? At lalo namang imposible na siya ang magtuturo, napaka kuripot nun magsalita eh!” Biglang nahimasmasan si Avery sa naging sagot ni Mike. ‘Tama tama. Kilala ko si Elliot at imposible nga.’ Isip ni Avery. Noong hindi na sumagot si Avery, itinigil na ni Mike ang pang aasar dito. “Gusto mo bang tawagan ko si Chad? Malay naman natin na talagang sa Mount Sierra talaga suya pupunta?” Hindi mapigilan ni Mike na asarin si Elliot. “Okay naman ang Mount Sierra. Sariwa ang hangin at magandang magbakasyon dun. Baka naman sinasabi niya lang na magbubusiness trip siya pero magbabakasyon lang pala talaga siya sa Mount Sierra!”“Hay nako! Business Trip man o bakasyon ang pupuntahan niya, wala na akong pakielam dun! Ayokong lmala
Hindi niya naman ako kailangang isama sa lahat ng business trip niya no!” Inilapag ni Chad ang hawak niyang baso sa lamesa at nangiintrigang nagtanong, “Bakit daw tinatanong ni Avery kung saan pupunta si Mr. Foster? Bakit pinatanong niya pa sayo?” “Umalis din siya kanina! At isang linggo rin siyang mawawala, kaya nga tinanong kita kung saan pupunta ang boss mo! Haaaaaaay! Iniisip niya lang naman kung pareho sila ng pupuntahan. Sinabi ko sakanya na imposible ang iniisip niya dahil hindi naman pupunta ang isang Elliot Foster sa isang professional training course diba? Sa ugali niyang yun, papayag ba siya na maging estudyante siya? Hindi rin naman bagay sakanya na magturo!? Kaya imposible talaga!” Kumunot ang noo ni Chad, “Bakit? Saan ba pupunta si Avery?” “Sa Sierra University. Eh yung boss mo?” “Ha? Eh sa Mount Sierra din siya pupunta eh!” Biglang naexcite si Chad at nagpatuloy, “Magtuturo rin si Avery sa Sierra University?” Natawa ng malakas si Mike, “As if naman! Pupunta siy
Welcome to Villa de Sierra, Miss Tate!” Masayang inabot ng isang staff member kay Avery ang entry pass. “Kakailanganin niyo po ito sa tuwing papasok at lalabas kayo ng villa, kaya wag niyo po itong iwawala.” Kinuha ni Avery ang pass, at hila-hila ang kanyang maleta, naglakad siya papasok sa villa. Di hamak na mas malaki ang villa sa loob kumpara kung titignan ito sa labas. Pakiramdam niya ay naglalakad siya sa isang palasyo. Kinuha niya ang kanyang phone para tignan ang course schedule na sinend sakanya kanina ng vice president, at hila ang kanyang maleta, dumiretso siya sa multipurpose training hall. Pagkarating niya rito, kumatok siya sa pintuan bago siya pumasok. Mayroon ng dalawa hanggang tatlumpung participants ang nakaupo sa loob at noong sandaling kumatok siya ay sabay-sabay na nagtinginan ang mga ito sakanya. Kaya nahihiya siyang humingi ng pasensya sa pagiging late niya. Pagkatapos niyang magsalita, laking gulat niya nang may pamilyar na boses mula sa posium na
Natahimik ang lahat nang marinig ang sinabi ni Avery. Sa podium, biglang bumilis ang tibok ng puso ni Elliot. Alam niyang galit na si Avery kaya ayaw niya na sanang palakihin ang lahat. Isa pa, hindi siya papayag na may mang away dito sa harapan niya. “Halika dito, Avery Tate.” Bumaba si Elliot at pinalipat ang lahat ng mga nasa front seat. Pinaupo niya si Avery sa harapan ng mag isa para wala na itong maka alitan. Tinignan ni Avery ng masama si Elliot at talagang lumipat siya sa harapan. Pagkatapos, walang pakielam niyang kinuha ang kanyang phone para itext ang vice president. [Bakit hindi mo sinabi na nandito pala si Elliot Foster?]Vice President: [Alam ko namang hindi ka pupunta kapag sinabi ko! Forty-five thousand kaya ang nagastos ko diyan kaya sayang naman!] Avery: [Magsesend nalang ako hg forty-five thousand sayo at uuwi na ako bukas!]Vice President: [Huh? Ayaw mo ba talaga siyang makita o baka naman pinapahirapan ka niya diyan? Sige… kung nahihirapan ka talaga
“Ako nanaman ang masama, Elliot?” Ayaw ni Avery na makipag away kay Elliot lalo na at marami silang kasama kaya ayaw niyang magpadala sa pang aasar ni Elliot. “Kung talagang tinataboy kita, edi sana hindi na kita ininvite sa birthday ng mga bata kahapon diba?” May gusto sanang sabihin si Elliot, pero hindi niya nalang tinuloy. “Ihahatid na kita sa kwarto mo para makapag pahinga ka na.” Kinuha ni Elliot ang maleta ni Avery, at naglakad dire-diretso palabas. “Alam mo rin ang room number ko?” Kumunot ang noo ni Avery habang tinitignan si Elliot na maglakad. “Talaga bang kakuntsaba mo ang vice president namin? Ano bang tumatakbo jan sa isip mo, Elliot?” Huminto si Elliot sa paglalakad at humarap kay Avery. “Alam ko kung anong iniisip mo. Lumapit sa akin ang vice president niyo kahapon para humingi ng tulong. May sakit talaga ang anak niya. Gusto niya sanang marefund ang binayad niya, pero hindi pumayag ang mga organizer kaya tinulungan ko siya. Sinabihan ko siya na ikaw ang papunta
Hindi nagtagal, biglang nagbukas ang pintuan sa sa kwarto ni Elliot at pumasok ang babae. Dahil dito, nanlaki ang mga mata ni Avery sa sobrang gulat. Hindi siya makapaniwala na kanina lang ay nakikipag landian sakanya si Elliot, tapos ngayon nagpapunta ito ng ibang babae sa kwarto nito?!Hindi maintindihan ni Avery kung anong nararamdaman niya! Magkatabing magkatabi lang ang mga kwarto nila at ang lakas naman ata ng loob ni Elliot na magpapunta ng ibang babae! ‘Akala niya soundproof ang mga kwarto dito na hindi ko maririnig kapag may ginawa sila?’ Dahil sa nangyari, biglang nawalan ng gana si Avery. Galit na galit siyang bumalik sa loob ng kwarto niya at sinarado ng malakas ang pintuan. ‘Ha! Ngayon ko lang nalaman na ganito pala siya kaduming lalaki!’Naiinis siya sa sarili niya na masyadong naging mataas ang tingin niya kay Elliot na hindi nito kayang gumawa ng mga ganung klaseng bagay!Sa sobrang galit ni Avery, namumula na ang buong mukha niya at literal na hindi siya
Tumahan na si Avery nang may biglang nag doorbell sa kwarto niya. Narinig niya pero wala siyang ganang buksan ang pintuan o alamin kung sino ang nasa labas. Pakiramdam niya ay lumulutang siya at hindi niya maintindihan kung bakit sobrang apektado niya pa rin pagdating kay Elliot. Umaasa pa rin ba siya?Ilang beses na siyang sinaktan nito, pero hindi na siya natuto-tuto. Aminin niya man o hindi, umaasa pa rin siya hanggang ngayon dahil dahilan lang naman talaga na wala siyang masasakyan dahil kung gugustuhin niya, pwede na siyang umuwi ngayon palang. Hindi huminto ang nagdodoorbell hanggang sa sumakit nalang ang ulo ni Avery kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumayo para pagbuksan ito. Hinang hina ang kanyang buong katawan habang naglalakad papunta sa pintuan. Nang sandaling buksan niya ito, bigla siyang napaatras. “Avery, mali ang iniisip mo!” Sobrang nag alala si Elliot nang makita kung gaano kamaga ang mga mata ni Avery. “Hindi pa ako bumabalik sa kwarto ko. Pagka