Dahil siya ang nag- imbita kay Elliot pagdating niya, malamang na sa kanila siya tutuloy. Mas madali para sa kanya na gumugol ng oras sa mga bata sa ganoong paraan.Binuhat ni Avery si Robert sa bulwagan. Agad namang pumunta si Mrs Cooper para kunin si Robert kay Avery."Mommy, sinong tumawag sayo kanina?" Natapos na si Layla sa pagkain. Bumaba siya sa upuan niya at pumunta kay Avery."Ang iyong ama," sabi ni Avery. Hinawakan niya ang kamay ni Layla at tinungo ang silid- kainan. "Napagdesisyunan niyang sumama sa amin para sa Bagong Taon."Sa silid- kainan, narinig ng lahat ang sinabi ni Avery."Avery, sinasabi mo bang darating si Elliot?" pasigaw na tanong ni Mike."Hmm. Malapit na siyang sasakay ng eroplano.""Oh, saka paano si Chad? Kasama niya ba si Chad?" Si Mike ay hindi nag- aalala para kay Elliot. Si Chad lang ang inaalala niya.Ani Avery, "Hindi ko siya tinanong tungkol dito. Bakit hindi mo tawagan si Chad at magtanong?"Sagot ni Mike, "Kalimutan mo na 'yon. Duda ako n
Hindi maintindihan ni Avery ang gustong sabihin ni Mike. "Ano ang mangyayari sa akin kapag dumating siya?"Sabi ni Mike, "Ano sa tingin mo? Wala kaming extrang kwarto sa bahay namin. Napakaliit ng kwartong dinala mo kay Tammy. Baka matuluyan pa si Tammy, paano kukunin ni Elliot?"Ani Avery, "Kung ayos lang kay Tammy, bakit hindi siya maaaring manatili? Kung sa tingin niya ay hindi maganda ang kondisyon ng pamumuhay dito, maaari siyang mag- book ng five-star hotel sa labas."Nagtaas ng kilay si Mike at tumingin sa kanya.Naging tupa si Avery. "Anong tinitingin- tingin mo sa akin! Tingnan natin pagdating niya. Baka hindi na siya mag- stay sa atin. Baka pumunta na siya sa hotel kapag nakarating na siya."Bahagyang tumugon si Mike, "Oh," bago nagtanong, "Gaano katagal siya dito?""Hindi niya sinabi. Importante ba 'to? Hindi na siya habang buhay.""Ako ay kaswal at maayos na nagtatanong, bakit ang gulo mo?" Nagpatuloy si Mike sa pagsukat sa kanya ng makahulugang tingin. "Bakit bigla
Pagsapit ng hating gabi sa Bridgedale, sa wakas ay dumating na si Elliot.Naghihintay na si Mike sa airport noong oras na yun. Hindi si Avery ang nagpapunta sakanya kundi si Chad. Kung saan niya ihahatid si Elliot, ang sinabi lang ni Chad ay dalhin muna ito sa bahay ni Avery at bahala na mag usap ang dalawa sa mga susunod na mangyayari kaya yun ang ginawa ni Mike. Noong oras na yun, ang bodyguard, mga kasambahay, at mga bata ay natutulog na, kaya si Avery nalang ang sumalubong sa dalawa. Nang makita ni Mike si Avery, humihikab nitong sinabi, “Oh, nasundo ko na siya ha. Wala naman na akong kailangang gawin, diba?”Hindi ito pinansin ni Avery. Habang si Elliot naman ay nakatitig lang din kay Avery na para bang wala na itong nakikitang iba. Ang pakiramdam tuloy ni Mike ay parang wala siya noong oras na yun kaya magkahalong ilang at inis ang naramdaman niya, “Pwede na ba akong pumunta sa kwarto ko?”Pero wala pa ring pumansin sakanya… Padamog siyang naglakad papunta sa kwarto
Punong puno ang kwarto ni Avery ng mga laruan at iba pang gamit ng mga bata kaya naitindihan kaagad ni Elliot na kung doon talaga siya balak patulugin ni Avery, sigurado naman siyang pinalinis nito dapat ang kwarto nito kanina pa. Medyo nahiya pa si Avery noong una, pero bandang huli ay sinabi niya rin ang totoo. “Medyo maliit lang kasi ‘tong bahay na ‘to. Ngayong nakapanganak na ako, kumuha ako ng isa pang kasambahay at kahit an maayos naman ang security dito, kumuha pa rin ako ng bodyguard para sa mga bata, kaya…”Ang daming sinabi ni Avery pero isa lang naman ang pinupunto niya.“Kung wala na kayong extra na kwarto, maghohotel nalang ako.” Ayaw naman ng makaabala pa ni Elliot kay Avery. “Hindi naman sa wala na kaming extra na kwarto…” Napayuko si Avery sa hiya.Kung hindi lang siguro hating gabi dumating si Elliot, baka siya pa mismo ang nagsabi dito na sa hotel na lang ito tumuloy, pero bukod sa alanganin na ang oras, wala pa itong dalang bodyguard. Paano nalang kapag may na
Oo, wala naman talaga silang pag aawayan, pero dati naman kahit maliit na bagay ay pinagtatalunan pa rin nila at kayang-kaya nilang magbangayan ng tatlong magkakasunod na araw. Kaya sobrang nakahinga siya ng maluwag noong nakita niya si Elliot. Sigurado siya na hindi ito pumunta doon para makipag away sakanya. Siguro dahil may mga anak na rin sila kaya hindi sila pwedeng maging makasarili at unahin ang init ng mga ulo nila. Sa maliit na kwarto, naligo lang ng mabilisan si Elliot at naglakad siya papunta sa kama para umupo. Kinuha niya ang kanyang phone para basahin ang message ni Chad. [Mr. Foster, nakapag book na ako ng hotel na malapit sa bahay ni Avery. May kasama ng sasakyan yun at wala pang ten minutes ang byahe kaya hindi ka na mahihirapan.]Hindi matanggap no Chad na ganun ang ginawa ni Avery kay Elliot! Wala siyang problema kung wala na talaga itong nararamdaman para sa boss niya, pero bakit kailangan pa umabot sa ganun?!Nagreply si Elliot, [Dito ako tutuloy sa bah
“Hmfff” Hindi sigurado ni Avery kung yun ang sagot sakanya ni Elliot o umiinda ito. Naramdaman ni Elliot na may mga nakatingin sakanya kaya tumingin siya sa pinto. Nakita niya si Mrs. Cooper na buhat-buhat si Robert habang at si Mike na buhat din si Layla. Nasa labas lang ang apat at nakatingin sakanila ni Avery.Pwede naman sanang pumasok ang mga ito kaya hindi rin alam ni Elliot kung bakit nakatayo lang ang mga ito sa labas. Oo, nahihiya siya kasi may bukol siya pero kaya niya pa rin namang humarap sa ibang tao! Nilagyan ni Avery ng gasa ang bukol ni Elliot at niligpit niya ang laman ng kanyang medicine kit.“Magbreakfast na tayo tapos pupunta tayo sa ospital.” Sabi ni Avery. “Kaya ko ng pumunta doon ng mag isa.”“Sanay ka ba sa mga ospital dito? May mga kilala ako kaya pwede ka ng ma scan kaagad. Kung wala kang koneksyon, baka abutin ka pa ng bukas doon.”Hindi namakapagsalita si Elliot. Hindi naman sa wala siyang koneksyon, pero kung ikukumpara nga kay Avery, di
Hindi nagustuhan ni Avery ang tono ng pananalita ni Elliot. “Elliot, lahat ba ng mga lalaki kaparehas mo mag isip? Alam mo ba kung bakit gustong makipag divorce ni Tammy? Kasi mahal niya si Jun! Ayaw niyang masaktan yung kaibigan mo sa pangpepressure ng mga magulang niya…”“Avery, kung ipaglalaban ni Jun na gusto niya talagang makasama si Tammy, ano pang magagawa ng mga magulang niya diba? Sa tingin ko, pinag isipan niya ‘to ng maigi at kung magdesisyon man siyang magpalit ng number o magpakasal sa iba, nasa kanya na yun.”…Hindi nga sila nag away dahil sa sarili nilang problema pero pinagtalunan naman nila ang tungkol kina Jun at Tammy…Pero pinilit ni Avery na kumalma. Pinag isipan niya ng maigi ang mga sinabi ni Elliot at sa totoo lang ay may punto naman ito. “Bakit kaya palaging sinasabi ng mga tao na ginagawa nila ang mga bagay-bagay para sa mga mahal nila pero ang totoo ay sinasaktan lang talaga nila ang isa’t-isa?” Malungkot na sabi ni Avery.. “Parang tayo.” Sagot ni
”Elliot.” Sinita ni Avery si Elliot nang makita niyang nanlilisik ang mga mata nito kay Eric. “Bagong taon na bagong taon. Wag mo ng palakihin ang maliit na bagay.”Bahagyang kumalma si Elliot nang marinig niya ang sinabi Avery.“Matagal na akong nagbibigay kay Avery. Lahat ng klase ng mga alahas, bukod sa singsing, naibigay ko na sakanya. Diba wala ka namang pakielam sakanya palagi? Oh bakit ka nagagalit sa akin?”Palaging kalmado si Avery pagdating kay Eric pero noong nagtuloy-tuloy pa rin ito sa pangiinis kay Elliot, dinilatan niya ito ng mga mata. Hindi naman siya nagagalit kay Eric dahil alam niya naman na ginagawa lang yun ng tao para sakanya. “Ano naman?” Tinaasan ni Elliot ng kilay si Eric. “Kayo ba? Kasi kung hindi, tumahimik ka nalang.”Biglang natahimik si Eric. Sa puntong ‘to, hindi na kayang manahimik ni Avery kaya muli niyang tinawag si Elliot. "Elliot…"“Ano magdadrive ka ba o hindi? Kung ayaw mo, ako nalang.” Pagputol ni Elliot. Alam naman niya na ipagtat