”Elliot.” Sinita ni Avery si Elliot nang makita niyang nanlilisik ang mga mata nito kay Eric. “Bagong taon na bagong taon. Wag mo ng palakihin ang maliit na bagay.”Bahagyang kumalma si Elliot nang marinig niya ang sinabi Avery.“Matagal na akong nagbibigay kay Avery. Lahat ng klase ng mga alahas, bukod sa singsing, naibigay ko na sakanya. Diba wala ka namang pakielam sakanya palagi? Oh bakit ka nagagalit sa akin?”Palaging kalmado si Avery pagdating kay Eric pero noong nagtuloy-tuloy pa rin ito sa pangiinis kay Elliot, dinilatan niya ito ng mga mata. Hindi naman siya nagagalit kay Eric dahil alam niya naman na ginagawa lang yun ng tao para sakanya. “Ano naman?” Tinaasan ni Elliot ng kilay si Eric. “Kayo ba? Kasi kung hindi, tumahimik ka nalang.”Biglang natahimik si Eric. Sa puntong ‘to, hindi na kayang manahimik ni Avery kaya muli niyang tinawag si Elliot. "Elliot…"“Ano magdadrive ka ba o hindi? Kung ayaw mo, ako nalang.” Pagputol ni Elliot. Alam naman niya na ipagtat
Hinawakan ni Elliot ang braso ni Avery at hinila ito papasok sa loob ng mall nang hindi nagsasalital. Naintindihan kaagad ni Avery kung anong gusto nitong mangyari. “Elliot, ayoko ng regalo. Gusto ko ng umuwi!” Pinilit ni Avery na magpumiglas, pero masyadong mahigpit ang hawak ni Elliot kaya hindi siya makapalag. “Bakit yung kay Eric hindi mo tinanggihan?” Sagot ni Elliot. “Bakit yung kanya pwede mong tanggapin pero palagi kang umaayaw pagdating sa akin?”Akala ni Avery ay nagkamali lang siya ng dinig. Hindi siya makapaniwala na ang isang Elliot Foster ay magiging ganun kaisip bata.Noong nakita ni Eric na pinipilit ni Elliot si Avery, nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo papunta sa dalawa. “Bakit mo kami sinusundan?” Tinignan ni Elliot si Eric ng masama. “Nakalimutan mo na bang artista ka? Hindi ka ba natatakot na may makakilala sayo? Idadamay mo pa kami ni Avery sa kalokohan mo!”Natigilan si Eric at bandang huli ay bumalik nalang siya sa loob ng sasakyan ni Av
Paglabas ng dalawa sa mall, nakita ni Eric na malaki na ang ikinalma ng mga ito at mukha itong normal na mag couple na makikita sa daan. ‘Parang kanina lang, naghihilaan pa sila ah.’.‘Bakit kaya sila biglang nagbati? Imposible naman na dahil lang yun sa regalong binigay ni Elliot dahil kung ganun, edi dapat palagi na silang nagbabati ni Avery..’‘Ha ha mukhang bumigay din si Elliot kay Avery.’Pagkauwi nila, dinala ni Avery ang mga regalo sa kwarto niya at napansin niya na nailipat na ni Mrs. Cooper ang mga gamit ni Elliot. “Diba sabi mo nagugutom ka? Kumain ka muna.” Sabi ni Elliot. “Hmm. May liligpitin lang ako sandali. Dito ka na matulog mamaya. Ako na dun sa maliit.”“Ako na dun sa maliit.” Ayaw ni Elliot na agawan si Avery ng lugar. “Aksidente lang yung nangyari kanina. Mag iingat na ako.”“Sinisindak mo ba ako?” Tinignan ni Avery ang pasa ni Elliot. “Gusto mong matulog kasama ako no?!”“Oo, gusto ko.” Pumasok si Elliot sa master’s bedroom at sinarado ang pinto. “Ano
”Okay, pero kapag ayaw niya, wag mo na siyang pilitin.”"Okay."Kagaya ng sinabi ni Avery, ayaw pumunta ni Tammy, pero hindi dahil kay Elliot kundi kay Eric! Die hard fan ni Eric si Tammy at gustuhin niya mang pumunta, nahihiya kasi namumugto pa rin ang mga mata niya sa kakaiyak noong nalasing siya ng sobra kagabi. Pagkatapos nilang mag dinner, hinatid ni Avery si Eric. Pagkabalik niya sa sala, nakita niya si Elliot na buhat-buhat si Robert. Yun ang unang pagkakataon na nakita niya si Elliot na may hawak na bata kaya siguro kinakabahan ito. Kitang-kita na medyo nanginginig pa ang mga kamay nito. Malaking tao si Elliot kaya siguro natatakot ito na malalaglag nito si Robert. “Alam niyang binubuhat ko siya, pero hindi siya umiiyak.” Sabi ni Elliot na halatang masaya ang tono ng boses. Ngumiti si Mrs.Cooper at sumagot, “Maliit pa kasi si Robert kaya hindi pa siya nakakakilala!” Medyo naiilang na ngumiti si Elliot. “Mr. Foster, kailanan mong matutukan ang mga bata para magin
Napalunok si Elliot at medyo natataranta siyang sumagot, “Umiiyak kasi siya kanina kaya binigyan ko siya ng gatas pero sinuka niya naman. May nagawa ba akong mali?” Naintindihan ni Avery at naglakad siya papunta kay Elliot. Tinignan niya si Robert at may bakas pa ng gatas sa bibig nito. “Lungad. Kapag lumaki na siya, magiging okay din siya.”“Pero hindi naman siya sumuka noong ikaw yung nagpainom ng gatas sakanya kanina.” Kinakabahan si Elliot na baka may nagawa siyang mali. Natataranta siya kasi noong mauubos na ni Robert ang gatas nito, bigla naman nitong sinuka ang lahat ng pinainom niya, kaya nga basang basa ang t-shirt niya kanina. Noong nakita ni Avery na sobrang seryoso at nag aalala si Elliot, hindi siya nagalit. “Kapag nagtitimpla ka ng gatas, siguraduhin mo na wala masyadong hangin na papasok sa bote. Pagkatapos mag dede ni Robert, itayo mo muna siya ng mga ilang minuto. Pero minsan kahit anong gawin mo, susuka at susuka pa rin talaga siya kasi nasa edad niya talaga
”Tignan-tignan mo lang yung mga bata, hindi mo naman talaga kailangang gawin lahat.” Sabi ni Elliot bago pa tuluyang makatulog si Avery. “Kamusta pala yung recovery mo?”Nag cesarean section si Avery kaya kumpara sa normal, medyo mas magiging matagal ang recovery niya. Dahil sa naging tanomg ni Elliot, biglang nawala ang antok ni Avery. ‘Bakit siya nagtatanong tungkol sa recovery ko?!’ Kung anu-ano ng pumasok sa isip ni Avery! “Alam mo naman siguro na tatlong buwan pagkatapos manganak ng isang babae pa pwede makipag sex, diba?” Medyo nagpapanic na sagot ni Avery. “Kung anu-anong iniisip mo.” Huminga ng malalim si Elliot at malambing na nagpatuloy, “Tinatanong ko kung kamusta na ang recovery mo. Hindi naman ako nagtatanong tungkol sa sex.”Nakahinga ng maluwag si Avery. “Okay naman.”Biglang napabukas si Elliot ng ilaw. Dahil dito, nasilaw si Avery at nagtatakang nagtanong, “Anong ginagawa mo? Hindi ka ba inaantok kasi nakatulog ka kanina? Kung hindi ka makatulog…”Umupo si
Huminga ng malalim si Elliot. “Mga ilang araw pa.” Kung hindi siguro tinanong ni Avery, baka hindi niya rin talaga maiisip ang tungkol sa bagay na yun. “Oh… kung hindi ka makatulog, pwede kang lumabas muna.” Nag aalala si Avery na baka mainip si Elliot. “Kung sa tingin mong boring mag isa, pwede mong yayain si Mike.”“Sa tingin mo ba magkakasundo kami?” Natatawang sagot ni Elliot. “Inaantok ka na ba? Naiistorbo ba kita?” Huminga ng malalim si Avery. “Inaantok na ako, pero dahil katabi kita…”“Gusto mo ba akong umalis?” Gusto ni Elliot na makapag pahinga si Avery. “Saan ka naman pupunta?” Inaantok na sagot ni Avery. “Hindi naman dahil sa katabi kita kaya hindi ako makatulog… Pakiramdam ko lang kasi na para bang may mga problema tayo na hindi pa rin natin naayos… Kung ano man yun, hindi ko rin alam..”“Avery, kung puro hindi masasayang bagay ang iisipin mo, hindi ka talaga makakatulog ng mahimbing.” Tinapik ni Elliot ang balikat ni Avery. “Dapa.”“Anong gagawin mo?” HIndi ri
“Sinabi niya sayo? Bakit hindi niya sinabi sa akin?” Naguguluhang tanong ni Avery.Kinuha ni Elliot ang tasa niya ng gatas at humigop. “Kasi tinanong niya sa akin kung ano ang address ng mga magulang ni Chad.”“Ha? Ano namang kailangan niya sa mga magulang ni Chad?” Masama ang kutob ni Avery. “Bibisita lang ba siya o…”“Kung ano yung iniisip mo. Plano niya atang sabihin sa mga magulang ni Chad kung anong mayroon sakanila.”Halos hindi maipinta ang mukha ni Avery sa sobrang pagka gulat. “Kung tinanong niya sayo kung saan ang address ng mga magulang ni Chad, ibig sabihin hindi siya pinapunta doon ni Chad at kung magkataon na tama nga yung iniisip natin, mukhang malaking away to.” Gusto sanang tawagan ni Avery si Mike para pigilan ito. “Hindi ko ‘to sinabi sayo para pigilan mo si Mike.” Tumingin si Elliot kay Avery at nagpatuloy, “Ang gusto ko lang sabihin sayo ay hindi palaging masaya ang isang relasyon at normal lang na magkaroon ng mga problema.” “Alam ko.” Umiwas ng tingin s