Huminga ng malalim si Elliot. “Mga ilang araw pa.” Kung hindi siguro tinanong ni Avery, baka hindi niya rin talaga maiisip ang tungkol sa bagay na yun. “Oh… kung hindi ka makatulog, pwede kang lumabas muna.” Nag aalala si Avery na baka mainip si Elliot. “Kung sa tingin mong boring mag isa, pwede mong yayain si Mike.”“Sa tingin mo ba magkakasundo kami?” Natatawang sagot ni Elliot. “Inaantok ka na ba? Naiistorbo ba kita?” Huminga ng malalim si Avery. “Inaantok na ako, pero dahil katabi kita…”“Gusto mo ba akong umalis?” Gusto ni Elliot na makapag pahinga si Avery. “Saan ka naman pupunta?” Inaantok na sagot ni Avery. “Hindi naman dahil sa katabi kita kaya hindi ako makatulog… Pakiramdam ko lang kasi na para bang may mga problema tayo na hindi pa rin natin naayos… Kung ano man yun, hindi ko rin alam..”“Avery, kung puro hindi masasayang bagay ang iisipin mo, hindi ka talaga makakatulog ng mahimbing.” Tinapik ni Elliot ang balikat ni Avery. “Dapa.”“Anong gagawin mo?” HIndi ri
“Sinabi niya sayo? Bakit hindi niya sinabi sa akin?” Naguguluhang tanong ni Avery.Kinuha ni Elliot ang tasa niya ng gatas at humigop. “Kasi tinanong niya sa akin kung ano ang address ng mga magulang ni Chad.”“Ha? Ano namang kailangan niya sa mga magulang ni Chad?” Masama ang kutob ni Avery. “Bibisita lang ba siya o…”“Kung ano yung iniisip mo. Plano niya atang sabihin sa mga magulang ni Chad kung anong mayroon sakanila.”Halos hindi maipinta ang mukha ni Avery sa sobrang pagka gulat. “Kung tinanong niya sayo kung saan ang address ng mga magulang ni Chad, ibig sabihin hindi siya pinapunta doon ni Chad at kung magkataon na tama nga yung iniisip natin, mukhang malaking away to.” Gusto sanang tawagan ni Avery si Mike para pigilan ito. “Hindi ko ‘to sinabi sayo para pigilan mo si Mike.” Tumingin si Elliot kay Avery at nagpatuloy, “Ang gusto ko lang sabihin sayo ay hindi palaging masaya ang isang relasyon at normal lang na magkaroon ng mga problema.” “Alam ko.” Umiwas ng tingin s
Siyempre masaya si Chelsea at yun na ata ang pinaka masayang nangyari sakanya mula noong nangyari ang aksidente. Pero bukod sa saya, medyo nasaktan din siya dahil sa rason na binigay sakanya ni Charlie. Lumaki si Chelsea na nakukuha ang lahat ng gusto niya, at ngayong nasira na ang mukha niya, wala na siyang kwenta kay Charlie! Hindi naman sa walang kwenta, pero pwedeng pwede na siyang gamitin nito ngayon para hiyain si Elliot. Sobrang nirerespeto si Elliot sa buong Aryadelle, at nakipag kasundo si Charlie na ipakasal ito kay Chelsea para mapagtawanan ito ng lahat sa pagkakaroon ng pangit na asawa! Dahil dun, galit na galit si Chelsea kay Charlie. “Chelsea, para nalang kitang robot ngayon. Kung gusto mong magkaroon ng maayos na buhay, kaya ko yung ibigay sayo. Kailangan mo lang sumunod sa mga sasabihin ko sayo.” Nanlilisik ang mga mata ni Charlie habang binabantaan si Chelsea, “Subukan mo lang na traydurin ako! Hindi talaga ako magdadalawang isip na patayin ka! Nakakdiri yang
Sa isang maliit na baryo sa Aryadelle. Gulat na gulat si Chad nang makita niya si Mike. Nagdala si Mike ng maraming mamahaling regalo at masayang binati ang mga magulang ni Chad at masayang masaya naman siyang winelcome ng lahat. Hindi pa man din nagtatagal si Mike, pinapaalis na siya ni Chad, pero hindi siya pumayag. “Nasaan yung babaeng pinapa blind date sayo? Sinong nagsabi sayo na pwede kang makipag blind date kung kani-kanino?” Pinatahimik ni Chad si Mike at pabulong na sumagot, “Wag mong sabihin sa akin na pumunta ka dito dahil lang dun?! Ang hina mo naman! Nagbatian lang kami tapos umalis din siya kaagad! Ni hindi ko nga kinuha yung number niya eh!” “Sinong mahina sa atin? Ikaw nga ‘tong hindi makaladlad sa mga magulang mo! Napaka duwag mo pero wag ka ng mag alala, ako ng bahala!” “T*ng*na! Sinabi ko naman sayo na mataas ang presyon ng nanay ko diba?” Hindi mapaalis ni Chad si Mike kaya wala na siyang nagawa kundi hilain ito a kwarto niya.“Oo! Alam kong mataas an
Pagkalipas ng ilang segundo, biglang huminto ang sasakyan.Nagmamadaling bumaba si Chad ng sasakyan at tumakbo pabalik sa bahay nila. Galit na galit na sinuntok ni Mike ang manibel! Ayay niyang papiliin si Chad, pero nasasaktan din siya na iniwanan siya nito! Sa sobrang galit niya, gusto niya sanang tawagan si Avery, pero noong pipindutin niya na ang ‘call’, bigla siyang natigilan dahil naalala niya na magkabaliktaran nga pala ang oras ng Aryadelle at Bridgedale at sigurado siya na sa mga oras na yun ay malamang natutulog na si Avery. Ayaw niyang maabala si Avery, pero wala siyang pakielam kay Elliot kaya tinenxt niya ito. Pagkalipas ng isang oras, tumawag si Elliot. “Tulog na ba si Avery?” Tanong ni Mike. “Kakatulog niya lang. Bakit?” Nasa CR si Elliot noong tumawag siya kay Mike, pero pabulong siya kung magsalita para hindi niya maistorbo si Avery.“Nahimatay yung nanay ni Chad dahil sa presyon. Ako yung may kasalanan.” Malungkot na sabi ni Mike habang nagsisigarilyo. “
Sa tingin ni Elliot, doon nagtatrabaho si Avery. Malinis ang mga gamit nito at bukod sa laptop, may mga nakasalansan din na folder sa isang gilid. Gusto sanang malaman ni Elliot kung ano ang mga pinagkakaabalahan ni Avery, kaya kumuha siya ng isang folder. May bakasulat na ‘Case Files’ sa harapan ng folder na nakuha niya. Dahan-dahan niya itong binuksan at tumambad sakanya ang ilang mga dokumento. “Elliot…” Biglang nagsalita si Avery. “Anong ginagawa mo?” Naalimpungatan si Avery at noong dumilat siya, nakita niya si Elliot na nakatayo sa harap ng lamesa niya. Akala niya noong una ay nanaginip lang siya kaya tinitigan niya ito ng maigi. Nang masigurado niyang hindi siya nanaginip, umupo siya. Dali-dali namang sinarado ni Elliot ang hawak niyang folder at binalik ito sa pinagkunan niya. “Wala ka bang study room?” Nahimasmasan kaagad si Elliot at naglakad siya papunta kay Avery. “Bakit may lamesa ka dito?” Kinusot ni Avery ang mata niya. “May study room ako, pero mas gus
Nagulat si Avery. Bakit hindi sumagot si Elliot sa tanong niya?Noong yayakapin na siya nito, bigla siyang umiwas at tinulak ito, “Bakit hindi mo sinagot yung tanong ko? Kaya mo bang gawin o hindi? Kung hindi, wag mo na akong yakapin.”Hindi naman sobra yung hinihingi ni Avery, diba?Ang gusto niya lang naman ay bigyan ni Elliot ng oras ang mga anak nila. Mahirap ba yun? Hindi ba nito kaya?Kung hindi, bakit pa ito nag anak?!“Mga anak ko sila kaya siyempre, gagawin ko ang lahat para sakanila.” Niyakap ni Elliot ng sobrang higpit ang bewang ni Avery. “Nakonsensya naman ako sa tanong mo.”Nakahinga ng maluwag si Avery sa naging sagot ni Elliot. “Elliot, sa susunod na magtatanong ako sayo, kahit ano pa yun, kailangan mo akong sagutin.” Tinignan ni Avery si Elliot ng diretso sa mga mata. “Kasi kapag hindi ka sumasagot, para akong nababaliw. Siguro kung sa ibang tao, mahaba ang pasensya ko, pero pag dating sayo, ang bilis-bilis kong magalit!” “Mhm.” Hindi kayang tumingin ni Ell
“Kahit na hindi niya pa naiintindihan, hindi ka ba nahihiya?”“Kung nahiya ako, hindi ko siya nabuo.” Namula si Avery sa naging sagot ni Elliot. Nagmamadali siyang nagbihis at pumunta sa CR.Sa baba, nagkwekwentuhan sina Tammy at Layla habang nagmemerienda. “Ayaw ba akong makita ng Daddy mo? Mula noong dumating ako, hindi na siya lumabas ah.” Asar ni Tammy. Umiling si Layla. “Siyempre, gusto ka ng Daddy ko! Siguro ponapanuod niya lang si Mommy habang natutulog.”“Bakit niya pinapanuod? Hindi ba siya natatakot na baka magising niya ang Mommy mo?” Napakamot nalang si Layla ng ulo niya. Gusto pa sana niyang ipagtanggol si Elliot pero wala siyang maisip na maisagot. Sakto, dumating na din si Avery. “Tammy, kanina ka pa? Medyo napagod ako kahapon kaya napahaba ang tulog ko.” Paliwanag ni Avery habang naglalakad papalapit kay Tammy. “Nanuod lang naman kayo ng fireworks, diba? Bakit ka napagod?” Ngumiti si Tammy na halatang nangaasar. “Anong nangyari dun kay Elliot? Iniiwasan n