Pagkalipas ng ilang segundo, biglang huminto ang sasakyan.Nagmamadaling bumaba si Chad ng sasakyan at tumakbo pabalik sa bahay nila. Galit na galit na sinuntok ni Mike ang manibel! Ayay niyang papiliin si Chad, pero nasasaktan din siya na iniwanan siya nito! Sa sobrang galit niya, gusto niya sanang tawagan si Avery, pero noong pipindutin niya na ang ‘call’, bigla siyang natigilan dahil naalala niya na magkabaliktaran nga pala ang oras ng Aryadelle at Bridgedale at sigurado siya na sa mga oras na yun ay malamang natutulog na si Avery. Ayaw niyang maabala si Avery, pero wala siyang pakielam kay Elliot kaya tinenxt niya ito. Pagkalipas ng isang oras, tumawag si Elliot. “Tulog na ba si Avery?” Tanong ni Mike. “Kakatulog niya lang. Bakit?” Nasa CR si Elliot noong tumawag siya kay Mike, pero pabulong siya kung magsalita para hindi niya maistorbo si Avery.“Nahimatay yung nanay ni Chad dahil sa presyon. Ako yung may kasalanan.” Malungkot na sabi ni Mike habang nagsisigarilyo. “
Sa tingin ni Elliot, doon nagtatrabaho si Avery. Malinis ang mga gamit nito at bukod sa laptop, may mga nakasalansan din na folder sa isang gilid. Gusto sanang malaman ni Elliot kung ano ang mga pinagkakaabalahan ni Avery, kaya kumuha siya ng isang folder. May bakasulat na ‘Case Files’ sa harapan ng folder na nakuha niya. Dahan-dahan niya itong binuksan at tumambad sakanya ang ilang mga dokumento. “Elliot…” Biglang nagsalita si Avery. “Anong ginagawa mo?” Naalimpungatan si Avery at noong dumilat siya, nakita niya si Elliot na nakatayo sa harap ng lamesa niya. Akala niya noong una ay nanaginip lang siya kaya tinitigan niya ito ng maigi. Nang masigurado niyang hindi siya nanaginip, umupo siya. Dali-dali namang sinarado ni Elliot ang hawak niyang folder at binalik ito sa pinagkunan niya. “Wala ka bang study room?” Nahimasmasan kaagad si Elliot at naglakad siya papunta kay Avery. “Bakit may lamesa ka dito?” Kinusot ni Avery ang mata niya. “May study room ako, pero mas gus
Nagulat si Avery. Bakit hindi sumagot si Elliot sa tanong niya?Noong yayakapin na siya nito, bigla siyang umiwas at tinulak ito, “Bakit hindi mo sinagot yung tanong ko? Kaya mo bang gawin o hindi? Kung hindi, wag mo na akong yakapin.”Hindi naman sobra yung hinihingi ni Avery, diba?Ang gusto niya lang naman ay bigyan ni Elliot ng oras ang mga anak nila. Mahirap ba yun? Hindi ba nito kaya?Kung hindi, bakit pa ito nag anak?!“Mga anak ko sila kaya siyempre, gagawin ko ang lahat para sakanila.” Niyakap ni Elliot ng sobrang higpit ang bewang ni Avery. “Nakonsensya naman ako sa tanong mo.”Nakahinga ng maluwag si Avery sa naging sagot ni Elliot. “Elliot, sa susunod na magtatanong ako sayo, kahit ano pa yun, kailangan mo akong sagutin.” Tinignan ni Avery si Elliot ng diretso sa mga mata. “Kasi kapag hindi ka sumasagot, para akong nababaliw. Siguro kung sa ibang tao, mahaba ang pasensya ko, pero pag dating sayo, ang bilis-bilis kong magalit!” “Mhm.” Hindi kayang tumingin ni Ell
“Kahit na hindi niya pa naiintindihan, hindi ka ba nahihiya?”“Kung nahiya ako, hindi ko siya nabuo.” Namula si Avery sa naging sagot ni Elliot. Nagmamadali siyang nagbihis at pumunta sa CR.Sa baba, nagkwekwentuhan sina Tammy at Layla habang nagmemerienda. “Ayaw ba akong makita ng Daddy mo? Mula noong dumating ako, hindi na siya lumabas ah.” Asar ni Tammy. Umiling si Layla. “Siyempre, gusto ka ng Daddy ko! Siguro ponapanuod niya lang si Mommy habang natutulog.”“Bakit niya pinapanuod? Hindi ba siya natatakot na baka magising niya ang Mommy mo?” Napakamot nalang si Layla ng ulo niya. Gusto pa sana niyang ipagtanggol si Elliot pero wala siyang maisip na maisagot. Sakto, dumating na din si Avery. “Tammy, kanina ka pa? Medyo napagod ako kahapon kaya napahaba ang tulog ko.” Paliwanag ni Avery habang naglalakad papalapit kay Tammy. “Nanuod lang naman kayo ng fireworks, diba? Bakit ka napagod?” Ngumiti si Tammy na halatang nangaasar. “Anong nangyari dun kay Elliot? Iniiwasan n
Natatarantang binigyan ni Mrs. Scarlet si Elliot ng tubig, habang si Avery naman ay hinimas ang likod nito. “Nguyain mo kasi ng maigi. Nabulunan ka ba?”Medyo nagduda si Tammy sa naging galawan ni Elliot kaya kumunot ang noo niya at walang prenong nagtanong, “Elliot, alam mo? Nakakapagduda ka. Ikaw ba yung nagreto sa fiance ni Jun?”Nang sandaling sabihin yun ni Tammy, biglang inalis ni Avery ang kamay niya sa likod ni Elliot. Nasa kalagitnaan ng pag inom si Elliot noong oras na yun, pero bigla siyang natigilan. Nilunok niya ang tubig na nasa bibig niya at tumanggi. “Hindi… Hindi ko nga kilala yung fiance niya.”“Eh bakit ka nabulunan?” Tumingin si Tammy kay Avery at sinagot ang tanong nito, “Kung ikakasal si Elliot sa ibang babae, siyempre, hindi ako magiging kalmado! Baka nga mag gate crash pa ako sa kasal nila eh!” Tumungo si Avery. “Diba? Ganun din ako siyempre! Kaya hindi ko rin kayang makita na kinakasal si Jun sa ibang babae kaya Tammy, pasensya ka na!” “Pero magkai
Gusto mong isama natin yung mga bata?” Tanong ni Elliot. “Gusto mong isama natin sila?”Hindi maintindihan ni Avery ang ibig sabihin ni Elliot. “Oo.” Kahit na nahihirapan siya kapag binubuhat niya ang mga anak niya, walang kasing saya ang nararamdaman niya kapag kasama niya ang mga ito. Siguro totoo nga ang mga narinig niya noon na kahit anong pagod ng isang magulang, lahat ng yun ay mawawala kapag nakita na nila ang mga anak nila.“Pero ayoko muna silang isama. Gusto kitang dalhin sa isang lugar.” Sagot ni Avery.“Saan tayo pupunta?” Nilagay ni Elliot ang kamay niya sa kanyang bulsa. “Kailangan muna nating tanungin ang mga bata, diba? Kung ayaw nilang sumama, wag natin silang isama. Eh paano kung gusto nila?”“Pupunta tayo kung saan ako nagcollege. Sandali, ako na ang magsasabi sa mga bata.” Pumunta si Avery sa kwarto nina Hayden at Layla. Hindi nagtagal, bumalik siya at hinawakan ang kamay ni Elliot. “Gusto daw ni Layla ng pasalubong. Tara na!”Si Avery ang nagmaneho at dina
Nang makita ni Avery ang diamond ring na sinuot sakanya ni Elliot, hindi na niya napigilang maging emosyunal. Iyak siya ng iyak at niyakap ito ng mahigpit. “Kailan mo ‘to binili? Palagi naman tayong magkasama pero hindi kita nakitang bumili nito.”Ang buong akala ni Avery ay hindi alam ni Elliot na Valentine’s Day noong araw na yun dahil mulka umaga hanggang sa noong naglalakad na sila sa campus, wala namang naging kaduda-duda dito.”“Noong bumili tayo ng kwintas, binilhan din kita ng singsing.” Paliwanag ni Elliot. “Paano ko naman makakalimutan ang araw na ‘to?”Ilang araw na puro promotion tungkol sa Valentine’s Day ang nababasa niya sa tuwing magbubukas siya nhg phone. “Kung hindi ko pa sinabing Valentine’ Day ngayon, wala ka pang planong ibigay yang singsing na yan no?” Binitawan ni Avery si Elliot at tinignan ito, na may namumugtong mga mata.Ngumiti si Elliot at malambing na sumagot, “Alam ko namang ipapaalala mo sa akin. Hinihintay lang kita simula kaninang umaga.”Nata
”Ben! Naguumpisa na ang dementia ng nanay ko! Wag mo nalang sabihin sa iba yung mga sinabi niya sayo!” Hindi na alam ni Chad kung anong gagawin niya. “Kapag nalaman ‘to ni Mr. Foster, sigurado ako sisisantihin niya ako.” Halos maiyak na si Ben sa kakatawa. “Chad, masyado kang nag iisip ng kung anu-ano. Okay na okay pa ang pag iisip ni Aunt Tanya. Malinaw naman ang sinabi niya na ayaw niya kay Mike kasi mahirap siya. Sabihan mo kasi yung boyfriend mo na magpayaman para matanggap siya ng nanay mo.” Umiling si Chad. “Ang sabi ng nanay ko, wala daw siyang problema kung hanggang magkaibigan lang kami Mike, pero hindi niya raw matatanggap na boyfriend ko siya kasi mukha daw siyang walang kwenta.”“Hahaha! Tapos tinawag mo siyang demented? Tama naman ang sinabi niya ah! Wag ka ng masyadong mag isip. Alagaan mo nalang muna siya sa ngayon.”“Ben, may gagawin ka ba mamaya? Pwede mo bang puntahan si Mike? Dalawang araw ko na kasi siyang hindi pinapansin kaya sigurado ako na sasabog na yun