Gusto mong isama natin yung mga bata?” Tanong ni Elliot. “Gusto mong isama natin sila?”Hindi maintindihan ni Avery ang ibig sabihin ni Elliot. “Oo.” Kahit na nahihirapan siya kapag binubuhat niya ang mga anak niya, walang kasing saya ang nararamdaman niya kapag kasama niya ang mga ito. Siguro totoo nga ang mga narinig niya noon na kahit anong pagod ng isang magulang, lahat ng yun ay mawawala kapag nakita na nila ang mga anak nila.“Pero ayoko muna silang isama. Gusto kitang dalhin sa isang lugar.” Sagot ni Avery.“Saan tayo pupunta?” Nilagay ni Elliot ang kamay niya sa kanyang bulsa. “Kailangan muna nating tanungin ang mga bata, diba? Kung ayaw nilang sumama, wag natin silang isama. Eh paano kung gusto nila?”“Pupunta tayo kung saan ako nagcollege. Sandali, ako na ang magsasabi sa mga bata.” Pumunta si Avery sa kwarto nina Hayden at Layla. Hindi nagtagal, bumalik siya at hinawakan ang kamay ni Elliot. “Gusto daw ni Layla ng pasalubong. Tara na!”Si Avery ang nagmaneho at dina
Nang makita ni Avery ang diamond ring na sinuot sakanya ni Elliot, hindi na niya napigilang maging emosyunal. Iyak siya ng iyak at niyakap ito ng mahigpit. “Kailan mo ‘to binili? Palagi naman tayong magkasama pero hindi kita nakitang bumili nito.”Ang buong akala ni Avery ay hindi alam ni Elliot na Valentine’s Day noong araw na yun dahil mulka umaga hanggang sa noong naglalakad na sila sa campus, wala namang naging kaduda-duda dito.”“Noong bumili tayo ng kwintas, binilhan din kita ng singsing.” Paliwanag ni Elliot. “Paano ko naman makakalimutan ang araw na ‘to?”Ilang araw na puro promotion tungkol sa Valentine’s Day ang nababasa niya sa tuwing magbubukas siya nhg phone. “Kung hindi ko pa sinabing Valentine’ Day ngayon, wala ka pang planong ibigay yang singsing na yan no?” Binitawan ni Avery si Elliot at tinignan ito, na may namumugtong mga mata.Ngumiti si Elliot at malambing na sumagot, “Alam ko namang ipapaalala mo sa akin. Hinihintay lang kita simula kaninang umaga.”Nata
”Ben! Naguumpisa na ang dementia ng nanay ko! Wag mo nalang sabihin sa iba yung mga sinabi niya sayo!” Hindi na alam ni Chad kung anong gagawin niya. “Kapag nalaman ‘to ni Mr. Foster, sigurado ako sisisantihin niya ako.” Halos maiyak na si Ben sa kakatawa. “Chad, masyado kang nag iisip ng kung anu-ano. Okay na okay pa ang pag iisip ni Aunt Tanya. Malinaw naman ang sinabi niya na ayaw niya kay Mike kasi mahirap siya. Sabihan mo kasi yung boyfriend mo na magpayaman para matanggap siya ng nanay mo.” Umiling si Chad. “Ang sabi ng nanay ko, wala daw siyang problema kung hanggang magkaibigan lang kami Mike, pero hindi niya raw matatanggap na boyfriend ko siya kasi mukha daw siyang walang kwenta.”“Hahaha! Tapos tinawag mo siyang demented? Tama naman ang sinabi niya ah! Wag ka ng masyadong mag isip. Alagaan mo nalang muna siya sa ngayon.”“Ben, may gagawin ka ba mamaya? Pwede mo bang puntahan si Mike? Dalawang araw ko na kasi siyang hindi pinapansin kaya sigurado ako na sasabog na yun
Halos hindi makahinga si Ben. Galit na galit niyang hinila ang kwelyo ni Chelsea. “Chelsea Tierney! Anong pinagsasabi mo?! Bakit ka naman papakasalan ni Elliot? Magkasama sila ni Avery ngayon at kung may papakasalan man siya, si Avery yun at hindi ikaw!” Tumawa si Chelsea. “Alam ko na magkasama sila ni Avery. May mga anak sila at naiintindihan ko yun. Isa pa, kahit na hindi ko makuha ang puso niya, kuntento na ako sa katawan niya.”Natawa si Ben kay Chelsea at binitawan ito. “Siguro sonbrang na traumatize ka sa aksidente mo! Nag didiliryo ka! Kung papakasalan ka ni Elliot, bakit wala akong alam?”“Bakit? Sayo ba siya magpapakasal para malaman mo ang lahat?” Nilapag ni Chelsea ang baso sa lamesa at kalmadong nagpatuloy, “Sinasabi ko lang naman ‘to sayo dahil kaibigan kita. Alam ko na ayaw mo akong maging kaibigan, pero para sa akin, ikaw nag pinaka mahalagang…”“Tumahimik ka! Sinasabi mo lang yan kasi gusto mong makuha ulit ang loob ko, tama?” Umiling si Chelsea at ngumiti. “Hi
”Yung sleeping pills ko din.”“Sobrang lala ba ng insomia mo?” Inayos ni Avery ang buhok niya. “Paano ka nakatulog kagabi? Noong isang gabi? Wag mong sabihin na hindi ka rin nakatulog?”Habang nagsasalita, tumayo si Avery.Dahil hindi makatulog si Elliot ng walang pills, kailangang niyang bilhan ito. “Kagabi lang nagumpisa.” Ayaw ni Elliot na mag alala si Avery kaya kalmado niyang sinabi, “Siguro dahil masyado akong naging masaya noong mga nakaraang araw, hindi ko maiwasang isipin si Shea.”“Alam kong sobrang bigat para sayo ng naging pagkawala ni Shea, pero kailangan mo ring magpatuloy sa buhay. Kung nandito pa siya, sigurado ako na hindi siya magiging masaya kapag nakita ka niyang malungkot.” Nagsuot si Avery ng coat at sinabi, “NAalala mo ba yung pangalan ng pills na iniinom mo o ako na ang bahala?” “Sasamahan kita.” Sagot ni Elliot habang tumatayo.“Wag na. Humiga ka nalang diyan.” Habang sinasabi ito ni Avery, tinulak niya si Elliot pabaliks a kamay. “Sarado na ang mga bo
Nagkabisa ang mga tabletas ni Elliot makalipas ang kalahating oras, at nakatulog siya ng malalim.Sa kabilang banda, hindi na napagod si Avery.Malalim niyang iniisip ang lahat ng nangyari sa pagitan nila simula nang dumating si Elliot.Ginugol niya ang bawat araw sa kaligayahan. Hindi lamang siya nakatulog nang maayos, ngunit ang kanyang gana sa pagkain ay bumuti rin.Naisip niya na ang mga bagay ay pareho para sa kanya.Hindi niya inaasahan na mahihirapan siya sa insomnia.Gusto niyang tulungan siya, ngunit wala siyang ibang magawa kundi ang bumili ng gamot para sa kanya.Sa mga sumunod na araw, mas nagagawa niya itong tratuhin at mas mahalin.Kung hindi sapat ang isang araw, gugugol siya sa susunod na buwan o taon para tuluyang punan ang kahungkagan na naramdaman niya sa pagkawala ni Shea.Diyes na ng umaga nang magising si Elliot.Pagkalabas niya ng kwarto ay agad siyang dinala ni Avery sa dining room."Labas tayo pagkatapos mong kumain." Inayos niya ang buong araw na is
Nasaksihan ni Avery ang buong pangyayari." Halika dito, Hayden," sabi niya habang pilit na binabasag ang awkwardness.Nagmamadaling pumunta si Hayden sa tabi ng kanyang ina."Pumunta ka rin dito, Elliot!" tawag ni Avery nang mapansin niyang natulala si Elliot.Nang makapasok na sila sa studio, magiliw silang binati ng photographer."Hindi ako makapaniwala na mayroon ka nang tatlong anak sa murang edad, Miss Tate," bulalas ng photographer na may ekspresyon ng inggit at pagkagulat. "Maganda ang relasyon mo ng asawa mo, pero wala akong narinig na balita tungkol sa kasal niyo!"Napahiya si Avery at sinabing, "Hindi kami mag- asawa sa ngayon, ngunit hindi kami nito hahadlang sa pagkuha ng larawan ng pamilya."Naramdaman ng photographer na siya ay nagkamali, pagkatapos ay mabilis na humingi ng tawad at iniba ang paksa." Mayroon akong ilang mga sample dito, Miss Tate. Mangyaring tingnan. Kung hindi, maaari mong sabihin sa akin kung mayroon kang isang tema sa isip."Tiningnan ni Ave
"Hindi na- lovestruck si Mr. Foster, marami lang siyang gustong ibigay!" sabi ni Chad. "Hindi lang siya bukas- palad sa kanyang pera pagdating kay Avery, bukas- palad din siya sa kanyang pag- ibig! Ito ay hindi tulad ng walang mas magagandang babae sa paligid niya, ngunit hindi siya nagbigay ng anumang oras ng araw sa kanila.""Iyon ay dahil ang mga babaeng mas maganda kaysa kay Avery ay hindi kasing kakayahan niya, at ang mga mas may kakayahan kaysa sa kanya ay hindi kasing bata at maganda." Nagsimulang kantahin ni Mike ang papuri ni Avery. "Kung ako sa babae, maiinlove din ako kay Avery."Sinapak siya ni Chad. Pinuri lang niya ito ng kaunti, at nakataas na ang ulo niya sa ulap." Hindi ka pwedeng magbiro! Magpapakasal ulit si Avery at ang amo mo. Kapag nakabalik na sila sa bansa, wala na akong lugar sa bahay na ito." Si Mike ay may kaawa- awa na mukha, ngunit siya ay nasa mabuting kalooban. "I guess kailangan ko lang lumipat sa iyo pagkatapos!""Sigurado ka bang magpapakasal sila