Sino ang kumuha ng laman nito?Nakuha na nga niya ang kahon na hinahanap niya, pero ang laman nito ang mahalaga at wala siyang ideya kung nasaan yun! Pero isa lang ang malinaw… Kung sa Starry River naganap ang aksidente at doon din nakita ang kahon, malamang taga doon din ang kumuha nito sakanya. Wala siyang ideya kung paano nangyari ang aksidente. Sa ospital. Kahit na nakaligtas si Chelsea, halos matuklap ng apoy ang kanang bahagi ng mukha niya. Ang sabi sakanya ng doktor, hindi na raw mareremedyuhan yun at habang buhay na siyang magkakapeklat sa parteng yun/ Inaalagaan niya pa naman ng sobra ang mukha niya tapos masisira lang ito ng ganun ganun?Sana namatay nalang siya! Bakit kailangan niya pang maghirap ng ganun! “Siguro naman namulat ka na sa katotohanan ngayon, Chelsea?” Umupo si Mrs. Tierney sa kama ni Chelsea at nagpatuloy, “Sinabi ko naman sayo noon pa na layuan mo na si Elliot Foster pero hindi ka nakinig. Sa lahat ng mga ginawa mo, habang buhay na kitang magiging
Pero base sa sitwasyon ni Charlie ngayon, mukhang hindi na nito kayang magsalita o mag utos na kunin ang kahon.“Mr. Foster, nasa kabilang kwarto daw si Chelsea, gusto mo rin ba siyang bisitahin?” Tanong ng bodyguard ni Elliot. “Nabalitaan ko na nasira daw ang mukha niya. Alam ko kung gaano kaingat si Chelsea sa kutis niya kaya sigurado ako na sobrang lungkot niya ngayon!”Sinabi lang naman yun ng bodyguard dahil alam niya na galit si Elliot kay Chelsea. Wala sanang planong bisitahin ni Elliot si Chelsea pero medyo naging interesado siya dahil sa sinabi sakanya ng bodyguard niya. Nang makita ni Chelsea si Elliot, nabakas sa mukha nito ang sobrang takot.Nagmamadali niyang tinakpan ang mukha niya na nakabalot ng bandage at umiwas ng tingin. “Akala ko ba umalis ka na ng bansa?” Sarcastic na tanong ni Elliot. “Ang kapal naman ng mukha mong bumalik pa dito.”Biglang umiyak si Chelsea, “Ayoko ng magtago, Elliot! Patayin mo nalang ako!” Pagkatapos, hinawi ni Chelsea ang kumot niy
‘Bakit siya nandito?! Binalik ko na sakanya yung kahon niya diba?’Sa takot na baka bigla nalang magalit sakanya si Elliot, nagpapanic na sumigaw si Layla, “Uncle Mike!” Dahil dito, kinabahan si Avery sa kabilang linya.Noong nalaglag ni Layla ang phone, nakaharap sa kisame ang camera kaya sinubukan ni Avery na tignan kung sino ang dumating pero wala siyang makita. Pero isa lang ang sigurado niya! Nasa panganib si Layla. “Layla!” Hindi mapakaling tawag ni Avery.Kahit na nasa Bridgedale siya ngayon, desidido siya na kapag malaman niyang may nangyari talaga sa anak niya, hindi siya magdadalawang isip na umuwi ng Aryadelle. Nagulat si Elliot nang makita ang naging reaksyon ni Layla. Hindi naman ito ang una nilang pagkikita at hindi man sila palaging nag uusap nito, hindi rin ito nattaakot sakanya ng ganun. Bakit natatakot si Layla?Naglakad si Elliot papasok sa sala at nang makita niya ang phone na nalaglag sa sahig, kinuha niya ito. Sa sobrang pag aalala, paulit-ulit na
Kinuha ni Layla ang phone at tumingin sa Mommy niya. “Mommy, hindi kasi siya kumatok kaya natakot ako… Akala ko masamang tao..Wala pa talaga siyang lakas ng loob na umamin kay Avery.Sigurao kapag dumating nalang si Hayden.Itatanong niya muna sa kapatid niya kung ano ang magandang gawin para hindi masyadong magalit ang Mommy nila. Doon lang nakahinga ng maluwag si Avery at mahinahong sinabi, “Layla, mukhang hindi maganda ang mood mo ngayon, may nangyari ba sa bahay ng classmate mo? Sabihin mo sa akin, wag kang matakot.”Kumunot ang noo ni Elliot nag marinig ang sinabi ni Avery.‘Pumunta si Layla sa bahay ng classmate niya kanina? Kaya ba medyo kakaiba ang kilos nito?’‘Okay lang ako, Mommy.’ Pasimpleng tinitignan ni Layla si Elliot. “Okay. Kapag may nangyari sayo, kailangan mong sabihin sa akin. Tawagan mo ako kahit anong oras.”“Okay, Mommy.” Nagpaalam si Layla at hinalikan ang screen.Pagkatapos ng video call, ibinalik ni Layla ang phone kay Mike. Tinignan ni Mike si
Walang tigil si Layla sa pag iyak.Hindi naman nagulat si Elliot. Kumpara sa inisip niya noon, di hamak na mas mabuti ng si Layla ang nakakuha ng kahon na yun. Sa totoo lang, hindi niya talaga napagbintangan si Layla kasi masyado pa itong maliit noong panahong nawala sakanya ang kahon.Bukod dun, sa wakas ay nagkaroon na rin ng kasagutan kung bakit hindi kumalat ang sikreto niya. “Layla, anong suot nung babaeng lumapit sayo?” Umupo si Elliot, at pinunasan ng tissue ang mga luha ni Layla. “Naka suot ba siya ng kulay gray na coat?”“Paano mo nalaman?” Mangiyak-ngiyak na tinignan ni Layla si Elliot. “Nakuha mo na ba yung kahon mo?”Medyo matagal bago nakasagot si Elliot, “Hindi. Namatay kasi yung babaeng yun sa car accident kanina. Kung ano man ang nasa loob ng kahon na yun, wag mo ng isipin yun. Okay na yun.”“Pero ang sabi ni Hayden sobrang importante daw ng laman nun…” Yumuko si Layla at humingi ng tawad, “Sorry… hindi dapat ako kumuha ng hindi saakin.”Sobrang kumalma si Ell
Kaya lang naman ganun kabilis na tinawag ni Layla na Daddy si Elliot ay dahil sila lang dalawa. Sigurado siya na kapag nandun si Hayden, hindi niya yun magagawa.Galit na galit si Hayden kay Elliot at kung papapiliin siya nmg kakampihan, siyempre si Hayden na yun!Sobrang saya ni Elliot nang marinig ang sinabi ni Layla. “Kapag hindi ka na galit kay Robert, tatawagin ulit kitang Daddy.” Noong nakita ni Layla na ngumiti si Elliot, sinamantala niya na ang pagkakataon. “Baby pa si Robert kaya kailangan mo siyang protektahan.”Medyo nagging emosyunal si Elliot sa sinabi ni Layla. “Layla, hindi ako galit kay RObert. Galit ako sa sarili ko kasi hindi ko naprotektahan si Shea.”“Daddy, wala ka namang kasalanan. Gustong iligtas ni Shea si Robert. Kahit na hindi mo siya payagan, gagawin niya pa rin yun. Parang yung pagkuha ko ng gamit mo. Alam kong mali yun pero ginawa ko pa rin kasi gusto ko!” Mali ang katwiran ni Layla pero tinawag siya nitong Daddy at wala ng ibang mas mahalaga pa s
Naguguluhang nagtanong si Layla, “Hayden, anong ibig mong sabihing bagong anak na lalaki? Si Robert ba ang tinutukoy mo? May pinagkaiba ba ang bago sa luma? Pareho niya naman kayong anak ni Robert, diba?”Hayden was speechless.Hindi nakasagot si Hayden.“Ibig sabihin kung magkakaanak na babae uloit si Mommy, magiging lumang anak na babae na ako? Hayden, sa tingin ko hindi naman si Daddy yung tipo ng tao na mahilig lang sa mga bago.”“Mabait siya sayo kaya mo yan nasasabi, pero hindi siya ganun sa akin!” Ayaw ng alalahanin ni Hayden ang mga nangyari noon kaya naiirita siyang sumagot, “Wag mo ng babanggitin ulit ang pangalan niya sa akin. Wala akong pakielam sakanya.”“Hayden, kaya lang naman siya naging masama sayo noon ay dahil hindi niya pa alam na anak niya tayo!” Alam ni Layla na baka magalit sakanya si Hayden, pero ayaw niya rin naman na habang buhay nalang na magkalayo ang loob ng mga ito. “Kahit na hindi niya alam na anak niya tayo, alam niya naman na anak tayo ni Mommy!
Hindi kilala ni Elliot ang may-ari ng cake brand na ito, kaya pakiramdam niya na mayroong may pakana sa likod nito."Mr. Foster, talagang ginawa ang event na ito ng aming marketing at promotion department. Para naman sa kung paano nila pinipili ang mga batang katrabaho nila, hindi ko alam. Tinitingnan ko lang ang mga resulta," tapat na sabi ng may-ari ng cake brand kay Elliot, "Titingnan ko ang taong in charge sa activity na ito, pakiusap maghintay kayo ng ilang sandali."Nang narinig ni Elliot ang eksplanasyon, kinuha niya ang kanyang baso at sumimsim dito.Ilang sandali ang lumipas, natapos ang may-ari ng cake brand sa tawag at kakaibang tumingin sa gulat kay Elliot."Mr. Foster, sabi ng manager ko na ang mga tao sa kompanya mo ay kinontak kami at humingi ng request na idagdag ang batang iyan sa listahan ng aming promotional activities. Ginawa ng manager ko ito dahil sa'yo, na siyang dahilan kung bakit namin kinontak ang batang iyan..."Agad nandilim ang tingin ni Elliot. An