Kinuha ni Elliot ang kanyang phone para tawagan si Wesley. Medyo matagal bago ito sumagot. “Kamusta na si Robert?”“Saan mo nakuha ang dugo, Wesley?” Naglakad si Elliot papunta sa isang sulok na walang makakarinig sakanya at medyo tumaas ang kanyang boses. “Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin!” Palaging magkasama sina Shea at Wesley. Kaya hindi imposibleng galing kay Shea ang dugong sinala nito! Wala naman talagang intensyon si Wesley na magsinungaling, pero hindi niya rin alam kung paano niya sasabihin kay Elliot ang katotohanan.“Sa tingin ko, hindi ka naman talaga nag titiwala sa akin, Elliot Foster.” Kalmadong sagot ni Wesley. “Kaya mo bang maniwala sa akin? Eh noong sinabi ko nga sayo na walang namamagitan sa amin ni Avery noon, ayaw mong maniwala diba?”“Ibang usapan yung ngayon!”“Pagod ako.” Ayaw ng makipag usap ni Wesley kay Elliot. “Kung gusto mong malaman kung kay Shea ba galing ang dugong yan, bakit hindi nalang siya ang tanungin mo? Sigurado ako na sasagu
Umupo si Elliot sa labas ng ICU. Hindi nagtagal, tumabi sakanya si Mike. “Sige na, umuwi ka na muna para makapag pahinga ka.” Sabi ni Elliot. “Sanay akong mag puyat, at kahit naman umuwi ako, hindi rin ako makaktulog.” Sumandal si Mike sa upuan at nag scroll ng kanyang phone. “Naghahanap din ako ng mga pwedeng mag donate sa Bridgedale… Sa tingin ko naman hindi naman ganito dapat ka imposibleng makahanap tayo kahit pa gaano ka rare ang blood type ni Robert. Sa tingin mo, bakit kaya walang nag dodonate sa atin? Kulang pa ba ang inooffer nating pera?”“Hindi naman kasi lahat alam ang blood type nila, at wala rin silang ideya kung gaano na tayo kadesperado ngayon. Mas malaki pa ang mundo kaysa sa inaakala natin. Maraming mga tao na nakatira sa mga lugar na walang kuryente at tubig. Baka nga hindi pa nila alam kung ano ang internet eh.”Tinignang ni Mike si Elliot para basahin ang mood nito. “Sabagay. Mukhang alam ko na kung bakit maraming babaeng naiinlove sayo. Bukod sa mayaman ka
Kinuha ni Avery ang kanyang phone para tawagan si Shea. Nag riring lang ito pero walang sumasagot kaya naisipan niyang tawagan si Wesley. Sumagot naman ito kaagad. “Avery, kamusta ka na? Kamusta na si Robert?”“Okay naman ako. Ganun din si Robert… Sinabi ng doktor sa akin na bumisita raw si Shea kanina at sobrang putla daw niya? Tinatwagan ko kasi siya pero hindi siya sumasagot kaya nag aalala ako sakanya.”Biglang kinabahan si Wesley. “Sige, pupuntahan ko na siya.”“Sige. Balitaan mo ako ha? Okay naman ang itsura niya pag nakikita ko siya kaya nagulat din ako na sinabi ng doktor na maputla raw siya. Kung hindi talaga maganda ang pakiramdam niya, dalhin mo siya kaagad sa ospital para macheck up siya.”“Sige.”Nagmamadaling binaba ni Wesley ang tawag, at tinawagan ang bodyguard ni Shea. Sumagot kaagad ang bodyguard. “Nasaan si Shea? Okay lang ba siya?” Ninenerbyos na tanong ni Wesley. “Nakatulog siya sa sasakyan. Pauwi na kami.” Sagot ng bodyguard. “Medyo maputla siya, Mr
Kinuha niya ang kanyang phone at may nakita siyang isang message galing sa isang number na hindi nakasave. Nang buksan niya ito, tumambad sakanya ang message na, ‘Wala na si Shea. Gusto niyang ikalat ko ang abo niya sa dagat kaya yun ang gagawin ko. Patawarin mo ako sa ginawa ko. Handa kong isuko ang lahat ng mayroon ako sa Aryadelle bilang kabayaran. - Wesley Brook’Hindi makapaniwala si Elliot sa nabasa niya. Ilang araw niyang sinubukang kumalma pero… nang makita niya ang message na yun… parang mababaliw siya.Patay na si Shea? Ibig sabihin…. Sinakripisyo niya ang buhay niya para kay Robert?Bakit? Hindi niya prinotektahan si Shea ng ilang taon para lang magsakripisyo para sa buhay ng iba. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang nakatitig sa screen ng kanyang phone. Noong mamatay na ito, muli niya itong tinap. Hindi… Hindi ‘to totoo… Pero… yun ang sinasabi sa message.Sa Bridgedale. Pagkarating nina Avery at Robert, tinawagan kaagad ni Avery ang pamilya ni Adrian pa
Tumatak kay Avery ang sinabi ni Elliot. Sinabi nito sakanya noon na malamang kaparusahan nito ang naging sakit ni Robert. Pero bilang isang doktor, hindi siya sumasang ayon. Nakuha ni Robert ang sakit nito sa pagiging premature nito at siguro dahil na rin sa mahina talaga ang katawan nito kahit noon pa man. Sobrang daming nangyari sakanya noong buntis siya. Ilang beses siyang nagkasakit kaya iba’t-iba rin ang mga gamot na ininom niya. Isa rin yun sa posibleng dahilan.“Susubukan kong makarating diyan sa loob ng dalawang oras, Avery.”Binook ni Elliot ang buong airplane pagkarating niya sa airport. “Mag ingat ka.”“Mhm. Medyo mahina ang signal dito, Ibababa ko muna.”"Okay."Sa tingin niya, pareho silang nagkamali ni Elliot. Habang ipinagbubuntis niya si Robert, palagi silang nag aaway nang dahil kay Chelsea. At ngayong medyo bumubuti na ang kundisyon ni Robert, ano pa bang kailangan nilang pag talunan?Hindi nagtagal, dumating si Chad. “Kumain ka muna, Avery. Sabi n
Nakatitig lang si Avery kay Chad habang hinihintay ang sagot nito. “May problema ata siya sa tiyan. Kapag sobrang busy niya, nakakalimutan niyang kumain. May nakita akong gamot sa drawer niya sa office at sa sasakyan niya. Bukod dun, sa tingin ko ay mayroon siyang mild depression. Kay Ben ko narinig yun. Pero hindi ko kasi maramdaman yun kapag magkausap kami.”“Ako nararamdaman ko kasi paiba-iba siya ng mood, kaya nga takot na takot sakanya yung ibang tao.”“Hmm… Nasanay na siguro ako sa ugali naya.”“Wala ng iba?” Muling tanong ni Avery. Pinag isipang maigi ni Chad. “Sa tingin ko… wala naman na.”“Kunwari, yung mga konektado sa pyschological?”“Hindi pa ba yun yung depression?”“Medically speaking, ang depression ay kinoconsider na mentall illness.”“Oh… So ang psychological issue ba na sinasabi mo ay yung kagaya sa mga pasyente sa mental hospital na may mga psychological disorder?” “Hindi naman lahat ng may psychological disorder ay kailangang ipadala sa mental hospital.
Gulat na gulat ang lahat sa sinabi ng bodyguard ni Elliot.Siguro mas maniniwala pa sila kapag sinabi nito na may pinatay si Elliot, pero lumuhod? Ano yun? Joke?!Isang respetadong tao sa Aryadelle ay luluhod? Bakit? At kanino?Hindi pinigilan ni Elliot ang kanyang bodyguard at yun na ang kumpirmasyon na totoo ang sinabi nito. Bigla tuloy naalala ni Avery ang sinabi nito sa phone sakanya kanina. Sinabi nito na hindi ito nanakit ng kahit sino at gagawin nito ang lahat para magbago at maging mabuting tao kasi ayaw na nitong magdusa ang anak nito nang dahil dito. Sobrang nagging emosyunal ni Avery at bigla niyang hinila si Elliot palayo. “Anong nangyari?” Tanong ni Chad sa bodyguard pag alis nina Avery at Elliot. “Nasa fifties na yung babaeng pinag kunan namin ng dugo, Nakatira siya sa bundok kaya medyo ignorante siya. Ang pagkakaalam niya, iikli ang buhay niya kapag nag donate siya ng dugo. Sinubukan siyang offeran ni Mrs. Foster ng pera, pero ayaw niya. Ang sabi niya natata
Ngumiti rin si Elliot at malambing na sumagot, “Naging sobrang busy lang ako niyong mga nakaraang araw kaya hindi ako makakauwi. Narinig ko na bumisita ka raw sa ospital kaninang umaga?”“Hindi na kasi ako makatulog kapag nagising na ako, pero ang haba ng tulog ko kanina.” Pagkatapos niyang makapag pahinga, medyo umayos na ang kulay nI Shea kumpara kanina. “Kamusta na si Robert?”“May nahanap akong donor kanina. Sa tingin ko, magiging okay na si Robert bukas.” Habang sinasabi yun ni Elliot, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Sana talaga maging okay na si Robert, pero masa maganda siguro kung makakahanap pa rin sila ng mas maraming donor. Para lang may naka alalay sila kung sakaling kulangin pa rin.“Ang galing galing mo talaga, Kuya!” Hinawakan ni Shea ang kamay ni Elliot at tinitigan ang mukha nito nang walang kurap-kurap. “Sobrang laki ng pinayat mo! Hindi bagay sayo! Pinag lutuan ka daw ni Mrs. Scarlet, kailangan mong kumain!” Hinila ni Shea si Elliot papunta sa dining