Ngumiti rin si Elliot at malambing na sumagot, “Naging sobrang busy lang ako niyong mga nakaraang araw kaya hindi ako makakauwi. Narinig ko na bumisita ka raw sa ospital kaninang umaga?”“Hindi na kasi ako makatulog kapag nagising na ako, pero ang haba ng tulog ko kanina.” Pagkatapos niyang makapag pahinga, medyo umayos na ang kulay nI Shea kumpara kanina. “Kamusta na si Robert?”“May nahanap akong donor kanina. Sa tingin ko, magiging okay na si Robert bukas.” Habang sinasabi yun ni Elliot, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Sana talaga maging okay na si Robert, pero masa maganda siguro kung makakahanap pa rin sila ng mas maraming donor. Para lang may naka alalay sila kung sakaling kulangin pa rin.“Ang galing galing mo talaga, Kuya!” Hinawakan ni Shea ang kamay ni Elliot at tinitigan ang mukha nito nang walang kurap-kurap. “Sobrang laki ng pinayat mo! Hindi bagay sayo! Pinag lutuan ka daw ni Mrs. Scarlet, kailangan mong kumain!” Hinila ni Shea si Elliot papunta sa dining
May development sa kaso sa lapida. Nadiskubre ng pulisya na mau isang middle aged na lalaki ang may ari ng shop na pinanggalingan ng lapida, at naaresto na ito kaninang alastres ng umaga.Pagkabasa ni Elliot ng message, tinawagan niya kaagad ang station. Agad namang sumagot ang nasa kabilang linya.“Mr. Foster, naaresto na namin yung suspect at umamin siya sa kasalanan niya. Ang motibo niya raw ay pera.” Sabi ng police officer.“Paano niya raw nalaman ang pangalan ng anak ko? Sa tingin ko medyo imposible para sa isang regular na tao na malaman ang tungkol dun.” Nagtatakang tanong ni Elliot. HIndi alam ng officer kung anong isasagot nito.“On going pa rin ang interrogation hanggang ngayon, Mr. Foster kaya wag kayong mag alalaa dahil aalamin namin ang tungkol jan.”“Ibigay niyo nalang siya sa akin. Mapapaamin ko yan.”Pagkatapos ng tawag, chineck ni Elliot ang messages niya. Wala siyang nareceive na text mula sa doktor o kay Avery. Siguro bumuti na ang lagay ni Robert.Hum
Hindi nagsasalita si Elliot at niyakap niya lang ng mahigpit si Avery. Hindi inakala ni Avery na sobrang gagaan ang pakiramdam niya sa yakap na yun…Bigla siyang nabuhayan ng loob at naniniwala siya na may milagrong mangyayari. Makalipas ang ilang minuto, bumitaw si Elliot at binigay sakanya ang tinapay na dala nito. Kinuha niya ito at kumain. “May resulta na ang imbestigasyon.” Sabi ni Elliot habang pinapanuod si Avery na kumain. “Si Wanda Tate ang nagpadala sayo ng lapida.”Tinakpan ni Avery ang kahon, at huminga ng malalim.Hinawakan ni Elliot ang kamay niya at sinabi, “Dito ka nalang, ako na ang maghahanap sakanya.”Pagkatapos mag salita, tumayo si Elliot at umalis. Nakatingin lang si Avery habang naglalakad papalayo si Elliot. Hindi niya rin alam kung ano ang pwedeng mangyari pero sigurado siya na hindi nito palalampasin si Wanda!Siguro naawa ito kay Chelsea dahil kahit papaano ay may pinagsamahan pa rin naman ito, pero si Wanda? Wala naman silang pinagsamahan! S
Sa totoo lang, hindi talaga sigurado ni Elliot kung na kay Charlie ba talaga ang kulay maroon niyang kahon. Sinabi niya lang yun para mapasunod niya si Wanda. At kung sakali mang na kay Charlie talaga ang kahon, edi mas maganda. Medyo matagal na noong nawala sakanyta ang kahon, pero hindi pa rin yun maalis-alis sa isip niya.Para sakanya, para itong bomba na sasabog anumang oras. Ang tagal niya ng iniisip kung nasaan ba talaga ito, pero wala talaga siyang ideya.Sino ba kasi talagang pumuslit sa study room niya para kunin ang kahon na yun?Kung may galit man sakanya ang taong yun, bakit hanggang ngayon ay wala itong nilalabas na kahit ano! Eh kung wala naman palang intensyon ang taong yun na pabagsakin siya, bakit pa nito kinuha ang kahon?Minsan, iniisip niya na baka naman may multong kumuha at tinago lang yun kung saan, pero nagigising din kaaagad siya sa katotohanan na wala namang ganung bagay! …Dumating si Shea sa bahay ni Wesley noong umagang yun. Pag sapit ng
Siguro, kalahating litro.Kalahating litro? Ibig sabihin… kailangan pa nila ng dalawa pang tao na magdodontae ng dugo?Isa pa nga lang, hirap na hirap na silang mag hanap, dalawa pa?Si Shea ang isa, pero hindi niya ito pwedeng isakripisyo! Pero kakayanin pa ba ni Robert na mag hintay?Siya ang may kasalanan kung bakit nandito si Robert? Hindi ba dapat siya rin ang sisihin sa mga pinagdadaanan nito ngayon?Hindi niya na alam kung anong gagawin niya. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Sakto, dumating si Avery.“May nahanap na donor si Mike.” Katatapos lang nito makipag usap kay Mike kaya nagmamadali itong tumakbo papunta kay Elliot para magbalita. “Kalaating pintdin yun. Tinetest na daw ngayon kung match ba kay Robert at sa ors na makumpirma natin, ipapa airflown niya raw kaagad dito.”“Kailangan pa natin ng isa… maghahanap ako…” Bulong ni Elliot sa sarili niya.“Saan ka pupunta? Madilim na.” Hinila ni Avery ng damit ni Elliot. Masyado ng malalim ang gabi kaya ayaw niya n
Sumabat si Wesley, na kasama ni Shea, “Isang pint nalang daw ba ang kailangan?” Huminga ng malalim si Chad, “Parang ang daling sabihin, pero sobrang hirap…. May nahanap na kaming isa pang donor pero kulang pa rin ng isa pa…”Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Shea nang marinig niya ang sinabi ni Chad. “Isang donor nalang ang kailangan natin para mailigtas si Robert?” “Tama, pero hindi na namin alam kung saan kami maghahanap. Sobrang rare ng blood type niya, at kailangan nasa edad 18 hanggang 55 pa ang…”Biglang hinawakan ni Shea ang braso ni Wesley at tumingin siya kay Chad, “Kami ng bahala ni Wesley!” Hindi maintindihan ni Chad kung anong ibig sabihin ni Shea, “Shea, umuwi ka na. Kailangan mo ng magpahinga. Wag ka ng mag alala. Saan naman kayo pupunta? Ang dilim dilim na oh! Sigurado naman ako na may mahahanap tayo.”Alam naman ni Chad na gusto lang ding tumulong ni Shea, pero kagaya ni Robert, sobrang halaga rin ng kalusugan nito at kung gusto man nitong makatulong ay yu
Biglang kumunot ang noo ni Shea at hinawakan niya nbg dalawang kamay ang braso ni Wesley. “Sigurado ako na hindi ako papayagan ng kuya ko…Alam niya na kaya kong iligtas si Robert, pero hindi niya ako kinausap… Gusto ko lang namang iligtas talaga si Robert! NAg mamakaawa ako sayo, Wesley!” Mangiyak-ngiyak ang boses ni Shea. Sobrang nakakawa! “Kapag namatay ako, pangako ko sayo na papakasalan kita sa susunod na buhay. Ano? Ayos ba yun, Wesley?” Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Wesley at ngumiti siya ng abot-tenga, “Pero sa tingin ko hindi naman ako basta-bastang mamatay! Sabi sa akin ni Mrs. Scarlet, mayroon daw akong siyam na buhay kasi kahit anong sakit ko daw, kayang kaya yun gamutin ng mga doktor!” Habang nakatitig si Wesley sa sobrang inosenteng mukha ni Shea, lalo siyang naiiyak.Sa kanyang European-style na mansyon, nakasuot si Wanda ng isang silk na robe habang umiinom ng red wine para kumalma. Huminga siya ng malalim at tinawagan ang number ni Charlie. Nagka
Kung kanina, sobrang saya ni Avery, pwes ngayon, para nanaman siyang nalugi. Kakatanggap niya lang ng text ng doktor na kumpleto na ang dugong hinahanap nila, tapos makakareceive siya ng tawag galing kay Mike na hindi pala pwede ang dugo na nahanap nito..“Okay lang. Tatawagan ko na kaagad ang ospital.”“Okay, nagising ba kita?”“Hindi naman. Gising talaga ako. Maraming salamat pala sa lahat ng efforts mo.” Hinawi ni Avery ang kumot niya at bumangon para bumalik sa ospital. “Oo nga pala, may nakuha daw na dugo ang blood bank. Sobra sa kalahating pint din yun, sa tingin ko sapat na yun.”“Edi maganda pala! Okay, uuwi na ako.”“Sige. Pupunta muna ako ulit sa ospital para tignan kung ano na ang nangyayari doon ngayon.”“Okay. Alagaan mo ang sarili mo ah! Kailangan mong maging malakas para kay Robert! Hindi na sana muna kita tatawagan ngayon, pero hindi kasi ako mapakali.”“Okay lang, hindi rin naman talaga ako makatulog.”May mga sinabi pa si Avery bago niya tuluyang ibaba ang p