Siguro, kalahating litro.Kalahating litro? Ibig sabihin… kailangan pa nila ng dalawa pang tao na magdodontae ng dugo?Isa pa nga lang, hirap na hirap na silang mag hanap, dalawa pa?Si Shea ang isa, pero hindi niya ito pwedeng isakripisyo! Pero kakayanin pa ba ni Robert na mag hintay?Siya ang may kasalanan kung bakit nandito si Robert? Hindi ba dapat siya rin ang sisihin sa mga pinagdadaanan nito ngayon?Hindi niya na alam kung anong gagawin niya. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Sakto, dumating si Avery.“May nahanap na donor si Mike.” Katatapos lang nito makipag usap kay Mike kaya nagmamadali itong tumakbo papunta kay Elliot para magbalita. “Kalaating pintdin yun. Tinetest na daw ngayon kung match ba kay Robert at sa ors na makumpirma natin, ipapa airflown niya raw kaagad dito.”“Kailangan pa natin ng isa… maghahanap ako…” Bulong ni Elliot sa sarili niya.“Saan ka pupunta? Madilim na.” Hinila ni Avery ng damit ni Elliot. Masyado ng malalim ang gabi kaya ayaw niya n
Sumabat si Wesley, na kasama ni Shea, “Isang pint nalang daw ba ang kailangan?” Huminga ng malalim si Chad, “Parang ang daling sabihin, pero sobrang hirap…. May nahanap na kaming isa pang donor pero kulang pa rin ng isa pa…”Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Shea nang marinig niya ang sinabi ni Chad. “Isang donor nalang ang kailangan natin para mailigtas si Robert?” “Tama, pero hindi na namin alam kung saan kami maghahanap. Sobrang rare ng blood type niya, at kailangan nasa edad 18 hanggang 55 pa ang…”Biglang hinawakan ni Shea ang braso ni Wesley at tumingin siya kay Chad, “Kami ng bahala ni Wesley!” Hindi maintindihan ni Chad kung anong ibig sabihin ni Shea, “Shea, umuwi ka na. Kailangan mo ng magpahinga. Wag ka ng mag alala. Saan naman kayo pupunta? Ang dilim dilim na oh! Sigurado naman ako na may mahahanap tayo.”Alam naman ni Chad na gusto lang ding tumulong ni Shea, pero kagaya ni Robert, sobrang halaga rin ng kalusugan nito at kung gusto man nitong makatulong ay yu
Biglang kumunot ang noo ni Shea at hinawakan niya nbg dalawang kamay ang braso ni Wesley. “Sigurado ako na hindi ako papayagan ng kuya ko…Alam niya na kaya kong iligtas si Robert, pero hindi niya ako kinausap… Gusto ko lang namang iligtas talaga si Robert! NAg mamakaawa ako sayo, Wesley!” Mangiyak-ngiyak ang boses ni Shea. Sobrang nakakawa! “Kapag namatay ako, pangako ko sayo na papakasalan kita sa susunod na buhay. Ano? Ayos ba yun, Wesley?” Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Wesley at ngumiti siya ng abot-tenga, “Pero sa tingin ko hindi naman ako basta-bastang mamatay! Sabi sa akin ni Mrs. Scarlet, mayroon daw akong siyam na buhay kasi kahit anong sakit ko daw, kayang kaya yun gamutin ng mga doktor!” Habang nakatitig si Wesley sa sobrang inosenteng mukha ni Shea, lalo siyang naiiyak.Sa kanyang European-style na mansyon, nakasuot si Wanda ng isang silk na robe habang umiinom ng red wine para kumalma. Huminga siya ng malalim at tinawagan ang number ni Charlie. Nagka
Kung kanina, sobrang saya ni Avery, pwes ngayon, para nanaman siyang nalugi. Kakatanggap niya lang ng text ng doktor na kumpleto na ang dugong hinahanap nila, tapos makakareceive siya ng tawag galing kay Mike na hindi pala pwede ang dugo na nahanap nito..“Okay lang. Tatawagan ko na kaagad ang ospital.”“Okay, nagising ba kita?”“Hindi naman. Gising talaga ako. Maraming salamat pala sa lahat ng efforts mo.” Hinawi ni Avery ang kumot niya at bumangon para bumalik sa ospital. “Oo nga pala, may nakuha daw na dugo ang blood bank. Sobra sa kalahating pint din yun, sa tingin ko sapat na yun.”“Edi maganda pala! Okay, uuwi na ako.”“Sige. Pupunta muna ako ulit sa ospital para tignan kung ano na ang nangyayari doon ngayon.”“Okay. Alagaan mo ang sarili mo ah! Kailangan mong maging malakas para kay Robert! Hindi na sana muna kita tatawagan ngayon, pero hindi kasi ako mapakali.”“Okay lang, hindi rin naman talaga ako makatulog.”May mga sinabi pa si Avery bago niya tuluyang ibaba ang p
Siguro mas mahirap para sakanya na tanggaping mawawala ang anak niya matapos niyang pwersahing buntisin si Avery. Noong nalaman niyang buntis si Avery, walang mapaglagyan ang saya niya lalo na kapag nakikita niya ito sa monitor sa tuwing iuultrasoundito.“Kapag may nangyaring masama kay Robert, kahit pa hindi ka galit sa akin, hinding hindi na kita guguluhin.”“Pati yung mga anak ko, hahayaan ko na sila.” Ito ang mga salitang gusto niya sanang sabihin kay Avery pero hindi niya kaya. Hindi siya kinikilalang tatay nina Hayden at Layla. Malakas ang kutob niya na kahit pa siguro mamatay siya, hinding hindi pa rin siya matatanggap ng mga ito.Sobrang nalungkot si Avery sa naging sagot ni Elliot. Buhay pa si Robert! Bakit nagluluksa na sila na parang wala na ang anak nila! Hindi na sumagot si Avery kaya tinignan ito ni Elliot. Nang makita niya kung gaano ito kamukhang pagod, hinila niya ito at hiniga ang ulo nito sa balikat niya. “Matulog ka muna. Magiging okay din si Rober
Nang pumasok ang kanyang tawag, sinabi ng manager ng blood bank, "Yung mga naka- duty na staff ang nakatanggap nito. Tinanong ko sila tungkol dito at sinabi nila na ang nagpadala ng dugo ay hindi nag- iwan ng kanilang impormasyon para sa pakikipag- ugnay. Ako ay sa pag- aakalang ito ay isang mabuting samaritano na gustong manatiling hindi nagpapakilala!"Saang lupalok ng mundo nanggaling ang lahat ng hindi kilalang mabuting samaritano?Nang matapos si Elliot sa tawag, sinabi ni Avery, "Hanapin natin ang mabuting samaritano na iyon!"Ngayong maayos na ang kondisyon ni Robert, wala na silang magagawa sa ospital."Hindi nag- iwan ng pangalan ang donor." Ang mga mata na parang lawin ni Elliot ay nakatitig kay Avery habang nagtatanong, "Hindi mo ba iniisip na kakaiba ito?"Parang may iniisip si Avery."Nang dinala ni Wesley ang bag ng dugo na iyon, sinabi niya na isang mabuting samaritan ang nag- donate nito nang hindi nagpapakilala.""Sa tingin mo ba galing din kay Wesley itong kala
Parehong naka- off ang phone nina Wesley at Shea.Malinaw na ang good samaritan na nag- donate ng kanilang dugo ay si Shea.Halos isang pinta ng dugo ang ibinigay ni Shea kay Robert.Ang isang may sapat na gulang ay maaaring mag- abuloy ng hindi hihigit sa kalahating pinta sa isang pagkakataon. Si Shea ay hindi dapat mag- donate ng dugo, sa simula pa lang, ngunit natapos ang pagbibigay ng higit sa karaniwang inaasahang halaga mula sa isang regular na tao!Paano kaya iyon makakayanan ng katawan niya?Isa lang ang posibleng dahilan kung bakit naka- off ang phone nilang dalawa, at ito ay may nangyari kay Shea. Si Wesley ay dapat na hindi makayanan ang mga kahihinatnan ng kanyang mga aksyon at nagpasya na tumakas."Tatawagin ko ang bodyguard ni Shea!" Namumula ang mga mata ni Mrs Scarlet habang nanginginig ang mga kamay niyang kinakapa ang phone niya.Kung hindi pa napagod si Elliot sa buong pagsubok na ito kasama si Robert, tinawagan siya nito kagabi para kumpirmahin.Hindi niya p
Nang makita ni Elliot si Avery at Sandra na dumating, hindi nagbago ang malamig na ekspresyon ng mukha nito.Walang tao sa apartment ni Wesley.Kinuha niya si Shea at walang nakakaalam kung nasaan sila!"Anong ginagawa mo dito, Mr. Foster?" tanong ni Sandra. "Nandito ka rin ba para tanungin si Wesley tungkol sa kalahating pinta ng dugong iyon?"Nakita ni Avery na halos mawalan ng kontrol si Elliot sa kanyang emosyon, at mabilis na lumapit sa kanya."Tumahimik ka, Elliot!" biglang sigaw niya. "Hindi alam nina Uncle William at Tita Sandra kung saan pumunta si Wesley. Mag- iisip ako ng paraan para makontak siya. Bigyan mo ako ng oras!"Duguan ang mga mata ni Elliot at ang lamig ng mukha nito ay walang pakialam sa mundo.Ang kanyang maselang at palagiang pag- aalaga ang nagbigay daan kay Shea na mamuhay ng payapa at malusog hanggang ngayon.Sa wakas ay bumuti ang kalagayan niya at nagsimula na siyang mamuhay ng mas malapit sa buhay ng isang regular na tao, ngunit sinira ni Wesley a