Pero baka tama nga ang sinabi ni Avery… na hindi siya karapat-dapat na maging isang tatay! Kung sarili niya ngang buhay ay hindi niya maayos, paano pa kaya siya magpapalaki ng bata?Pagkarating ni Wesley, si Mike at Chad lang ang naabutan nila ni Shea sa neonatal unit.“Bakit, Wesley?” Gulat na tanong ni Mike nang makita niyang may dalang kahon si Wesley. May nakasulat na “Blood Transfusion Kit” sa labas nito. “Dugo,” Sagot ni Wesley. Wala na siyang oras para makipag usap kaya pagkatapos niyang sagutin si Mike, dire-diretso siyang naglakad papunta sa doctor’s office.Sinundan naman siya nina Mike at Chad. “Yan ba yung dugo na pwedeng gamitin ni Robert? Yung sinasabi nilang RH negative?”“Oo, pero kaunti lang ‘to.” Sagot ni Wesley. Parehong gulat na gulat sina Mike at Chad. “Paano ka nakakuha niyan, Wesley?”Hindi sumagot si Wesley. Sobrang bigat ng puso niya. Noong tinanong niya si Shea kung gusto nitong mag donate ng dugo para kay Robert, hindi ito nag alangan kaya
Nagmamadaling umakyat si Elliot papunta sa master’s bedroom. Pagkabukas niya ng pintuan, tanging ang nightstand lang ang naka bukas habang si Avery naman ay nakaupo sa kama at nakatulala.“May nahanap ng dugo, Avery!” Sobrang gandang balita nun para kay Avery kaya dali-dali itong tumayo. Tumakbo si Elliot papalapit sakanya para alalayan siya. “Dito ka nalang muna, Avery. Ako na ang babalik sa ospital.” Sa wakas, nakita na ni Elliot ang pag asa sa mukha ni Avery! “Magiging okay si Robert.”“Inumpisahan na daw ba nila ang blood transfusion?” Hinawakan ni Avery ang kamay ni Elliot at mangiyak-ngiyak ang kanyang mga mata.”“Katatapos lang daw itest ng doktor ang dugo. Si Wesley daw ang nagdala kaya nagtitiwala ako. Sobrang putla mo. Magpahinga ka muna. Babalitaan kita kaagad pag nasa ospital na ako.”Nakahinga ng sobrang luwag si Avery. “Sige na, bumalik ka na sa ospital!” "Okay."Inalalayan ni Elliot si Avery na humiga at hinintay niya lang na makatulog ito bago siya luma
Kinuha ni Elliot ang kanyang phone para tawagan si Wesley. Medyo matagal bago ito sumagot. “Kamusta na si Robert?”“Saan mo nakuha ang dugo, Wesley?” Naglakad si Elliot papunta sa isang sulok na walang makakarinig sakanya at medyo tumaas ang kanyang boses. “Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin!” Palaging magkasama sina Shea at Wesley. Kaya hindi imposibleng galing kay Shea ang dugong sinala nito! Wala naman talagang intensyon si Wesley na magsinungaling, pero hindi niya rin alam kung paano niya sasabihin kay Elliot ang katotohanan.“Sa tingin ko, hindi ka naman talaga nag titiwala sa akin, Elliot Foster.” Kalmadong sagot ni Wesley. “Kaya mo bang maniwala sa akin? Eh noong sinabi ko nga sayo na walang namamagitan sa amin ni Avery noon, ayaw mong maniwala diba?”“Ibang usapan yung ngayon!”“Pagod ako.” Ayaw ng makipag usap ni Wesley kay Elliot. “Kung gusto mong malaman kung kay Shea ba galing ang dugong yan, bakit hindi nalang siya ang tanungin mo? Sigurado ako na sasagu
Umupo si Elliot sa labas ng ICU. Hindi nagtagal, tumabi sakanya si Mike. “Sige na, umuwi ka na muna para makapag pahinga ka.” Sabi ni Elliot. “Sanay akong mag puyat, at kahit naman umuwi ako, hindi rin ako makaktulog.” Sumandal si Mike sa upuan at nag scroll ng kanyang phone. “Naghahanap din ako ng mga pwedeng mag donate sa Bridgedale… Sa tingin ko naman hindi naman ganito dapat ka imposibleng makahanap tayo kahit pa gaano ka rare ang blood type ni Robert. Sa tingin mo, bakit kaya walang nag dodonate sa atin? Kulang pa ba ang inooffer nating pera?”“Hindi naman kasi lahat alam ang blood type nila, at wala rin silang ideya kung gaano na tayo kadesperado ngayon. Mas malaki pa ang mundo kaysa sa inaakala natin. Maraming mga tao na nakatira sa mga lugar na walang kuryente at tubig. Baka nga hindi pa nila alam kung ano ang internet eh.”Tinignang ni Mike si Elliot para basahin ang mood nito. “Sabagay. Mukhang alam ko na kung bakit maraming babaeng naiinlove sayo. Bukod sa mayaman ka
Kinuha ni Avery ang kanyang phone para tawagan si Shea. Nag riring lang ito pero walang sumasagot kaya naisipan niyang tawagan si Wesley. Sumagot naman ito kaagad. “Avery, kamusta ka na? Kamusta na si Robert?”“Okay naman ako. Ganun din si Robert… Sinabi ng doktor sa akin na bumisita raw si Shea kanina at sobrang putla daw niya? Tinatwagan ko kasi siya pero hindi siya sumasagot kaya nag aalala ako sakanya.”Biglang kinabahan si Wesley. “Sige, pupuntahan ko na siya.”“Sige. Balitaan mo ako ha? Okay naman ang itsura niya pag nakikita ko siya kaya nagulat din ako na sinabi ng doktor na maputla raw siya. Kung hindi talaga maganda ang pakiramdam niya, dalhin mo siya kaagad sa ospital para macheck up siya.”“Sige.”Nagmamadaling binaba ni Wesley ang tawag, at tinawagan ang bodyguard ni Shea. Sumagot kaagad ang bodyguard. “Nasaan si Shea? Okay lang ba siya?” Ninenerbyos na tanong ni Wesley. “Nakatulog siya sa sasakyan. Pauwi na kami.” Sagot ng bodyguard. “Medyo maputla siya, Mr
Kinuha niya ang kanyang phone at may nakita siyang isang message galing sa isang number na hindi nakasave. Nang buksan niya ito, tumambad sakanya ang message na, ‘Wala na si Shea. Gusto niyang ikalat ko ang abo niya sa dagat kaya yun ang gagawin ko. Patawarin mo ako sa ginawa ko. Handa kong isuko ang lahat ng mayroon ako sa Aryadelle bilang kabayaran. - Wesley Brook’Hindi makapaniwala si Elliot sa nabasa niya. Ilang araw niyang sinubukang kumalma pero… nang makita niya ang message na yun… parang mababaliw siya.Patay na si Shea? Ibig sabihin…. Sinakripisyo niya ang buhay niya para kay Robert?Bakit? Hindi niya prinotektahan si Shea ng ilang taon para lang magsakripisyo para sa buhay ng iba. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang nakatitig sa screen ng kanyang phone. Noong mamatay na ito, muli niya itong tinap. Hindi… Hindi ‘to totoo… Pero… yun ang sinasabi sa message.Sa Bridgedale. Pagkarating nina Avery at Robert, tinawagan kaagad ni Avery ang pamilya ni Adrian pa
Tumatak kay Avery ang sinabi ni Elliot. Sinabi nito sakanya noon na malamang kaparusahan nito ang naging sakit ni Robert. Pero bilang isang doktor, hindi siya sumasang ayon. Nakuha ni Robert ang sakit nito sa pagiging premature nito at siguro dahil na rin sa mahina talaga ang katawan nito kahit noon pa man. Sobrang daming nangyari sakanya noong buntis siya. Ilang beses siyang nagkasakit kaya iba’t-iba rin ang mga gamot na ininom niya. Isa rin yun sa posibleng dahilan.“Susubukan kong makarating diyan sa loob ng dalawang oras, Avery.”Binook ni Elliot ang buong airplane pagkarating niya sa airport. “Mag ingat ka.”“Mhm. Medyo mahina ang signal dito, Ibababa ko muna.”"Okay."Sa tingin niya, pareho silang nagkamali ni Elliot. Habang ipinagbubuntis niya si Robert, palagi silang nag aaway nang dahil kay Chelsea. At ngayong medyo bumubuti na ang kundisyon ni Robert, ano pa bang kailangan nilang pag talunan?Hindi nagtagal, dumating si Chad. “Kumain ka muna, Avery. Sabi n
Nakatitig lang si Avery kay Chad habang hinihintay ang sagot nito. “May problema ata siya sa tiyan. Kapag sobrang busy niya, nakakalimutan niyang kumain. May nakita akong gamot sa drawer niya sa office at sa sasakyan niya. Bukod dun, sa tingin ko ay mayroon siyang mild depression. Kay Ben ko narinig yun. Pero hindi ko kasi maramdaman yun kapag magkausap kami.”“Ako nararamdaman ko kasi paiba-iba siya ng mood, kaya nga takot na takot sakanya yung ibang tao.”“Hmm… Nasanay na siguro ako sa ugali naya.”“Wala ng iba?” Muling tanong ni Avery. Pinag isipang maigi ni Chad. “Sa tingin ko… wala naman na.”“Kunwari, yung mga konektado sa pyschological?”“Hindi pa ba yun yung depression?”“Medically speaking, ang depression ay kinoconsider na mentall illness.”“Oh… So ang psychological issue ba na sinasabi mo ay yung kagaya sa mga pasyente sa mental hospital na may mga psychological disorder?” “Hindi naman lahat ng may psychological disorder ay kailangang ipadala sa mental hospital.