Malinaw na nakikita ni Cole na ang parte ng mukha ni Nora na nahawakan ng tubig ay namumula at natutunaw.Umatras siya ng ilang hakbang sa takot, tapos nangatal siya, "Huwag kang matakot, Nora! Kaya... Kaya kong tumawag ng ambulansya agad!"Tumakbo ang ibang customer sa takot, at nagmadali ang mga restaurant's staff na tingnan ang sitwasyon.Namutla ang mga mukha nila nang makita ang mukha ni Nora.Balot ng luha ang mukha ni Nora sa sakit. Mula sa nanlalabo niyang paningin, ang mga takot sa mukha nila ay naka-pokus sa kanya. Inalis niya ang nanginginig niyang kamay mula sa mukha niya at tumingin sa kanila...May dugo... Mayroon ding parang mga piraso ng laman...Para bang nawala siya sa pagkabaliw, pinakawalan niya ang isang sigaw na nagdurog ng dugo.…Kumakain si Avery ng sorbetes nang makuha niya ang tawag sa telepono ni Cole.Ang pagkain ng restawran ay mahusay, at ang kanilang sorbetes ay mas mahusay.Palaging pinapanood ni Avery ang kinakain niya, ngunit napakabuti ng i
Nang bumaling si Avery sa kanyang phone, tumibok ang puso niya. Tapos ay sinagot niya ang tawag."Avery!" Ang malaking boses ni Elliot ang tumagos mula sa phone.Napaatras si Avery, tapos ay nagtanong, "Anong mayroon?""Ayos ka lang?" Ito ay parang nasorpresa siyang marinig ang boses ni Avery. "Ayos ka lang, Avery!""Ayos lang ako. Akala mo ba may nangyaring masama sa akin?" pang-aasar ni Avery. "Sino nagsabi sa'yo na hindi ako maayos?""May nakakita sa'yo sa restaurant at sabi may nangyari raw sa'yo." Bumalik sa pagka-kalmado ang boses ni Elliot. "Mabuti na hindi ikaw 'yon.""Oh. Kung ganoon ang kaso, ang babae ay dapat magmukhang katulad ko ... Puwede ba siyang si Nora?" Sinadya nitong sinabi ito ni Avery.Hindi naman interesado si Elliot dito. "Wala akong pakialam kung sino ito, basta hindi ikaw."Tumugon si Avery."Nasaan ka ngayon?" Nagtanong si Elliot pagkatapos ng dalawang segundo ng katahimikan."Kumakain ako kasama si Tammy.""Dinala mo ba ang bodyguard?" siya ay pe
Pagkatapos marinig ang akusasyon ni Chelsea, bumaling si Elliot kay Avery. Nasa kalagitnaan siya ng pagsasabi sa stylist ng haba na gusto niyang ipagupit."Suhesyon ko na mag-file ka ng police report kaafad at hayaan silang hawakan ito." Lumabas sita sa salon kasama ang kanyang phone at sabi sa mababa at malalim na boses, "Ano naman kung ginawa 'yon ni Avery? Kung ako siya, baka mas malala pa ang nagawa ko."Bumigat ang ulo ni Chelsea.Hindi niya inaasahan ang ganitong uri ng sagot mula kay Elliot."Sa ngayon. Wala akong ebidenya na magpapatunay na ang taong gumagaya kay Avery ay ang pinsan mo, pero hindi ibig sabihin 'non na hindi ko alam kung sino ang nasa likod nito," sigaw ni Elliot sabay bago ng pinag-uusapan. "Hindi kita papakitaan ng awa sa oras na makahanap ako ng katibayan, Chelsea."Kalimutan ang tungkol sa disfigurement, hindi siya magiging masama kahit na patay na si Nora!Ang paraan na nakita niya, kahit na namatay si Nora ng isang daang pagkamatay, hindi pa rin it
Pakiramdam ni Elliot na nago-overreact lang si Avery, kaya umupo siya sa tabi niya.Nang dumating ang nanny kasama ang isang bowl ng sabaw, nakita niya na nakadikit ang mga mata nila sa isa't isa. Mabilis niyang nilapag ang sabaw sa lamesa at umalis kaagad. "Kung pagod na talaga siya, pwede siyang magpahinga sa bahay kung kailan niya gusto. Wala akong opinyon." Nag-aalala si Elliot na baka marinig siya ni Hayden, kaya hininaan niya ang boses niya at sabi, "Buwan na ang lumipas simula nang mag-umipisa ang school. Hindi pa ba sapat ang pahinga niya pagkatapos manatili sa bahay ng isang buwan?""Kakausapin ko siya mamaya." Kinuha ni Avery ang isang bown ng sabaw at sumubo ng isang kutsara."Maaaring hindi siya pagod, ngunit nagtatago ng isang bagay sa iyo." Inalis ni Elliot ang kutsara sa kanyang kamay, pagkatapos ay nagpatuloy, "Ang iyong anak ay mas kumplikado kaysa sa iniisip mo.Nais ni Avery na ibalik ang kutsara, ngunit si Elliot ay nakakuha ng isang kutsara ng sopas at ipinad
Kailangan nila ng ebidensya para mapatumba si Chelsea. “Sweetie, nung pumunta si Elliot ngayon, sabi niya nagtago ka sa kwarto mo nung nakita mo siya,” nag-aalalang sabi ni Avery. “Bahay mo ‘to. Hindi mo kailangang magtago sa kanya.” “Hindi ako nagtatago,” sabi ni Hayden habang nakakunot ang mga noo. “Ayoko lang siyang makita..”“Plano niyang lumipat para tulungan ang bunso mong kapatid kapag pinanganak na siya.” Nagdadalawang isip si Avery at bumuga ng buntonghininga. “Magiging mahirap ba ‘yon para sa’yo?”Mas lalong kumunot ang noo ni Hayden habang sabi niya, “Hindi ko na lang siya papansin, kung gano’n!”“Salamat, sweetie.” Tinapik ni Avery ang balikat ng anak niya habang nasasaktan ang puso niya. “Ayoko ring lumipat siya, pero iniisip niya na kailangan ng kapatid mo ang aruga niya. Hindi lang sa akin ang baby, kaya hindi ko siya matanggihan.”Humugot ng malalim na hininga si Hayden, tapos ay nangako, “Huwag kang mag-alala, Mommy. Hindi ko siya tatanggapin! Gano’n din si La
“Bakit nakapatay ang phone niya?” mahinang bulong ni Avery sa kanyang sarili tapos ay lumabas siya sa bahay. “Lalabas ka, Avery?” Nang nakita siya ng nanny na gumalaw, mabilis niyang sinundan si Avery. “Sabi ni Tammy pupunta siya pero wala pa rin siya rito. Kahit may traffic, nandito na dapat siya ngayon.” Lumabas si Avery sa front gate at luminga sa paligid. Pinagaan ng nanny ang nararamdaman niya at sabi, “Siguro umalis siya para bumili ng mga regalo! Lagi siyang nagdadala ng iba’t ibang uri ng mga regalo sa tuwing pumupunta siya.” Ang magaan na salita ng nanny ang medyo nagpaluwag sa damdamin ni Avery. “Mahangin dito, Avery. Pumasok na tayo sa loob!” Nag-aalala ang nanny na makakuha ng sakit si Avery. “Espesyal na sinabi sa akin ni Mr. Elliot na alagaan kang mabuti at huwag kang hayaan magkasakit.”“Sa bahay na ako namamalagi ngayon. Para akong isang bulaklak sa greenhouse. Madali ako magkakasakit sa ganoong paraan.”“Hindi ka dapat dito sa labas dahil mahangin!” Tinulun
“Ang sarap talaga. Hindi masyadong matamis, kaya makakakuha pa ako ng madami,” puri ni Avery tapos ay sumubo pa ng isa. “Mas lalo kang gumagaling kada araw, Shea. Ano pang gusto mong matutuhan?”“Gusto kong matuto mag-drive, pero ayaw ako payagan ni Big Brother.” Kumunot ang noo ni Shea tapos ay nagmakaawa, Pwede mo ba ako tulungang pilitin si Big Brother, Avery?”Umangat ang tingin ni Avery at bumaling kay Wesley.“Ito ba ang dahilan kung bakit pumunta kayong dalawa rito?”Umiling si Wesley at sabi, “Pumunta si Shea para ibigay sa’yo ang cake. Hindi rin ako sang-ayon sa kagustuhan niyang matutong mag-drive.”Bumaling si Avery kay Shea at tinanong, “Bakit gusto mong matuto mag-drive, Shea? Hindi ka ba natatakot na baka delikado ito?”“Lahat kayo ay marunong mag-drive, kaya gusto ko ring matuto. Hindi ito magiging delikado hangga’t hindi ako magda-drive sa harap ng madaming tao.” Tumingin si Shea kay Avery nang may nakakaawang ekspresyon at nagmamakaawang mga mata.Sa pagkakataon
Nawawala si Tammy!Nawala siya pagkatapos lumabas ng bahay sa alas onse y medya ng umaga.Tinitingnan ni Jun ang mga surveillance camera sa traffic control department.Pinakita ng camera na pumasok si Tammy sa mall ng city center. Pagkatapos niyang iparada ang sasakyan niya, hindi na siya lumabas ng mall.Ibig sabihin nito na may kung anong nangyari noong nasa loob siya ng mall.Maraming surveillance camera ang mall, at mayroon ding maraming mga blind spots.Iniwan ni Jun ang traffic control department at nagmadali sa mall’s control room.Nang nakuha niya ang phone call ni Avery, humugot siya ng malalim na hininga, tapos ay sinagot ito.“Nasa mall’s parking lot pa rin ang sasakyan ni Tammy. Nawala siya habang nasa loob ng mall.”“Paano siya nawala ng ganoon lang?!” Humugot ng malalim na hininga si Avery.Gusto niyang tanungin kung na-kidnap ba si Tammy, pero takot na takot siyang sabihin ito.Naramdaman ni Jun ang bukol sa lalamunan niya.“Siguradong na-kidnap siya! Noong n