Kailangan nila ng ebidensya para mapatumba si Chelsea. “Sweetie, nung pumunta si Elliot ngayon, sabi niya nagtago ka sa kwarto mo nung nakita mo siya,” nag-aalalang sabi ni Avery. “Bahay mo ‘to. Hindi mo kailangang magtago sa kanya.” “Hindi ako nagtatago,” sabi ni Hayden habang nakakunot ang mga noo. “Ayoko lang siyang makita..”“Plano niyang lumipat para tulungan ang bunso mong kapatid kapag pinanganak na siya.” Nagdadalawang isip si Avery at bumuga ng buntonghininga. “Magiging mahirap ba ‘yon para sa’yo?”Mas lalong kumunot ang noo ni Hayden habang sabi niya, “Hindi ko na lang siya papansin, kung gano’n!”“Salamat, sweetie.” Tinapik ni Avery ang balikat ng anak niya habang nasasaktan ang puso niya. “Ayoko ring lumipat siya, pero iniisip niya na kailangan ng kapatid mo ang aruga niya. Hindi lang sa akin ang baby, kaya hindi ko siya matanggihan.”Humugot ng malalim na hininga si Hayden, tapos ay nangako, “Huwag kang mag-alala, Mommy. Hindi ko siya tatanggapin! Gano’n din si La
“Bakit nakapatay ang phone niya?” mahinang bulong ni Avery sa kanyang sarili tapos ay lumabas siya sa bahay. “Lalabas ka, Avery?” Nang nakita siya ng nanny na gumalaw, mabilis niyang sinundan si Avery. “Sabi ni Tammy pupunta siya pero wala pa rin siya rito. Kahit may traffic, nandito na dapat siya ngayon.” Lumabas si Avery sa front gate at luminga sa paligid. Pinagaan ng nanny ang nararamdaman niya at sabi, “Siguro umalis siya para bumili ng mga regalo! Lagi siyang nagdadala ng iba’t ibang uri ng mga regalo sa tuwing pumupunta siya.” Ang magaan na salita ng nanny ang medyo nagpaluwag sa damdamin ni Avery. “Mahangin dito, Avery. Pumasok na tayo sa loob!” Nag-aalala ang nanny na makakuha ng sakit si Avery. “Espesyal na sinabi sa akin ni Mr. Elliot na alagaan kang mabuti at huwag kang hayaan magkasakit.”“Sa bahay na ako namamalagi ngayon. Para akong isang bulaklak sa greenhouse. Madali ako magkakasakit sa ganoong paraan.”“Hindi ka dapat dito sa labas dahil mahangin!” Tinulun
“Ang sarap talaga. Hindi masyadong matamis, kaya makakakuha pa ako ng madami,” puri ni Avery tapos ay sumubo pa ng isa. “Mas lalo kang gumagaling kada araw, Shea. Ano pang gusto mong matutuhan?”“Gusto kong matuto mag-drive, pero ayaw ako payagan ni Big Brother.” Kumunot ang noo ni Shea tapos ay nagmakaawa, Pwede mo ba ako tulungang pilitin si Big Brother, Avery?”Umangat ang tingin ni Avery at bumaling kay Wesley.“Ito ba ang dahilan kung bakit pumunta kayong dalawa rito?”Umiling si Wesley at sabi, “Pumunta si Shea para ibigay sa’yo ang cake. Hindi rin ako sang-ayon sa kagustuhan niyang matutong mag-drive.”Bumaling si Avery kay Shea at tinanong, “Bakit gusto mong matuto mag-drive, Shea? Hindi ka ba natatakot na baka delikado ito?”“Lahat kayo ay marunong mag-drive, kaya gusto ko ring matuto. Hindi ito magiging delikado hangga’t hindi ako magda-drive sa harap ng madaming tao.” Tumingin si Shea kay Avery nang may nakakaawang ekspresyon at nagmamakaawang mga mata.Sa pagkakataon
Nawawala si Tammy!Nawala siya pagkatapos lumabas ng bahay sa alas onse y medya ng umaga.Tinitingnan ni Jun ang mga surveillance camera sa traffic control department.Pinakita ng camera na pumasok si Tammy sa mall ng city center. Pagkatapos niyang iparada ang sasakyan niya, hindi na siya lumabas ng mall.Ibig sabihin nito na may kung anong nangyari noong nasa loob siya ng mall.Maraming surveillance camera ang mall, at mayroon ding maraming mga blind spots.Iniwan ni Jun ang traffic control department at nagmadali sa mall’s control room.Nang nakuha niya ang phone call ni Avery, humugot siya ng malalim na hininga, tapos ay sinagot ito.“Nasa mall’s parking lot pa rin ang sasakyan ni Tammy. Nawala siya habang nasa loob ng mall.”“Paano siya nawala ng ganoon lang?!” Humugot ng malalim na hininga si Avery.Gusto niyang tanungin kung na-kidnap ba si Tammy, pero takot na takot siyang sabihin ito.Naramdaman ni Jun ang bukol sa lalamunan niya.“Siguradong na-kidnap siya! Noong n
Ganid at malupit si Chelsea. Kahit sinong mahulog sa mga kamay niya ay hindi na makakabangon ng maayos. "... Ipapakuha ko kay Chad si Ben para hanapin si Chelsea!" Hindi maari na hahayaan ni Mike si Avery na makita si Chelsea. "Wala siyang gusto kundi ang kapahamakan mo. Hindi ba ang paghahanap sa kanya ngayon ang magpapahamak sa sarili mo?"Umalingawngaw ang boses ni Mike sa kabuuan ng villa.Naging madilim ang ekspresyon sa mukha nina Hayden at Layla. "Huwag ka nang lumabas, Mommy," sabi ni Hayden sa malalim na boses. "Makinig ka kay Uncle Mike at Hayden, Mommy. Manatili ka lang sa bahay na parang mabuting bata!" mahinahong pagmamakaawa ni Layla sabay hawak sa kamay ng kanyang mommy. Ang itsura ng mga anak niya ang rason ng panunumbalik ng isip ni Avery."HIndi ako lalabas." Sumuko siya at tumayo sa couch. "Shower lang ako."Sobrang nababalisa siya na pakiramdam niya ay umaapoy ang apoy. Gusto niyang may gawin, pero mabigat ang buong katawan niya.Noong balisa siya sa
Ang sumagot sa kanya ay ang walang katapusang katahimikan.Ang taong dumakip kay Tammy ay mukhang walang gusto mula kay Avery. Kung hindi, hindi sila magiging tahimik.Tumingin si Avery sa sabik at walang pahingang lalaki sa video. Para silang isang grupo ng mga lobong nagmamadali papunta kay Tammy. Namanhid ang anit ni Avery. Kumukulo ang dugo niya. Walang tigil ang panginginig ng katawan niya!Ang senyas ng desperasyon sa bingit ng kamatayan ang bumalot sa kanya. Na para bang may sumasaksak sa kanya ng mapurol na kutsilyo nang paulit ulit!Narinig ni Mike ang pahisteryang sigaw at nagmadaling tumakbo papunta sa kwarto niya! Nagmadali siya sa kwarto niya at nakita si Avery na nakayuko habang hawak ang pinto ng banyo."Avery! Ayos ka lang ba?" Tumakbo si Mike para tulungan siya. Nang makita kung gaano ka-kulay asul ang mukha niya, isang masamang pakiramdam ang agad umangat sa puso niya. "Manganganak ka na ba? Dadalhin kita sa ospital."Gusto siyang buhatin ni Mike, pero nanigas a
"Nasa kama na sila, pero hindi pa natutulog si Hayden," sabi ni Chad, "Natatakot ako na baka maistorbo ko soya, kaya hindi ko siya kinausap.""Oh, medyo mature na si Hayden, marami na siyang naiintindihan. Siguradong hindi siya makakatulog." Nakatayo si Mike sa labas ng emergency room sa pagkakataong iyon 'yon. Magulo ang isip niya. "Nakakaapekto sa bata ang mood ni Avery. Baka manganak na siya ngayong gabi.""Hindi ba magiging premature delivery 'yon?" Kumunot ang noo ni Chad. "Magiging maayos ba ang bata?""Hindi ako nag-aalala tungkol diyan. Nag-aalala lang ako kay Avery. Hindi mo pa nakikita kung gaano siya ka-miserable, pero nag-aalala pa rin siya kay Tammy..." Pabalik balik na naglakad si Mike sa corridor. "Tawagan mo si Ben, tingnan mo kung nakita na ba niya si Chelsea."Kapag hindi naligtas si Tammy, kahit ipanganak ni Avery ang bata, mabigat na titimbang pa rin ito sa isip niya."Sa tingin ko wala naman nangyari." KIlala ni Chad si Chelsea. "Kahit si Chelsea ang isa sa gu
"Tama ang hula mo. Hangga't walang ebidensya, hindi niya aaminin ito," sarkastikong sabi ni Mike."Tsaka, walang maganda sa pag-aamin dito." Tumingin si Chad sa oras. "Bakit hindi ka pa umalis at magpahinga saglit?""Sa tingin mo ba makakatulog ako?" Bumaling si Mike sa silid. "Kapag bumangon siya, kapag hindi pa rin nahahanap si Tammy, siguradong magwawala na naman siya. Sinabi ng doktor na huwag siyang masyadong mabalisa ngayon, kung hindi mape-premature labor siya. Dinugo na siya.""Dinugo?" napatigil si Chad."Oo, dinugo. Sinabi ng doktor na ito ay tanda ng napaaga na paggawa." Si Mike ay tumawid sa kanyang baywang. "Kailan babalik si Elliot?""Aabutin niya bukas ng umaga ng alas-siyete," sabi ni Chad, "Inaasahan kong makatulog si Avery hanggang sa susunod na umaga.""Kaya, ano, kung siya ay natutulog hanggang sa susunod na umaga? Ang pangunahing punto ay nawawala si Tammy. Paano kung ang mga taong kumidnap sa kanya ay may ginawa sa kanya? Ang mga kahihinatnan ay hindi mailar