Phone ni Chad iyon.Nabaling ang atensyon ng lahat kay Chad at agad siyang pinagpawisan ng kaba.Nilabas niya ang phone niya at nakita niyang tawag iyon ni Mike. Gusto niyang sumagot pero hindi niya nagawang sagutin. Kung tatanggihan niya ang tawag, mawawalan siya ng pagkakataong makakuha ng mas mahalagang impormasyon tungkol kay Avery.Matapos ang ilang sandali ng pag- aalinlangan, sinagot niya ang tawag sa ilalim ng nagbabantay na mga mata ng lahat."Chad, ano ang naging reaksyon ng amo mo matapos mapanood ang video?" tanong ni Mike.Sinulyapan ni Chad si Elliot sa sinabi ni Mike at napansin ang madilim na ekspresyon sa mukha ni Elliot; ang kanyang mala- agila na mga mata ay matalas na kaya nilang pumatay.Hinawakan ni Chad ang kanyang telepono at nagmamadaling lumabas ng opisina."T*ng ina! Ano bang klaseng katangahan na tanong yan? Ano pa ba ang inaasahan mong magiging reaksyon niya?" Napabuntong- hininga si Chad pagkatapos lumabas ng opisina. "Nakuha mo na bang makipag-ugna
Nilagpasan lang ni Tammy si Chad at dumiretso siya sa office ni Elliot. “Uy mukhang may balak nanaman makipag away yung asawa mo ah!” Tukso ni Chad.Napabuntong hininga nalang si Jun. “Sinabihan ko nga siya na wag na kaming pumunta dito pero hindi ko talaga siya maawat. Pinagpipilitan niya na hindi daw si Avery yung nasa video pero kahit ilang beses kong panuurin, si Avery talaga ang nakikita ko eh!” “Siyempre best friend ni Tammy si Avery kaya malamang kakampihan niya yung kaibigan niya. Ganun din naman si Mike. Sinabi niya sa akin na si Nora daw yung babae sa video kasi ginagaya daw talaga ni Nora si Avery…. Yung boses at yung tiyan daw… CG effect lang…Mukha talaga siyang seryoso kaya nakukumbinsi rin ako minsan eh.“Ano ‘to? Movie?!” Naiinis na sigaw ni Jun. “Posible naman din yung sinasabi niya pero medyo mahirap pa ring paniwalaan. Hindi lang siguro matanggap nung dalawa na ganung klaseng babae si Avery.”“Tama ka jan. Si Tammy nga nagwala pa noong nakita niya yung video
Hindi niya inasahan na sasagot ito kaagad. “Uuwi ako bukas. “Mag usap tayo.”Siguro dahil sa sobrang kalmado ng boses ni Avery, lalong kumulo ang dugo ni Elliot dahil naalala niya ang sinabi ni Ben na alam na alam daw ni Avery kung paano siya mapapaikot. Noong una, ayaw niya pang maniwala pero sa lahat ng mga nangyayari, narealize niya na mukhang pinaglalaruan nga siya ni Avery kasi alam nito na maniniwala siya kahit ano pang kasinungalingan ang sabihin nito sakanya. “Avery.”Base sa tono ng boses ni Elliot, alam ni Avery na nagpipigil ito ng galit. Sigurado siya na napanuod na nito ang video at malamang nasaktan ito ng sobra. “Elliot, alam kong mahirap para sayo na maniwala sa akin.” Pinipilit ni Avery na kumalma dahil ayaw niya rin naman na mag away sila. “Noong nakita ko ang video, kahit ako rin, akala ko ako yun.”Habang pinapakinggan ni Elliot ang paliwanag ni Avery, unti-unti siyang kumakalma. “Ilang beses ko ring pinanuod yung video pero… Elliot… hindi talaga ako yu
Hindi niya masabi sa Mommy niya ang totoong dahilan dahil alam niyang hindi ito papayag at baka lalo pa itong mastress. “Napagod po kasi ako sa summer camp.”Naawa naman si Avery kay Hayden kaya pumayag siya. “Darling, sa susunod na maramdaman mong nasstress ka sa school, sasabihin mo kaagad sa akin ha? Naniniwala ako na importante ang pag aaral pero mas importante pa rin ang kalusugan mo.”Tumungo si Hayden.Bandang alas otso ng gabi sa mansyon ni Elliot sa Aryadelle, binigay ni Ben kay Elliot ang pangatlong baso ng wine pero tumanggi siya.“Ayoko na.” Nakaka dalawang baso na si Elliot at mababa talaga ang alcohol tolerance niya kaya medyo lasing na siya, at higit sa lahat, may usapan sila ni Avery na magkikita bukas kaya kailangan niyang ikundisyon ang katawan niya. “Sige, ako nalang ang uubos nito.” Dire-diretsong ininom ni Ben ang wine. “Wag ka na masyadong magpakalasing. Alam ko naman na ginagawa mo ‘to para sa akin, pero…”be another chance in the future."“Pero, ano? P
Hindi nagustuhan ni Avery ang pangingielam ni Ben. “Ben, labas ka dito.”“Noong sumugod si Tammy samin at nagsisigaw na parang baliw para ipagtanggol ka, ginayan ba siya ni Elliot?” Pasinghal na sagot ni Ben.Sa sobrang inis ni Avery, bigla siyang nablangko. Pumunta lang naman siya sa mansyon ni Elliot para magpaliwanag at sabihin na maniwala man ito sakanya o hindi, wala siyang pagsisisihan kasi hindi naman talaga siya ang babaeng nasa video. Pero paano niya pa sasabihin yun ngayon? Lalo lang siyang magmumukhang nakakatawa. Paano naman si Tammy? Palagi nalang siyang pinagtatanggol ni Tammy at kahit hindi ito nagsabi sakanya, hindi na siya magtataka na talaga ngang pinuntahan nito si Elliot para ipagtanggol siya at base sa trato sakanya ni Ben ngayon, hindi ito kumbinsido at kung ganun, bakit pa siya mag aaksaya ng oras para magpaliwanag kung wala rin namang makikinig sakanya. “Kung naniniwala talaga kayo na ako yung babae sa video, bahala kayo. Kalimutan niyo nalang na pum
Hindi naman talaga siya ang gumawa nun, at kung tutuusin nga ay siya pa ang biktima dito, pero wala siyang magawa kundi tanggapin ang magiging tingin sakanya ng publiko.Tinawagan ni Avery si Tammy. “Avery, bakit napaaga ata yung uwi mo?” Medyo naguguluhang tanong ni Tammy. “Kung ako sayo, hindi na muna ako uuwi sa Bridgedale. Hindi dahil sa natatakot ako, pero dahil nakakadiri lang talaga ang mga tao dito sa Aryadale.” “Hindi naman masosolusyunan ng pagtakbo ang problema ko. Kinita ko sila kanina.” Kalmadong sagot ni Avery. “Tammy, nabalitan ko na pumunta ka raw sakanila para ipagtanggol ako. Maraming salamat sa pagtitiwala sa akin.”“Bakit ka nagpapasalamat? Kung iisipin mo, ako kaya ang may kasalanan. Kung iningatan ko sana ang phone ko, hindi sana yun mananakaw at hindi mangyayari ang lahat ng ‘to.” Naiiyak na sagot ni Tammy. “Ano ka ba! Kahit naman hindi nila nanakaw ang phone mo, sigurado ako na may iba pa silang plano.” Dumungaw si Avery sa bintana. “Uy, medyo lumalamig
Sa Caesar Hotel, pumasok si Tammy na nakasuot ng kulay blonde na wig, makapal na makeup, at sobrang sexy na damit.Nang makita siya ng concierge, agad na naagaw ang atensyon nito. Naglakad si Tammy papunta sa concierge at nakangiting sinabi, “Kailangan kong makita ang manager niyo.” Sa sobrang tiwala kay Tammy, wala ng naging tanong ang conmcierge at tinawagan kaagad nito ang manager nito. Hindi nagtagal, dumjating ang managaer at nang sandaling makita nito si Tammy, sobrang nagulat ito. “Miss, may kailangan ka ba sa akin?” “Mag usap tayo sa ibang lugar.” NIyakap ni Tammy ang braso ng manager at hinatak. “Doon tayo mag usap sa office mo. May maganda akong offer sayo.”Sobrang nagging interesado ang manager sa sinabi ni Tammy kaya walang pagdadalawang isip niya itong dinala sa kanyang office. Pagkasaradong pagkasarado ng pintuan, umupo si Tammy sa sofa at sinabi sa manager, “Gusto kong makita ang lahat ng staff niyo na lalaki. Kailangan ko ng picture nilang lahat.”“Miss, a
Anong kailangan sakanya ni Avery Tate?Base sa pagkakunot ng noo nito, mukhang may iba itong pakay sakanya…“Ryan.” Naglabas si Avery ng isang tumpok ng pera at isang bote. “Kapag sinagot mo ng maayos ang mga tanong ko, sayo na yang perang yan. Pero kung hindi ka makikisama, patatahimikin ka ng gamot na yan habang buhay.”Biglang pinagpawisan ng malamig si Ryan at nanginginig ang kanyang daliri nang ituro ang itim na bote. “A-a-nong laman niyan?”“Lason. Pag inom mo niyan, mamatay ka kaagad at hindi yan madedetect kahit iautopsy ka at lalabas na namatay ka lang dahil sa sobrang saya.” Sobrang kalmadong sagot ni Avery. Halos hindi makahinga si Ryan at namumutla na siya sa sobrang takot. Dali-dali siyang lumuhod. “Miss Tate. Anong kailangan mo sa akin? Sasagutin ko lahat ng tanong mo pero limitado lang ang alam ko kasi mababa lang ako.” Alam ni Avery na may alam si Ryan. “Noong araw na naframe up ako na pumunta sa hotel, ikaw ang sumalubong sa akin diba at dinala mo ako sa room S