Hindi naman talaga siya ang gumawa nun, at kung tutuusin nga ay siya pa ang biktima dito, pero wala siyang magawa kundi tanggapin ang magiging tingin sakanya ng publiko.Tinawagan ni Avery si Tammy. “Avery, bakit napaaga ata yung uwi mo?” Medyo naguguluhang tanong ni Tammy. “Kung ako sayo, hindi na muna ako uuwi sa Bridgedale. Hindi dahil sa natatakot ako, pero dahil nakakadiri lang talaga ang mga tao dito sa Aryadale.” “Hindi naman masosolusyunan ng pagtakbo ang problema ko. Kinita ko sila kanina.” Kalmadong sagot ni Avery. “Tammy, nabalitan ko na pumunta ka raw sakanila para ipagtanggol ako. Maraming salamat sa pagtitiwala sa akin.”“Bakit ka nagpapasalamat? Kung iisipin mo, ako kaya ang may kasalanan. Kung iningatan ko sana ang phone ko, hindi sana yun mananakaw at hindi mangyayari ang lahat ng ‘to.” Naiiyak na sagot ni Tammy. “Ano ka ba! Kahit naman hindi nila nanakaw ang phone mo, sigurado ako na may iba pa silang plano.” Dumungaw si Avery sa bintana. “Uy, medyo lumalamig
Sa Caesar Hotel, pumasok si Tammy na nakasuot ng kulay blonde na wig, makapal na makeup, at sobrang sexy na damit.Nang makita siya ng concierge, agad na naagaw ang atensyon nito. Naglakad si Tammy papunta sa concierge at nakangiting sinabi, “Kailangan kong makita ang manager niyo.” Sa sobrang tiwala kay Tammy, wala ng naging tanong ang conmcierge at tinawagan kaagad nito ang manager nito. Hindi nagtagal, dumjating ang managaer at nang sandaling makita nito si Tammy, sobrang nagulat ito. “Miss, may kailangan ka ba sa akin?” “Mag usap tayo sa ibang lugar.” NIyakap ni Tammy ang braso ng manager at hinatak. “Doon tayo mag usap sa office mo. May maganda akong offer sayo.”Sobrang nagging interesado ang manager sa sinabi ni Tammy kaya walang pagdadalawang isip niya itong dinala sa kanyang office. Pagkasaradong pagkasarado ng pintuan, umupo si Tammy sa sofa at sinabi sa manager, “Gusto kong makita ang lahat ng staff niyo na lalaki. Kailangan ko ng picture nilang lahat.”“Miss, a
Anong kailangan sakanya ni Avery Tate?Base sa pagkakunot ng noo nito, mukhang may iba itong pakay sakanya…“Ryan.” Naglabas si Avery ng isang tumpok ng pera at isang bote. “Kapag sinagot mo ng maayos ang mga tanong ko, sayo na yang perang yan. Pero kung hindi ka makikisama, patatahimikin ka ng gamot na yan habang buhay.”Biglang pinagpawisan ng malamig si Ryan at nanginginig ang kanyang daliri nang ituro ang itim na bote. “A-a-nong laman niyan?”“Lason. Pag inom mo niyan, mamatay ka kaagad at hindi yan madedetect kahit iautopsy ka at lalabas na namatay ka lang dahil sa sobrang saya.” Sobrang kalmadong sagot ni Avery. Halos hindi makahinga si Ryan at namumutla na siya sa sobrang takot. Dali-dali siyang lumuhod. “Miss Tate. Anong kailangan mo sa akin? Sasagutin ko lahat ng tanong mo pero limitado lang ang alam ko kasi mababa lang ako.” Alam ni Avery na may alam si Ryan. “Noong araw na naframe up ako na pumunta sa hotel, ikaw ang sumalubong sa akin diba at dinala mo ako sa room S
Sa PR department. Gulat na gulat ang lahat nang makita si Avery. Nakatitig sakanya ang lahat at walang makahinga habang naglalakad siya papasok. Wala man silang ideya sa sadya nito pero base sa itsura nito, mukhang mainit ang ulo nito! Tinignan ni Avery ang lahat at nagtanong, “Wala pa si Nora?” “Kadalasan, sakto siya dumarating.” Kinakabahang tinignan ng isnag staff ang oras. “Parating na rin siguro siya.”Speak of the devil.Naglakad si Nora papasok sa PR department ng nakasuot ng stiletto at may bitbit na LV bag. Nang makita niyang nagkukumpulan ang mga kasama niya, sumilip siya para makiusisa. Nang makita niya si Avery, bigla siyang natigilan. Siguro dahil wala pa si Chelsea para magtanggol sakanya, sobra siyang kinabahan. Paano kapag inaway siya ni Avery? Wala siyang kakampi. Hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya!“Miss Tate, nandito na si Nora!” Tumingin si Avery. Nang makita niya si Nora, nanlisik ang mga mata niya. “Avery, hinahanap mo ba ako?” Pi
Hindi makapagsalita si Nora. Sobrang natatakot siya kay Avery! “Masyado mo akong inunderestimate.” Kinurot ni Avery ang namamagang pisngi ni Nora. “Kahit kailan, hindi ako umasa sa isang lalaki para mabuhay! Kahit anong mangyari, kaya kong buhayin ang anak ako. Siguro sa una, napaniwala mo sila. Pero sa tingin mo ba mauulit mo pa yan?” …Nagmamadaling tumakbo papalapit si Chad at nakita niya na namamaga ang mukha ni Nora.Nang makita ni Nora si Chad, bigla siyang umiyak. “Chad! Tulungan mo ako! Bigla nalang nagalit si Avery! Sinampal niya ako! Mukhang balak niya akong sampalin hanggang sa mamatay ako! Woo Woo!” Nagpapanic na lumapit si Chad at tinulak ang bodyguard ni Avery. “Avery, ano bang ginagawa mo? Nasa office tayo, bakit naman dito ka pa nag eeskandalo?!” Inalalayan ni Chad si Nora na tumao at sinigawan si Avery. Tinignan ni Avery si Chad at kalmadong sumagot, “Tuturuan ko siya ng leksyon kahit kailan at kahit saan ko gustuhin. Kung hindi mo matanggap, bakit hindi m
Naglakad palabas si Avery. Wala siyang intensyon na makipag away sa kung kanino at gusto niya lang talagang turuan ng leksyon si Nora.Pero pagkalampas niya kay Elliot, biglang hinila nito ang braso niya. “Anong ginagawa mo?” Tinignan ng masama ni Avery si Elliot. Hindi sumagot si Elliot at hinila si Avery palabas ng office. Gusto rin sanang sumunod ni Chelsea pero pinigilan siya ni Chad. “Chelsea, puntahan mo na si Nora. Iyak siya ng iyak.”“Nasaan siya?” Nanggigil na sagot ni Chelsea. “Medyo tumabingi yung ilong niya kaya pinadala ko siya sa ospital. Sige na, puntahan mo na siya sa ospital! Sigurado ako na sobrang sama ng loob niya! Baka mabaliw yun”Sinadya ni Chad na maging OA para mapilit niya si Chelsea na pumunta sa ospital. Hinila ni Elliot si Avery papunta sa parking lot. Buti nalang at maaga pa kaya wala pang ibang mga naka park. Noong madaanan sila ni Chelsea, nanlilisik ang mga mata nito kay Avery.Bakit niya kaya pinuntahan si Nora? May nalaman ba siya?Na
Siguro mas magandang tanggapin nalang ni Elliot na kahit kailan ay palagi siyang mamimis understand ni Avery. “Avery, medyo mahangin ang panahon ngayon. Umuwi ka na muna para makapag pahinga ka rin.” Pagkatapos magsalita ni Elliot, dire-diretso siyang naglakad palayo. Naiwanang gulat na gulat si Avery at nakatitig kay Elliot. Hindi niya inaasahan na hindi magagalit sakanya si Elliot. Ni kumunot ang noo, hindi nito ginawa. Hindi nagtagal, lumapit sakanya ang bodyguard niya at sinabi, “Miss Tate, umuwi na po tayo. Medyo mahingin, baka magkasakit ka.”Sa sobrang galit ni Avery, hindi niya napansin na mahangin nga ang panahon. …Pagkapasok ni Elliot sakanyang office, agad namang sumunod si Chad para ireport ang buong detalye ng nangyari sa PR department. “Nagtanong-tanong ako sa PR department. Ang sabi daw nila, hindi lang daw pinagbintangan ni Avery si Nora na gumaya sakanya, pero si Nora din daw ang dumukot ng mata ni Zoe.”Habang nirereport ito ni Chad, sobrang kinikilabu
Sa ospital, nang makita ni Nora si Chelsea, bigla siyang umiyak. “Chelsea, grabe yung ginawa sakin ni Avery! Ang lakas ng loob niyang sampalin ako ng wala naman siyang ebidensya! Hindi talaga marunong rumespeto yung babaeng yun! Ang sama-sama niya!” Kalmadong sumagot si Chelsea, “Buntis siya sa anak ni Elliot kaya ganun nalang siya kayabang.”“Mas matapang siya kaysa sa sinabi mo! Tmabingi tuloy yung ilong ko!” Nagbuntong hininga si Nora at nagpatuloy, “Ano sa tingin mong gagawin ni Elliot? Kahit na hindi ako kampihan ni Elliot, ikaw pa rin naman ang pipiliin niya kumpara kay Avery, diba?” “Ano sa tingin mo?” Naiinis na sagot ni Chelsea. “Siguro sinabi niya nga noon na ayaw niya sa mga bata, pero dahil si Avery ang nabuntis niya, sigurado ako na importante yun sakanya at kahit ano pang gawin ni Avery ngayon, siya ang kakampihan ni Elliot.” “Ibig mong sabihin, hindi magkakaroon ng hustisya yung pagsampal niya sa akin?” Humagulgol ng sobra si Chelsea sa sobrang galit. “Siyempr