"Ganun ba kahalaga si Avery?" Tanong ni Jun na bahagyang nabigla. "Ganon siya kahalaga dahil asawa ko siya," sabi ni Elliot habang namumuo ang malamig na lamig sa kanyang mga mata. "Kung hindi siya kasal sa akin, si Charlie Tierney ay hindi mag-aabala sa alinman sa mga ito." Lalong naguluhan si Jun kaysa kanina. "Kung gusto niyang ibigay kay Avery ang pera, hayaan mo siya! Hindi ba't ito lang ang nagbabato sa kanya ng libreng pera?" "Asawa ko siya!" Putol ni Elliot. "Oh, okay okay nakuha ko na... Anong plano mong gawin? Dagdagan ang offer natin? Siguradong sasama siya sa offer ni Tierney kung hindi tayo." "Hindi kinakailangan." "Kung ganoon nga, bakit ka ba nagagalit?" Kitang- kita ni Jun sa tono ni Elliot na kung saan-saan na ang kanyang emosyon. Nais ni Elliot na makuha ang Tate Industries upang si Avery ay makalaya sa utang at problema nito. Nasa kolehiyo pa siya, at kulang siya sa kaalaman at karanasan pagdating sa pagpapatakbo ng isang kumpanya. Mas mabuti
“Oo naman kilalang kilala ko siya! Palaggi kaya kaming nagiinuman nun! Hindi niya ba nabanggit sayo na sobrang close sila ni Chelsea?”Walang planong magpaligoy-ligoy si Ben kaya walang anu-ano niyang sinabi ang pinaka punto niya. Nabakas sa mukha ni Avery ang sobrang pagkagulat. “Pero.. sabi niya kasi hindi sila close.”“Ha? Isa lang ang ibig sabihin nun! Nagsinungaling siya sayo. Nako Avery.. Pag-isipan mo muna ito ng maigi. Naisip mo ba bakit kaya bigla niyang gustong mag invest sa Tate Industries? Anong catch?” “Sinasabi mo bang para ‘tong trap?”Umiling si Ben at nagpatuloy, “Hindi naman.. Ang sinasabi ko lang ay mas magandang tignan mo ang lahat ng anggulo kasi alam mo naman siguro na sa industriya ng negosyo, wala yung tinatawag na free lunch at wag mong kakalimutan na hindi lang basta bastang may nalalaglag na ginto mula sa langit… Lahat ng bagay may kapalit. Diba nag’away kayo ni Chelsea nito lang? Tapos biglang gusto ng kapatid niya na mag invest sa kumpanya niyo? H
Hindi kaya sasabihin nila na nagastos na nila lahat ng mga nalimas nilang pera samin?!Pero…saan naman kaya nila ginamit at naubos ng ganun kabilis?!Sobrang daming pumasok sa isip ni Avery. Pinilit niyang lakasan ang kanyang loob at huminga ng malalim bago sagutin ang tawag. Pero bago pa man din siya makapagsalita, sumalubong na sakanya ang boses ni Cassandra na sumisigaw mula sa kabilang linya, “Avery! Nasayo ba yung Super Brain Program na ginawa ng daddy ko?! Akin na!”Base sa tono ng boses nito, para bang umiiyak ito at halatang takot na takot. Pero imbes na awa ay lalo lang nainis si Avery. “Ang kapal din talaga ng mukha mong tawagan ako no, Cassndra?! Tito mo lang naman ang nagnakaw ng pera ng Daddy ko! Alam mo ba kung gaano kabigat na kaso ‘to?! Iniimbestigahan na kayo ng mga pulis ngayon at hindi magtatagal ay lalabas na ang katotohanan!”“Bakit naman ako nadamay ‘don?! Wala akong kinalaman sa pagkawala ng pera na sinasabi mo! Ang gusto ko lang ngayon ay makuha ang S
Naalala niya rin na kabisado ni Elliot ang lahat ng mga sinabi niya noong nag lie detector test siya!Hin… hindi kaya si Elliot talaga ang nasa likod ng lahat ng ‘to?!Si Elliot ang may gusto na makuha ang bagong program ng Tate Industry?Biglang bumilis ang tibik ng puso ni Avery habang iniisip ang mga posibilidad na ‘yun.May sinasabi pa si Cole pero bigla siya itong ibinaba at lumabas ng kanyang kwarto. Noong oras na yun, tapos ng kumain sina Elliot at Ben at kasalukuyan ng naninigarilyo sa sala. Dali-daling pinatay ni Ben ang sigarilyo nito sa ashtray nang makitang papalapit si Avery. “Oh, nandito ka pala, Miss Tate!”Tumungo lang si Avery at naglakad palapit kay Ben. “Pwede ko bang makausap si Elliot ng kaming dalawa lang?” Hindi inaasahan ni Ben na ganun ang maririnig niya mula kay Avery. ‘Pinapaalis niya na ba ako?’Napahiya si Ben kaya naiilang siyang tumayo at sinabi, “Ah, sige. Mauna na rin ako. Mag-usap na kayong dalawa. Kung gusto niyo maglakad sa
Hiding hindi hahayaan ni Avery na may umagaw sakanya ng kahit anong iniwan sakanya ng daddy niya at gagawin niya ang lahat para ipaglaban ang mga ito. Sobrang prangka ng pagkakasabi ni Avery kaya nagulat si Elliot. Hindi naman siya nasindak, sa totoo lang ay natatawa pa nga siya. “Bakit ka nakangiti?” Tanong ni Avery nang makitang ngumiti si Elliot. “Ikaw! Wow! sobrang yabang mo naman yata. Inaangasan mo ba ako? Ha ha! Mukhang ikaw ata ang naghuhukay ng sarili mong hukay!” Sagot ni Elliot. Kaya namang tanggapin ni Avery yung mayabang at maangas daw siya na sabi ni Elliot, pero hindi niya maintindihan kung anong ibig sabihin nito na naghuhukay siya ng sarili niyang hukay…“Bumalik ka na nga sa kwarto mo! Sumasakit ulo ko pag nakikita ka!”Bakas sa mukha at sa tono ng boses ni Elliot ang inis. “Bakit ako? Wala naman akong ginagawang masama sayo ah! Baka naman may sakit ka kaya masakit ulo mo!” Nag-aalalang sagot ni Avery. “Diba may family doctor kayo? Gusto mo bang
Nang maramdaman ni Avery na pababa si Elliot, nagmamadali siyang tumakbo pabalik sa kwarto niya. Nahihirapang huminga si Rosalie at pakiramdam niya ay malalagutan siya ng hininga anumang oras, pero nang makita niya si Elliot, medyo gumaan ang pakiramdam niya. “Elliot… Anak…”Pinilit ni Rosalie na lumapit kay Elliot, na siya namang nagmadaling saluhin ang ang nanay niya.“Divorce… makipag divorce ka na kay Avery Tate… Bukas na bukas… gusto kong magdivorce kayo kaagad.” Tumutulo ang luha sa mga mata ni Rosalie habang hirap na hirap siyang nagsasalita. “Patawad…Patawarin mo ako anak… Nabulagan ako… Hindi ko akalain na masamang babae pala ang ipinakasal ko sayo..”Pinunasan ni Elliot ang luha ng nanay niya gamit ang kanyang kamay at kalmadong sumagot, “Wag niyo na pong isipin ang tungkol sa amin Avery, Ma. At wag na rin pong intindihin si Cole.”“Pinutulan ng daliri si Cole…at sobra sobra siyang nasasaktan ngayon! Ang sabi niya, ikaw daw ang may gawin ‘nun… Pero anak alam ko
Kasalukuyang nagpapaultrasound si Avery sa isang liblib na ospital.“Malulusog ang mga baby mo… Kapag nag five months ka na, kailangan mong mag anomaly scan,” masayang sabi ng doktor.“Salamat po, Doc.” Nakangiting sagot ni Avery, na parang nabunitan ng tinik sa dibdib.“Wala yun! Sobrang close kami ng mommy mo noong nag’aaral pa kami,” Sagot ng doctor habang inaabot kay Avery ang kopya ng ultrasound scan niya. “Nabanggit niya sakin na ayaw daw sa kambal ng tatay nila, kaya dumayo ka pa dito sakin para magpacheck up… Pero Avery, hindi biro ang magpalaki ng dalawang bata!”Kinuha ni Avery ang kopya at magalang na ngumiti, “Okay lang po ako. Kakayanin ko po.”“Naniniwala ako sayo.”“Sige po, mauna na po ako. Tatawag nalang po ako sainyo kapag bibisita na kami ulit.” Paalam ni Avery bago siya maglakas palabas ng examination room. Nang makita ni Laura na papalabas ang anak, nakangiti itong lumapit, “Oh kamusta ang kambal? Okay naman daw ba sila?”“Normal naman po sila. Mom
“Mommy, nalalimutan niyo po bang buntis ako? Syempre ayaw ko pong basta-bastang uminom ng gamot. Gagaling din po yan, medyo kailangan ko lang takpan yung makeup ko sa ngayon pero ilang araw lang naman siguro.”“Hayyy.. Ikaw talaganf bata ka. O siya, matulog ka pa.” Tinapik ni Laura ang binti niya para sabihin kay Avery na humiga ulit. Umiling si Avery at sinabi, “Okay na po ako. Hindi na po ako inaantok. Mag’phone nalang una ako.”Pagkabukas niya ng kanyang phone, bumungad kaagad sakanya ang missed call ni Mrs. cooper. Gusto niya sanang tawagan ito para itanong kung anong nangyari pero masyadong maingay kaya naisip niya na kakausapin niya nalang ito pag’uwi. Nagpatuloy siya sa pag’scroll hanggang sa biglang nag pop up ang headline mula sa isa sa mga news app na nakadownload sakanyang phone. 'Cole Foster Carried Out of Casino in the Dead of the Night! Suspected of Owing a Loan Shark Money!' Huminga ng malalim si Avery at clinick ang headline. Tumambad sakanya a