Napaisip si Shea sa tanong ni Hayden. “Anong pruweba ang gusto mo?”Para kay Shea, hindi na kailangan patunayan ang ugnayan nila ni Elliot. SI Elliot ay kapatid niya, siya ay kapatid nito, lagi naman itong ganito.Sinabi ni Hayden ang mga tanong niya, “Sinasabi mo na akaptid ka ni Elliot, pero bakit wala ang pangalan mo sa family book ng mga Foster? May identification card ka ba? Ipakita mo to sakin.”Hindi sigurado si Shea kung may identification card siya, pero pwede niya ito hingiin sa kuya niya.“Ipapakita ko sayo ang pruweba!” Paninigurado niya kay Hayden, “Ako ang Aunt niyo.”Naniniwala si Shea sa lahat ng sinabi ni Mrs. White, dahil si Mrs. White ang nagsabi sa kanya na iisa lang sila ng nanay ng kapatid niya, at umamin din dito si Elliot.Kung galing sila sa isang nanay, edi magkapatid sila.“Hindi kita kikilalanin hangga’t hindi ka nagbibigay ng pruweba!” Cold na sabi ni Hayden, bago umalis dala ang plato.Pinanuod niya na umalis ito dahil parehas silang nawalan ng pas
Si Elliot ay halos patayin siya sa sakal, at si Elliot din ang laging nag-aaway sa mama niya; Kailanman ay hindi sila sinaktan ni Shea.Bumalik si Mike dala ang laptop. Nakangiti niyang binati si Shea pagkakita dito, “Hi, Shea!”Medyo naawkwardan si Shea habang nakatingin kay Mike.Ngumiti ito sa kanya, “Mag-isa ka lang?”“Darating ang kuya ko mamaya,” sabi niya.“Oh. Gumaling na ba ang sugat mo? Masakit pa ba ang ulo mo?” Inobserbahan ni Mike ang magandang wig nito at hinawakan ito.Umiling ito. “Hindi ito nasakit basta’t hindi ko hahawakan ito.”Sumandal sa kanya si Mike, bago hatiin ang buhok niya para ipakita ang sugat sa ulo niya. “Tingnan mo, parehas tayo ng sugat.”Nagulat si Shea nung una pero nakangiting tumango din ito. “May problema din ba sa ulo mo?”“Oo! Pero okay na ako ngayon, kaya magpagaling ka lang!”“Oo! May importante akong gagawin kapag gumaling ako!”“Oh? Ano yun?”Nanigas si Shea, at kaagad tumakbo sa mga bodyguards niya.Pagkatapos umalis ni Shea, s
“Kuya, may sarili ba akong identification card?” Tanong ni Shea.“Anong tinatanong mo ng walang dahilan?” Sagot ni Elliot.“Dahil lahat sila ay may sariling identification cards kaya gusto ko rin.”“Meron ka, pero nasa bahay.”“Oh… pwede mo bang ibigay sakin to pagkauwi natin ammaya?” Ngumiti si Shea.“Bakit kailangan mo ito?” Tinulungan siya ni elliot na humanap ng bakanteng upuan.“Ito ay identification card ko, so ako ang dapat magtago nito.” Binuksan ni Shea ang purse niya at nilabas ang bago niyang phone. “Kuya, bumili ako ng bagong phone. Pwede na ako tumawag ngayon.”“???” Tumingin si Elliot sa bodyguard.Kaagad na nagpaliwanag ang bodyguard, “Binili ito ni Miss Shea nung namimili siya kahapon. Niregister niya din ang sim card nito gamit ang identification card ni Mrs. Scarlet.”Sobrang laki ng pinag-iba ni Shea at medyo nagulat si Elliot. Proud siya sa naging progress nito kaya sinabi niya, “Shea, pwede kang kumuha ng sim card gamit ang sarili mong identification card.
“Anong ginagawa mo dito? Nandito ka ba para sa drama?” Pang-aasar ni Mike.Hindi pinansin ni Elliot si Mike at naglakad papunta sa bakanteng upuan sa tabi ni Avery.Nanginig ng bahagya ang mga pilikmata ni Avery habang sinasabi, “Upuan yan ni Eric.”“Upuan ko ito!” Pagalit nitong sinabi. “Huwag kang mag-alala. Nasa table na ito rin siya.”Narealize ni Avery na baka pinapalitan nito kay Jun ang upuan niya.Pagkaupo ni Elliot, lumapit si Shea at umupo sa tabi niya.Pagkakita na hindi komportable si Avery, kaagad na tumayo si Mike para makipagpalit; pero bago pa siya makapagsalita, nauna na si Shea.“Mike, pwedeba ako makipagpalit ng upuan sayo?”Si Mike ay katabi ni Hayden at gusto niyang tumabi dito.Hindi alam ni mike kung paano tatanggihan si Shea at hindi rin siya binigyan ng chance nito na tumanggi kaya naman, diretso itong pumunta kay Mike at walang choice si Mike kung hindi ibagay ang pwesto niya.Pagkatapos, wala na silang magagawa dahil kapag nakipagpalit siya kay Aver
Inilarawan ni Elliot ang mga sintomas ni Avery sa family doctor sa mga texts kanina, at sinabi ng doktor na baka may sakit ito, o baka buntis.Kaagad namang inalis ni Elliot ang naunang option, si Avery ay doktor; kaya kapag may sakit siya, paniguradong hindi ito pupunta sa kasal, mas lalo na ang bachelor’s party bago nitoPero ano pa ba ang makakapagpapayat sa isang tao sa loob ng maikling panahon kung hindi sila terminally ill?Maliban pa dito, malinaw naman na kayang kumain ni Avery; iniiwasan niya lang ang mga karne at ang tanging kinakain lang ay prutas at gulay. Hindi ba ito sintomas ng pagbubuntis?Ang lahat ng nasa table ay nagulat sa sinabi ni Elliot.Si Mike ay medyo naitita at nagulat nung nahalata ito kaagad ni Elliot; kaya sinabi niya, “Hindi buntis si Avery.”Si Avery ay hindi alam ang gagawin. Ayaw niyang tumingin kay Elliot, pero nararamdaman nyang nakatingin ito sa kanya. Pwede siyang magsinungaling katulad ni Mike, pero hindi niya kaya, madali lang kasing malama
Ngayon lang nalaman ni Elliot ang tungkol sa pagbubuntis ni Avery. Nanlilisik ang mga mata ni Avery nang tignan si Elliot ng diretso sa mga mata, “Sobrang baba talaga ng tingin mo sa akin ‘no!”Sa isip ni Avery, ‘Sino sa tingin mo ang tatay ng batang ‘to? Si Eric? O Si Mike?’“Kung ako ang tatay ng batang yan, bakit hindi mo sinabi sa akin?!” Walang kaalam alam si Elliot na naiinsulto si Avery sa pagtatanong niya. Hindi ito ang unang beses na tinago ni Avery na nagdadalang tao ito kaya nagagalit si Elliot dahil pakiramdam niya ay paulit-ulit nalang siyang ginagawang t*ng* ni Avery.“Hindi ka ba talaga napapagod sa ganito, Elliot?” Galit na galit si Avery. “Kasi ako….pagod na pagos na ako… Kasi wala na akong ginawang tama para sayo! Palagi ka nalang nagagalit sa akin! Anong tingin mo sa akin? Ano ba talaga ako para sayo?!”Pagkatapos magsalita, pinindot ni Avery ang button sa loob ng elevator at hindi nagtagal ay nagsarado ito.Nakatulala lang si Elliot at nahimasmasan nalang s
Mangiyak-ngiyak ang mga mata ni Avery sa galit. “At ano naman sayo kung magpalaglag ako?” Nagulat si Elliot sa naging sagot ni Avery at parang may bumara bigla sa lalamunan niya na hindi siya makapagsalita. “Wala pang three months ang baby at wala pang kasiguraduhan na mabubuhay siya! Kung ipagpapatuloy mo ang pang gagalit sa akin araw araw, sigurado ako na hindi kakayanin ng batang ‘to.” Nakita ni Avery kung paano natigilan at hindi makapag salita si Elliot kaya sinamantala niya ang pagkakataon na sabihin kung anong gusto niyang sabihin.Gusto sanang magsalita ni Elliot pero hindi niya nalang tinuloy dahil alam niyang mas magagalit lang si Avery sakanya at sobrang natatakot siya na ituloy nito ang plano nito. Sa kabilang banda, alam niya naman na hanggang salita lang si Avery dahil ang dami nitong pagkakataon noon na ipaglaglag ang bata pero bakit hindi nito ginawa? Sobrang laki ng pinayat ni Avery dahil sa mga morning sickness na tiniis nito ng palihim at isa lang ang ibig sab
Naglakad si Elliot papasok sa sala at hinintay niya si Avery na sumunod. “Ano pa bang gusto mong pag usapan?” Dumiretso si Avery sa hagdanan dahil gusto na sana niyang umakyat para matulog. “Matutulog ka ba?” Pinagmasdan ni Elliot si Avery. Sobrang payat nito. “Oo. Pero sige mag usap nalang tayo kasi gusto mo diba?”Nakatayo lang si Avery sa hagdanan. Gustong gusto niya ng umiwas kay Elliot dahil sa tuwing naamoy niya ito, sobrang dami niyang naalala… mga alaalang habang buhay na nakatanim sa puso niya, pero ganunpaman, pakiramdam niya ay sobrang lupit sakanila ng tadhana na pinipilit silang paglayuin. “Matulog ka na!” Umuwi si Elliot sa sofa. “Aalis na rin ako maya-maya.”“Oh…” Hindi na nakipagtalo si Avery at umakyat na siya. Nang makaakyat na si Avery, tumayo si Elliot. Doon niya lang napagtanto kung gaano siya naging maka sarili. Kahit kailan, hindi niya manlang sinubukang intindihin si Avery at kung ano ba talagang gusto nito. Ang buong akala niya ay naibigay niya na a