Inilarawan ni Elliot ang mga sintomas ni Avery sa family doctor sa mga texts kanina, at sinabi ng doktor na baka may sakit ito, o baka buntis.Kaagad namang inalis ni Elliot ang naunang option, si Avery ay doktor; kaya kapag may sakit siya, paniguradong hindi ito pupunta sa kasal, mas lalo na ang bachelor’s party bago nitoPero ano pa ba ang makakapagpapayat sa isang tao sa loob ng maikling panahon kung hindi sila terminally ill?Maliban pa dito, malinaw naman na kayang kumain ni Avery; iniiwasan niya lang ang mga karne at ang tanging kinakain lang ay prutas at gulay. Hindi ba ito sintomas ng pagbubuntis?Ang lahat ng nasa table ay nagulat sa sinabi ni Elliot.Si Mike ay medyo naitita at nagulat nung nahalata ito kaagad ni Elliot; kaya sinabi niya, “Hindi buntis si Avery.”Si Avery ay hindi alam ang gagawin. Ayaw niyang tumingin kay Elliot, pero nararamdaman nyang nakatingin ito sa kanya. Pwede siyang magsinungaling katulad ni Mike, pero hindi niya kaya, madali lang kasing malama
Ngayon lang nalaman ni Elliot ang tungkol sa pagbubuntis ni Avery. Nanlilisik ang mga mata ni Avery nang tignan si Elliot ng diretso sa mga mata, “Sobrang baba talaga ng tingin mo sa akin ‘no!”Sa isip ni Avery, ‘Sino sa tingin mo ang tatay ng batang ‘to? Si Eric? O Si Mike?’“Kung ako ang tatay ng batang yan, bakit hindi mo sinabi sa akin?!” Walang kaalam alam si Elliot na naiinsulto si Avery sa pagtatanong niya. Hindi ito ang unang beses na tinago ni Avery na nagdadalang tao ito kaya nagagalit si Elliot dahil pakiramdam niya ay paulit-ulit nalang siyang ginagawang t*ng* ni Avery.“Hindi ka ba talaga napapagod sa ganito, Elliot?” Galit na galit si Avery. “Kasi ako….pagod na pagos na ako… Kasi wala na akong ginawang tama para sayo! Palagi ka nalang nagagalit sa akin! Anong tingin mo sa akin? Ano ba talaga ako para sayo?!”Pagkatapos magsalita, pinindot ni Avery ang button sa loob ng elevator at hindi nagtagal ay nagsarado ito.Nakatulala lang si Elliot at nahimasmasan nalang s
Mangiyak-ngiyak ang mga mata ni Avery sa galit. “At ano naman sayo kung magpalaglag ako?” Nagulat si Elliot sa naging sagot ni Avery at parang may bumara bigla sa lalamunan niya na hindi siya makapagsalita. “Wala pang three months ang baby at wala pang kasiguraduhan na mabubuhay siya! Kung ipagpapatuloy mo ang pang gagalit sa akin araw araw, sigurado ako na hindi kakayanin ng batang ‘to.” Nakita ni Avery kung paano natigilan at hindi makapag salita si Elliot kaya sinamantala niya ang pagkakataon na sabihin kung anong gusto niyang sabihin.Gusto sanang magsalita ni Elliot pero hindi niya nalang tinuloy dahil alam niyang mas magagalit lang si Avery sakanya at sobrang natatakot siya na ituloy nito ang plano nito. Sa kabilang banda, alam niya naman na hanggang salita lang si Avery dahil ang dami nitong pagkakataon noon na ipaglaglag ang bata pero bakit hindi nito ginawa? Sobrang laki ng pinayat ni Avery dahil sa mga morning sickness na tiniis nito ng palihim at isa lang ang ibig sab
Naglakad si Elliot papasok sa sala at hinintay niya si Avery na sumunod. “Ano pa bang gusto mong pag usapan?” Dumiretso si Avery sa hagdanan dahil gusto na sana niyang umakyat para matulog. “Matutulog ka ba?” Pinagmasdan ni Elliot si Avery. Sobrang payat nito. “Oo. Pero sige mag usap nalang tayo kasi gusto mo diba?”Nakatayo lang si Avery sa hagdanan. Gustong gusto niya ng umiwas kay Elliot dahil sa tuwing naamoy niya ito, sobrang dami niyang naalala… mga alaalang habang buhay na nakatanim sa puso niya, pero ganunpaman, pakiramdam niya ay sobrang lupit sakanila ng tadhana na pinipilit silang paglayuin. “Matulog ka na!” Umuwi si Elliot sa sofa. “Aalis na rin ako maya-maya.”“Oh…” Hindi na nakipagtalo si Avery at umakyat na siya. Nang makaakyat na si Avery, tumayo si Elliot. Doon niya lang napagtanto kung gaano siya naging maka sarili. Kahit kailan, hindi niya manlang sinubukang intindihin si Avery at kung ano ba talagang gusto nito. Ang buong akala niya ay naibigay niya na a
Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nakatalikod siya kaya wala siyang ideya sa kung anong ginagawa nito sa tabi niya. ‘Anong gagawin ko kapag may ginawa siyang masama sa akin?’ Sari-sari ang pumasok sa isip niya.Nakiramdam siya ng ilang minuto pero laking gulat niya na hindi ito gumagalaw. Nararamdaman niya ang mainit nitong hininga na pabagal ng pabagal. Hindi nagtagal, dahan-dahan itong yumakap sakanyang bewang kagaya ng pagyakap nito noong sobrang mahal pa nila ang isa’t-isa. Dahan-dahan siyang dumilat at nakatulala lang habang inaalala ang maganda nilang naraan. Hindi niya na namalayan kung gaano katagal na siyang nakatulala nang magumpisang tumulo ang luha mula sakanyang mga mata, habang si Elliot ay mahimbing na natutulog sakanyang tabi.Dahan-dahan niyang inalis ang kamay nito sa pagkakayakap at umupo. Pagkatapos, pinunasan niya ang kanyang mga luha habang nakatitig sa mukha ni Elliot. Nang mapatitig siya sa dibdib ni Elliot, gusto niya sanang makita ang sugat
“Bakit mo tinatanong yan?” Ayaw na ni Elliot na makipag away dahil para sakanya, wala ng mas mahalaga ngayon kundi ang kapakanan ng anak nila.“Bakit naman hindi? Hindi dahil hindi natin napa uusapan ay hindi na natin kailangang pag usapan!” Alam ni Avery na hindi magandang magpabalik-balik sa mga nangyari sa nakaraan pero naniniwala rin siya na may mga bagay na kailangan nilang iklaro hanggat maaga para hindi na ito humambalang sakanila sa mga susunod na araw. Niyakap ni Elliot si Avery at mahinahong sinabi, “Akala ko ba gusto mong matulog. Nagising ba kita?”Nang marmdaman ni Avery na dumampi ang mukha niya sa dibdib ni Elliot, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso kaya bigla niya itong itinulak at nagmamadaling humiga ng nakatalikod dito. Habang pinagmamasdan ang sobrang payat na katawan ni Avery, bigla siyang nalungkot. Ayaw nitong sabihin sakanya kung anong sinabi ng mommy niya rito bago ito mamatay kaya gustuhin niya mang tanungin si Avery ulit, natatakot siya na baka m
Tinignan ni Avery si Mike. “Hindi mo ba ako kayang hayaang kumain ng mapayapa? Wala kaming pinag usapang kahit ano!” “Eh anong pinag usapan niyo buong araw?” Nanlalaki ang mga mata ni Mike sa galit. “Bakit siya galing sa taas? Wag mong sabihing natulog siya sa kwarto mo?” “Ginanyan ba kita noong pinatulog mo dito si Chad?”“Boyfriend ko si Chad! Bakit? Boyfriend mo ba si Elliot Foster? Ang pagkakaalam ko kasi ex husband mo siya at magkaiba yun sa boyfriend! O baka naman nagkabalikan na kayo?”Nagulat si Avery sa sinabi ni Chad. Kumunot ang kanyang noo at inirapan ito. “Nakakainis ka na!” “O siya, bahala ka sa buhay mo! Hindi na ako magsasalita. Kumain ka na jan.” Sagot ni Mike. Sobrang nalulungkot talaga siya kapag nakikita kung gaano kapayat si Avery.Kinuha ni Avery ang kutsara at tinikman ang sabaw.Mainit-init pa ito.Napansin ni Avery na nakatitig sakanya sina Hayden at Layla kaya bigla siyang nahiya. “Bakit kayo nakatigin sa akin?”“Mommy, mamahalin mo pa rin ba kam
Tumungo si Shea at sumagot, “Itatago ko ‘to sa kwarto ko. Hindi ko ‘to mawawala.”“Good. Nag dinner ka na ba?” Nakangiting tanong ni Elliot. “Tapos na! Sabay kaming kumain ni Hayden sa hotel.”“Napansin ko na parang gustong gusto mo si Hayden.” Naalala niya na nakipagpalit si Shea kanina ng upuan kay Mike para makatabi nito si Hayden.Hindi niya yun inaasahan kasi sa tuwing lumalabas sila, ayaw na ayaw nitong umaalis sa tabi niya. “Gusto ko si Hayden at Layla.” Sagot ni Shea. Malakas ang kutob ni Shea na hindi lang si Hayden ang pamangkin niya at pati rin si Layla! Kaya nga naiintindihan niya kung bakit ganun kaclose sina Hayden at Layla kasi ganun na ganun din sila ni Elliot. Hindi maiwasang maalala ni Elliot yung araw na sinakal niya ng mahigpit at muntik niya ng mapatay si Hayden.Noong nagkita sila kanina, hindi siya tinignan nito kahit isang beses. Halatang iniiwasan siya nito. Sigurado si Elliot na sobrang natraumatize niya yung bata. At hanggang ngayon ay sob