Nahihiyang sumagot si Avery, “Ganun ba? Ilusyon mo lang ‘yan.”Matapos kumain, kinuha niya ang phone niya at tinext si Eric, tinanong niya kung pwede ba siya sa ika-una ng Mayo.Hindi niya inaasahang sasagot ito kaagad.Matapos magpaliwanag kung anong mayroon, mabilis itong sumang-ayon.“Tammy, pupunta raw si Eric saa kasal mo.”Matapos niyang sabihin ‘yon, maririnig ang pagkasabik ng mga kasama!Sabik na sabik sina Tammy, Lisa, at Ellie.Sa isang iglap, sinabi ni Tammy kay Jun ang balita.Sinabi naman ni Jun kay Ben ang balita.“Sabi ng asawa ko si Avery ang nag imbita,” masama ang loob na sabi ni Jun, “Parang ayaw ko na magpakasal. Tagasuporta ng asawa ko si Eric… sobra! Pati ‘yung mga kaibigan niya… O sabihin na nating halos lahat ng babae. Pag dumating ang panahon, sino ang titingin sa akin? Lahat sila titingin kay Eric! Bilang groom, mananakawan ako ng atensyon. Ibang iba ito sa kasal na naisip ko!”Masama ang loob ni Jun, pero hindi niya sinabi kay Tammy.Na
Syempre, hindi sinagot ni Avery ang tanong na 'yon. Hindi rin siya nagpakita ng sobrang pagtanggi, kaya may pahiwatig niyang sabi, "Hindi mo na dapat binanggit ang kahit anong tanong na may kinalaman sa kanya. Natatakot ako na kapag dumating ang oras, hindi na maayos maibabahagi ang magazine."Ang sagot niya ang nagpamulat sa mga nakiki-usyosong staff sa katangahan nila. "Sige, Miss Tate. Nag-aral ka ng medisina. Bakit mo naisipang magsimula ng sariling negosyo pagkatapos magtapos? Ano ang nag-udyok sa'yo para piliin na mag-negosyo?"Kinunot ni Avery ang kanyang kilay ng kaunti sa tanong na iyon. Kung sasagutin niya ito ng seryoso, aabutin siya ng higit isang araw at gabi para tapusin ang istorya niya. Plano niyang harapin sila hangga't maari. Nang ibubuka na niya sana ang bibig niya para magsalita. isang hindi mapigilang nasusukang pakiramdam ang bigla niyang naramdaman. Tinakpan niya ang kanyang bibig gamit ang isang kamay at nagmadali patungo sa labas ng washroom. "M
Tinulak niya ang phone palayo sa kanyang tenga nang sumakit ang balunbunan niya ng konti. "Avery Tate! Huwag ka nang magmaang-maangan! Dali at sabihin mo sa akin! Sinong ama ng pinagbubuntis mo? Ah! Mababaliw na ako! Nasaan ka ngayon! Hahanapin kita! Gusto kong ipaliwanag mo ang lahat sa akin harap-harapan!" Hindi mapigilan ni Avery na matawa sa reaksyon ni Tammy. "Nasa bahay na ako ngayon. Huwag mo na akong hanapin. Magpapahinga ako pagkatapos ng tawag na 'to," tamad na sabi ni Avery, "Kaninong anak pa kaya ang dinadala ko... Sinasabi ko sa'yo ang tungkol dito dahil nagiging malala na ang morning sickness ko. Kahit ang pagkain ay problema rin, pati ang pag-inom... Kung may mag-uudyok lang sa'king uminom sa kasal mo, kailangan kitang guluhin para tulungan akong harangan ang mga 'yon."Napagkasunduan nila noon na magsaya sa bachelorette party ni Tammy sa gabi bago ang kanyang kasal. Sa oras na magtipon tipon ang grupo, siguradong walang tigil ang inuman doon. "Buntis ka kaya ma
Medyo nagulat si Ben sa sagot ni Elliot. "Napag-isipan mo na?" biro ni Ben, "Matagal mo na sanang pinag-isipan. Alam mo ba ang sinabi niya kay Chad? Sinabi niya na dahil binalik mo sa kanyang ang sweater, susuotin niya ito kung kailan niya gusto. Tama siya, pero sinabi niya rin na baka suotin niya ito sa date niyo sa susunod."Pumuti ang mga kamao ni Elliot sa mahigpit na hawak sa mga kubyertos."Sa tingin mo ba may pakialam ako?"Sabi ni Ben, "Sinusubukan ko lang na kalimutan mo siya?""Kung gano'n, bakit mo siya binabanggit?" tinangay niya si Ben sa malamig niyang titig. "Huwag mong banggitin ang tungkol sa kanya ulit. Hindi ako interesado.""Mabuti! Nag-aalala pa rin ako na hindi ka pa tapos sa kanya." Bumuntonghininga si Ben sa ginhawa. "Nakakalungkot na bawal kang uminom. Iinumin ko na lang sila mag-isa."Tumungo si Ben sa maliit na bar at kinuha ang isang bote ng wine. Kalaunan, natapos ni Elliot ang pagkain niya. Binaba niya ang mga kubyertos at iniwan ang kusina.Hawak
Pagkaconnect ng tawag, mabilis na ipinaliwanag ni Elliot ang sitwasyon ni Shea at tinanong, “Totoo ba na gagaling siya ng hindi naooperahan?”Sa kabilang linya, walang lakas ng loob na manigurado ang doktor. “Magandang bagay ito, pero hindi ko masisigurado na patuloy siyang gagaling. Ang isa lang na sigurado ako ay mas makakasama sa kanya ang pagpapa-opera..”Alam ito ni Elliot. Dinala na niya si Shea sa ibang mga doktor pagkatapos ng dalawang craniotomies na ginawa ni Zoe dito. Nakailang opera na rin si Shea simula nun, at si Elliot ay nasa hindi magandang posisyon.“Mr. Foster, nagpakonsulta na ba kayo kay Doctor Stanford?” Tanong ng family doctor.“Hindi pa.”“Oh… kung ayaw mong ipagpatuloy ni Doctor Stanford ang treatment ni Shea, pwede mong tanungin si Avery Tate. Nakita ko ang performance ni Eric Santos pagkatapos niya bumalik mula sa break, at magaling siya… maliban sa hindi na siya ganun kagaling sumayaw katulad ng dati, pero, magaling pa rin siya kumanta, kaya ang ibig sa
Tinulungan ni Tammy si Avery na makapasok sa kotse at sumunod si Mike sa likod nito at lumapit para ipaalala sa kanya, “Gisingin mo siya, Tammy! Ayaw niyang kumain kasi nakadiet siya! Hindi ito tama, pero hindi niya mapansin kung gaanong kalalang issue ito! Tingnan mo kung gaano kalaki ang pinayat niya! Dati ay nakakapaglakad pa siya sa paiko pero ngayon, ni hindi siya nagalaw…”Tinapik ni Tammy ang balikat ni Mike. “Kakausapin ko siya. Huwag kang mag-alala. Gusto niyang magdiet ngayon, pero baka magbago din ang isip niya.”“Oh… bakit hindi niyo rin ako inimbitahan today?” Nainggit si Mike.“Dahil kailangan mo alagaan ang mga bata!” sabi ni Tammy.“...”Pagkapasok ni Tammy sa kotse, kumaway siya kay Mike. Sinara niya ang pinto ng kotse at umalis.Humiga si Avery sa likod at tinanong, “Inimbitahan niyo si Chad?”“Bakit ko naman gagawin yun? Assistant siya ni Elliot… Hindi ako nag-imbita ng kahit sinong may kinalaman kay Elliot, kasama na ang senior ng asawa ko, si Ben…”Hindi ma
Dahil naiintriga siya kay Avery, nag-isip muna si Ben bago magsend ng message kay Jun.‘Picturan mo siya ng nakaharap at isend mo to sakin.’‘Hindi mo naman iniisip na isend ito kay Elliot no?’‘Bilisan mo!’May mga heaters sa loob ng mansyon kaya medyo mainit.Sila Tammy at Avery ay nagtanggal ng mga jackets at umupo sa sala.Naghanda si Tammy ng maraming prutas at dinisplay ito kay Avery.Gulat na pinili ni Avery ang peach at sinabi, “Akala ko ay hindi pa season ng peaches.”“Pwede mo naman ito kainin kahit kailan basta’t may pera ka. Try mo!” panghihikayat ni Tammy.Nakangiting tumango si Avery.Ginrab ni Jun ang chance at pinicturan siya habang nakain ng peach.Maganda ang naging resulta nito; ang structure, lighting, at ang buong picture ay sobrang perfect. Si Avery ay mukhang seductive at adorable sa picture na ito.Sinend ni Jun ang picture kay Ben at hindi mapigilin ni Ben na mapasigaw pagkakita nito.‘Totoo ba ang mga brasong yan?’Ang suot na dress ni Avery sa l
Hindi na kumatok si Ben bago pumasok sa office ni Elliot.Kaagad namang nilapag ni Elliot ang phone niya pagkarinig dito.“Ahem! Elliot, aksidente ko palang nasend sayo ang picture ni Avery…” mapagkunwaring sabi ni Ben.Tumingala si Elliot. “Wala akong gagawin na kahit na ano sayo kahit na sabihin mo na ito ng diretso at sinadya mo talagang gawin ito.”Awkward na tumawa si Ben. “Sabi ni Jun ay namayat daw ng sobra si Avery, na halos mukhang may sakit ito. Hindi ako naniwala dito, pero nagpadala siya ng picture nito.”“Sa tingin ko ay wala talagang sakit base sa pagtawa mo ngayon lang.”Nanigas ang ngiti sa mukha ni Ben, “Umm… narinig ko na sinusubukan niya magpapayat. Determinado siya. Maraming paraan para mamayat pero napili niyang magdiet. Hindi ba’t doktor siya? Alam ba niya na hindi maganda ang hindi pagkain? Pakiramdam ko ay nawawala na siya sa sarili… Halos kaparehas nito yung pagkagulat ko sa sandaling sinubukan ka niya patayin.Nawala ang composure sa mukha ni Elliot hab