Umiling si Avery. "Gusto kong lumabas.""Kung gano'n, sabihin mo sa'kin kung masakit ang paa mo. Huwag mong pilitin 'yan.""Alam ko.""Avery, kung alam ko lang na maraming mga miserableng bagay ang mangyayari sa atin kapag bumalik tayo sa bansang 'to, hindi na kita papabalikin," tinulungan siya ni Mike papunta sa sasakyan. "'Nong nasa Bridgedale tayo, maayos ang lahat. Hindi ako kailanman nag-alala sa'yo. Sino ang mag-aakala na ang pagbalik mo ang magbibigay sa akin ng walang katapusang pag-aalala."Umamo ang mukha ni Avery. "Bakit hindi ka bumalik sa Bridgedale!""Hindi 'yon ang ibig kong sabihin!""Alam ko 'yon. Sa tingin ko kaya kong hawakan ang trabaho rito. Kailangan mong bumalik sa Bridgedale-""Sumama ka sa'kin.""Hindi ako babalik. Mas gusto ko ang bansa ko kaysa sa pagmamahal ko sa Bridgedale."Umismid si Mike. "Kung gano'n, hindi na rin ako pupunta. Pupunta ako kung nasa'n ka.""Miss mo si Chad, 'no?""Bakit mo ba siya binabanggit? Binlock niya ang mga tawag ko." T
Buntis si Avery!Base sa report, nabuntis siya sa gabi nang sinaksak ni Elliot ang sarili niyang puso. Hindi maari! Hiwalay na sila, pero nandito siya at buntis sa anak niya. Walang masabi si Avery o mailabas na emosyon sa gulat na naramdaman. Pinapaalala nito ang oras noong pinagbubuntis niya si Hayden at Layla. Sobrang nawasak ang puso niya.Noon, nilalabanan ni Elliot ang divorce. Ngayon, iba na ang mga bagay. Malaya na siya sa pinansyal. Kaya niyang palakihin ang mga bata nang siya lang mag-isa. Hindi na mahalaga kung isa, dalawa, o tatlo. Kaya niyang palakihin itong lahat. Gayunpaman, kailangan niya bang sabihin kay Elliot ang tungkol sa bagay na ito?Tsaka, noong nagpalaglag si Zoe, sinisisi niya ang lahat kay Zoe, pinipilit na bigyan siya ng sanggol bilang balik. Kahit na hindi na sila magkasama, paano kung subukan niyang makipagkita kay Zoe dahil hindi siya nito binigyan ng anak?Nakita ni Mike ang pagkabalisa niya mula sa gilid ng kanyang mga mata. Agad niyang sinarado
Kay Avery, lumalaki ang isang maliit na buhay sa tiyan niya. Gayunpaman, mula sa puntong iyon, wala siyang nararamdaman na kahit ano. Noong pinagbubuntis niya sina Layla at Hayden, ang mga sintomas ng maagang pagbubuntis niya ay halata na. Sa isipang iyon, isang bagong problema ang lumitaw. Nang pinagbubuntis niya ang batang ito, nasa matinding depresyon siya. Tsaka, dahil sa mga galos niya, umiinom sa ng madaming antibiotics. Kinunot ni Avery ang kanyang noo. Hindi siya makahinga sa sobrang wasak ng puso niya. Huminto ang taxi sa tapat ng bukana ng ospital.Nagbayad si Avery at lumabas ng taxi. Nag-register siya sa gyenocology department. Pagkatapos ipaliwanag ang sitwasyon sa doktor, binigyan siya ng isang ultrasound request form ng doktor. Kinuha niya ang form sa ultrasound room at naghintay. Pagkatapos na apatnapung minuto, siya na ang tinawag. Ilang minuto ang lumipas, umalis siya ng ospital kasama ang resulta sa kanyang kamay. Tulad ng inaasahan niya, buntis siya
Nang nakita ng gwardiya si Avery, akala niya ay namamalik-mata siya. Sobra ang naging away nila ni Elliot. Gaano kalakas ang loob niyang ipakita pa rin ang sarili niya? Noon, kapag nakita siya ng gwardiya, agad siya nitong papapasukin. Sa pagkakataong iyon, hindi binuksan ng gwardiya ang pinto para sa kanya. "Nandito si Avery Tate. Nakatayo siya sa labas ng gate," sabi ng gwardiya. Napahinto si Mrs. Cooper. "Oh, lalabas ako." Pagkatapos ibaba ang tawag, lumabas si Mrs. Cooper para tingnan. Wala pang ulap ang kalangitaan 'nong nakaraan, sa pagkakataong iyon, madilim ang kapaligiran at maulap. Hindi pinapasok ni Mrs. Cooper si Avery, naglakad siya patungo sa gate. "Avery," madilim ang ekspresyon ni Mrs. Cooper. "Nandito ka ba para makita si Mr. Foster?" Alam niya na si Avery ang nanakit kay Elliot, kaya wala siyang awa o kahit na anong pakiramdam kay Avery sa oras na 'yon.Halos mawala ni Elliot ang buhay niya ngayon. Siguradong ayaw na niya makita si Avery muli. Tumango s
Kung hindi siya nakita o naisip ni Elliot, makakakain siya, tulog, at mabuhay tulad ng normal na tao. Gayunpaman, sa oras na maisip niya si Avery, nagkakaroon ng sintomas ang katawan niya. Ilang sandali ang lumipas, isang katok ang dumating sa pinto niya. Pumasok si Elliot sa kanyang kwarto mula sa balcony. Binuksan niya ang pinto ng kwarto. Nakatayo si Mrs. Cooper sa labas. "Sir, dumating si Avery ngayin lang. Sabi niya ay gusto ka niyang makita. Tinanong ko siya kung bakit, pero hindi niya sinabi sa akin," ani Mrs. Cooper, "Umalis siya.""Nakita ko." Kalmado ang ekspresyon ni Elliot. Malamig ang boses niya. "Oh, sa susunod na pumunta siya, dapat ko ba siyang papasukin?" tanong ni Mrs. Cooper. "Hindi." Pagkatapos ng maikling sandaling katahimikan, bulong niya. ...Nang nakauwi na si Avery, basang-basa siya. "Mommy, bakit po basang basa ka? Hindi ka po ba nagdala ng payong?" Bigong sabi ni Layla. Tinulak siya ni Mike sa taas, "Dali maligo ka. Baka magkasakit ka."T
Nag-aalala pa rin si Avery sa bata sa sinapupunan niya, Bago niya masigurado kung malusog ang bata o hindi, gusto niya munang ituwid ang sitwasyon. Wala siyang pakialam kung huli nang gawin ito o hindi, ang mahalaga ay gumaan ang pakiramdam niya. Nagsuot si Avery ng jacket at umalis dala ang payong. Paglabas niya ng lugar, halos tatlong minutong lakad paalis, mayroong pharmacy doon.Bumili siya ng isang bote ng folic acid at nilagay ito sa kanyang bulsa. Naglalakad siya sa ulan kasama ang nakabukas na payong. Kahit na malakas ang ulan, hindi siya nilalamig. Tagsibol ngayon. Ang tagsibol ang oras kung saan bumabalik sa buhay ang lahat. Ito ang panahon ng pag-asa. Umaasa siya na malusog ang bata sa tiyan niya ay kasing lusog nina Layla at Hayden. Hangga't malusog ang bata, ipapanganak niya ito. Tulad ng nasa isipan ni Elliot, wala nang mas importante. Habang nasa ilalim ng ulan sa hapon ang tumulong sa kanyang madiskubre. Ang buhay ni Elliot at sa kanya ay dalawang magkatula
Pagkatapos umikot ng ilang oras pa, kinuha ulit ni Avery ang kanyang phone at tumingin ulit sa oras. Pasado madaling araw na, papalapit na ito. Gayunpaman, hindi siya makatulog. Ganap na gising siya magdamag. Sa kilos niya, hinila ni Avery ang aparador ng kanyang nightstand at kumuha ng melatonin dito. Binuksan niya ang bote. Nang lulunukin na niya sana ang tableta, ang folic acid sa kanyang kama ang nagpahinto sa kanya! Agad niyang tinapon ang tableta sa basurahan. Kailangan niyang matulog. Para ito sa bata sa sinapupunan niya. Sa sumunod na araw ng alas otso ng umaga, pagkatapos ihatid ni Avery ang mga bata sa kindergarten, bumili siya ng almusal pauwi. Sa pagkakataong iyon, lumabas si Chad sa kwarto ni Mike. Nagmadali siyang ibutones ang kanyang shirt at mabilis na naglakad. Kailangan niyang planuhing umalis bago malaman ni Avery. "Chad, binilhan kita ng almusal," magalang na sabi ni Avery. Hindi nakapagsalita si Chad. Nang marinig ang boses ni Avery, lumabas si Mike
Tinulak pabukas ang pinto ng opisina. Nang nakita ni Ben na bayolente siyang umuubo, agad siyang tumungo at binigyan siya ng isang baso ng tubig. "Huwag kang pumasok kung hindi pa talaga magaling ang katawan mo! Hindi ka talaga nakikinig sa doktor."Nilapag ni Elliot ang baso sa lamesa at pumunta sa washroom. Gusto siyang sundan ni Ben, pero nakita niya ang naka-play sa screen ng computer ni Elliot mula sa gilid ng kanyang mga mata. "Eric, kuryoso ang lahat kung bakit mong pinili makipag-ugnayan sa Tate Industries? Dahil ba malaki ang bayad nila?" humalakhak ang reporter at nagtanong. Tumingin si Eric kay Avery at ngumiti. Nang sasagot na sana si Avery, sabi ni Avery, "Hindi. Sinabi ni Eric na aalis siya sa industriya ng tatlong taon. Sa pagkakataong 'yon, para siyang bagong datin, kaya tumulong siya ng kaunti sa amin."Mayroong hiyawan sa ibaba ng entablado. "Miss Tate, paano mo nakilala si Eric? Malapit ba kayo sa isa't isa? Kita ko na nakasuot kayong pareho ng cream sweater