"Laging mayroong pakulo 'yang si Sabrina!" malamig na sabi ni Wanda. Kahit hindi si Eric ang pinakamainit na artista sa oras na 'yon, minsan na rin siyang naging ganoon! Ang official comeback niya sa araw na 'yon ay kahindik-hindik sa buong entertainment industry!Hindi maintindihan ni Wanda kung bakit gustong tulungan ni Eric si Avery. Noon, nag-tweet siya para sa Tate Industries, sinasalba ulit sila. Sa oras na 'to, talagang sumulat siya ng kanta para sa kanila! Kahibangan!Tinipa ni Wanda ang numero ni Zoe. Agad na nasagot ang tawag. "Zoe, alam mo ba kung bakit tinutulungan ni Eric si Avery? Sikreto ba silang nagsasama?"Nanonood din si Zoe ng live stream. Hindi rin maganda ang nararamdaman niya. Hindi lang magaling si Eric. Sobrang gwapo rin niya. Mahihirapan ang mga babaeng tiisin ang pang-aakit niya. "Sinabi na niya sa atin ang sagot ngayon lang sa live stream," malamig na sabi ni Zoe, "Sabi niya na nakilala niya si Avery noong may sakit siya."Hindi maintindihan ni
Nakikita iyon ni Elliot. Talagang maayos lang si Avery....Pagkatapos pumasok ni Avery sa sasakyan, kinuha niya ang flask mula sa kanyang likuran, inalis ang takip, at uminom ng maligamgam na tubig. Naghintay si Mike na matapos siyang uminom bago pinaandar ang sasakyan. "Anong kakainin nating tanghalian?" tanong niya. Sabi ni Avery, "Hindi pa oras ng tanghalian, hindi ako gutom."Sagot ni Mike, "Kailangan pa rin nating mag-desisyon muna!"Nag-isip si Avery ng ilang segundo bago magsalita, "Sa susunod, ako ang bahala sa tanghalian ko."Hindi mawawala ang karne sa bawat pagkain ni Mike. Hindi interesado si Mike sa karne sa oras na iyon. Bago ng pagbubuntis niya, hindi na maganda ang tiyan niya, kaya kahit hindi siya makita ni Mike na kumakain ng karne, magtataka pa rin siya at makiki-usyuso."Sinusubukan mo bang magpapayat?" dudang tanong ni Mike, "Avery, tigilan mong gawin 'yan sa sarili mo! Hindi ka magiging artista. Hindi mo kailangang ikumpara ang sarili mo sa kanila!"
Ayaw ni Avery ipaliwanag ang ang kaniyang sarili.“Chad sabihin mo sa boss mo na sila na ni Avery at Eric!” Gusto ni Mike na tigilan na ni Elliot si Avery.Nang marinig ni Avery ang mga sinasabi ni Mike na wala namang kasaysayan, madali niyang kinuha ang bluetooth earpiece niya mula rito.“Chad, ‘wag kang makinig sa kaniya,” sabi ni Avery, “Magkatrabaho lang kami ni Eric. At saka, ‘yung boss mo ang nagbalik sakin ng sweater ko, kaya susuotin ko ‘yun kung kailan ko man gustuhin. Kung may makatuluyan man ako sa hinaharap, susuotin ko pa rin ‘to maski sa date namin.”Hindi makapagsalita si Chad.Tanga talaga ni Mike! Ang lakas ng loob na magsinungaling at ‘wag sabihin na hindi sila ni Avery.Bukod sa hindi akma sa pakiramdam, wala nang iba pang salita ang maihahalintulad kasalukuyang sitwasyon.“Miss Tate. Damit mo ‘yan. Pwede mong suotin kung kailan mo gustuhin. Nagrereklamo lang ako kay Mike. Wala akong ibang ibig sabihin. Napagtanto ko nang hindi santo si Mr. Foster. May mga pag
Katatapos lang maligo ni Elliot. Ang mga butil ng tubig ay pumapatak pa mula sa kaniyang buhok.Hawak niya ang tuwalya sa isang kamay at phone naman sa kabila.Nang makita niya ang balita, pinindot niya ito nang may nanginginig na daliri. Matapos basahin, nandilim ang kanyang paningin!Kailan pa tinanggap ni Avery ang nararamdaman ni Eric sa kaniya? Kaya ba hinahanap siya nito kahapon para sabihin na may bago na siyang nobya? Kailangan pa bang gawin ‘yun?Tinapon niya ang phone niya sa kabinet. Kumalabog ito nang malakas!Sa loob ng isang magarang European-manner na mansyon, hawak ni Wanda ang isang baso ng wine at dahan dahan itong pinaiikot.Mayabang niyang tinignan ang balita bago sumimsim ng red wine.“Alam mo ba ang pinakakinatatakot ng isang artista?” Sabi ni Wanda kay Zoe, “Takot silang mawalan ng mga taga suporta. Ano ang magiging dahilan para mawala ito? Ang pag aanunsyo ng bagong nobya. Kahit gaano kasikat si Eric, hindi niya matatakasan ‘to!” Humahanga si Zoe kay Wa
“Ang galing magmanipula! Tignan mo! Sabi sa’yo e, interesado siya sa’yo!” Nakaupo si Mike sa tabi niya. Narinig niya nang malinaw ang usapan nila kanina. “Pero kung interesado ka rin sa kanya, item ka na rin kasama siya mamayang gabi!”“Masyado siyang bata. Padalos dalos ang mga bata,” paliwanag ni Avery, “Naging bata na rin ako.”Sabi ni Mike, “Alam ko! Noong bata ka pa, padalos dalos ka rin para kay Elliot. Ngayon kinakarma ka.”Hindi nakapagsalita si Avery.“Avery, tigilan mo katitingin sa Tweeter.” Hinawakan ni Mike ang ulo niya. “Mga walang pakundangan ‘yung mga tao sa internet! Ang rahas magsalita! ‘Wag mong dibdibin ang mga sinasabi nila”“Hindi ako tumitingin sa Tweeter,” kalmadong sagot ni Avery, “At kahit gawin ko man, hindi makakaapekto sa’kin ‘yun. Kaya ko pa rin tanggapin.”“Edi maganda!” Tumingin si Mike sa oras. “Niyaya ako ni Chad ng hapunan. Mauuna na ako! Tawagan mo nalang ako.”“Sige! ‘Wag kang iinom!”“Alam ko. Pangako ‘di ako iinom!” Pangako ni Mike bago ki
Hindi na nabasa ni Avery ang mensahe mi Elliot dahil natulog na siya matapos makita ang Tweet ni Eric.Ang maagang pagbubuntis ay kadalasan may kasamang pagduduwal at pagiging antukin. Madali na siyang makatulog dalawang araw na ang nakalilipas.Kadalasan, kapag may mga panahon na hindi siya makatulog, sa melatonin na siya umaaasa para makatulog.Pero nang gabing ‘yon ay nakatulog na agad siya matapos humiga sa kama. Nakatulog siya hanggang alas singko ng umaga kinabukasan.Kung hindi lang siya naiihi, makatutulog pa siya.Nang magising siya, ang una niyang ginawa ay kunin ang phone at tignan ang oras. Pero nakita niya ang mensahe ni Elliot. Nagulat siya. Dinala niya ang phone sa washroom.Nakalagay sa mensahe ni Elliot, [Hinahanap mo ba ako kahapon?]Kahapon? Nag isip maigi si Avery. Hindi niya ito hinahanap nung nakaraan!Teka!Tinignan niya ang oras na natanggap niya ang mensahe. Kagabi ‘yun alas dies y media! Nanlamig siya. Tuluyan na siyang nagising.Paglabas ng washroo
Naisip ni Elliot na siya nga ang Presidente ng Sterling Group pero sawi ang puso niya dahil sa kaniya. Nagkusa siyang magpadala ng mensahe pero hindi sinagot agad!Ang init ng ulo niya! Tinignan niya ang sagot nito nang may namumulang mata. Madali siyang nagtype sa phone niya. [Masaya ka ba?]Hindi nakapagsalita si Avery. Galit nga sa text.Pero naisip din ni Avery na hindi ito nakatulog magdamag. Kaya normal lang na mainit ang ulo nito.Kinalma ni Avery ang sarili at nagpapasensyang sumagot. [Mag aalas sais na. Matulog ka na! Ako rin matutulog pa ulit.]Matapos ng text na ‘yon, humiga ulit si Avery.Hindi na sumagot si Elliot sa kanya. Natalo siya ngayon! Sa relasyon, kung sino ang nagkukusa, sila ang talo!Alas siete ng umaga, dahan dahang bumukas ang gate ng Mansyon ni Elliot. Dala ni Mrs. Scarlet ang bag niya at paalis na.Tumingin si Shea sa likod nito at hinabol ito. Nang marinig ni Mrs. Scarlet ang mga yabag ng paa mula sa likod niya, lumingon siya. Nang makita niyang si
Ang Tate Industries.Matapos asikasuhin ni Avery ang trabaho, hindi niya natiis at tinignan niya rin ang phone niya.Ilang beses niyang tinitignan ang pag uusap nila ni Elliot sa text.Bakit naisip niyang itext ito sa oras ng gabi?Hinanap niya ito nung isang araw. Dapat alam na niya ‘yun nung araw na ‘yon.Bakit hindi niya ito tinext nung gabing ‘yon?Sumunod niyang tinignan ang kumalat na isyu nilang dalawa ni Eric. Hindi niya maiwasang isipin na nakita ni Elliot ang balita kaya nagkusa itong itext siya?Anong klaseng ugali ang naipakita niya sa kaniya nung oras na ‘yon?Kung galit siya, kahit na makita nito ang balita tungkol sa kaniya, hindi siya magtetext.Pero ginawa niya kagabi, pero hindi niya binanggit ang tungkol sa nakaraan, nakalimutan na ba niya ‘yon?Imposible!Masyado siyang nasaktan, kaya papaanong makalilimutan niya ‘yon?Kumunot ang noo niya at medyo magulo ang isip niya.Kung hindi siya nagtext kagabi, hindi niya ito iisipin.Tumunog ang p