Mae’engange na sina Elliot at Zoe next week. At bilang ex-wife ni Elliot, ayaw naman ni Avery na magkagulo pa nang dahil sakanya. Alas tres na nang matapos ang check up ni Shea at umuwi na sila ni Mrs. Scarlet sa mansyon ni Elliot. Habang si Avery naman ay dumiretso sa Tate Industries.Sa loob ng isang linggong nawala siya, tagumpay nilang nairefund ang lahat ng mga drone na ibinalik. Dahil sa scandal, lahat ng mga order na naka pending ay sunod-sunod na nag’cancel.Sobrang laki na ng naligi nila sa pagrerefund, at ngayon ay mukhang nagdedelikado pang wala ng mag’order sakanila ulit dahil wala ng tiwala sakanila ang mga tao. Kahit saang kumpanya, sobrang laking dagok nito.Dahil sa sitwasyon nila ngayon, mukhang kakailanganin nilang magdeclare ng bankruptcy ng wala sa oras. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na mawalan ng trabaho ang mga empleyado ng Tate Industries…Pagkarating ni Avery sa office, sinalubong kaagad siya ng mga department head. “Miss Tate, ano pong
Binaba ni Elliot ang tawag nang may mga nanlilisik na mga mata at walang anu-ano, umalis siya ng kanyang office para umuwi. Hindi basta-bastang nakakakuha ng sleeping pills. Saan nanggaling yun?Pagkarating ng itim na Rolls-Roice, nagmamadaling inalalayan ni Mrs. Cooper si Shea papunta sa kwarto nito. Habang si Mrs. Scarlet naman ay sinalubong si Elliot para ibigay ang resulta ng mga test na ginawa kay Shea. “Dinala mo si Shea sa ospital para mag pacheck up?” Nagtatakang tinignan ni Elliot si Mrs. Scarlet. Sobrang natatakot si Mrs. Scarlet kaya umiwas siya ng tingin. Nangako siya kay Avery na hindi niya sasabihin kay Elliot na ito ang nagcheck up kay Shea dahil ayaw daw nitong magkagulo. “Si Miss Tate po,” Sa sobrang takot, hindi na kinaya ni Mrs. Scarlet at nadulas siya. “Si Shea po ang nagpumilit na makita ang mga anak ni Miss Tate kanina…”“Nakauwi na si Avery?” Tanong ni Elliot, na hindi na pinatapos si Mrs. Scarlet sa pagpapaliwanag.“Umuwi po siya kaninang umaga
Nadatnan niya si Shea na nagliligpit ng gamit. Inaalalayan ito ni Mrs. Cooper. Nang makita nag kapatid, napalunok si Elliot at sobrang nakonsensya siya dahil sa tuwing sinasbai sakanya ni Shea na nahihilo ito, wala siyang ibang sinabi kundi ang magpahinga ito. Hindi niya naman alam na umiinom pala ito ng sleeping pills. At kung hindi siguro ito chineck up ni Avery, baka hanggang ngayon ay wala silang ideya sa totoong nangyayari sa kapatid niya. Sobrang nagpapasalamat si Elliot kay Avery pero hindi niya alam kung paano niya sasabihin dito.Kinabukasan, maagang pumunta si Mrs. Cooper sa bahay ni Avery. Hindi ito inaasahan ni Avery pero walang pagdadalawang isip niya itong pinapasok sa loob. “Pasensya ka na kung hindi na ako nakapag sabi na pupunta ako.” Nakangiting sabi ni Mrs. Cooper habang inaabot ang dalawang container na puno ng pagkain. “Gumawa ako ng paborito mong atsara, gusto lang kitang dalhan para matikman mo.”“Salamat! Peo bakit ang aga mo naman pumunta?” Binig
Pagkalipas ng limang araw, as usual dumating si Elliot sa Sterling Group ng alas diyes ng umaga.“Sir, bukas na po ang engagement niyo. Ayaw niyo po bang mag day off muna ngayon?” Bati ni Chad.“Ayoko.” Sagot ni Elliot habang naglalakad papunta sa kanyang office habang nakabuntot si Chad. “Sir, nabalitaan ko po kay Mike na okay daw ang naging pag’uusap nila ng Bohmer Holdings at nakumbinsi daw nila ito na magtayo ng kumpanya dito sa Aryadelle na magsusupply sakanila ng mga high-end na lense.“Kung hindi po ako nagkakamali, ang Bohmer Holdings din po ang nagsusupply sa Alpha Technologies, diba?” Tanong ni Elliot. “Mhm tama. Isa lang ang ibig sabihin nito.. Mukhang maganda talaga ang relasyon ni Miss Tate sa may ari ng Bohmer Holdings kasi kung sa mga normal na sitwasyon lang, sa tingin ko hindi sila magiging ganun ka willing na mag set up ng kumpanya nila dito sa Aryadelle.” LUmapit si Chad kay Elliot at pabulong na nagpatuloy, “Sir, may natuklasan akong interesting sa Bohmer Ho
“Mommy, nahihilo si Layla. Magiging okay din siya. Kailangan niya lang magpahinga kaya wag ka ng mag’alala. Ako ng bahala sakanya.” Sagot ni Hayden.“Ah… okay. Sige, ikaw ng bahala sa kapatid mo ah.”“Okay po.”Pagkatapos ng tawag, hindi bumalik si Avery sa loob ng kanyang office at nag drive pa rin siya pa uwi.Malakas ang kutob niya na wala ang mga anak niya sa bahay. Kung sasabihin niyang uuwi siya, sigurado siyang uuwi ang mga ito. Sa oras na hindi niya maabutan ang mga ito sa bahay, saka niya ulit tatawagan si Hayden.Sa palagay ni Avery, nagpapanggap na may sakit ang mga ito para gawin nanaman ang mga sikreto nitong agenda.Kumpara kay Hayden, sobrang inosente ni Layla at kadalasan ay sumusunod lang ito sa kuya nito.Ilang beses niya na ring nahuhuli si Hayden na gumagawa ng kalokohan kaya sa tuwing may mga kakaiba itong kinikilos, sobrang kinakabahan siya. Pagkarating niya sa harapan ng bahay nila, nagmamadali siyang bumaba at naglakad papunta sa front door. Inenter
“Bakit? Anong tingin mo sa sarili mo? Bata ka rin naman ah!” Naiinis na sagot ni Layla. “Nadumihan ang mga mata ko noong nakita ko yun. Gusto mo rin bang madumihan ang mga mata mo?” Umiling si Layla. Interesado siya pero dahil sa mga sinabi ni Hayden, hindi bale nalang. “Gusto tayong kuhaan ni Mommy ng bodyguard,” Biglang bago ni Layla ng topic. “Kapag may bodyguard na tayo, hindi na tayo basta-bastang makakapunta kahit saan natin gusto!” “Kapag nangyari yun, ikaw ang magdidistract sa mga bodyguard habang ginagawa ko ang mga misyon ko.”“Kapag kinasal talaga yung walang kwenta nating tatay doon sa Sanford na babae na yun, ayoko na talaga siyang makita dahil hindi natin kailangan ng tatay na hindi naman kayang magakatatay!” Tinignan ni Hayden ang inosente niyang kapatid, “Hindi niya papakasalan yung babaeng yun.”“Bakit hindi?”“Kasi hindi siya mabuting babae.”“Hindi rin naman mabuting tao si Daddy kaya bagay lang sila!” Hindi na sumagot si Hayden. Pakiramdam niya s
Kahit gaano pa kapangit at kalala ang naging experience ng isang customer, sino ba naman ang hindi maeengganyo kapag inofferan sila ng high-end na version ng halos libre?!Sa labas ng Tate Industries, nagdagsaan ang mga returning customer. Alas nuebe na ng gabi nang makalabas si Avery ng kanyang office.Wala na siyang ibang pinuntahan at nagdrive siya diretso pauwi. Malamang tulog na ang mga anak niya pag dating niya. Kapag natapos na ang lahat ng mga gusot na inaayos niya, nagbabalak siyang magbakasyon ng sandali para matutukan niya ang mga bata.Habang nagmumuni-muni, biglang nag ring ang kanyang phone. Sinilip niya ang screen at nang makita ang pangalan ng tumatawag, kinonnect niya ito sa kanyang bluetooth earphones at sinagot ang tawag.“Avery! Nakita mo ba ang kumakalat ngayon sa social media?! Nakakainis ha!” Galit na galit na salubong ni Tammy mula sa kabilang linya. “Ang bait bait mo na ngang binigyan mo sila ng mga libreng drone kahit hindi mo naman kailangang gawi
Sa wakas, si Eric Santos na matagal ng hinahanap ni Elliot ay nagpakita na ulit sa social media!Bilang tinuturing na hari ng pop icon, ang aksidente na siguro nito three years ago ang pinaka malaking trahedya na nangyari sa buhay nito!Mula nun, tuluyan itong nawala sa limelight.At ang alam ng lahat ay patay na ito.Pero hindi tumigil ang mga diehard fan nito na mag post sa social media kung gaano umaasa ang mga ito na mag milagro at mabuhay ang idol ng mga ito. At ngayon… tuluyan na ngang nangyari ang milagro!Nagpost si Eric Santos sa account nito ng eksaktong 6:55 noong umagang yun. [Mga kaibigan. Tatlong taon na ang nakaraan noong huling beses akong nakapag post. Kamusta kayong lahat? Gusto ko lang sabihin sainyo na maayos ang lagay ko, pero medyo malungkot ako. Bumili rin ako ng Storm Series drone last year. Kung saan-saan ko ito ginamit at sobrang pasasalamat ko dito dahil nacapture nito ang ilan sa mga magagandang ala-ala na babaunin ko habang buhay. Sobrang pasasalam