“Mike! Bakit hindi niyo sinasagot ni Miss Tate ang mga phone ninyo?” Hindi mapakaling salubong ng vice president. “May nangyari! Bilisan mo! Gisingin mo na si Miss Tate!” Walang ideya si Mike kaya nag’aalala at natataranta rin niyang pinapasok muna ang vice president. “Ano bang nangyari? Magsasara na ba ang company natin? Hindi naman diba?”“Paano kayo naka contact ng isang sikat na celebrity sa loob lang ng isang gabi? Pinagtanggol lang naman ng pop idol na si Eric Santos ang product natin! Sobrang sikat nun!” Nanlaki ang mga mata ni Mike sa sobrang gulat.“Teka… hindi ko maintindihan… anong ibig mong sabihin?!” “Diyos ko! Ang super star na si Eric Santos ay sinuportahan lang naman ang ating Storm Series sa social media! Mula noong magpost siya kaninang umaga, hindi na naawat ang mga customer na nagoorder sa atin! Ang masaklap dito ay mas marami ng di hamak ang nagoorder sa atin ngayon kahit sumahin mo pa ang lahat ng mga order noon bago tayo magkaroon ng issue!Kanina pa t
Sa loob ng itim na Rolls-Roice, nakalock ang lahat ng pintuan habang si Avery naman ay naka upo sa loob at nagpupumilit na makalabas. Hindi niya rin alam kung ano eksakto ang nangyari pero nagising nalang siya na nandoon na siya.Ano to?Abduction?“Anong kailangan mo sa akin, Elliot?” Tanong ni Avery nang may nanlilisik na mga mata.‘Diba ngayon ang engagement party niya?‘Bakit siya nandito?’“Kilala mo ba si Eric Santos, Avery?” Tinitingan ni Elliot si Avery ng diretso sa mga mata. “Wag mong subukang magsinungaling sa akin.”Pagkatapos sagutin ni Avery ang tawag ni Eric kanina, nag deadbatt ang kanyang phone kaya wala siyang ideya sa kung anong nangyayari ngayon sa internet. “Hindi, bakit?”Tinitigan niya rin ng diretso sa mga mata si Elliot at pinilit niyang wag ipahalatang kinakabahan siya. “Bakit ka niya tutulungan kung hindi kayo magkakilala?” Ramdam ang galit sa boses ni Elliot na sobrang bilis magsalita. “Nakita ko ang picture niya sa phone mo. Kilala kita. Hindi
“Pinapasabi ni Elliot na icancel na ang engagement kasi hindi daw siya pupunta.” Natatarantang sabi ni Henry, sabay hawak sa kamay ng kanyang nanay.Hindi maintindihan ni Rosalie kung anong nangyayari.“Bakit? May nangyari ba?”Umiling si Henry. “Hindi ko rin alam, mommy. Pagkatapos niyang magsalita, binaba niya kaagad. Sa tingin ko may nangyari! Sandali, tatawagin ko ang driver para maihatid ka na muna sa mansyon. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa mga bisita.”Sobrang nakakahiya! Pero wala rin namang may kayang kumalaban kay Elliot kaya nanahimik nalang ang lahat habang pinapanuod si Zoe na humahagulgol sa isang sulok. Ito na ata ang pinaka nakakahiyang nangyari sa buong buhay ni Zoe! Noong oras na yun, gusto niya ng magpakain sa lupa. Hinawakan niya ang kanyang gown at tumakbo palabas ng banquet hall nang humahagulgol.Hindi niya palalampasin ‘to! Kailangan niyang makaganti kay Avery!Sa loob ng kanilang classroom sa Starry River Kindergarten, pinapanuod ni Hayden kung pa
Hindi na nila pareho alam kung gaano tumagal ang halik na yun at natigilan lang sila nang may kumatok sa bintana.Si Mike! Nasa labas si Mike!Biglang namutla si Avery sa sobrang hiya. Noong bubuksan na sana niya ang pintuan, muli siyang hinila ni Elliot. “Sobrang tinted ng bintana ko. Hindi niya tayo nakikita.”Nakahinga ng maluwag si Avery!Dahil sa halik na nangyari, hindi niya maipaliwanag kung anong nararamdaman niya. Sobrang pula ng kanyang mga pisngi at gulo-gulo ang kanyang buhok. Pati ang jacket niya ay hinubad din ni Elliot!Kinuha ni Avery ang kanyang jacket. Binigyan siya ni Elliot ng isang bote ng tubig.“Ayoko!” Nanggigil na sabi ni Avery.Habang iniisip niya kung anong ginawa sakanya ni Elliot, nagagalit siya! At mas gugustuhin niya pang mamatay sa uhaw kaysa inumin ang tubig na binibigay nito.Hindi na ginawang big deal ni Elliot ang naging reaksyon ni Avey. Dahil lahat ng galit na nararamdaman niya para rito ay biglang naglaho dahil sa halik na yun!
Ngayong hindi natuloy ang engagement, sigurado si Zoe na darating ang araw na makikipag hiwalay sakanya si Elliot at papalayasin siya nito sa mansyon ng mga Foster. Kahit na hindi siya pakasalan nito, umaasa pa rin siya na bibigyan siya nito ng malaking reward.Hindi na rin siguro kawalan kung makakakuha siya ng maraming pera mula rito.Pagkarating ng itim na Rolls-Roice sa entrance ng mansyon, nakangiting sinabi ni Rosalie kay Zoe, “Nandito na si Elliot! Pagpapaliwanagin ko siya!”Hindi tumayo si Zoe sa kinauupuan nito.Sobrang sakit ng puso niya!Paano nagawa ni Elliot na sabihin sakanya na mahal pa nito si Avery Tate sa araw mismo ng engagement nila?Hindi na nga siya minahal nito, hindi pa siya nirespeto nito!Alam niya naman na kaya lang ito pumayag sa gusto niya ay dahil doktor siya ni Shea at ang buong pagkakaalam nito ay siya ang nag opera dito ng dalawang beses. Pagkalabas ni Elliot ng sasakyan, dumiretso siya sa sala. “Mommy,” Bati ni Elliot nang makita niya si R
Sa Starry River, nag ring ang phone ni Avery saktong paglabas niya mula sa shower. Dali-dali niya itong sinagot. “Wesley.”“Bakit buong umaga na naka’off ang phone mo, Avery?”Ilang beses na sinubukan ni Wesley na tawagan si Avery pero hindi niya ito macontact. “Sorry. Na deadbatt ako. Kakacharge ko lang. Tinatawagan mo ba ako dahil kay Eric?”“Oo… Nag’aalala kasi siya na baka daw galit ka.“Hindi ako galit. Ako nga ang nag’aalala na baka maging sakit niya ‘to sa ulo eh. Tatawagan ko siya mamaya.”“Sige.” Nakahinga ng maluwag si Wesley. “Muntik na akong pumunta sa bahay niyo kanina pero sabi ni Mike wala ka raw sa bahay. Nasaan ka ba?” Biglang natigilan si Avery at hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang naging tanong ni Wesley. “Ah.. Nag jogging lang ako.” Palusot niya.“Ah.. tama tama. Mahalaga talaga ang regular exercise. Kamusta pala ang problema niyo sa company niyo? Kailangan mo ring bantayan ang mental health mo kahit ano pa man ang mangyari. Palagi mong ta
“Okay lang yun. Kahit pa mahanap niya ako, wala siyang makukuha sa akin. Wag kang mag’alala.” Sagot ni Eric. “Okay. Pagbutihin mo ang rehabilitation therapy mo ha. Hinihintay ko ang comeback mo.”“Gagawin ko ang lahat!” …Noong gabing yun, nagkaroon si Eric ng hindi inaasahang bisita sakanyang villa na nasa tuktok ng bundok. Hindi niya inakala na mahahanap siya ni Elliot ng ganun kabilis.”May kasama itong babae. “Hello, Eric. Pasensya ka na kung naka istorbo ako sayo.” Magalang na bati ni Elliot. “Sobrang tagal na kitang hinahanap at sa totoo lang, akala ko hindi na talaga kita makikita. Buti nalang at nagpost ka ng video mo kaninang umaga.”Walang bakas ng kahit anong kaba sa mukha ni Eric. Ngumiti siya kay Elliot at magalang din na sumagot, “Ano pong maitutulong ko sainyo, Mr. Foster?” Tinignan ni Elliot si Shea at sinabi, “Shea, may pusa doon oh. Gusto mo siyang tignan?”Naglakad si Shea para tignan ang pusa habang may nakabuntot na bodyguard sakanya. Tinignan n
‘Bakit hindi nagsabi ng totoo sa akin si Avery? Nag iingat lang ba siya o ganun nalang talaga kalalim ang galit niya sa akin?‘Kung nag’iingat siya… anong rason niya? Anong kinatatakot niya?‘Kung galit naman siya sa akin — parang mas mahirap naman atang intindihin yun! Wala naman akong ginawang masama sakanay, bakit ba siya galit na galit sa akin?!’Sobrang nakakunot ang noo ni Elliot habang nasa byahe sila paauwi. Pagkarating nila sa mansyon, ibinilin niya kay Mrs. Cooper si Shea. Wala pang limang minuto na nakakauwi sila nang may tumawag sakanya kaya muli siyang umalis. Nang makita ni Ben si Elliot na papasok ng Twilight Bar, dali-dali siyang kumuha ng upuan para rito. “Elliot! Buong araw kitang hinahanap, saan ka ba nanggaling?” Nilagyan ni Ben ng wine ang baso ni Elliot. “Pinuntahan ko si Eric Santos.” Kinuha ni Elliot ang wine at uminom. “Hindi kayo maniniwala sa kung sino ang nag opera sakanya.”Nagtinginan ang lahat kay Elliot. Nagaantay ang mga ito na magpatuloy si