Kabanata 342
Hindi na nila pareho alam kung gaano tumagal ang halik na yun at natigilan lang sila nang may kumatok sa bintana.

Si Mike! Nasa labas si Mike!

Biglang namutla si Avery sa sobrang hiya.

Noong bubuksan na sana niya ang pintuan, muli siyang hinila ni Elliot. “Sobrang tinted ng bintana ko. Hindi niya tayo nakikita.”

Nakahinga ng maluwag si Avery!

Dahil sa halik na nangyari, hindi niya maipaliwanag kung anong nararamdaman niya.

Sobrang pula ng kanyang mga pisngi at gulo-gulo ang kanyang buhok. Pati ang jacket niya ay hinubad din ni Elliot!

Kinuha ni Avery ang kanyang jacket.

Binigyan siya ni Elliot ng isang bote ng tubig.

“Ayoko!” Nanggigil na sabi ni Avery.

Habang iniisip niya kung anong ginawa sakanya ni Elliot, nagagalit siya!

At mas gugustuhin niya pang mamatay sa uhaw kaysa inumin ang tubig na binibigay nito.

Hindi na ginawang big deal ni Elliot ang naging reaksyon ni Avey.

Dahil lahat ng galit na nararamdaman niya para rito ay biglang naglaho dahil sa halik na yun!

Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP