Nang lumabas si Wanda sa courthouse, hinarangan ni Avery ang dadaanan niya. "Ikaw na ang sunod," sabi ni Avery. Nakasuot ng light makeup si Avery, sinisigurado na maayos ang balat niya. Sa ilalim ng kanyang kalmadong pakitang tao, ang nag-aalab na poot ay hindi nabawasan. "Sige lang! Wala na ang anak at kapatid ko. Mag-ingat ka, Avery Tate!"Nagdusa si Wanda sa pagkaalog mula sa pananakit na ginawa ni Avery sa kanya sa cafe, kaya napuno siya sa galit. Hindi siya susuko, kung hindi papagitna si Elliot Foster sa kanila ni Avery!Sumakay si Avery na may matabang na ekspresyon at kinabit ang kanyang seatbelt. Binuksan ni Mike ang isang bote ng tubig at binigay ito sa kanya, tapos ay sinabi, "Hinahanap ni Elliot Foster ang doktor ni Eric Santos. Hula ko na nagpa-plano siyang sirain si Zoe Sandford. Napakalupit na tao! Buntis siya sa anak niya!"Kinuha ni Avery ang bote mula sa kanya at uminom. Ang malamig na tubig ay bumuhos sa lalamunan niya at sa kanyang katawan, pinanun
Namutla ang mukha ni Rosalie sa berdeng liwanag. Kung hindi siya hinahawakan ni Elliot, malamang ay bumagsak na siya sa gulat. Tinanggal ng staff ang power ng LED screen, at nawala ang nakakabahalang berdeng ilaw. "Anong nangyayari?!" sigaw ni Henry. "Bakit may biglang lumabas na kung ano sa screen? Paano niyo ba ginagawa ang trabaho niyo rito?!"Nagmadaling humingi ng paumanhin ang manager. "Pasensya na, Mr. Foster. Tinanong ko ang staff at sinabi sa akin na na-virus ang mga kompyuter namin. Wala kaming ideya kung paano lumabas ang mga imaheng iyon sa LED screen."Bumaling si Henry sa kanyang ina. Halos maubusan ng hininga si Rosalie. "Dali at kumuha ng bagong kompyuter. Huwag niyong hahayaan na mangyari ang ganitong bagay ulit!" utos ni Henry sa manager. Ang hindi komportableng kapaligiran sa entablado ay hindi nawala kahit umalis na ang manager. Maliban sa maliwanag na kulay, may malalim na ibig sabihin ang kulay berde. Halimbawa, sinisimbolo nito ang pagtataksil
Ang buong akala ni Elliot ay si Avery ang kasama niya kagabi!Kung alam niya lang na si Zoe yun, ni dulo ng daliri niya ay hinding hindi dadampi rito…Samantalang si si Avery naman noong gabing yun ay masayang nag dinner kasama ang mga kaibigan niya sa Golden Beach Street. Kung hindi siguro sa suporta at pagdamay ng mga kaibigan niya, hindi siya kaagad makakabangon pagkatapos mamatay ng kanyang mommy. Oo, masakit at hindi niya pa rin tanggap ang pagkawala nito pero hindi naman siya ganun ka pusok para maghiganti kaagad kay Wanda. Binigyan ni Mike ng wine si Wesley pero tumanggi ito, “May dala akong sasakyan.”Kaya binigyan nalang siya ni Avery ng juice, “Mahina ang alcohol tolerance ni Wesley. Tayo nalang ang mag’inuman, Mike!” “Aba aba! Wag mong sabihing minamaliit mo ang alcohol tolerance ko, Avery?” Sabat ni Tammy. “Alam kong manginginom ka talaga pero sinabihan ako ni Jun na bantayan ka.”“Tsk”, sagot ni Tammy sabay nakipag’toast kay Mike. “Hoy kayong dalawa… maghin
Hindi nakasagot si Avery sa naging tanong ni Wesley.Makalipas ang ilang segundo, binasag niya ang katahimikan, “Wesley, naranasan mo na bang magmahal? Siguro kung oo, maiintindihan mo kung saan ko hinuhugot ang lahat ng ginagawa ko.”Umiling si Wesley.“Ang alam ko nagiging possessive ka kapag nagmamahal.. Gusto ko sakin lang siya, gusto ko ako lang ang mahal niya.. Yung ganun.. Gusto ko kapag nagmahal ako, walang reservation.” Nakangiting pagpapatuloy ni Avery. “Nakita mo naman kung gaano niya kamahal si Shea diba? Handa niyang ibenta pati ang sarili niya para lang gumaling siya.”“Sa totoo lang, bago ko malaman ang tungkol sa kapansanan ni Shea, tinuturing ko siyang tinik sa amin ni Elliot. Pero noong nalaman ko na hindi siya normal, nawala ang lahat ng galit na nararamdaman ko para sakanya. Siyempre kaya kong operahan ulit si Shea, pero hindi ko gagawin yun.”Nakatulala lang si Wesley kay Avery. “Ano sa tingin mo ang mararamdaman ni Elliot kapag nalaman niya na ako ang nag’o
“Diba sabi napagusapan natin na hindi na tayo magagalit kay Shea?!” Naiinis na sagot ni Layla. Hinila ni Hayden ang kamay ni Layla at kinaladkad niya ito pabalik sa loob ng classroom. Kahit anong mangyari, matutuloy at matutuloy ang surgery ni Shea. Kahit pa puntahan sila nito para sabihing natatakot ito, wala namang magbabago dahil wala silang magagawa!‘Bakit hindi siya kay Elliot Foster pumunta?!’Bandang alas tres ng hapon, nakatanggap si Elliot ng tawag mula kay Mrs. Scarlet. “Nawawala nanaman po si Shea!” Naiiyak na report ni Mrs. Scarlet. Mahigit isang oras na po namin siya hinahanap ng bodyguard niya pero wala po talaga siya. Nahalughog na po namin ang buong Starry River pero wala daw silang Shea na nakita!”“Bakit kayo nasa Starry River?!” Pasigaw na tanong ni Elliot habang kinukuha ang susi ng kanyang sasakyan at naglalakad palabas. “Kanina pa po kasi nagmamakawa si Shea sa akin na gusto niya raw makita si Hayden… Sabi ko po hindi pwede pero nagwala siya kaya din
Nagmamadaling tumakbo sina Layla at Hayden papunta sa pintuan at nang tignan nila ang screen ng door security system, isang sobrang pamilyar na mukha ang nakita nila. “Mommy! Yung walang kwenta naming Tatay nandito!” Nagpapanic na sigaw ni Layla habang tumatakbo papunta sa mommy niya. Nagmamadaling tinanggal ni Avery ang kanyang apron at binuhat si Layla. “Wag kang matakot, sweetie. Sige na pumasok na muna kayo ng kapatid mo sa kwarto niyo.” Malambing na sabi ni Avery, sabay tingin kay Hayden.Medyo nag’alangan pa si Hayden noong una pero bandang huli ay sinunod niya rin ang utos ni Avery at pumasok sila ni Layla sa kwarto nila. Sinarado ni Avery ang pintuan ng kwarto ng kambal at binuksan niya ang main door. Nakatayo si Elliot sa labas.Lalo itong gumwapo dahil sa liwanag na nangangaling sa sunset. “Nawawala si Shea. Dinala siya ng yaya niya dito.” Mahinahong paliwanag ni Elliot. “Nagtanong na ako sa lahat ng mga kapitbahay niyo pero wala talaga siya.”“Sinasabi mo ba n
‘Seryoso ba si Elliot na gagamitin niya sa akin lahat ng mga nasabi ko noong galit ako habambuhay?’Pagkatapos nilang kumain ng dinner, tinawagan ni Avery si Mike. Niloud speaker niya ito para makpagusap sila habang naghuhugas siya ng mga pinggan.“Avery, baka malate ako ng uwi ngayon!” Sobrang seryoso ng boses ni Mike. “Wag kang mag’alala, hindi ako magbabar, sa trabaho to….Tungkol sa kumpanya! Bukas ko nalang sasabihin sayo.” “Okay. Hindi naman yan sobrang seryoso diba? Kinakabahan ako sayo eh.” Sagot ni Avery.Tumawa si Mike, “Ano ka ba! Ang gusto ko lang sabihin sayo ay hindi ako nagbubulakbol. Wag mo na akong tirahan ng dinner.”"Okay."Pagkatapos ng tawag, tinignan ni Avery ang paligid ng bahay niya at hindi niya mapigilang maisip ang mommy niya. Hindi siya kumuha ng kasama sa bahay kasi gusto niya na siya ang gagawa ng lahat ng ginagawa nito noon.Gusto niyang maramdaman kung anong nararamdaman ng mommy niya noon. At ngayong narerealize niya na ang pakiramdam, lalo s
Sa mansyon ni Elliot, buong magdamag siyang gising. Sa lagay ngayon ni Shea, di hamak na mas kaya na nito ang sarili nito. Kabisado na nga nito ang number niya. ‘Bakit ba kasi siya nagtatago?’Kagabi, nagpakalat si Elliot ng mga tao sa paligid ng Starry River pero wala siyang nakuhang kahit isang balita.Hindi na ganun kalamig ang panahon kumpara noon pero kung buong magdamag itong nasa labas, siguradong magkakasakit pa rin ito dahil sa hamog. ‘Saan ba kasi nagtatago si Shea?’‘May nagpatuloy kaya sakanya?’Walang ibang sinisisi si Elliot kundi ang sarili niya.Tumakas na ito bago ang una nitong surgery.Dahil nakita niyang mas tumalino na ito ngayon, ang buong akala niya ay mas lumawak na rin ang pag’intindi nito.Ilang beses niyang pinaliwanag ni Shea kung bakit kailangan nitong sumailalim sa pangalawang operasyon… ang buong akala niya ay naintindihan talaga nito ang mga sinabi niya. Oo… siguro nga naintindihan naman nito, pero bakit hindi niya man lang kasi tinanon