"Hahaha! Manugang ka na ngayon ni Elliot Foster, huh? Parang bigla kang yumabangpagkatapos mong makuha ang marriage certificate niyo ah?," biro Mike. "Basta siguraduhin mo lang na palaging masaya si Layla..""Alam ko," sagot ni Eric, sabay tingin kay Ivy. "Ivy, nag usap kami ng ate mo kagabi at napagdesisyunan namin na maaari kang maging host kung ayaw mong maging bridesmaid. Yan naman ang pinag-aaralan mo sa university, hindi ba? Ipagkakatiwala na namin sa iyo ang pagho-host ng kasal. Ano sa tingin mo?"Naramdaman ni Ivy na pinahahalagahan siya ng lahat at nang maramdaman niyang lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya, bigla siyang nahiya. "Ako... natatakot akong ma-disappoint kayo..."Hindi niya inaasahan na pagkakatiwalaan siya ni Layla at Eric ng ganitong kahalagang gawain kaya nag-aalala siya na baka hindi niya magawa ang kailangan niyang gawin."Ano ang ikinababahala mo? Hindi nga nag-aalala ang ate at bayaw mo, kaya mag enjoy ka lang.” Sa palagay ni Mike, magandang ideya yu
"Huwag mong ilalagay ang mga pictures ko na hindi pa nakikita ni Mommy!" pagtutol ni Layla. "Uncle Mike, gusto mo ata talagang mapahiya ako sa sarili kong kasal eh!” "Hoy, sobrang cute mo kaya noong bata ka!”"Sobrang hilig kang picture-an ni Mike habang umiiyak ka." natatawang sabat ni Avery."Huh?" Naguguluhan si Layla. "Anong klaseng hilig yan?"“Ang cute kaya! Sobrang iyakin mo noong bata ka. Kapag si Hayden umiiyak, tahimik lang, pero kapag ikaw, naku po! Aalingawngaw ang buong bahay.” Napatigil si Layla sa kahihiyan. Ayaw niya na pag-usapan ang mga bagay na ito sa harap ng kanyang mga nakababatang kapatid."Mike, isend mo sa akin ang mga picture na yun," sabi ni Avery. "Sa tingin ko ay magagandang alaala ito."Bumuntong-hininga si Layla. "Mommy, naaalala ko na madalas rin umiyak si Robert nung bata pa siya.""Oo nga! Ganun ang lahat ng bata, at si Hayden lang ang naiiba," sagot ni Avery. "Pwede naman nating ipakita ang mga baby picture mo! Mas masaya yun..""Ako ang p
"Ganyan naman talaga si Hayden, nakasimagot kahit masaya!" Wala naman napansin si Robert na kahit anong kakaiba kay Hayden."Ikakasal na ako, pero hindi man lang nag-alok si Hayden na tumulong sa pagpaplano ng kasal," sabi ni Layla na naguguluhan. "At saka, kailangan ba niyang turuan si Ivy na mag-drive ng ganitong oras ng gabi?"“Oo nga no! Hindi ko napansin yun kanina ah pero tama ka. Sandali lang, titignan ko sila sa labas.” Tumakbo palabas si Robert. Hindi inaasahan ni Ivy na ang dalawa niyang kuya talaga ang magtuturo sa kanya magdrive at kahit kinakabahan siya noong una, mas naging kalmado siya sa presensya ni Robert."Ivy, isipin mo na lang na laruan ang kotse. Nakita mo naman ang mga bata kapag naglalaro sila ng toy car, 'di ba? Ito na ang toy car mo ngayon," sabi ni Robert habang nakaupo sa back seat. "Wag kang makinig sa kanya. Iba dapat ang focus mo kapag nag tatrabaho at nagmamaneho. Kapag nasa kalsada ka, maraming pwedeng mangyari," sabi ni Hayden."Hayden, tinatak
Hindi kailanman naramdaman ni Hayden ang pressure sa pagpapakasal dahil hindi siya kailanman pinilit ng Mommy niya na gawin ito. Isa pa, madalas siyang abala sa trabaho, at wala siyang oras na mag-isip tungkol sa iba pang bagay.Hindi siya ipinanganak na workaholic, ngunit hindi niya alam kung ano ang dapat gawin maliban sa pagtatrabaho, kaya nasabi niya sa sarili niya na mafofocus siya sakanyang career hanggang sa siya'y magtrenta.Matapos bumalik sa kanyang kuwarto, naligo siya paramaginhawaan. Nang sandaling siya'y naupo sa kanyang kama, agad niyang binuksan ang kanyang phone para basahin ang mga email niya. Maaga siyang umuwi para ipagdiwang ang Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya, pero dahil hindi pa opisyal na nagsimula ang mga Holiday break sa Dream Maker, araw-araw pa ring nageemail sakanya ang mga manager sa opisina para iupdate siya sa mga nangyayari doon.Matapos basahin ang lahat ng mga email, doon niya lang napansin na forty minutes na pala ang nakakalipas. Sobra
[Wala po! Bakit niyo po ako tinatanong ng mga ganyan, Mr. Tate? Wag po kayong mag alala, hindi naman po ako hihingi ng leave kahit pa mabuntis ang girlfriend ko. Kayang kaya pa naman po ng mga magulang ko na mag alaga o kaya pwede rin po kaming mag hire ng yaya.][Hindi ka na bata, kaya bakit hindi ka pa nagpapakasal?]Nalito ang assistant sa kakaibang asal ni Hayden kaya bigla siyang kinabahan na baka may nangyaring kung ano rito. [Mr. Tate, pinepressure ka na ba ng pamilya mo na mag asawa? Akala ko ba hindi nakikialam ang mga magulang mo sa personal mong buhay.][Nagpapatutchada na si Mommy.] Sagot ni Hayden.[Siguro kasi magpapakasal na ang kapatid mo! Kadalasan kasi yung panganay ang nauunang mag asawa.][Hindi yan ang tradisyon ng pamilya namin.][Sa totoo lang, Mr. Tate, kung ako rin naman po ang Mommy mo, pipilitin na rin kitang mag asawa.][???][Wala ka pang nakakadate at hindi yan normal kaya kung ako ang Mommy mo, dinala na kita sa ospital para ipacheck up ka.]
Kinabukasan, pagkababa ni Avery, nakita niya si Hayden na nagbabasa ng magazine sa sala."Bakit ka ang aga mong nagising? Ayaw mo na bang matulog ulit?""Okay na po ako." Inilapag ni Hayden ang magazine at nagpatuloy, "Nagbago na si Robert. Mas maaga pa siyang nagising sa akin, at sinabi niyang hindi pa daw start ang holiday, kaya kailangan niyang magtrabaho."Tumingin si Avery sa dining room. "Umalis na ba siya?""Opo. Pagkatapos niyang kumain ng breakfast, umalis na rin siya kaagad," sagot ni Hayden. "Nakita ko siyang nag-drive ng medyo murang sasakyan. Binili ba niya yun para sa trabaho niya?"Tumango si Avery. "Gusto niya daw ma-experience kung ano ang pakiramdam na maging normal, kaya pinabayaan nalang namin siya.""Mukhang naimpluwensyahan na siya ni Ivy!" Kahit kailan, hindi yun naranasan ni Hayden dahil alam ng lahat na anak siya ni Elliot. Kahit na wala sa Aryadelle ang negosyo niya, sikat pa rin siya tulad ni Elliot sa bansa dahil sa sobrang sikat ng Dream Maker cars
"Mhm. Pero ang romantic relationship ay pwede ring magbigay ng balanse sa buhay mo. Sa tingin ko ay masyadong boring kapag puro ka lang trabaho.""Pero marami ring mga bagong na lumalabas araw-araw kaya hindi ako nabobore." Hindi magiging single si Hayden ng ganito katagal kung siya ay nabobore o kulang sa stimulation."Hmm bakit nga pala pumasok sa isip mo ang mga topic na ‘to?" Tanong ni Avery."Mommy, hindi naman ako against sa pagkakaroon ng pamilya, pero hindi ko alam kung paano maghanap ng asawa."Natigilan si Avery. Alam niyang kahit na mahirapan si Hayden, hinding hindi ito hihingi ng tulong sakanya, pero problema niya rin ito. "Paano kaya ganito? Tatawagan ko mamaya ang Auntie Tammy mo. Marami siyang kakilala na mga dalaga, kaya pwede akong magtanong sakanya kung may mairereto siya sayo." Huminga ng malalim si Avery. "Pwede namang mag usap lang kayo, kaya technically, hindi ito matatawag na matchmaking. Ano sa tingin mo?"Sa totoo lang, gusto sanang tumanggi ni Hayden, pe
"Sigurado ka ba na magiging interesado si Hayden sa kung sino man ang ipakilala ni Tammy sakanya? Kung hindi niya magustuhan ang babae na ipakilala ni Tammy, saka nalang tayo hihingi tayo ng tulong kay Lilith." Planado na ni Avery ang lahat. "Pumayag na si Hayden na dito muna hanggang sa pagkatapos ng kasal ni Layla, kaya may sapat siyang oras para makilala ang ilang mga babae."Tumango si Elliot at medyo naguguluhang nagtanong. "Nakakagulat naman yung biglaang pagbabago ng ugali niya. Ano kaya ang nagtulak sa kanya?"Tumango si Avery. "Sa tingin ko, normal lang sa edad niya na mag-isip na ng mga ganito bagay. Hindi naman siya tutol sa ideya ng pagkakaroon ng sariling pamilya at sa tingin ko ay nainspire siya ng sobra sa naging pagpapakasal ni Layla."Natahimik si Elliot at maging siya ay bigla ring naging interesado n tulungan si Hayden na makahanap ng mapapangasawa, pero wala siyang maisip na karapat-dapat na babae para sa panganay niya. "Nabanggit ba niya kung anong tipo ng mga