Kabanata 2865
[Wala po! Bakit niyo po ako tinatanong ng mga ganyan, Mr. Tate? Wag po kayong mag alala, hindi naman po ako hihingi ng leave kahit pa mabuntis ang girlfriend ko. Kayang kaya pa naman po ng mga magulang ko na mag alaga o kaya pwede rin po kaming mag hire ng yaya.]

[Hindi ka na bata, kaya bakit hindi ka pa nagpapakasal?]

Nalito ang assistant sa kakaibang asal ni Hayden kaya bigla siyang kinabahan na baka may nangyaring kung ano rito.

[Mr. Tate, pinepressure ka na ba ng pamilya mo na mag asawa? Akala ko ba hindi nakikialam ang mga magulang mo sa personal mong buhay.]

[Nagpapatutchada na si Mommy.] Sagot ni Hayden.

[Siguro kasi magpapakasal na ang kapatid mo! Kadalasan kasi yung panganay ang nauunang mag asawa.]

[Hindi yan ang tradisyon ng pamilya namin.]

[Sa totoo lang, Mr. Tate, kung ako rin naman po ang Mommy mo, pipilitin na rin kitang mag asawa.]

[???]

[Wala ka pang nakakadate at hindi yan normal kaya kung ako ang Mommy mo, dinala na kita sa ospital para ipacheck up ka.]

Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP